SlideShare a Scribd company logo
1 of 47
MALAKAS ANG LOOB, MAHINA ANG
TUHOD
Aralin 9
Halina, Aking Laura
Halina, Laura’t aking kailangan
Ngayon ang lingap mo nang naunang araw;
Ngayong hinihingi ang iyong pagdamay,
Ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.
At ngayong malaki ang aking dalita
Ay di humahanao ng maraming luha,
Sukat ang kapatak na makaapula,
Kung sa may pagsintang puso mo’y nagmula.
Katawan ko ngayo’y siyasatin,ibig,
Tingni ang sugat kong di gawa ng kalis,
Lugasan ang dugong nanalong sa gitgit
Ng kamay ko, paa’t natataling liig.
Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan,
Ang hindi mong ibig dapyuhang kalawang,
Kalagin ang lubid at iyong bihisan,
Matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan.
Ang mga mata mo’y kung iyong ititig
Dini sa anyo kong sukdulan ng sakit,
Upang di mapigil ang takbong mabilis
Niring abang buhay sa ikapapatid.
Wala na, Laura ikaw na nga lamang
Ang makalulunas niring kahirapan;
Damhin ng kamay mo ang aking katawan
At bangkay man ako’y muling mabubuhay!
Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap!
Wala si Laura’y aking tinatawag!
Napalayu-layo’t di na lumiliyag,
Ipinagkanulo ang sinta kong tapat.
Sa ibang kadunga’y ipinaubaya
Ang puso akin na, at ako’y dinaya,
Buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
Nilimot ang sinta’t sinayang ang luha.
Alin pa ang hirap na di nasa akin?
May kamatayan pang di ko daramdamin?
Ulila sa ama’t sa inang nag-angkin,
Walang kaibiga’t nilimot ng giliw.
Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
Palasong may lasong natirik sa puso;
Habag sa ama ko’y tunod na tumimo,
Ako’y sinusunog niring panibugho.
Ito’y siyang una sa lahat ng hirap,
Pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
Dini sa buhay ko’y siyang nagsasadlak
Sa libangang laan ng masamang palad.
O Konde Adolfo’y inilapat mo man
Sa akin ang hirap ng Sansinukuban,
Ang kabangisan mo’y pinasasalamatan,
Ang puso ni Laura kung hindi inaagaw!
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
Na umaalingawngaw sa loob ng gubat,
Tinatangay ang diwa’t karamdamang hawa
Ng buntong-hininga’t luhang lumagaslas.
Sa puno ng kahoy ay napayukayok
Ang liig ay supil ng lubid na gapos
Bangkay na mistula’t ang kulay na burok
Ang kanyang mukha’y naging puting lubos.
Aralin 10
Aladin, Morong
Tagapagligtas
Talasalitaan
 pika – sibat na ginagamit sa pakikipaglaban
 Adarga – pananggang hugis biluhaba o oblong na
ginagamit na kalasag
 Puryas /furia – mga diyosang malulupit buhat sa
impyerno, binubuo nila Megeras, Tisi Phore at
Alekto
 Marte- diyos ng pakikidigma ng mga Romano, na
pinangalanang Ares ng mga Griyego
Pagkilala sa Tauhna
 Aladin- mandirigmang Moro na anak ni
Sultan Ali Adab ng Persya.
- Nagligtas kay Florante sa bingit ng
kamatayan.
- Kasintahan ni Flerida at
naparusahan ng kanyang amang
Sultan na lisanin ang kanilang bayan.
Pagkilala sa Tauhan
 Flerida - Ang kasintahan ni Aladin na
napusuan ni Sultan Ali Adab. Ang
tumudla kay Adolfo.
-Pumayag sa kagustuhan ni Sultan
Ali Adab na pakasalan ang sultan
kapalit sa paglaya ni Aladin.
Nagkataong siyang pagdating sa gubat
Ng isang generong bayani ang tikas,
Putong na turbante ay kalingas-lingas,
Pananamit Moro sa Persyang siyudad.
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
Anaki’y ninitang pagpapahingahan,
Di-kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan
Ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay.
Saka tumingala’t mata’y itinitik
Sa bubong ng kahoy na takip sa langit,
Estatuwa manding nakatayo’y umid,
Ang buntong-hininga niya’y walang patid.
Nang madamdam-ngawit sa pagayong anyo,
Sa puno ng isang kahoy ay umupo,
Nagwikang “ O palad” sabay ang pagtulo
Sa mata ng luhang anaki’y palaso.
Ulo’y ipinatanong sa kaliwang kamay
At saka tinutop ang noo ng kanan,
Isang mahalagang nalimutang bagay,
anaki’y mayroon ginugunamgunam.
Malao’y humilig,nagwalang-bahala,
Di rin kumakati ang batis ng luha,
Sa madlang himutok ay kasalamuha
Ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!”
Sa balang sandali ay sinasabugan
Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay!
Na nakikitono sa himig mapanglaw
Ng panggabing ibon doo’y nagtatahan
Mapamaya-maya’y nagbangong nagulat
Tiningnan ang pika’t sampu ng kalasag
Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas
Di ko itutulot, ang ipinahayag.
At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
At di ang ama kong dapat na igalang,
Hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y
Bubuga ang libo’t laksang kamatayan.
Bababa si Marte mula sa itaas
At sa kalalima’y aahon ang Parkas,
Buong galit nila ay ibubulalas
Yayakagin niring kamay kong marahas.
Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
Ang kabiyak niring kaluluwang angkin
Liban na kay ama, ang sinuma’t alin
Ay di igagalang ng tangang patalim.
O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod ka lamang.
At yuyurakan na ang lalong dakilam
Bait, katwira’y ipanganganyaya,
Buong katungkula’y wawaling-bahala,
Sampu ng hininga’y ipauubaya.
Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
Salaming malinaw na sukat mahalin
Ng makatatatap, nang hindi sapitin
Ang kahirapan kong di makayang bathin.
Aralin 11
Duke Briseo,
Mapagtangkilik na
Ama
Pagpapakilala ng Tauhan
 Duke Briseo
- Siya ang ama ni Florante at tagapayo ng hari
ng Albanya.Para kay Florante, walang kaparis ang
kanyang amang Duke Briseo. Nagpapahiwatig ito ng
malalim na pagmamahal ng anak sa kanyang ama.
- Natapos ang buhay niya dahil sa kasamaan at
pagpapasakit na inihatid ni Konde Adolfo. Labis ang
naging paghihirap sa kanya. Pinugutan siya ng ulo
at walang makapaglakas ng loob na maglibing sa
kanyang bangkay.
Sa nawikang ito luha’y pinaagos,
Pika’y isinaksak saka naghimutok;
Nagkataon namang parang isinagot
Ang buntung-hinga niyong nagagapos.
Gerero’y namangha nang ito’y marinig,
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
Nang walang makita’y hinintay umulit,
Di naman nalao’y nagbangong humibik.
Ang bayaning Moro’y lalo nang napamaang.
Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?
Lumapit sa dakong pinanggalingan
Ng buntung-hininga’t pinakimatyagan.
Inabutan niya’y ang ganitong hibik;
Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
Ako’y inulila sa gitna ng sakit?
Kung sa gunita’y ko’y pagkuru-kuruin
Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
Parang nakikita ang iyong narating…
Parusang marahas na kalagim-lagim.
At alin ang hirap na di ikakapit
Sa iyo nh Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait,
Pagbubuntunan ka ng malaking galit.
Katawan mo ama’y parang namamalas
Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
Pinipisan-pisan at iwinawalat
Ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukob.
Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,
Kamay at katawang nalayo sa ulo,
Ipinaghagisan niyong mga lilo
At walang maawang maglibing na tao.
Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan,
Kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway;
Ang di nagsaiyo’y natatakot naman
Bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.
Hanggang dito ama’y aking naririnig,
Nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis;
Ang panambitan mo’t dalangin sa langit,
Na ako’y maligtas sa kukong malupit.
Ninanasa mo pang ako’y matabunan
Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
Nang huwag mahulog sa panirang kamay,
Ng Kondeng Adolfong higit sa halimaw.
Pananalangin mo’y di pa nagaganap,
Sa lilig mo’y biglang nahulog ang tabak;
Nanaw sa bibig mong huling pangungusap
Ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas.
Ay, Amang-ama ko! Kung magunamgunam
Madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
Ipinapalaso ng kapighatian
Luha niring pusong sa mata’y nunukal.
Walang ikalawang ama ka sa lupa
Sa anak na kandong ng pag-aaruga;
Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
Sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,
Sampu niring buhay ay naging hilahil;
Ama ko’y hindi na malaong hihintin
Ako’t sa payapang baya’y yayakapin.
Sandaling tumigil itong nananangis,
Binigyang panahong luha’y tumagistis
Niyong naaawang Morong nakikinig
Sa habag ay halos magputok ang dibdib.
Tinutop ang puso at saka nagsaysay;
Kailang, aniya luha ko’y bubukal
Ng habag kay Ama at panghihinayang,
Para ng panaghoy ng nananambitan.
Sa sintang inagaw ang itinatangis
Dahilan ng aking luhang nagbabatis;
Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig,
Sa amang namatay na mapagtangkilik.
