Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYONJela La
TAGAHATID
-ang tagahatid ng mensahe ang pinagmumulan ng mensahe o ang nagpapadala ng mensahe (impormasyon)
-siya din ang nagpapasya kung ano ang layunin niya sa pakikipag-usap
-siya angbumubuo ng mensahe kaya tinatawag din na "enkoder"
-kung ikaw ang tagahatid o ang pinagmumulan ng mensahe dapat lang ay ma "aware" ka kung sino ang kausap at kung ano ang inyong pinag-uusapan upang kayong dalawa ay magkaintindihan
MENSAHE
-ito ang ipinapadala na impormasyon ng tagahatid sa tagatanggap
-maaring masaya, malungkot, impormatibo at iba pa na gustong ipahatid ng tagahatid sa tagatanggap
-ikinokonsidera dito ang katayuan ng isang tao
TSANEL
-ang daluyan ng mensahe
-ikinokonsidera dito kung anong paraan ang gagamitin upang maihatid ang mensahe
-maaring verbal o di-verbal
TAGATANGGAP
-ang pinadadalhan ng mensahe
-ang nag-iinterpret o ang nagbibigay kahulugan sa mga mensahe kaya tinatawag na "dekoder"
GANTING MENSAHE "FEEDBACK"
-proseso ng pagbabalikan ng mensahe, ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
MGA HADLANG "BARRIERS"
1. tagahatid -maaring kinakain ang salita
2. mensahe- kulang ang impormasyon na ipinadala
3. tsanel- example. (kung cellphone ang gamit tapos di nakapag-reply dahil wala ng load. maaring maputol ang komunikason dahil hindi na nakareply ang isa)
4. katayuan ng isang tao- mahalaga na malaman mo ang katayuan ng sang tao upangmalaman mo kung ano ang iyong midyum na gagamitin sa pakikipag-usap
5. lugar- example (maaring sa palengke ay napaka-ingay at ang kaibigan mo ay may sinasabi sa iyo ngunit hindi mo ito narinig kaya wala kang nasagot sa kanya. maaring dahil dito ay hindi makapagpatuloy ang inyong pag-uusap)
6. edad- mahalaga na malaman upang maiangkop ang wikang gagamitin
SITWASYON NG KONTEKSTO
-ang pinakamahala na elemto dahil naapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon
-kinokonsider dito ang lugar na ginaganapan
SISTEMA
-nangangahulugann sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon
-ito ang nagsasabi kung success ba ang o hindi ang inyong pag-uusap.
Kahulugan ng Komunikasyon.
Katuturan at Kahalagahan ng Komunikasyon.
Transaksyunal na proseso ng Komunikasyon.
Mga mabisang panuntunan ng komunikasyon.
Komponents ng komunikasyon.
Uri ng komunikasyon.
Mga antas ng komunikasyon.
Modelo at proseso ng komunikasyon.
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYONJela La
TAGAHATID
-ang tagahatid ng mensahe ang pinagmumulan ng mensahe o ang nagpapadala ng mensahe (impormasyon)
-siya din ang nagpapasya kung ano ang layunin niya sa pakikipag-usap
-siya angbumubuo ng mensahe kaya tinatawag din na "enkoder"
-kung ikaw ang tagahatid o ang pinagmumulan ng mensahe dapat lang ay ma "aware" ka kung sino ang kausap at kung ano ang inyong pinag-uusapan upang kayong dalawa ay magkaintindihan
MENSAHE
-ito ang ipinapadala na impormasyon ng tagahatid sa tagatanggap
-maaring masaya, malungkot, impormatibo at iba pa na gustong ipahatid ng tagahatid sa tagatanggap
-ikinokonsidera dito ang katayuan ng isang tao
TSANEL
-ang daluyan ng mensahe
-ikinokonsidera dito kung anong paraan ang gagamitin upang maihatid ang mensahe
-maaring verbal o di-verbal
TAGATANGGAP
-ang pinadadalhan ng mensahe
-ang nag-iinterpret o ang nagbibigay kahulugan sa mga mensahe kaya tinatawag na "dekoder"
GANTING MENSAHE "FEEDBACK"
-proseso ng pagbabalikan ng mensahe, ang patuloy na paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
MGA HADLANG "BARRIERS"
1. tagahatid -maaring kinakain ang salita
2. mensahe- kulang ang impormasyon na ipinadala
3. tsanel- example. (kung cellphone ang gamit tapos di nakapag-reply dahil wala ng load. maaring maputol ang komunikason dahil hindi na nakareply ang isa)
4. katayuan ng isang tao- mahalaga na malaman mo ang katayuan ng sang tao upangmalaman mo kung ano ang iyong midyum na gagamitin sa pakikipag-usap
5. lugar- example (maaring sa palengke ay napaka-ingay at ang kaibigan mo ay may sinasabi sa iyo ngunit hindi mo ito narinig kaya wala kang nasagot sa kanya. maaring dahil dito ay hindi makapagpatuloy ang inyong pag-uusap)
6. edad- mahalaga na malaman upang maiangkop ang wikang gagamitin
SITWASYON NG KONTEKSTO
-ang pinakamahala na elemto dahil naapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon
-kinokonsider dito ang lugar na ginaganapan
SISTEMA
-nangangahulugann sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon
-ito ang nagsasabi kung success ba ang o hindi ang inyong pag-uusap.
