2. The Title of the Novel
The title Noli Me Tangere is a latin phrase which means
“Touch Me Not”.
Noli Me Tangere, word are taken from Gospel of St.
John (Chapter 20, Verses 13 to 17)
Rizal dedicated his Noli Me Tangere to the Philippines
- “To My Fatherland”
Uncle Tom’s Cabin - by Beecher Stowe’s, inspired Dr.
Rizal to write a novel that would depict the miseries of
his people (Filipino) under the lash of the Spanish tyrants
3. The Writing of the Noli Me Tangere
Rizal began writing the novel in Madrid and finished
about one-half of it
Rizal went to Paris after completing his studies in the
Central University of Madrid, he continued writing the
novel finishing one half of the second half.
Rizal finished the last fourth of the novel in Germany.
He wrote the last few chapters of the Noli in
Wilhemsfeld in April-June 1886
In Berlin, Rizal made the final revisions on the
manuscript of the Noli.
4. Dr. Maximo Viola - savior of the novel
Noli, Rizal’s rich friend from Bulacan.
He loaned him the needed fund to
publish the novel.
Berliner Buchdruckrei Action
Gesselschaft - a printing shop which
charged the lowest rate, that is 300
pesos for 2,000 copies.
The Printing of the Noli Me Tangere
7. Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin, commonly referred to in
the novel as Ibarra or Crisóstomo, is the protagonist in the
story. Son of a Filipino businessman, Don Rafael Ibarra, he
studied in Europe for seven years. Ibarra is also María Clara's
fiancé.
María Clara de los Santos y Alba, commonly referred to as
María Clara, is Ibarra's fiancée. She was raised by Capitán Tiago,
San Diego's Cabeza de barangay, and is the most beautiful and
widely celebrated girl in San Diego
Don Santiago de los Santos, known by his nickname Tiago
and political title Capitán Tiago is a Filipino businessman and
the cabeza de barangay or head of barangay of the town of San
Diego. He is also the known father of María Clara.
8. Dámaso Verdolagas, or Padre Dámaso is a Franciscan friar
and the former parish curate of San Diego. He is best known as
a notorious character that speaks with harsh words and has
been a cruel priest during his stay in the town.
Elías is Ibarra's mysterious friend and ally. Elías made his first
appearance as a pilot during a picnic of Ibarra and María Clara
and her friends.
Filosofo Tacio, known by his Filipinized name Pilosopo Tasyo
His full name is only known as Don Anastacio. The educated
inhabitants of San Diego labeled him as Filosofo Tacio (Tacio
the Sage) while others called him Tacio el Loco (Insane Tacio)
due to his exceptional talent for reasoning.
9. Doña Victorina de los Reyes de Espadaña,
commonly known as Doña Victorina, is an ambitious
Filipina who classifies herself as Spanish and mimics
Spanish ladies by putting on heavy make-up.
Sisa, Crispín, and Basilio represent a Filipino
family persecuted by the Spanish authorities.
Narcissa or Sisa is the deranged mother of Basilio
and Crispín. Described as beautiful and young,
although she loves her children very much, she
cannot protect them from the beatings of her
husband, Pedro.
10. Crispín is Sisa's 7-year-old son. An altar boy, was unjustly
accused of stealing money from the church.
Basilio is Sisa's 10-year-old son. An acolyte tasked to ring
the church bells for the Angelus, he faced the dread of
losing his younger brother and the descent of his mother
into insanity
Padre Hernando de la Sibyla is a Dominican friar. He is
described as short and has fairskin. He is instructed by an
old priest in his order to watch Crisóstomo Ibarra
Padre Bernardo Salví is the Franciscan curate of San
Diego, secretly harboring lust for María Clara. He is
described to be very thin and sickly.
11. El Alférez or Alperes is the chief of the Guardia Civil;
the mortal enemy of the priests for power in San Diego
and husband of Doña Consolacion.
