Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
1. Ang Estruktura at Kayarian ng
Wikang Filipino
RYAN S. RODRIGUEZ, MAEd
Katuwang na Propesor I
Camarines Norte State College
2. Gramar at
Linggwistika
Linggwistika/ Linggwistika- ang syensya o pag-aaral ng wika. Sa pag-aaral ng wika
kinikilala ang sumusunod na kaangkinan nito:
1. Balarila - ang pag-aaral hinggil sa wika na kinabibilangan ng
sumusunod:
Palatunugan (Ponolohiya)
Palabuuan (Morpolohiya)
Palaugnayan (Sintaksis)
Palakahulugan (Semantiks)
Implayd na Pagpapakahulugan (Pragmatiks)
Palaugatan (Etimolohiya)
2. Talasalitaan (Leksikon)
3. Palatitikan (Ortograpiya)
4. Panitikan (Literatura)
3. PONOLOHIYA ( Palatunugan )
Maka-agham na pag-aaral ng makahulugang tunog na tinatawag na
ponema.
Pinag-aaralan din dito ang istruktura ng pantig, punto at intonasyon.
Kayang baguhin ng ponema ang kahulugan ng salitang kinapapalooban
nito sa oras na ito ay palitan, kaltasin o dagdagan.
Halimbawa:
o Tala (star) palitan ang ponemang /t/ ng ponemang /b/ bala (bullet)
o Tala (star) palitan ang ponemang /t/ ng ponemang /p/ pala (shovel)
o Tala (star) palitan ang ponemang /t/ ng ponemang /w/ wala (none)
6. Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita
Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng
papalabas na hiningang galing sa baga na siyang
nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siyang
gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o
resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at
guwang ng ilong.Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni
OSCAR) ay may apat nabahaging mahalaga sa pagbigkas ng
mga tunog. 1. Dila at panga ( sa ibaba) 2. Ngipin at labi ( sa
unahan) 3. Matigas na ngala ( sa itaas) 4. Malambot na ngala
( sa likod)
36. Kahulugan ng Pagsasalita
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang
ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita
at ang kinakausap
38. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
tinig
bigkas
tindig
kumpas
kilos
39.
40.
41.
42. Binubuo ng dalawampu’t walong letra (28) ang makabagong Alfabetong
Filipino, lima(5) ang patinig (a, e, i, o, u), at dalawampu’t tatlo (23)
naman ay mga katinig (b, c, d, f, g, h, j, k l, m, n, n, ng, p, q, r, s, t, v, w,
x, y, z).
PONEMANG SEGMENTAL
tawag sa tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa
at mabigkas.
Ang mga ponemang katinig at patinig ang kinikilalang ponemang
segmental dahil kinakatawan ito ng mga simbolong titik.
43. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Isa pang kategorya ng ponema na walang ponemik na simbolo na
kumakatawan sa mga ito subalit may mahalagang papel na ginagampanan
sapagkat kaya nitong baguhin ang kahulugan ng salita gayundin ang
isang pahayag.
1. Tono/Intonasyon – pag-iiba-iba ng tono sa pagbigkas
halimbawa:
a. Asan ka. Kami.
b. Asan ka? Kami?
c. Asan Ka! Kami!
d. Kumain siya kanina.
e. Kumain siya kanina?
44. 2. Haba/ Diin – pagbibigay ng diin sa pagbigkas sa alinmang pantig ng isang
salita na nakapagpapabago ng kahulugang nais iparating ng salita.
halimbawa:
TAla (bituin) vs. taLA (nakasulat)
SAya (damit) vs. saYA (damdamin)
SAMAhan vs. saMAHAN (grupo)
3. Hinto/Antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng nais ihatid.
halimbawa:
a. Doktor Juan Manuel Marquez po ang pangalan ng aming bisita.
b. Doktor, Juan Manuel Marquez po ang pangalan ng aming bisita
c. Doktor Juan, Manuel Marquez po ang pangalan ng aming bisita.
45. KLASTER AT DIPTONGGO
KLASTER – dalawa o higit pang katinig sa loob ng isang pantig –maaari
itong nasa inisyal o pinal na posisyon.
Ayon kina Santiago at Tiangco (2003), karaniwang matatagpuan ang mga
Klaster sa paghihiram ng mga salita sa wikang Ingles.
halimbawa:
istrayp balb dimpols relaks
iskwat kard plaslayt bleyd
sweldo tsek dawntawn pawl
46. DIPTONGGO – tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng
malapatinig na /w/ at /y/.Karaniwan itong makikita
sa huling bahagi ng pantig pero magkaminsan
matatagpuan din sa unang pantig ng salita.
halimbawa:
saliw baboy
baliw /iw/ kahoy /oy/
bitiw taghoy
reyna bahay
bleyd /ey/ buhay /ay/
tanaw sabi’y
sawsaw /aw/ anaki’y /y/
galawgaw kami’y
47. MORPOLOHIYA(Palabuuan)
Isa sa mga sangay ng gramatika na tumutukoy sa maka-agham na pag-
aaral ng morpema ng isang wika at pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng mga salita.
Tumutukoy sa pagbuo ng mga morpema o makabuluhang yunit ng salita
(Aganan et al., 1999)
Morpema ang tawag sa makabuluhang yunit ng salita.