Kahulugan ng Komunikasyon.
Katuturan at Kahalagahan ng Komunikasyon.
Transaksyunal na proseso ng Komunikasyon.
Mga mabisang panuntunan ng komunikasyon.
Komponents ng komunikasyon.
Uri ng komunikasyon.
Mga antas ng komunikasyon.
Modelo at proseso ng komunikasyon.
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto, dahil hindi masasabing pagbasa ang pagsasatunog ng teksto kapag hindi ito naintindihan.
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto, dahil hindi masasabing pagbasa ang pagsasatunog ng teksto kapag hindi ito naintindihan.
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa kahulugan, kahalagahan, layunin at gamit ng makrong Kasanayan partikular na sa pagsasalita at pakikinig. Ipinaliliwanag nito ang ugnayan ng dalawa lalo na sa larangan ng komunikasyon.
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang sematika ay tumutukoy sa pampilosopiya at pang-agham o siyentipikong pagpapakahulugan. Binibigyang halaga ang pagpokus sa pagbibigay kahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa bahagi ng panalita. Ilalahad dito ang kahulugan at kahalagahan nito sa pagbuo ng pangungusap. Bukod pa dito, tatalakayin din ang kahulugan at paraan ng paggamit isang simuno sa pangungusap. Gayundin ang pag-alam sa kahulugan ng panaguri at mga uri nito.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa bahagi ng panalita. Ilalahad dito ang kahulugan at kahalagahan nito sa pagbuo ng pangungusap. Bukod pa dito, tatalakayin din ang kahulugan at paraan ng paggamit isang simuno sa pangungusap. Gayundin ang pag-alam sa kahulugan ng panaguri at mga uri nito.
Sa araling ito, bibigyang halaga ang pag-aaral tungkol sa pabuuan o tinatawag na Morpolohiya. Pag-aaralan dito ang mga uri at anyo ng morpema nang sa gayun ay mas maunawaan ang paraan ng pagbuo ng isang salita. Maging ang distribuysyon ng morpema ay bibigyang linaw dito sa araling ito.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.
Sa araling ito, bibigyang halaga ang pag-aaral tungkol sa pabuuan o tinatawag na Morpolohiya. Pag-aaralan dito ang mga uri at anyo ng morpema nang sa gayun ay mas maunawaan ang paraan ng pagbuo ng isang salita. Maging ang distribuysyon ng morpema ay bibigyang linaw dito sa araling ito.
Ang mga araling ito ay naglalaman ng mga impormasyong batay sa mga salitang itinuturing na hiram mula sa wikang banyaga. Tatalakayin dito ang mga pamantayan sa pag-angkop ng pagsasalin ng mga salita mula sa banyaga at pagtutumbas nito sa wikang Filipino.
Ang paksang ito ay tumatalakay tungkol sa wastong paggamit ng gitling sa isang salita. Nangangailangang mabatid ito, lalo na sa pag-aaral ng balarila ng wikang Filipino upang maiwasan ang maling interpretasyon sa paggamit ng mga gitling sa mga salita at maging sa paggamit ng kudlit.
Ang araling ito ay tumatalakay tungkol sa wastong paggamit ng pagpapantig ng salita. Ipinapakita dito kung papaano papantigin ang salita mula sa hiram na wika o maging sa wikang Filipino nang sa gayun ay mabatid ang wastong pagbaybay ng salita.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa wastong paraan ng pagbaybay ng salita sa anyong papantig o di kaya ay patitik na kaanyuan nito.
Ang paksang ito ay naglalaman ng mga impormasyong tungkol sa komunikasyon. Inilalarawan dito kung bakit kinakailangan at maituturing na mahalaga ang komunikasyon sa lipunan.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga impormasyong tungkol sa dapat tandaan at isaalang-alang kung nagkakaroon ng pagtatangka o makipag-usap sa ating kapwa. Kinakailangan din na taglayin ang ilang mga kakayahan upang magkaroon ng epektibong pakikipagkomunikasyon ng lipunan.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa layunin ng komunikasyon. Itinatampok dito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga salita, hakbangin at tunguhin upang matamo ang mabisang pakikipagkomunikasyon sa kapwa.
