Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Ang Pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
Proseso ng Pagsulat, Uri ng Sulatin, Pamantayan ng Mahusay na na Sulatin,
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
Ang Pagsulat
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
Proseso ng Pagsulat, Uri ng Sulatin, Pamantayan ng Mahusay na na Sulatin,
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO.pptx
1. ARALIN 1.2
PAGSULAT SA PILING LARANG
BAITANG 12
PAGSULAT BILANG ISANG KASANAYAN:
Mga Hakbang sa Pagsulat, Uri ng Pagsulat
at Mga Bahagi ng Teksto
2. PAGSULAT BILANG ISANG KASANAYAN
Mga Hakbang sa Pagsulat, Uri ng Pagsulat at Mga Bahagi ng Teksto
ARALIN 1.2
INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
oNailalahad ang sariling kaalaman ukol sa pagsulat.
oNauunawaan ang mahahalagang konsepto kaugnay
ng pagsulat bilang isang kasanayang pangwika.
oNagagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad
ng kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin.
5. Bago Sumulat o Prewriting
Paggawa ng Burador o Drafting
Pagrerebisa o Revising
Pag-eedit o Editing
6. MGA HAKBANG SA PAGSULAT
Ayon kay Bernales et.al (2011), may apat
na yugto sa proseso ng pagsulat.
7. Ito ang panimulang gawain sa proseso ng
pagsulat. Sa yugtong ito nagaganap ang
pagpaplano, pangangalap ng impormasyon,
pagtukoy ng estratehiya at pag-oorganisa ng mga
ideya at datos.
Nagaganap sa prosesong ito ang pakikipag-
usap sa sarili sa pamamagitan ng mga
katanungang nararapat i-konsidera bago
sumulat. Kasama rin sa bahaging ito ang pagbuo
ng balangkas o outline simula sa paksa hanggang
sa mga pansuportang detalye. Ito ang nagsisilbing
kalansay ng sulatin na nagbibigay ng paunang
Bago Sumulat o Prewriting
8. Sa pagsulat ng burador ay inaasahang
susundin ang binuong balangkas para sa bawat
seksyon ng sulatin. Sa bahaging ito sisimulan ang
pagsasalin ng mga datos at mga ideya sa bersyong
preliminari.
Hinihikayat rin sa yugtong ito ang pagsulat
nang mabilis – nang hindi inaalala ang pagpili ng
mga salita, estruktura ng pangungusap, ispeling at
pagbabantas upang hindi maantala ang
momentum sa pagsulat.
Paggawa ng Burador o Drafting
9. Sa yugtong ito nagaganap ang pagpapakinis
ng isinulat sa pamamagitan nang paulit-ulit na
pagbasa, pagsusuri sa estruktura at pag-
oorganisa ng mga pangungusap ng lohikal. Dito
ginagamit ang proseso ng pagdaragdag,
pagbabawas at pagpapalit ng mga ideya upang
mas mapabuti ang dokumento o sulatin.
Pagrerebisa o Revising
10. Ito ang huling yugto sa proseso ng pagsulat
bago maprodyus ang pinal na dokumento. Ang
pagwawasto ng mga piniling salita, ispeling,
grammar, gamit at bantas ay isinasagawa sa
yugtong ito.
Pag-eedit o Editing
12. Ang pabalik-balik na mubment sa proseso ng
pagsulat:
MGA YUGTO NG PROSESO NG PAGSULAT
Prewriting Drafting Revising
Editing
Final Document
Makikita sa ilustrasyon na ang isang propesyonal na manunulat ay maaaring
magpabalik-balik sa iba’t ibang yugto kung iyon ang higit na kailangan upang
mapaganda ang ginagawang sulatin.
13. URI NG PAGSULAT
Maraming gamit ang pagsulat sa ating buhay.
Minsan ito ay kahingian sa atin bilang mga mag-
aaral, pangangailangan sa ating propesyon o
trabaho, o di kaya’y tulong sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.
14. AKADEMIKONG PAGSULAT
(Academic Writing)
Ito ang pagsulat na higit na mahalaga kaysa
sa lahat, sapagkat dito, ang lahat ng kaalaman sa
pagsulat ay hinuhubog, nililinang at pinahuhusay.
Ito ang mga sulating itinuro mula pa sa
elementarya hanggang sa tersarya, maging sa
masterado at doktorado. Kaya naman, itinuturing
na ito ang pinakamataas na antas ng pagsulat
dahil lubos nitong pinayayaman ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan o disiplina
sa akademya o paaralan.
Halimbawa: abstrak, bionote, lakbay sanaysay,
15. TEKNIKAL NA PAGSULAT
(Technical Writing)
Kakaiba ang sulating ito sapagkat
nangangailangan ito ng impormasyong teknikal na
kadalasang ang layunin ay lumutas ng isang
komplikadong suliranin. Kailangan nitong
pagplanuhan kung paanong ang isang bagay o
ideya ay maipatutupad at magtatagumpay. Malaki
ang sakop ng ideya ng ganitong sulatin na
kadalasang nakatutok sa malaking
kapakinabangan, ngunit ang babasa nito ay iyon
lamang may kaugnayan sa ganitong usapin.
