Unang Bahagi ang mga batayang kaalaman at katangian
ng pagsulat, partikular sa akademikong larangan.
Ipaliliwanag ng mga
babasahin ang tuon at layunin ng akademikong pagsulat,
lalo na sa tipo ng
mga mambabasang tatangkilik nito.
Isa sa pinakamalahalagang gampanin ng
akademikong pagsulat ay ang tungkulin at responsibilidad
ng iskolar na
siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik.
Hindi lamang nararapat na
maunawaan niya ang daynamiks ng mismong pagsulat,
ngunit nararapat rin
niyang mailapat ang mga ito sa isang makabuluhang
proseso ng pagsulat.
Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang
matutunan ang
pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang
Pilipino, ugnay sa iba’t
ibang mga akademikong disiplina sa antas ng
unibersidad.
Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng pagsulat na
masasabing
propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin.
Ang ilan sa mga
ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong
papel, bionote,
abstrak, at buod.
May dalawang pangunahing mga layunin ang mga
babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa
pangangailangan ng mga
mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang
prominenteng mga indibidwal
at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa
lipunang Pilipino. Pagkilala
ito sa nagawa at ginagawa ng mga iskolar na ito, habang
napayayaman ng
mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa mga ito, na
ugnay sa kaniyang
binabasa at pinag-aaralan.
Ikalawa, upang tumugon sa pangangailangan ng
mag-aaral na makasulat ng mga mahahalagang ulat at
impormasyon mula sa
mga lumitaw na diskusyon, at gayundin naman sa
gagawing pagdiskurso.
Walang mag-aaral ang hindi lulubog sa isang pulong
halimbawa, ito man ay
sa pagitan ng kaniyang mga kamag-aral, o kaya ay sa
mga magiging
katrabaho; at ang pagbuo ng isang makabuluhang
talumpati o presentasyon
na ihaharap sa isang panel hinggil sa isang ulat, bubuuing
proyekto o
pananaliksik.
Katangian ng propesyonal na pagsulat ang
pagpapasimple ng mga
komplikadong pahayag. Kinakailangan ang mainam na
pagsasala at
paggamit ng mga salita, nang sa gayon ay hindi
magkaroon ng maling pagunawa
sa babasa ng teksto. Ang estilo ng manunulat ay
kinakailangang
objektiv, direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais
niyang sabihin.
Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na
kung saan may
mga pagkakataong kailangang palalimin at pabulaklakin
pa ang mga
pahayag, ang propesyonal na pagsulat ay
nangangailangan ng malinaw na
direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal
na paraan.
Hindi nakukuha nang agaran ang mga kasanayang
kinakailangan sa
propesyonal na pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa
iba’t ibang mga
katangian na maaaring paglubugan ng mga mag-aaral.
Ilan sa mga ito ay ang
pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis ng mga
impormasyong
kinakailangan, at pagbuo ng mga objektiv na
pagpapahayag. Kadalasan, ang
propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa ekspositoring
pamamaraan, na
nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa
trabaho o pagtatrabaho.
Dalawa sa mga pinakagamiting mga anyo ng propesyonal
na pagsulat
na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang
katitikan ng pulong at
panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang
organisasyon o
kompanya, ang pag-upo sa pulong sa pulong ay bahagi ng pakikiisa hindi
lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t
ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya.
Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat ng mga pinagusapan
sa isang maikli at malinaw na paraan. Sa ganitong pagtingin,
mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng
katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling
pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga
gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng
isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na
rekord sa pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong
dokumento sa mga hindi nakadalo.
Sa isang banda, mahalaga naman ang panukalang
proyekto sa
paglatatag at pagpaplano ng gagawing proyekto. Hindi
lamang ito simpleng
paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto;
bagkus, kinakailangan
nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay
pahintulutan ang
pagsasagawa ng partikular na proyekto. May tatlong
pangunahing layunin ito:
angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang kinakailangang
gawin,
pagpapaliwanag kung bakit ito kailangang gawin, at
panghihikayat sa
mambabasa (o panel) na mayroong sapat na plano,
metodo, pinansya, at
panahon upang isagawa ang proyekto.
Bagaman may kani-kaniyang format ang bawat
organisasyon at
kompanya sa pagsulat ng katitikan ng pulong at
panukalang proyekto,
generic naman ang kinakailangang lamanin ng mga ito.
Mahalaga ang mga
kasanayang ito sa isang mag-aaral, sapagkat pagsasanay
ito sa karanasang
susuungin nila paglabas ng paaralan.