Kung ang walang patid na ibinabaha
Ng mga mata ko’y sa hinayang mula,
Sa mga palayaw ni Ama’r aruga,
Malaking palad ko’t matamis na luha.
Ngunit ang nananahang maralitang tubig
Sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig,
Kay Ama nga galing datapwat sa bangis,
Hindi sa andukha at pagtatangkilik.
Ang matatawag kong palayaw sa akin
Ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin,
Agawan ng sinta’t panasa-nasaing
Lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
May para kong anak na napanganyaya,
Ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha,
Hindi nakalasap kahit munting tuwa
Sa masintang inang pagdaka’y nawala!
Aralin 12
Sina Florante at
Aladin sa Harap
ng Panganib
Napahinto rito’y narinig na muli
Ang panambitan niyong natatali,
Na ang wika’y- Laurang aliw niring budhi,
Paalam ang abang kandong ng pighati!
Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
Sa harap ng di mo esposong katipan,
At huwag mong datnin yaring kinaratnan,
Ng kasing nilimot at pinagliluhan.
Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim,
At kung mangyayari, hanggang sa malibing
Ang mga buto ko, kita’y sisintahin.
Di pa natatapos itong pangungusap,
May dalawang leong hangos nang paglakad
Siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad,
Ngunit nangatigil pagdating sa harap.
Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis
Sa abang sisil-ing larawan ng sakit,
Nangakatingala’t parang nakikinig
Sa di lumilikat na tinatangis-ngis.
Anong loob kaya nitong nakagapos,
Ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
Na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog,
Isang kamatayang kakila-kilabot!
Di ko masabi’t luha ko’y nanatak,
Nauumid yaring dilang nagungusap,
Puso’y nanlalambot sa malaking habag,
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.
Sinong di mahapis na may karamdaman
Sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay,
Liposo ng pighati saka tinutunghan,
Sa laman at buto niya ang hihimay.
Katiwala na nga itong tigib sakit
Na ang buhay niya’y tuntong na sa guhit
Nilagnat ang puso’t nasira ang boses,
Di na mawatasan halos itong hibik.
Paalam Albanyang pinamamayanan
Ng kasam-a’t lupit, bangis,kaliluhan;
Akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,
Sa iyo’y malaki ang panghihinayang.
Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik
Ang panirang talim ng katalong kalis;
Magka-espada kang para nang binitbit
Niring kinuta mong kanang matangkilik.
Kinasuklaman mo ang ipinangakong
Sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo;
At inibig mo pang hayop ang magbubo
Sa kung ipagtanggol ka’y maubos tumulo.
Pagkabata ko na’y walang inadhika
Kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga;
Di makailan kang babal-ing masira,
Ang mga kamay ko’y siyang tumimawa.
Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
Datapuwat sa iyo’y magpapasalamat
Kung pakamahali’t huwag ipahamak
Ang tinatangisang giliw na nagsukab.
Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
Ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;
Paalam, bayan ko, paalam na, ibig,
Magdarayang sintang di mananaw sa isip!
Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
At masusunod na sa akin ang nasa.
Nasa harap ko ang lalong marawal,
Mabangis na lubhang lahing kamatayan;
Malulubos na nga ang inyong kasam-an;
Gayundin ang aking kaalipustahan.
Sa abang-aba ko, diyata, O Laura…
Mamamatay ako’y hindi mo na sinta!
Ito ang mapait sa lahat ng dusa
Sa akin ay sino’ng mag-aalaala?
Diyata’t ang aking pagkapanganyaya,
Di mo tatapunan ng katulong luha!
Kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala,
Di babahaginan ng munting gunita?
Guniguning ito’y lubhang makamandag,
Agos na, luha ko’t puso’y maaagnas,
Tulo,kaluluwa’t sa mata’y pumulas,
Kayo, aking dugo’y mag-unahang matak.
Nang matumbasan ko ng luha ang sakit
Nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
Huwag yaring buhay ang siyang itangis,
Kundi ang pagsintang lubos na naamis.
Gawain
Panuto
 Gamit ang akrostik, ilarawan
ang iyong ama.Pumili ng isang
katawagang iyong ginagamit,
halimbawa, “itay, papa, o
daddy”. Sundin ang gabay sa
ibaba.
Halimbawa
A- ktibo sa simbahan
M-asipag
A- lagang-alaga ang pamilya