Doña Consolacíon is the wife of the Alférez,
nicknamed la musa de los guardias civiles (The muse of
the Civil Guards) or la Alféreza, was a former
laundrywoman who passes herself as a Peninsular; best
remembered for her abusive treatment of Sisa.
Don Tiburcio de Espadaña is a Spanish Quack
Doctor who is limp and submissive to his wife, Doña
Victorina
12. Teniente Guevara is a close friend of Don
Rafael Ibarra. He reveals to Crisóstomo how Don
Rafael Ibarra's death came about.
Alfonso Linares is a distant nephew of Tiburcio
de Espadaña the would-be fiancé of María Clara.
Tía Isabel is Capitán Tiago's cousin, who raised
Maria Clara.
Pedro is the abusive husband of Sisa who loves
cockfighting.
14. Bago matapos ang buwan ng Oktubre ay nagpahayag si Don
Santiago delos Santos o mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago na
may magaganap na handaan sa kaniyang bahay.
Mababa ang bahay ni Kapitan Tiago dahil hindi maayos ang
pagkakagawa ng arkitekto at epekto na rin ng nagdaang lindol,
bagyo at kalamidad.
May inimbitahan siyang mga panauhin at lumaganap ang balitang
ito sa buong Binondo, Intramuros at ilan pang lugar sa
Kamaynilaan.
Ang mga kadete sa paligid ng bahay ay masayang nag-uusap.
Pinagmamasdan nila ang mga panauhin gaya ng mga prayle,mga
sundalo at ilang pangkaraniwang mamamayan.
MAHALAGANG PANGYAYARI
15. Kausap ni Padre Damaso ang isang binatang may mapulang buhok.
Nagpahayag si Padre Damaso ng kaniyang saloobin ukol sa kaniyang
paninirahan sa Pilipinas at ang tungkol sa kaniyang dalawampung
taong paninilbihan bilang kura ng San Diego ngunit masama ang
kaniyang loob sapagkat hindi umano marunong tumanaw ng utang
na loob ang mga mamamayan ng San Diego.
Muling tumaas ang boses ni Padre Damaso at sinabing may wala
nang mas hihigit pa sa kamangmangan ng mga Indio.
Pinutol ni Padre Sibyla ang paghihimutok ni Padre Damaso. Ngunit
hindi pa rin natitinag ang pari. Patuloy ito sa pagtaas ng boses at
nakikipagbalitaktakan sa mga kausap.
Pinatigil ni Tinyente Gueverra si Padre Damaso. Naging matindi ang
pagtatalo at namagitan na si Padre Sibyla.
16. Naungkat ang mga nakaraan sa sinabi ni Tinyente Gueverra
tungkol sa isang taong marangal na namatay ngunit dahil sa hindi
ito nangungumpisal ay naturingan na erehe. At pinahukay ang
bangkay nito at ipinatapon sa ilog. Sinabi rin ni Tinyente Gueverra
na ang marangal na taong ito ay may kaisa-isang anak na pinaaral
sa Europa. Ito ang dahilan ng pagkalipat ni Padre Damaso sa ibang
lalawigan.
Nang umalis ang tinyente, humingi ng paumanhin si Padre Sibyla
kay Padre Damaso dahil naungkat ang maselang bagay sa
nakaraan. Hindi pa rin nawawala sa mukha ni Padre Damaso ang
galit at pagkasuklam.
Ilang sandali pa'y dumating na ang mag-asawang De Espadana at
nabaling ang pansin ng ibang tao sa bagong dating na mga bisita.
17. Sa unang Kabanata ng Noli Me Tangere ay inilarawan ng ating
Pambasang bayani ang isang kaugalian ng mga Pilipino kapag may Isang
handaan o pagtitipon. Ang mga ugaling hindi kanais-nais na ipinakita ng
mga kantanod, at maging ang mga iba pang bisitang naroroon.