Ipakikita rin ng mga piniling babasahin na maaari pa rin
namang
gamitin ang mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa
mas mataas na
pagtalakay at diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa,
kinakailangang
makalabas na sa kahon ng maikling kwento, nobela, at
pelikula ang binubuod
ng mga mag-aaral. Habang sa pagsulat naman ng
posisyong papel,
kinakailangang masanay ang mga mag-aaral na bumuo
ng sariling mga
argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang
isinasalang-alang
ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. Lampas sa
minimum
competencies na inihanda ng DepEd ang pagsulat ng
papel pananaliksik,
subalit iminumungkahing ito ang maging panghuling
gawain ng mga mag
aaral nang sa gayon ay maisulat nila ang isang
akademikong diskurso na
bunga ng kanilang pananaliksik, bilang paghahanda na rin
sa kalikasan ng
pagsulat sa antas ng unibersidad. Kasama na ang abstrak
bilang bahagi ng
pag-uulat sa papel-pananaliksik, kinakailangang
matutunan ng mga magaaral
ang ganitong anyo ng akademikong pagsulat, nang sa
gayon ay
maipasa at mailathala nila sa hinaharap ang mga
pananaliksik na ito.
Maraming journal sa Filipino ang nag-aabang lamang sa
mga artikulo na
nagmumula sa iba’t ibang mga disiplina.
Habang sa Kabanata 3, apat sa mga anyo ng malikhaing
pagsulat ang
isanama sa mga babasahin: talumpati, lakbay-sanaysay,
replektibong
sanaysay, at piktoryal na sanaysay. May iisang layunin
ang mga tekstong ito:
ang makagbigay ng impormasyon sa isang masidhing
pamamaraan.
Masasabing emosyonal ang ganitong anyo ng pagsulat.
May kalayaan ang
manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o isusulat,
nang sa gayon ay
mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig
o mambabasa.
Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan
ngayon, lalo’t sila ay
kabilang sa tinatawag na milenyal na edad.
Halos lahat na lamang ng
kanilang nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa lahat.
Gamit ang
teknolohiya ng new media, partikular ang internet at
Social Networking Sites,
malaya nilang ipinamamalita sa mundo kung ano man ang
nais nilang
sabihin. Popular halimbawa sa blogosphere ang
pagpapaskil ng mga lakbaysanaysay,
replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay.
Bagaman lubog
at babad na ang mga mag-aaral sa ganitong mga anyo ng
pagsulat,
ipamamalas ng mga babasahin na hindi lamang nararapat
na makulong sa
kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga paksa ng mga
ito, bagkus
kinakailangang umangat pa ito sa mga isyung
pangkultura’t panlipunan. Kahit
pa seryoso o masaya/malungkot ang tinig, hindi nawawala
ang tali ng
emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa
mundo na kanilang
ginagalawan.
Sa kaso ng malikhaing pagsulat, ang hamon ay kung
paano ipapakita
nang bago ang mga dati nang naipakita. o kaya’y kung
paano ipapakita ang
hindi pa naipapakita ng iba. Kadalasan, ekstensyon ng
sarili ang anumang
nabubuong malikhaing sulatin. Interpretasyon ng
manunulat ang mundo na
kaniyang ipinapakita sa kaniyang mga sulatin. Kung
gayon, ang isang
mananaliksik ay nakauunawa na ang isang malikhaing
akda ay binuo ng
mga salitang pinili ng manunulat. Makatagpo man sa akda
ng sensitibong
salita sa paningin ng iba, higit pa dito, ito’y dapat tingnan
sa pagka-akda at
pagka-likhang sining nito.
Matutunghayan sa mga talumpating isinama sa mga
babasahin, ang
pagbanggit at paggigiit sa mga personal na karanasan
bilang
panghabambuhay na aral. Mababasa ang mga
pinagdaanang karanasan sa
buhay na tinitingnan bilang resipi sa tagumpay.
Pinatutunayan ng mga
talumpating ito na kaya ng bawat isang maging
matagumpay, anuman ang
kalagayan sa buhay.
Wala rin namang pinag-iba ito sa mga lakbay-sanaysay
na
nagpapakita ng mga pampersonal na karanasan bilang
lunsaran sa
pagkatuto. Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,”
“Pilipinas/Pilipino” at “ibang
bansa,” ay mailalantad na masasabing normal na diskurso
lamang ng higit pa
sa pampersonal na motibo. Lagpas pa sa mga larawan ng
lugar at pagkain
ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto ng
pagbasa at pag-alam
matapos ang mga hindi malilimutang karanasan ng
paglalakbay.