More Related Content

What's hot

Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigMga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigtemarieshinobi
 
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigAralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigSMAP Honesty
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)SCPS
 
Denonatibo at kononatibo
Denonatibo at kononatiboDenonatibo at kononatibo
Denonatibo at kononatiboyette0102
 
Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Love Bordamonte
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosAi Sama
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxKristelleMaeAbarco3
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesusSanji Zumoruki
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at LauraSCPS
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasLove Bordamonte
 
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhanMga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhanLuvyankaPolistico
 
unang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdigunang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdigJanet David
 
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. Sibilisasyon
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. SibilisasyonAthens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. Sibilisasyon
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. SibilisasyonSophia Marie Verdeflor
 

What's hot (20)

Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Rebolusyong Pranses
Rebolusyong PransesRebolusyong Pranses
Rebolusyong Pranses
 
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigMga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
 
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdigAralin 11 unang digmaang pandaigdig
Aralin 11 unang digmaang pandaigdig
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)
 
Florante at laura buod
Florante at laura buodFlorante at laura buod
Florante at laura buod
 
Denonatibo at kononatibo
Denonatibo at kononatiboDenonatibo at kononatibo
Denonatibo at kononatibo
 
Alaala ni laura
Alaala ni lauraAlaala ni laura
Alaala ni laura
 
Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
 
Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses
 
Imperyo ng Mali
Imperyo ng MaliImperyo ng Mali
Imperyo ng Mali
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
 
Salik Ng Produksyon
Salik Ng ProduksyonSalik Ng Produksyon
Salik Ng Produksyon
 
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhanMga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
 
unang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdigunang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdig
 
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. Sibilisasyon
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. SibilisasyonAthens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. Sibilisasyon
Athens vs. Sparta; Minoan vs. Mycenaean & Kabihasnan vs. Sibilisasyon
 

Viewers also liked

Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionAira Fhae
 
Mga Uri ng Pagtatanong
Mga Uri ng PagtatanongMga Uri ng Pagtatanong
Mga Uri ng PagtatanongMckoi M
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatMerland Mabait
 
Mga uri ng teksto
Mga uri ng tekstoMga uri ng teksto
Mga uri ng tekstoshekainalea
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleNico Granada
 

Viewers also liked (12)

Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Decklamasyon
DecklamasyonDecklamasyon
Decklamasyon
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Tekstong informativ
Tekstong informativTekstong informativ
Tekstong informativ
 
Proseso ng pagsulat
Proseso ng pagsulatProseso ng pagsulat
Proseso ng pagsulat
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng komposition
 
Layunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -FilipinoLayunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -Filipino
 
Mga Uri ng Pagtatanong
Mga Uri ng PagtatanongMga Uri ng Pagtatanong
Mga Uri ng Pagtatanong
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
 
Mga uri ng teksto
Mga uri ng tekstoMga uri ng teksto
Mga uri ng teksto
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 

Similar to Florante at luara

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at lauraCj Obando
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxKimberlyLaluan
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisanSanji Zumoruki
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanDepEd
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusBay Max
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxRechelleIvyBabaylan2
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxrommel geanga
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)HUDCC
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santoskiichigoness
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Liezel Ann Aguilar
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laurahighdrome
 

Similar to Florante at luara (20)

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Huling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyakHuling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyak
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 
Explore grade 7
Explore grade 7Explore grade 7
Explore grade 7
 
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdfMi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
 
Shanne
ShanneShanne
Shanne
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santos
 