Ang handaan ay pagpapakita ng karangyaan at pagpapakita ng
pagmamalaking kaugalian ni Kapitan Tiyago. Inimbitahan ang mga
natatanging tao sa lipunan, upang higit na makilala siya na kabilang sa
mga nakakataas.
At sa huling bahagi ng Kabanata, ang huling pagdating ng mag- asawang
De Espadana ay namana ng mga lilan sa ating mga kaugalian bilang
Pilipino. Nagpapahuling dumating sa mga mahahalagang okasyon upang
mapansin ng mga tao at upang bigyang mas halaga
At ang hindi pagrespeto ng mga bisita sa bahay mismo ng nagdaraos ng
piging.
ISYUNG PANLIPUNAN
19. Nabigla si Padre Damaso nang makita ang binatang kasama ni Kapitan
Tiago na nakadamit panluksa.
Ipinakilala ni Kapitan Tiago ang kaniyang panauhing pandangal, sinabi
nitong siya ang anak ng kaniyang yumaong kaibigan at binanggit na
kagagaling pa lamang nito mula sa Europa.
Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang basbasan ng dalawang pari si
Kapitan Tiago pagkakakita kay Crisostomo Ibarra.
Inabot ni Ibarra ang kamay kay Padre Damaso subalit hindi tuminag sa
pagkakaupo ang pari.
Agad ang paghingi ni Ibarra ng paumanhin kay Padre Damaso sa pag-
aakalang nagkamali siya sa palagay at napagkamalan lamang ang paring
kaharap.
MAHALAGANG PANGYAYARI
20. Sinagot siya ng pari na hindi ito nagkamali. Napahiya s Ibarra sa
tinuran ng kura at kusa na lamang binawi ang kamay.
Maging ang tinyente ay nabigla sa pagdating ng dalawa at
nilapitan nito si Ibarra ay sinabing: "Tunay nga ba kayong anak ni
Don Rafael Ibarra?“
Yumuko si Ibarra tanda ng paggalang at pagsang-ayon habang
hindi inalis ni Padre Damaso ang masamang tingin kay Tinyente
Gueverra.
Matapos papurihan ang ama ni Ibarra tumalikod ang tinyente at
itinago kay Ibarra ang kalungkutang nadama. Naiwang mag-isa si
Ibarra at napagpasyahang kusang magpakilala sa mga binibining
panay ang sulyap sa kanya.
21. Nilapitan rin ni Ibarra ang mga binatang bisita sa pagtitipon at
ipinakilala ang sarili.
Isang lalaking nakabihis ng Barong Tagalog na may butones na
brilyante ang nakangiting lumapit kay Ibarra at nagyayang
imbitahan si Ibarra kinabukasan ng isang pananghalian, siya ay si
Kapitan Tinong.
Ikinagagalak ni Ibarra ang imbitasyon ng kapitan subalit kanya
itong tinanggihan sapagkat uuwi ito ng San Diego kinabukasan.
Lumapit kina Ibarra at Kapitan Tinong ang isang utusan ng Cafe La
Campana, isang tanyag na restawran sa panulukan ng kalyer Escolta
at San Jacinto at nagsabing handa na ang pagkain.
Tumugon sina Ibarra at nagtungo sa komidor at iba pang
panauhin.(wakas ng buod ng Kabanata 2)
22. Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakita ng
ating pambansang bayani ang pagkumpol-kumpol ng mga
kalalakihan at kababaihan sa isang pagtitipon Hindi maaring
makipagkuwentuhan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan
Mayroong namamagitan na deskriminasyon sa kababaihan
ngunit ipinakita ni Rizal sa ugaling Alemanya ni Crisostomo
na siya ang kusang lumapit sa mga kababaihan at nagpakilala
sa sarili gayundin sa mga kumpol ng kalalakihan Ang pantay-
pantay na pagtingin sa mga tao maging babae man ito o lalaki
ang ipinalutang na kahalagahan sa kabanata.
