Ang mga ponemang suprasegmental ay ang mga katangiang prosodic tulad ng tono, haba, diin, at hinto na nagiging batayan ng wastong pagbigkas sa pagsasalita. Ang tono ay nagtutukoy sa taas-baba ng boses habang ang haba at diin ay may kinalaman sa bigkas ng mga patinig at lakas ng bigkas sa pantig. Ang antala naman ay ang saglit na pagtigil na tumutulong sa mas malinaw na komunikasyon.