Samantala, ang mga replektibong sanaysay ay
nakabalangkas sa
talabang sarili-pagkabansa. Paglulugar ang mga
sanaysay na ito ng mga
manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri, identidad,
at pagkabansa.
Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan
bilang tao, at bilang
iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak na
mundo ng tunggalian.
Habang ang mga piktoryal na sanaysay ay nakatuon sa
ilang mga
isyung panlipunan, at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng
pagkabansa.
Aktwal ang mga larawang ginamit nang sa gayon ay
makaugnay ito sa
mismong mga karanasan ng sangkot na mga indibidwal.
Ito ang
pinakamalapit sa sinasabing “paglubog” ng sarili, sa
karanasan ng iba.
Bilang mga Pilipino, mahalaga sa mga mag-aaral ang
makisangkot sa
ba’t ibang isyung pumapaloob sa pagiging Pilipino, at
pagbubuo ng bansa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga babasahing ito,
mas mapalalawak at
mapalalalim pa ang paraan at antas ng repleksyong
ginagawa ng bawat isa.
Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o pelikula ang kailangang
bigyan ng
repleksyon at pag-unawa.
Bagaman magkakaibang kabanata, iisa lamang ang
tunguhin ng
kabanata 4, 5, at 6. Maipakita at maipaunawa sa mag-
aaral ang paggamit sa
wikang Filipino partikular sa pagsulat ng mga pananaliksik
sa iba’t ibang
disiplina. Tinipon ang ilang mga akademikong journal na
gumagamit ng
wikang Filipino sa mga paksang may kinalaman sa
Humanidades, Agham
Panlipunan, at Agham. Patunay at hamon ang mga
babasahin sa mga
kabanatang ito sa lalong pag-iintelektwalisa ng wikang
Filipino. Hamon din
naman ito sa mga mag-aaral na kung ano man ang
disiplina na kanilang
kukunin sa unibersidad, kinakailangang magamit nang sa
gayon ay
mapagyaman pang lalo ang pambansang wika.
May ilang mga anyo ng pagsulat ang nangangailangan pa
talaga ng
masidhing pagpapaunlad. Sa katunayan, sa panahon ng
pangangalap ng
mga exemplar na babasahin para sa seryeng ito,
sinubukang kumalap sa
mga akademikong institusyon sa labas ng Maynila, dahil
sa ang karamihan
ng mga limbag na sanggunian ay pinatatakbo ng
malalaking unibersidad sa
Metro. Napatunayan din naman na may kakulangan pa sa
paggamit at
pagsulat sa wikang Filipino, partikular sa mga
propesyonal na pagsulat.
Samakatuwid, inspirasyon at hamon ang seryeng ito para
sa lahat ng
mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo pang pag-ibayuhin
ang pagpapaunlad
sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa
produksyon ng
kaalaman.
introduksyon.pptx
introduksyon.pptx

introduksyon.pptx

  • 2.
    Unang Bahagi angmga batayang kaalaman at katangian ng pagsulat, partikular sa akademikong larangan. Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at layunin ng akademikong pagsulat, lalo na sa tipo ng mga mambabasang tatangkilik nito.
  • 3.
    Isa sa pinakamalahalaganggampanin ng akademikong pagsulat ay ang tungkulin at responsibilidad ng iskolar na siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik.
  • 4.
    Hindi lamang nararapatna maunawaan niya ang daynamiks ng mismong pagsulat, ngunit nararapat rin niyang mailapat ang mga ito sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat. Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang Pilipino, ugnay sa iba’t ibang mga akademikong disiplina sa antas ng unibersidad.
  • 5.
    Sa Ikalawang Bahagi,ilan sa mga anyo ng pagsulat na masasabing propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang ilan sa mga ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong papel, bionote, abstrak, at buod.
  • 6.
    May dalawang pangunahingmga layunin ang mga babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang prominenteng mga indibidwal at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa lipunang Pilipino. Pagkilala ito sa nagawa at ginagawa ng mga iskolar na ito, habang napayayaman ng mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa mga ito, na ugnay sa kaniyang binabasa at pinag-aaralan.
  • 7.
    Ikalawa, upang tumugonsa pangangailangan ng mag-aaral na makasulat ng mga mahahalagang ulat at impormasyon mula sa mga lumitaw na diskusyon, at gayundin naman sa gagawing pagdiskurso. Walang mag-aaral ang hindi lulubog sa isang pulong halimbawa, ito man ay sa pagitan ng kaniyang mga kamag-aral, o kaya ay sa mga magiging katrabaho; at ang pagbuo ng isang makabuluhang talumpati o presentasyon na ihaharap sa isang panel hinggil sa isang ulat, bubuuing proyekto o pananaliksik.
