6. Ponolohiya o Palatunugan
• Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng
wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng
salita o nagbibigay ng pagbabago sa
kahulugan ng mga salita.
• Ang Ponolohiya o Palatunugana ay pag aaral
sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture),
pagtaas - pagbaba ng tinig (pitch), diin (stress)
at pagpapahaba ng tunog
(prolonging/lengthening).
7. • Makabuluhang unit ng tunog na
"nakapagpapabago ng kahulugan" ng
isang salita kapag ang mga tunog ay
pinagsama- sama upang makabuo ng
mga salita.
Ponema
8.
9.
10. • Ang tawag sa nabubuong tunog ng pinagsamang ponemang
katinig at ponemang patinig
Ponemang Segmental
May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang
Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman
ang patinig.
Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod:
b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y
Ang mga patinig naman ay ang:
a,e,i,o,u
11. PonemangKatinig
• Ang mga ponemang katinig ay maiaayos ayon sa
tagpuan bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung
may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito.
Dalawang uri ng Ponemang katinig
• Punto ng Artikulasyon
• Paraan ng Artikulasyon
12. Tagpuan o Puntong Artikulasyon
• Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang
pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig o sa pagbuo ng
tunog, may pitong punto ng artikulasyon:
a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang
mga labi sa pagbigkas ng katinig. /p,b,m,w/
b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping
itaas. /t,d,n/
c. Panggilagid. Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng
dulong dila. /s,l,r/
d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal
ang ibabaw ng punog dila. /y/
e. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na bahagi ng
ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/
13. f. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na
tinatawag na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa
lalamunan ay makadaan. /h/
g. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay
nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig
at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /?/
14. Paraanng Artikulasyono Paraanng Pagbigkas
• Inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit
ang nmga bahagi ng organong pagbigkas o sangkap sa
pagsasalita. Sa pagbigkas ng mga katinig, inilalarawan din
nito kung paano pinalalabas ang hangin hininga sa mga
resonador. Samakatuwid, ang paraan ng
artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng
pagpapalabas ng hangin sa bibig o sa ilong na siyang
ginagamit sa paglikha ng tunog.
15. • Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay mapapangkat
sa anim, gaya ng mga sumusunod:
a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,?,b,d,g/
b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas
dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga
ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang
nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n,
/ng/
c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng
mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s,h/
d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga
gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang
hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang.
/r/
f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila
ay mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/
16.
17. PONEMANGPATINIG
• Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap,
sentral at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng
dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig
na binibigkas nang mataas, gitna at mababa.
Halimbawa:
/a/, /e/, /i/, /o/, /u/
18.
19. . Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig
(a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig.
Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang
patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya‟t
hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa
“aliw” ay diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito
maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan
na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan”
ay a-li-wan at hindi a-liw-an.
Diptonggo
Halimbawa:
aw, iw, ay, ey, iy, oy, at uy
20.
21.
22. • Ang /iy/ sa kami‟y, halimbawa, ayaw tanggapin ng iba
bilang diptonggo sa katwirang dinaglat lamang daw ang
“ay” at ikinabit pagkatapos sa “kami”. Paano raw ang
kudlit („)? Linawain nating hindi binibigkas ang kudlit, na
ang ating pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas.
Pansinin na ang magiging transkripsiyon ng “kami‟y” ay
/kamiy/. Dito ay litaw ang diptonggong /iy/. Kung may
salita tayong maibibigay upang lumitaw ang /ew/at /uw/,
may pagdadaglat mang naganap o wala, tatanggapin
nating diptonggo ang mga ito
Diptonggo
23.
24. • Tono- tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.
- nakukuha ang mensahe ng kausap, nangangaral,
naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-
uutos.
• Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng
salita na may patinig o katinig.
• Diin- tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na
kailangang bigyang diin.
• Antala/ hintol / Pagtigil- saglit na pagtigil.
Ponemang Suprasegmental