Kay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptxKay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptx
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Pahina.pdf
Pahina.pdfPahina.pdf
Pahina.pdf
 

More from shekainalea

Ang sining ng pagkukuwento
Ang sining ng pagkukuwentoAng sining ng pagkukuwento
Ang sining ng pagkukuwentoshekainalea
 
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayan
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at  sabayanAng sining ng pagbigkas ng isahan at  sabayan
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayanshekainalea
 
Pagtuturo at Pagkatuto
Pagtuturo at PagkatutoPagtuturo at Pagkatuto
Pagtuturo at Pagkatutoshekainalea
 
Kagamitang panturo
Kagamitang panturoKagamitang panturo
Kagamitang panturoshekainalea
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatshekainalea
 
Tuntunin sa-paggamit-ng-kamera
Tuntunin sa-paggamit-ng-kameraTuntunin sa-paggamit-ng-kamera
Tuntunin sa-paggamit-ng-kamerashekainalea
 
Pag uulo-ng-balita
Pag uulo-ng-balitaPag uulo-ng-balita
Pag uulo-ng-balitashekainalea
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoshekainalea
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalshekainalea
 
Teoryang Imahismo
Teoryang ImahismoTeoryang Imahismo
Teoryang Imahismoshekainalea
 
ang sining ng pagbasa
   ang sining ng pagbasa   ang sining ng pagbasa
ang sining ng pagbasashekainalea
 

More from shekainalea (13)

Ang sining ng pagkukuwento
Ang sining ng pagkukuwentoAng sining ng pagkukuwento
Ang sining ng pagkukuwento
 
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayan
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at  sabayanAng sining ng pagbigkas ng isahan at  sabayan
Ang sining ng pagbigkas ng isahan at sabayan
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Pagtuturo at Pagkatuto
Pagtuturo at PagkatutoPagtuturo at Pagkatuto
Pagtuturo at Pagkatuto
 
Kagamitang panturo
Kagamitang panturoKagamitang panturo
Kagamitang panturo
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
 
Tuntunin sa-paggamit-ng-kamera
Tuntunin sa-paggamit-ng-kameraTuntunin sa-paggamit-ng-kamera
Tuntunin sa-paggamit-ng-kamera
 
Pag uulo-ng-balita
Pag uulo-ng-balitaPag uulo-ng-balita
Pag uulo-ng-balita
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipino
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Teoryang Imahismo
Teoryang ImahismoTeoryang Imahismo
Teoryang Imahismo
 
ang sining ng pagbasa
   ang sining ng pagbasa   ang sining ng pagbasa
ang sining ng pagbasa
 

Recently uploaded

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 

Recently uploaded (20)