  • 8.
    Katangian ng propesyonalna pagsulat ang pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag. Kinakailangan ang mainam na pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa gayon ay hindi magkaroon ng maling pagunawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng manunulat ay kinakailangang objektiv, direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin. Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na kung saan may mga pagkakataong kailangang palalimin at pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang propesyonal na pagsulat ay nangangailangan ng malinaw na direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal na paraan.
  • 9.
    Hindi nakukuha nangagaran ang mga kasanayang kinakailangan sa propesyonal na pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa iba’t ibang mga katangian na maaaring paglubugan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis ng mga impormasyong kinakailangan, at pagbuo ng mga objektiv na pagpapahayag. Kadalasan, ang propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa ekspositoring pamamaraan, na nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa trabaho o pagtatrabaho.
  • 10.
    Dalawa sa mgapinakagamiting mga anyo ng propesyonal na pagsulat na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang katitikan ng pulong at panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o
  • 11.
    kompanya, ang pag-uposa pulong sa pulong ay bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat ng mga pinagusapan sa isang maikli at malinaw na paraan. Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa mga hindi nakadalo.
  • 12.
    Sa isang banda,mahalaga naman ang panukalang proyekto sa paglatatag at pagpaplano ng gagawing proyekto. Hindi lamang ito simpleng paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus, kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng partikular na proyekto. May tatlong pangunahing layunin ito: angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang kinakailangang gawin, pagpapaliwanag kung bakit ito kailangang gawin, at panghihikayat sa mambabasa (o panel) na mayroong sapat na plano, metodo, pinansya, at panahon upang isagawa ang proyekto.
  • 13.
    Bagaman may kani-kaniyangformat ang bawat organisasyon at kompanya sa pagsulat ng katitikan ng pulong at panukalang proyekto, generic naman ang kinakailangang lamanin ng mga ito. Mahalaga ang mga kasanayang ito sa isang mag-aaral, sapagkat pagsasanay ito sa karanasang susuungin nila paglabas ng paaralan.
  • 14.
    Ipakikita rin ngmga piniling babasahin na maaari pa rin namang gamitin ang mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa mas mataas na pagtalakay at diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa, kinakailangang makalabas na sa kahon ng maikling kwento, nobela, at pelikula ang binubuod ng mga mag-aaral. Habang sa pagsulat naman ng posisyong papel, kinakailangang masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. Lampas sa minimum competencies na inihanda ng DepEd ang pagsulat ng papel pananaliksik, subalit iminumungkahing ito ang maging panghuling gawain ng mga mag
  • 15.
    aaral nang sagayon ay maisulat nila ang isang akademikong diskurso na bunga ng kanilang pananaliksik, bilang paghahanda na rin sa kalikasan ng pagsulat sa antas ng unibersidad. Kasama na ang abstrak bilang bahagi ng pag-uulat sa papel-pananaliksik, kinakailangang matutunan ng mga magaaral ang ganitong anyo ng akademikong pagsulat, nang sa gayon ay maipasa at mailathala nila sa hinaharap ang mga pananaliksik na ito. Maraming journal sa Filipino ang nag-aabang lamang sa mga artikulo na nagmumula sa iba’t ibang mga disiplina.
  • 16.
    Habang sa Kabanata3, apat sa mga anyo ng malikhaing pagsulat ang isanama sa mga babasahin: talumpati, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. May iisang layunin ang mga tekstong ito: ang makagbigay ng impormasyon sa isang masidhing pamamaraan. Masasabing emosyonal ang ganitong anyo ng pagsulat. May kalayaan ang manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o isusulat, nang sa gayon ay mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig o mambabasa. Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan ngayon, lalo’t sila ay kabilang sa tinatawag na milenyal na edad.
  • 17.
    Halos lahat nalamang ng kanilang nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa lahat. Gamit ang teknolohiya ng new media, partikular ang internet at Social Networking Sites, malaya nilang ipinamamalita sa mundo kung ano man ang nais nilang sabihin. Popular halimbawa sa blogosphere ang pagpapaskil ng mga lakbaysanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. Bagaman lubog at babad na ang mga mag-aaral sa ganitong mga anyo ng pagsulat, ipamamalas ng mga babasahin na hindi lamang nararapat na makulong sa kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga paksa ng mga ito, bagkus kinakailangang umangat pa ito sa mga isyung pangkultura’t panlipunan. Kahit pa seryoso o masaya/malungkot ang tinig, hindi nawawala ang tali ng emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa mundo na kanilang ginagalawan.
