Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
teoryang top-down. teoryang bottom up. teoryang iskema. teoryang interaktiv. Katangian ng proseso ng masining na pagbasa. Ang aklat at ang halaga sa pagbasa.
grade11 lessson batch 2k16. curriculum of k12
Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
teoryang top-down. teoryang bottom up. teoryang iskema. teoryang interaktiv. Katangian ng proseso ng masining na pagbasa. Ang aklat at ang halaga sa pagbasa.
grade11 lessson batch 2k16. curriculum of k12
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
2. VILLAMIN• 80% na ating ginagawa sa araw-araw ay nauukol sa pagbabasa.
Sa mga daan, binabasa natin ang iba’t ibang uri ng anunsiyo at pangalan ng
mga daan.
Pagpasok natin sa restawrant, binabasa natin ang menu.
Sa paaralan, binabasa natin ang mga aklat na kinapapalooban ng ating mga
aralin.
Kung nais nating malaman ang nangyari sa ating paligid, binabasa natin
ang mga pahayagan.
Kung nais naman nating magpalipas ng oras, nagbabasa ng mga kwento sa
wattpad, mga post sa facebook at twitter o di kaya’y nagbabasa ng magasin.
3. VILLAMIN ET. AL (1998)
• Ang pagbasa ay tumutukoy sa aktibong dayalog na namamagitan
sa may-akda at sa mambabasa.
• Ito ay kasanayang tumutulong sa tao sa pagtuklas ng mga tugon
sa mga katanungang may kaugnayan sa pagkalalang upang
mabatid ang mga hiwaga ng kalikasan at sa pag-unawa sa
realidad ng buhay.
4. KOCH ET. AL (1982)
• Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga simbolong
nakalimbag kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na
simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat.
5. GRAY (1956)
• Ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng
pagkilala sa salita, pag-unawa sa kahulugan ng salita,
pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng
bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman
ng bumabasa.
6. RUBIN (1983)
• Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha ng sa kahulugan ng
nakalimbag na pahina. Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga
mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman, karanasan at
emosyon a kanilang binabasa.
• Ipinaliwanag niya na kapag may sakit o nababalisa ang
mambabasa, naaapektuhan ang proseso ng kanyang
pagpapakahulugan. Ang isang taong may mas malawak na
kaalaman sa binabasa ay nagtatamo ng mas maraming kabatiran
kaysa sa kakaunti ang kaalaman.
8. • Ang pagbabasa ay mahalagang behikulo sa pagtatamo natin ng mga
impormasyon tungkol sa iba’t ibang larangan ng karunungan.
• Sa pamamagitan ng pagbabasa, nasusubaybayan natin ang eksplosyon ng
mga impormasyon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, sosyolohiya,
edukasyon, relihiyon, agrilutura at ng iba pang disiplina ng karunungan.
• Ang pagbabasa ay nagsisilbing libangan natin kapag tayo ay nababagot
o napapagod. May mga pagkakataong gusto nating kumawala sa mga bigat
ng mga pang-araw-araw nating gawain kaya’t napagbabalingan natin ang
pagbabasa.
• Sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa buhay ng mga taong
matagumpay sa napili nilang larangan, nagkakaroon tayo ng motibasyon
at inspirasyong magsikap upang mapaunlad ang ating buhay.
10. SKIMMING
• Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya ng buong teksto.
• Maaaring ang binabasa lamang ay ang una o huling
pangungusap ng bawat talata sapagkat ito karaniwang
matatagpuan ang pangunahing ideya ng talata.
• Sa ganitong uri ng pagbabasa, mahalagang matukoy ang
pangunahing ideya ng bawat talata at pagkatapos ay pagsama-
samahin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalahat.
11. SCANNING
• Ito’y isang uri ng mabilisang pagbasa upang hanapin ang
tiyak na impormasyong gusting makuha mula sa material,
tulad ng paghahanap ng numero ng teleponosa
direktoryo, paghahanap ng katuturan ng salita sa
diksyunaryo, at paghahanap ng tiyak na sagot ng mga
tanong mula sa isang teksto.
12. IDEA READING
• Pagbasa upang makuha ang pangunahing ideya.
• Mabilisang tinitingnan ng mga mata ang mga mahahalagang
parirala at tinutukoy ng mahahalagang salita sa mga pariralang ito.
• Mabilisan ding ginagawa ang desisyon tungkol sa kahalagahan ng
mga iba’t ibang pahiwatig at mabilisang iniuugnay ang mga ito sa
mga ideyang naging bahagi na ng mga nakaraang karanasan.
14. PAGBASANG EXPLORATORY
• Ito ay mapagbasa na naglalayong kumuha ng malinaw na
larawan ng kabuuang presentasyon ng mga ideya.
• Ito ang uri ng pagbasang karaniwang ginagamit sa
pagbasa ng mga artikulo sa magasin, ng mga akdang
pampanitikan o ng mga fiction.
15. STUDY READING
• Sa ganitong uri ng pagbasa, pinag-aaralang mabuti ng
mambabasa ang binabasang materyal upang lubusan niyang
maunawaan ang mga pangunahing ideya at ang
pagkakaugnayan ng mag ito.
• Ito ang uri ng pagbasang karaniwang ginagamit ng mga
mag-aaral sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa mga
asignaturang agham, matematika, araling panlipunan at
sining.
16. MAPANURING PAGBASA
• Hinihingi ng ganitong uri ng pagbasa ang kakayahan ng
mambabasa na makilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa
opinyon, mabatid ang mga propagandang ginamit sa mga
materyal na humihikayat sa mambabasa, makilala ang mga
pagkiling (bias) ng manunulat na nakapaloob sa kanyang
akda, at iba pa.