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 

Florante at luara

  • 1. MALAKAS ANG LOOB, MAHINA ANG TUHOD Aralin 9 Halina, Aking Laura
  • 2. Halina, Laura’t aking kailangan Ngayon ang lingap mo nang naunang araw; Ngayong hinihingi ang iyong pagdamay, Ang abang sinta mo’y nasa kamatayan. At ngayong malaki ang aking dalita Ay di humahanao ng maraming luha, Sukat ang kapatak na makaapula, Kung sa may pagsintang puso mo’y nagmula.
  • 3. Katawan ko ngayo’y siyasatin,ibig, Tingni ang sugat kong di gawa ng kalis, Lugasan ang dugong nanalong sa gitgit Ng kamay ko, paa’t natataling liig. Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan, Ang hindi mong ibig dapyuhang kalawang, Kalagin ang lubid at iyong bihisan, Matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan.
  • 4. Ang mga mata mo’y kung iyong ititig Dini sa anyo kong sukdulan ng sakit, Upang di mapigil ang takbong mabilis Niring abang buhay sa ikapapatid. Wala na, Laura ikaw na nga lamang Ang makalulunas niring kahirapan; Damhin ng kamay mo ang aking katawan At bangkay man ako’y muling mabubuhay!
  • 5. Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap! Wala si Laura’y aking tinatawag! Napalayu-layo’t di na lumiliyag, Ipinagkanulo ang sinta kong tapat. Sa ibang kadunga’y ipinaubaya Ang puso akin na, at ako’y dinaya, Buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya, Nilimot ang sinta’t sinayang ang luha.
  • 6. Alin pa ang hirap na di nasa akin? May kamatayan pang di ko daramdamin? Ulila sa ama’t sa inang nag-angkin, Walang kaibiga’t nilimot ng giliw. Dusa sa puri kong kusang siniphayo, Palasong may lasong natirik sa puso; Habag sa ama ko’y tunod na tumimo, Ako’y sinusunog niring panibugho.
  • 7. Ito’y siyang una sa lahat ng hirap, Pagdaya ni Laura ang kumakamandag; Dini sa buhay ko’y siyang nagsasadlak Sa libangang laan ng masamang palad. O Konde Adolfo’y inilapat mo man Sa akin ang hirap ng Sansinukuban, Ang kabangisan mo’y pinasasalamatan, Ang puso ni Laura kung hindi inaagaw!
  • 8. Dito naghimutok nang kasindak-sindak Na umaalingawngaw sa loob ng gubat, Tinatangay ang diwa’t karamdamang hawa Ng buntong-hininga’t luhang lumagaslas. Sa puno ng kahoy ay napayukayok Ang liig ay supil ng lubid na gapos Bangkay na mistula’t ang kulay na burok Ang kanyang mukha’y naging puting lubos.
  • 10. Talasalitaan  pika – sibat na ginagamit sa pakikipaglaban  Adarga – pananggang hugis biluhaba o oblong na ginagamit na kalasag  Puryas /furia – mga diyosang malulupit buhat sa impyerno, binubuo nila Megeras, Tisi Phore at Alekto  Marte- diyos ng pakikidigma ng mga Romano, na pinangalanang Ares ng mga Griyego
  • 11. Pagkilala sa Tauhna  Aladin- mandirigmang Moro na anak ni Sultan Ali Adab ng Persya. - Nagligtas kay Florante sa bingit ng kamatayan. - Kasintahan ni Flerida at naparusahan ng kanyang amang Sultan na lisanin ang kanilang bayan.
  • 12. Pagkilala sa Tauhan  Flerida - Ang kasintahan ni Aladin na napusuan ni Sultan Ali Adab. Ang tumudla kay Adolfo. -Pumayag sa kagustuhan ni Sultan Ali Adab na pakasalan ang sultan kapalit sa paglaya ni Aladin.
  • 13. Nagkataong siyang pagdating sa gubat Ng isang generong bayani ang tikas, Putong na turbante ay kalingas-lingas, Pananamit Moro sa Persyang siyudad. Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, Anaki’y ninitang pagpapahingahan, Di-kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan Ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay.
  • 14. Saka tumingala’t mata’y itinitik Sa bubong ng kahoy na takip sa langit, Estatuwa manding nakatayo’y umid, Ang buntong-hininga niya’y walang patid. Nang madamdam-ngawit sa pagayong anyo, Sa puno ng isang kahoy ay umupo, Nagwikang “ O palad” sabay ang pagtulo Sa mata ng luhang anaki’y palaso.
  • 15. Ulo’y ipinatanong sa kaliwang kamay At saka tinutop ang noo ng kanan, Isang mahalagang nalimutang bagay, anaki’y mayroon ginugunamgunam. Malao’y humilig,nagwalang-bahala, Di rin kumakati ang batis ng luha, Sa madlang himutok ay kasalamuha Ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!”
  • 16. Sa balang sandali ay sinasabugan Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay! Na nakikitono sa himig mapanglaw Ng panggabing ibon doo’y nagtatahan Mapamaya-maya’y nagbangong nagulat Tiningnan ang pika’t sampu ng kalasag Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas Di ko itutulot, ang ipinahayag.