  • 18.
    Sa kaso ngmalikhaing pagsulat, ang hamon ay kung paano ipapakita nang bago ang mga dati nang naipakita. o kaya’y kung paano ipapakita ang hindi pa naipapakita ng iba. Kadalasan, ekstensyon ng sarili ang anumang nabubuong malikhaing sulatin. Interpretasyon ng manunulat ang mundo na kaniyang ipinapakita sa kaniyang mga sulatin. Kung gayon, ang isang mananaliksik ay nakauunawa na ang isang malikhaing akda ay binuo ng mga salitang pinili ng manunulat. Makatagpo man sa akda ng sensitibong
  • 19.
    salita sa paninginng iba, higit pa dito, ito’y dapat tingnan sa pagka-akda at pagka-likhang sining nito. Matutunghayan sa mga talumpating isinama sa mga babasahin, ang pagbanggit at paggigiit sa mga personal na karanasan bilang panghabambuhay na aral. Mababasa ang mga pinagdaanang karanasan sa buhay na tinitingnan bilang resipi sa tagumpay. Pinatutunayan ng mga talumpating ito na kaya ng bawat isang maging matagumpay, anuman ang kalagayan sa buhay.
  • 20.
    Wala rin namangpinag-iba ito sa mga lakbay-sanaysay na nagpapakita ng mga pampersonal na karanasan bilang lunsaran sa pagkatuto. Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,” “Pilipinas/Pilipino” at “ibang bansa,” ay mailalantad na masasabing normal na diskurso lamang ng higit pa sa pampersonal na motibo. Lagpas pa sa mga larawan ng lugar at pagkain ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto ng pagbasa at pag-alam matapos ang mga hindi malilimutang karanasan ng paglalakbay.
  • 21.
    Samantala, ang mgareplektibong sanaysay ay nakabalangkas sa talabang sarili-pagkabansa. Paglulugar ang mga sanaysay na ito ng mga manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri, identidad, at pagkabansa. Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan bilang tao, at bilang iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak na mundo ng tunggalian.
  • 22.
    Habang ang mgapiktoryal na sanaysay ay nakatuon sa ilang mga isyung panlipunan, at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng pagkabansa. Aktwal ang mga larawang ginamit nang sa gayon ay makaugnay ito sa mismong mga karanasan ng sangkot na mga indibidwal. Ito ang pinakamalapit sa sinasabing “paglubog” ng sarili, sa karanasan ng iba.
  • 23.
    Bilang mga Pilipino,mahalaga sa mga mag-aaral ang makisangkot sa ba’t ibang isyung pumapaloob sa pagiging Pilipino, at pagbubuo ng bansa. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga babasahing ito, mas mapalalawak at mapalalalim pa ang paraan at antas ng repleksyong ginagawa ng bawat isa. Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o pelikula ang kailangang bigyan ng repleksyon at pag-unawa.
  • 24.
    Bagaman magkakaibang kabanata,iisa lamang ang tunguhin ng kabanata 4, 5, at 6. Maipakita at maipaunawa sa mag- aaral ang paggamit sa wikang Filipino partikular sa pagsulat ng mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Tinipon ang ilang mga akademikong journal na gumagamit ng wikang Filipino sa mga paksang may kinalaman sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham. Patunay at hamon ang mga babasahin sa mga kabanatang ito sa lalong pag-iintelektwalisa ng wikang Filipino. Hamon din naman ito sa mga mag-aaral na kung ano man ang disiplina na kanilang kukunin sa unibersidad, kinakailangang magamit nang sa gayon ay mapagyaman pang lalo ang pambansang wika.
  • 25.
    May ilang mgaanyo ng pagsulat ang nangangailangan pa talaga ng masidhing pagpapaunlad. Sa katunayan, sa panahon ng pangangalap ng mga exemplar na babasahin para sa seryeng ito, sinubukang kumalap sa mga akademikong institusyon sa labas ng Maynila, dahil sa ang karamihan ng mga limbag na sanggunian ay pinatatakbo ng malalaking unibersidad sa Metro. Napatunayan din naman na may kakulangan pa sa paggamit at pagsulat sa wikang Filipino, partikular sa mga propesyonal na pagsulat.
  • 26.
    Samakatuwid, inspirasyon athamon ang seryeng ito para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa produksyon ng kaalaman.