Kinikilala sa morpolohiya ang pagbuo at ugnayan ng mga salita, ang
panloob na istruktura, klasipikasyon at ugnayan ng mga morpema.
3 URI NG MORPEMA
1. Morpemang Ponema -/a/,/o/
halimbawa: Maria vs. Mario
sugalera vs. sugalero
48. 2. Morpemang salitang-ugat- mga payak na salita dahil wala itong
panlapi.
halimbawa: bahay takot kain
akyat gulat tao
ganda bait laki
3. Morpemang Panlapi – mga salitang ikinakabit sa salitang-ugat
unlapi tataas pagkain matao
gitlapi tumaas kumain tumao
hulapi taasan kainan tauhan
kabilaan nagtaasan nagkainan katauhan
laguhan nagtumaasan nagsipagkumainan
49. 2 Uri ng Morpema (Ayon sa estruktura ng pangungusap)
1. Morpemang Leksikal-Morpemang ang kahulugan ay
pangnilalaman. (Pangngalan, Panghalip,
Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay)
halimbawa:
a. Si Clarissa ay maganda at mabait.
b. Hinggil sa eleksyon ang balita kanina.
c. Ang bata ay tumakbo.
2. Morpemang Pangkayarian – mga morpemang walang kahulugan subalit
may mahalagang ginagampanan sa loob ng pangungusap.
(Pang-angkop, Pangatnig, Pang-ukol, Pananda)
a. Tungkol sa kahirapan ang paksa ng talakayan.
b. Ang mga ibon ay may magagarang kulay.
50. Mga Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong Morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang
pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya
ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang
maaaring makaimpluwensya
upang mabago ang anyo ng morpema.
MGA URI:
1. ASIMILASYON – saklaw nito ang mga morpemang
may alomorp gaya ng (pang-), (sing-) atbp.
halimbawa:
(sing-) + kulay = singkulay (pang-) + gastos = panggastos
(sing-) + taas = sintaas (pang-) + laba = panlaba
(sing-) + baho = simbaho (pang-) + bato = pambato
51. b. Asimilasyong ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang
/ng/ ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinundang
ponema.
halimbawa:
(pang-) + punas pampunas pamunas
(pang-) + takbo pantakbo panakbo
2. Pagpalit ng Ponema – ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang
nilalapiang ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng panlapi.
/d/ /r/
Halimbawa:
(ma-) + dami = marami
(ma-) + damot = maramot
52. Ang ponemang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapiang, kapag
hinuhulapian ng (-an) o (-in), ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.
halimbawa:
tawad + (-an) = tawadan tawaran
lipad + (-in) = lipadin liparin
TANDAAN:
May mga pagkakataon na hindi kinakailangang magkapalitan ang gamit
ng /d/ at /r/ sapagkat mababago ang kahulugan.
halimbawa:
madamdamin – puno ng emosyon (full of emotions)
maramdamin – sakitin, balat - sibuyas (sensitive)
53. 3. Metatesis o Paglilipat Ponema – masasabing metatesis ang isang
pagbabago kapag ang salitang - ugat na nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/
ay may gitlaping /-in/.
halimbawa:
linipad nilipad
yinapos niyapos
4. Pagkakaltas Ponema – ang ponemang patinig sa huling pantig ng
salitang – ugat ay nawawala sa dahilang ito’y hinuhulapian.
halimbawa:
takip + (-an) = takipan takpan
palit + (-an) = palitan paltan
Kinakaltas ang ponemang patinig na /i/ subalit walang pagbabagong
naganap sa nais ipakahulugan ng mga salita.
54. 5. Paglilipat-diin – mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.
halimbawa:
bago + (-hin) baguhin
dakot + (-in) dakutin
takas + (-an) takasan
6. Reduksyon o Pag- aangkop – nagaganap ang reduksyon o pag- aangkop
kapag pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng bagong salita.
Nagkakaroon din ng bahagyang pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng
bagong salita.
halimbawa:
kita + mo kitam
hintay + ka teka
sabi + nila anila
55. Ang Gamit ng Gitling
Ginagamit ang Gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:
1. Sa pag - uulit ng salitang-ugat o buong salita.
araw-araw oras-oras buwan-buwan
anu-ano alin-alin pira-piraso
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian
ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay
magkakaroon ng ibang kahulugan.
mag - alis – magalis pang-ako – pangako
nag-isa - nagisa may - ari - mayari
56. 3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsama.
kahoy sa gubat - kahoy - gubat
lakad at takbo - lakad-takbo
balat ng sibuyas - balat-sibuyas
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, tatak o brand ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo.
maka-Diyos maka-Rizal pa-Baguio
maka-Pilipino mag-Honda taga-Luzon
5. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi.
mag-Japan magja-Japan
mag-Coke magco-Coke
mag-zonrox magzo-Zonrox
57. 6. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang
ika-2:00 ng hapon ika-2 Edisyon
ika-11:00 n.u. ika-3 buwan
ika -19 na pahina ika-8 kabanata
7. Kapag isinulat nang panitik ang mga yunit ng fraksyon
5 ¾ = lima’t tatlong- kapat
¼ = isang- kapat
8. Kapag ipinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae sa kanyang
asawa.
Dindin Santiago- Manabat
Korina Sanchez- Roxas
Corazon Calajate- Buo