  • 17. At kung kay Flerida’y iba ang umagaw At di ang ama kong dapat na igalang, Hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y Bubuga ang libo’t laksang kamatayan. Bababa si Marte mula sa itaas At sa kalalima’y aahon ang Parkas, Buong galit nila ay ibubulalas Yayakagin niring kamay kong marahas.
  • 18. Sa kuko ng lilo’y aking aagawin Ang kabiyak niring kaluluwang angkin Liban na kay ama, ang sinuma’t alin Ay di igagalang ng tangang patalim. O pagsintang labis ang kapangyarihan Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, Hahamaking lahat masunod ka lamang.
  • 19. At yuyurakan na ang lalong dakilam Bait, katwira’y ipanganganyaya, Buong katungkula’y wawaling-bahala, Sampu ng hininga’y ipauubaya. Itong kinaratnan ng palad kong linsil, Salaming malinaw na sukat mahalin Ng makatatatap, nang hindi sapitin Ang kahirapan kong di makayang bathin.
  • 21. Pagpapakilala ng Tauhan  Duke Briseo - Siya ang ama ni Florante at tagapayo ng hari ng Albanya.Para kay Florante, walang kaparis ang kanyang amang Duke Briseo. Nagpapahiwatig ito ng malalim na pagmamahal ng anak sa kanyang ama. - Natapos ang buhay niya dahil sa kasamaan at pagpapasakit na inihatid ni Konde Adolfo. Labis ang naging paghihirap sa kanya. Pinugutan siya ng ulo at walang makapaglakas ng loob na maglibing sa kanyang bangkay.
  • 22. Sa nawikang ito luha’y pinaagos, Pika’y isinaksak saka naghimutok; Nagkataon namang parang isinagot Ang buntung-hinga niyong nagagapos. Gerero’y namangha nang ito’y marinig, Pinagbaling-baling sa gubat ang titig; Nang walang makita’y hinintay umulit, Di naman nalao’y nagbangong humibik.
  • 23. Ang bayaning Moro’y lalo nang napamaang. Sinong nananaghoy sa ganitong ilang? Lumapit sa dakong pinanggalingan Ng buntung-hininga’t pinakimatyagan. Inabutan niya’y ang ganitong hibik; Ay, mapagkandiling amang iniibig! Bakit ang buhay mo’y naunang napatid, Ako’y inulila sa gitna ng sakit?
  • 24. Kung sa gunita’y ko’y pagkuru-kuruin Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, Parang nakikita ang iyong narating… Parusang marahas na kalagim-lagim. At alin ang hirap na di ikakapit Sa iyo nh Konde Adolfong malupit? Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait, Pagbubuntunan ka ng malaking galit.
  • 25. Katawan mo ama’y parang namamalas Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap; Pinipisan-pisan at iwinawalat Ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukob. Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto, Kamay at katawang nalayo sa ulo, Ipinaghagisan niyong mga lilo At walang maawang maglibing na tao.
  • 26. Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan, Kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway; Ang di nagsaiyo’y natatakot naman Bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan. Hanggang dito ama’y aking naririnig, Nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis; Ang panambitan mo’t dalangin sa langit, Na ako’y maligtas sa kukong malupit.
  • 27. Ninanasa mo pang ako’y matabunan Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan, Nang huwag mahulog sa panirang kamay, Ng Kondeng Adolfong higit sa halimaw. Pananalangin mo’y di pa nagaganap, Sa lilig mo’y biglang nahulog ang tabak; Nanaw sa bibig mong huling pangungusap Ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas.
  • 28. Ay, Amang-ama ko! Kung magunamgunam Madla mong pag-irog at pagpapalayaw, Ipinapalaso ng kapighatian Luha niring pusong sa mata’y nunukal. Walang ikalawang ama ka sa lupa Sa anak na kandong ng pag-aaruga; Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha, Sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
  • 29. Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin, Sampu niring buhay ay naging hilahil; Ama ko’y hindi na malaong hihintin Ako’t sa payapang baya’y yayakapin. Sandaling tumigil itong nananangis, Binigyang panahong luha’y tumagistis Niyong naaawang Morong nakikinig Sa habag ay halos magputok ang dibdib.
  • 30. Tinutop ang puso at saka nagsaysay; Kailang, aniya luha ko’y bubukal Ng habag kay Ama at panghihinayang, Para ng panaghoy ng nananambitan. Sa sintang inagaw ang itinatangis Dahilan ng aking luhang nagbabatis; Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig, Sa amang namatay na mapagtangkilik.
