Ang pagsulat ay isang proseso ng komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo upang ipahayag ang mensahe ng awtor. Ito ay nangangailangan ng disiplinang mental, teknikal na kaalaman, at pagkamalikhain, at may iba't ibang layunin, gaya ng ekspresibo at transaksyunal. Ang pagsulat ay isang sosial na aktibidad na nakukuha sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at interaksyon sa sosyo-kultural na konteksto.