3. •Sa pagdating ni Kapitan Tiyago kasabay
ng isang binata na halatang nagluluksa
ayon sa kasuotan nito, agad niyang
binati ang mga panauhin at humalik
naman sa kamay ng mga pari.
4. •Nabigla ang mga pari lalo na si Padre
Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang
anak ng kanyang nasirang kaibigan na si
Don Rafael Ibarra. Pitong taon
diumanong nag-aral ang kagalang-
galang na binata sa Europa na
kadarating lamang.
5. •Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang
kaugaliang natutunan niya sa bansang
Alemanya.
6. •Ngunit tumangging makipag-kamay si
Padre Damaso at sa halip ay tinalikuran
nito si Ibarra. Samantala, lumapit naman
ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat
sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin
niya ang kabaitan ng ama ni Ibarra na
siya namang nagpanatag sa kalooban ng
binata.
7. •Palihim na tiningnan ni Padre Damaso
ang Tinyente na tila ba nagbabanta kaya
naman tinapos na ng Tinyente ang
pakikipag-usap nito kay Ibarra.
8. •Nang malapit ng maghapunan ay
inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si
Ibarra sa pananghalian kinabukasan
ngunit magalang na tumanggi ang
binata dahil papunta daw ito sa San
Diego sa araw na iyon. Si Kapitan Tinong
ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago
at kaibigan din ng ama ni Ibarra.
9. SAGUTIN!
1. Ilang taon nag-aral sa Europa si Ibarra?
2. Saang bansa natutunan ni Ibarra ang maayos na
pagpapakilala ng sarili?
3. Ano ang buong pangalan ni Ibarra?
4. Sino ang ama ni Crisostomo?
5. Sino ang tumangging makipagkamay kay Ibarra?