  • 31. Kung ang walang patid na ibinabaha Ng mga mata ko’y sa hinayang mula, Sa mga palayaw ni Ama’r aruga, Malaking palad ko’t matamis na luha. Ngunit ang nananahang maralitang tubig Sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig, Kay Ama nga galing datapwat sa bangis, Hindi sa andukha at pagtatangkilik.
  • 32. Ang matatawag kong palayaw sa akin Ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin, Agawan ng sinta’t panasa-nasaing Lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil. May para kong anak na napanganyaya, Ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha, Hindi nakalasap kahit munting tuwa Sa masintang inang pagdaka’y nawala!
  • 33. Aralin 12 Sina Florante at Aladin sa Harap ng Panganib
  • 34. Napahinto rito’y narinig na muli Ang panambitan niyong natatali, Na ang wika’y- Laurang aliw niring budhi, Paalam ang abang kandong ng pighati! Lumagi ka nawa sa kaligayahan, Sa harap ng di mo esposong katipan, At huwag mong datnin yaring kinaratnan, Ng kasing nilimot at pinagliluhan.
  • 35. Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, Mahal ka ring lubha dini sa panimdim, At kung mangyayari, hanggang sa malibing Ang mga buto ko, kita’y sisintahin. Di pa natatapos itong pangungusap, May dalawang leong hangos nang paglakad Siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad, Ngunit nangatigil pagdating sa harap.
  • 36. Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis Sa abang sisil-ing larawan ng sakit, Nangakatingala’t parang nakikinig Sa di lumilikat na tinatangis-ngis. Anong loob kaya nitong nakagapos, Ngayong nasa harap ng dalawang hayop, Na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog, Isang kamatayang kakila-kilabot!
  • 37. Di ko masabi’t luha ko’y nanatak, Nauumid yaring dilang nagungusap, Puso’y nanlalambot sa malaking habag, Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap. Sinong di mahapis na may karamdaman Sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay, Liposo ng pighati saka tinutunghan, Sa laman at buto niya ang hihimay.
  • 38. Katiwala na nga itong tigib sakit Na ang buhay niya’y tuntong na sa guhit Nilagnat ang puso’t nasira ang boses, Di na mawatasan halos itong hibik. Paalam Albanyang pinamamayanan Ng kasam-a’t lupit, bangis,kaliluhan; Akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay, Sa iyo’y malaki ang panghihinayang.
  • 39. Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik Ang panirang talim ng katalong kalis; Magka-espada kang para nang binitbit Niring kinuta mong kanang matangkilik. Kinasuklaman mo ang ipinangakong Sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo; At inibig mo pang hayop ang magbubo Sa kung ipagtanggol ka’y maubos tumulo.
  • 40. Pagkabata ko na’y walang inadhika Kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga; Di makailan kang babal-ing masira, Ang mga kamay ko’y siyang tumimawa. Dustang kamatayan ang bihis mong bayad; Datapuwat sa iyo’y magpapasalamat Kung pakamahali’t huwag ipahamak Ang tinatangisang giliw na nagsukab.
  • 41. Yaong aking Laurang hindi mapapaknit Ng kamatayan man sa tapat kong dibdib; Paalam, bayan ko, paalam na, ibig, Magdarayang sintang di mananaw sa isip! Bayang walang-loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang magdaraya, Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa At masusunod na sa akin ang nasa.
  • 42. Nasa harap ko ang lalong marawal, Mabangis na lubhang lahing kamatayan; Malulubos na nga ang inyong kasam-an; Gayundin ang aking kaalipustahan. Sa abang-aba ko, diyata, O Laura… Mamamatay ako’y hindi mo na sinta! Ito ang mapait sa lahat ng dusa Sa akin ay sino’ng mag-aalaala?
  • 43. Diyata’t ang aking pagkapanganyaya, Di mo tatapunan ng katulong luha! Kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala, Di babahaginan ng munting gunita? Guniguning ito’y lubhang makamandag, Agos na, luha ko’t puso’y maaagnas, Tulo,kaluluwa’t sa mata’y pumulas, Kayo, aking dugo’y mag-unahang matak.
  • 44. Nang matumbasan ko ng luha ang sakit Nitong pagkalimot ng tunay kong ibig, Huwag yaring buhay ang siyang itangis, Kundi ang pagsintang lubos na naamis.
  • 46. Panuto  Gamit ang akrostik, ilarawan ang iyong ama.Pumili ng isang katawagang iyong ginagamit, halimbawa, “itay, papa, o daddy”. Sundin ang gabay sa ibaba.
  • 47. Halimbawa A- ktibo sa simbahan M-asipag A- lagang-alaga ang pamilya