16. DYORNALISTIK NA PAGSULAT
(Journalistic Writing)
Ito ay sulating inilaan para sa mga usaping
pamamahayag o pag-uulat ng balita. Kaugnay ng
sulating ito ang pangangalap ng mga datos mula
sa iba’t ibang pangyayari sa lipunan batay sa
masining ngunit makatotohanang pagpapahayag.
Karaniwang ginagawa ang sulating ito ng mga
kilala sa taguring mamamahayag o journalist.
Halimbawa: balita, editoryal, kolum, lathalain
17. REPERENSYAL NA PAGSULAT
(Referential Writing)
Ang sulating ito ay walang ibang layunin
kundi magmungkahi ng iba pang mapagkukunang
kaalaman o sanggunian hinggil sa isang paksa.
Makikita ito sa mga aklat at mga pamanahong
papel, tesis o disertasyon.
Halimbawa: bibliyograpiya, indeks
18. PROPESYONAL NA PAGSULAT
(Professional Writing)
Sa pagsulat na ito ay mailalapat ang mga
natutuhan mo sa akademya na may kaugnayan sa
iyong piniling propesyon. Dito ay susulat ka batay
sa larangan at batay sa kahingian ng iyong
propesyon.
Halimbawa: guro – lesson plan , doctor – medical
analysis
19. MALIKHAING PAGSULAT
(Creative Writing)
Ito naman ang sulatin na punong-puno ng
konsentrasyon at imahinasyon ng manunulat.
Layunin nitong maghatid ng saya at aliw sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw sa
kanilang damdamin at isipan. Ito ay maaaring
bunga ng kathang-isip (non-fiction) o di kaya’y
batay sa tunay na pangyayari (fiction) na
ginagamitan ng masisining na pananalita gaya ng
idyoma, simbolismo at iba pa.
Halimbawa: tula, dula, maikling kwento, nobela,
20. MGA BAHAGI NG TEKSTO
Ang tatlong bahagi ng teksto ay maihahalintulad sa
tatlong mahahalagang bahagi ng katawan.
21. Ang PANIMULA ay mistulang ULO.
ULO
- dito matatagpuan ang mukha ng tao. Ito
ang bahagi ng ating katawan na lagi nating
pinag-uukulan ng mahabang panahon upang
mapanatiling maganda o kaaya-aya. Narito rin
ang utak na naglalaman ng mga ideya o
karunungan ng isang tao.
22. Ang PANIMULA ay mistulang ULO.
PANIMULA
- Maganda, kaaya-aya at pinag-uukulan ng
mahabang panahon upang maisalin nang maayos
ang pangunahing ideya na nais iparating.
- Ito ang nagsisilbing pang-akit sa mga
mambabasa kaya naman napakahalaga ng
bahaging ito.
- Dito inilalahad ang paksa na iikutan ng
teksto na maaaring proposisyon, pahayag hinggil
sa paksa o katwirang papatunayan o
pasisinungalingan.
- Kailangang maging mabisa upang
magkaroon na ng hinuha ang mga mambabasa
ukol sa teksto at ito ang magsisilbing puwersa
23. Ang NILALAMAN ay waring GITNANG
BAHAGI NG KATAWAN NG TAO.
GITNANG BAHAGI NG KATAWAN NG
TAO
- bahaging nagtataglay ng mahahalagang
organ natin sa katawan na may malaking
gampanin sa ating buhay. Narito rin ang puso
na nagbibigay buhay sa atin.
24. Ang NILALAMAN ay waring GITNANG
BAHAGI NG KATAWAN NG TAO.
NILALAMAN
- Itinuturing na pinakamahalaga at
kaluluwa na siyang nagbibigay buhay sa isang
teksto.
- Mula sa nakapanghihikayat na simula,
nararapat na maging maganda ang gitna o
nilalaman ng katawan nito.
- Sa pagsulat nito ay mahalagang
isaalang-alang ang estruktura, nilalaman at
kaayusan nito.
- Ito ang pinakakaluluwa ng anumang
teksto kaya narito ang mga mahahalagang
25. Ang WAKAS ay kapares ng
MGA PAA AT KAMAY
MGA PAA AT KAMAY
- Ito ang mga bahagi ng ating katawan na
nagbibigay sa atin ng kakayahang kumilos,
gumalaw o umakto.
26. Ang WAKAS ay kapares ng
MGA PAA AT KAMAY
WAKAS
- Nararapat na magpakilos o mag-iwan ng
epekto sa mga mambabasa.
- Ito ang pinakahuling bahagi at
pinakabuod ng isang teksto kaya karaniwan
itong maikli, subalit katulad ng simula,
nararapat lamang na maging makatawag-
pansin ang bahaging ito na nag-iiwan ng
kakintalan sa mga mambabasa.
- Magagamit dito ang kasanayan sa
paglalagom at pagbuo ng kongklusyon.
27. Acopra et al. (2016). Akademikong Filipino sa Piling Larangan. Mindshapers Co., Inc.
Constantino et al. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Rex Book Store.
Brandil et al. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at Sining). Vibal Group Inc.
Basilan et al. (2019). Filipino sa Piling Larangan. Unlimited Books Library Services & Publishing Inc.
Dela Cruz, M. (2019). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa Learning Systems
Inc.
SANGGUNIAN