2. TALASALITAAN
• Bantog – kilala
• Bukas-palad – matulungin
• Garil – utal magsalita
• Hindi magkamayaw – hindi
mapatahimik
• Kalansing -tunog
• Katiwasayan – katahimikan
• Walang turing – walang utang
na loob
• Makihalubilo – makitungo
• Maluho – magastos
• Mapangahas – malakas ang loob
• Napapanganyaya – napapasama
• Piging – pagtitipon
• Pulutong – karamihan o pangkat ng
mga tao
• Walang habas – walang galang
• Walang pakundangan – padalus-
dalos
3. •Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin
ang marangyang handaan sa bahay ni
Don Santiago Delos Santos o mas kilala
bilang si Kapitan Tiyago upang
magsilbing salubong sa isang binatang
kagagaling lamang sa Europa. Hindi
naman iba sa kapitan ang binata dahil
ito ay anak ng kanyang matalik na
4. •Ang bahay ni Kapitan Tiyago na
matagpuan sa kalye Anluwage ay
napuno ng mga bisita. Isang malaking
karangalan ang maging panauhin ng
Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa
pagiging matulungin sa mga mahihirap
at nabibilang sa mataas na lipunan.
5. • Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-
istima ng mga bisita at ang mga panauhing babae
at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli
namang dumating ang ibang mga panauhin
kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de
Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman
nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang
kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre
Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre
Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at
6. •Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may
kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-
kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-
kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga
napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga
Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa
Parokya ng San Diego kahit na matagal itong
nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako,
mga pulbura at armas at marami pang iba.
7. •Sa naturang pagtitipon ay hindi
pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag
ang kanyang pangungutya sa mga Indio.
Ang mga ito raw ay hamak at
mabababang uri ng nilalang.
8. •Samantala, gumawa naman ng paraan si
Padre Sibyla upang maiba ang usapan at
dito ay pinasok niya pagkakatanggal ni
Padre Damaso bilang kura paroko sa
loob ng dalawampung taon.
9. •Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi
raw nararapat makialam ang hari ng
Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe.
Tinutulan naman ng Tinyente ang sinabi
ng pari at inilahad na ang parusa ay
nararapat lamang raw sa pananaw ng
Kapitan Heneral.
10. •Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya
nilipat si Padre Damaso ay dahil sa
pinahukay nito ang bangkay ng isang
marangal na lalaki na pinagbintangang
erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal.
11. •Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso
lalo na nang maalala niya ang tungkol sa
mga nawalang mahahalagang kasulatan.
Namagitang muli si Padre Sibyla upang
pakalmahin si Padre Damaso.
•Kalauna’y lumawak muli ang talakayan
sa pagtitipon.
12. SAGUTIN! 1/4
1. Kaninong bahay naganap ang handaan?
2. Sino ang nangungutya sa mga Indio?
3. Sino ang nagpakalma kay Padre Damaso?
4. Ilang taon naging kura paroko si Padre
Damaso?