More from DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT (20)
1. Bb. DONNA G. DELGADO
Southwestern University –Cebu City
2. Kahulugan At Kahalagahan
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng
mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga
kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa,
nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung
gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang
pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa
at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa
mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May
kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin ay
maaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng
mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto
sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
3. Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng
mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan
sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking
kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig,
pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang
mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng
pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring
sulatin upang maibahagi sa iba.
4. Mga Layunin at Mga Uri ng Pagbasa
1. Skimming o pinaraanang pagbasa
- Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Ginagamit ito sa:
a. Pagpili ng aklat o magasin.
b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago nito basahin
nang tuluyan;
c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
5. Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin sa
isang teksto o kabanata nang mabilisan para magkaroon ng
pangkalahatang ideya sa nilalaman ng material at kasanayan sa
pagkilala ng mga salita upang maunawaan ang isang teksto.
Naisasagawa sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.
6. 2. Scanning
Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon
sa isang pahina. Sa uring ito ng pagbabasa, hindi na hinahangad
na makuha ang kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga Makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Halimbawa:
a. Kung may hinahanap kang particular na pngalan sa
isang direktoryo, tinitingnan mo nang mabilisan ang pahina na
kailangan mo para makita agad ang paryikular na pangalan at
numero ng telepono.
b. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang
diksyunaryo.
7. Mahalagang Kasanayan Sa Pagbasa
1. Pagkuha Ng Pangunahing Ideya
a. Paksang Pangungusap
- sentro o pangunahing/pokus sa
pagpapalawak ng ideya. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa
isang teksto.
b. Ideyang Pansuporta
- mga mahalagang kaisipan o mga susing salita
na may kaugnayan sa paksang pangungusap
2. Pagkilala ng mahalagang impormasyon o detalye
a. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa king ano ang
nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa.
b. Makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto sa
paraan ng pag-oorganisa.
8. 3. Pagsusuri Ng Pagkakabuo O Organisasyon Ng Binasa
4. Pagtukoy Sa Sanhi At Bunga Ng Mga Pangyayari
5. Pagbubuod O Paglalagom Ng Mga Akdang Binasa.
9. Mga Estratehiya sa Epektibong at Interaktibong Pagbasa sa
Filipino
Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay
ng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman (iskema) at
konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay kakikitaan
ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiya
na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.
1. Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa
Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis
Robinson (1970) na
nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite atReview. Ang
estratehiyang ito ay napatunayan nang epektibo upang malinang ang
kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa
mga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham panlipunan at
agham.
10. 2. Survey (Pagsusuri)
- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng
estudyane sa mga malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata,
simula, paksa, at buod.
Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang
binabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang
a. Pagtingin muna sa pamagat
b. Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng
may-akda sa aklat
c. Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
d. Pahapyaw na pagbasa.
11. 3. Question (Pagtatanong)
- Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha
at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa. Ito ay nagiging batayan sa
pagbabalik-aral at bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin
ng mga estudyante ang mga sagot habang sila’y nagbabasa
Mga Hakbang
a. Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago
bumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa.
12. 4. Read (Pagbasa)
- Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak
na layunin sa pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan ang
suliraning lulutasin. Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na
binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.
Mga Hakbang
a. Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng
teksto.
b. Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing
kaisipan
c. Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba
pa. Pagbalangkas sa binasa.
13. 5. Recite (Pagsagot)
- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga
tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi makasagot
ay saka na titingin sa teksto o aklat. Ang sariling sagot sa mga
tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin
pagkatapos ng pagbasa.
- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas
epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga bagong
kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.
Mga Hakbang
a. Pagbuo ng sariling sagot.
b. Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong
kaalaman.
14. 6. Review (Pagbabalik – aral)
- Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa
pag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad. Ang pag-aaral ay hindi
kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang
matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa
sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.
Mga Hakbang
a. Sariling pagsulat
b. Pagsagot sa mga tanong
c. Pagtatalakay
d. Paglalagom
e. Paulit na pagbasa
15. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at
kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong
kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang
pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng
pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.
16. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula samga titik, at
ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at
emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita
ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa
sarili at karanasan.
Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay
pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upang
makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok
sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
17. Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng
pagsulat:
a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan
ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan
sila ng isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan
o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao
ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang
tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan
sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay
sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
18. c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay,
sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-
araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng
mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating
kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
19. Ang Pagsulat Bilang Kasanayan at Proseso
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng
pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay,
pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong
sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at
pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang
blankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang,
nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga
kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing
mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at
Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na
hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D)
Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
20. A. Bago Sumulat (Prewriting)
Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang
unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang
isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o
nang pangkatan.
B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)
Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay
malayang ipinahahayag ng estudyante.
Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na
maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.
Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante
ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang
paglalahad.
21. Pagrebisa
Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga
payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga
nagsuri.
Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya.
Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak
ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.
Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian,
binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
Pag-eedit
Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng
pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-
magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita
ang kaugnay na mga ideya.