ISYUNG PANLIPUNAN
24. Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Siyang-
siya si Padre Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso.
Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang
isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman
ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan
Tiyago.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay
pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na
lumikmo roon.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si
Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang
na tumaggi ang kapitan sabay sabing "Huwag mo akong alalahanin.
MAHALAGANG PANGYAYARI
25. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon
dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya't siya ang karapat-
dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tenyente at
nagkunwaring laalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente
sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng
damdamin ni Padre Damaso, ang thain ang tinola. Paano puro
upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kaniya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari,
sadyang ipinatuto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.
26. Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na
malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Lanuja,
siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas Bagama't wala siya
sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip, siya
ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang thong
nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kaniyang ama. Dahil sa
pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tenyente na
talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang amang si Don Rafael.
Naudiot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre
Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang
kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya
lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
27. Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang
niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Padre
Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-
kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat
darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego.
Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik
kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra.
Binigyang-diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng
kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa
sinumang Indio na makapag- aral sa Espanya
28. Ang ipinakitang katangian ni Padre Damaso
na nais siyang bigyan ng importansya bilang
kompesor ng tahanan ni Kap. Tiago ay isang
isyung panlipunan. Maraming mga
malalaking tao sa lipunan sa kasalukuyan ang
nais talaga makilala nang karamihan at nais
ipabatid ang kanilang kapangyarihan.
ISYUNG PANLIPUNAN
29. Sa kabanatang ito, ipinakita na ang malinaw na
pagtutol ng mga Kastila na matuto ang mga Pilipino.
Nais nilang ipagdamot ang edukasyon at patuloy na
maging mangmang ang mga Indio nang sa ganun ay
mapanatili nila itong maging alipin. Ayaw nilang
magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino, at
pinalalabas nilang magiging walang modo at
mayabang ang mga Pilipinong may pinag-aralan.
ISYUNG PANG-EDUKASYON
31. Sa paggala-gala ng paningin ni Crisostomo, naramdaman niyang
may dumantay na kamay sa kaniyang balikat. Si tenyente
Guevarra, sumunod sa kaniya upang na paalalahanan na mag-
ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (si
Ibarra) sa sinapit ng kaniyang ama. Nakiusap si ibarra na isalaysay
ng tenyente ang tungkol sa buhay ng kaniyang ama sapagkat
tunay na wala siyang nalalaman dito.
•Sinabi ni Ibarra na sumulat ang kaniyang ama sa kaniya may
isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni
Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kaniyang mga gawain.
MAHALAGANG PANGYAYARI
32. Ayon sa tenyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa
buong lalawigan. Bagama't siya ay iginagalang, may ilan din
namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga Kastila. Ang mga
Kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat.
Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don
Rafael ay maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Ilang
buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at
Padre Damaso ay nagkasira. Di- umano, 'di nangungumpisal si
Don Rafael.
• Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na
kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang
at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.
Ngunit hindi naman totoo.
33. Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero
ng "ba, be, bi, bo, bu" na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kaniyang
tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampal na tinamaan at
nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si
Don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Ngunit, ito ay lalong
nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang kaniyang hinarap. Walang
nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang
artilyero at dahan-dahang nabuwal. Malala ang kaniyang
pagkakabuwal sapagkat ang kaniyang ulo ay tumama sa isang tipak na
bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang
mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero. Masakit sa kaniya ang ganito sapagkat iyon ang
itinuturing na pinakamabigat na parusa.
34. Ngunit lalong nadagdagan ang dagan sa kaniyang dibdib. Pinaratangan
din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de
Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa
salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
•Gumawa siya (tenyente) ng paraan upang tulungan si Don Rafael at
sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang
abogadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa
pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa
ulo nito.
•Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay
malapit nang lumaya dahil sa tapos nang lahat ang mga kasong
ibinintang sa kaniya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na
kaniyang dinanas ay hindi nakayanan ng kaniyang pisikal na katawan.
35. Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa
mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si
Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay ang tenyente. Inabot nito
ang kaniyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan
Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba
pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel nang
maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra. (wakas ng
buod ng Kabanata 4)
36. Ang pagparatang kay Don Rafael Ibarra
na isang erehe at Pilibustero dahil sa
hindi nito pagpangungumpisal at
pagsisimba ay malinaw na ginagamit ng
mga Kastila noon ang relihiyon upang
takutin at hamakin ang mga walang
kalaban-labang Pilipino.
ISYUNG PANRELIHIYON
37. Noong unang panahon, ang mga Kastila ay
makapangyarihan dito sa Pilipinas. Kahit ang isang
artilyero na walang pinag-aralan ay nagkaroon ng
kapangyarihan at nanghahamak rin ng mga Indio,
ginagamit nila ang kanilang pagiging Kastila, taga-
Europa upang matakot at magpapasailalim sa
kanilang batas ang mga Pilipino. Sila ang
namamahala sa Pilipinas dahil sila ang
makapangyarihan.
ISYUNG PAMPAMAHALAAN
39. Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang
tinutuluyan niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si
Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng
kaniyang ama. •Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang
maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa
kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng
orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga
nagtatanghal.
Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga
diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga
pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao
ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.
MAHALAGANG PANGYAYARI:
40. Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining
si Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at
hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni
Ibarra ang batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag
naman ito.
Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga
dalaga habang si Donya Victoria naman ay abata sa pag- aayos
ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.
Saglit lamang ang kaligayahan ng pagmuni-muning iyon ng
binate dahil ang kanyang magandang gunita'y napalitan ng
isang madilim na eksena. Nakita niya ang isang madilim na silid
na napapaliguran ng pader, may isang gulagulanit na banig na
nakalatag at nakahiga ang isang matandang lalaking gusgusin.
41. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang amang
si Don Rafael. Nakikita niya na kaawa-awa ang
sinapit nito. Naririnig pa ni Crisostomo ang sigaw
ng ama, sinisigaw ang pangalan niya, mga daing at
kapos na paghinga, ito ang bumabalot sa diwa ni
Crisostomo.
Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si
Ibarra at nagising kinabukasan na habang si Padre
Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang
isipan. (wakas ng ika-5 Kabanata)
43. Si Kapitan Tiago ay isang lalaking bilugan ang mukha.
kayumanggi ang kulay at hindi kataasan kung titingnan sa
pisikal na anyo. Ngunit kung susumahin sa kabuuang
pagtingin ng bayan ng San Diego, isa siya sa pinakamayaman,
malapit sa simbahan at sa pamahalaan.
Si Kapitan Tiago ay isang lalaking bilugan ang mukha.
kayumanggi ang kulay at hindi kataasan kung titingnan sa
pisikal na anyo. Ngunit kung susumahin sa kabuuang
pagtingin ng bayan ng San Diego, isa siya sa pinakamayaman,
malapit sa simbahan at sa pamahalaan.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
44. Napangasawa ni Kap. Tiago si Donya Pia Alba at dahil sa
sipag at tiyaga sa pangangalakal, napayabong nilang mag-
asawa ang kanilang kabuhayan.
Sa kanilang pagsasama na umabot sa anim na taon, hindi sila
nabiyayaang magkaanak. At mula sa payo ng kapanalig na si
Padre Damaso, nanalig silang mag-asawa sa Birhen ng
Obando upang sila'y mabiyayaan ng supling.
Si Maria Clara ang bunga ng kanilang pananampalataya. Isang
marikit na sanggol, mukhang anghel, mamula-mula ang
kanyang buhok, matangos ang ilong, may biloy sa pisngi at
taglay ang mapuputi at maninipis na balat.
45. Naging palaisipan ang pananamlay ni Donya Pia Alba nang ito ay
magdalangtao. Naging malulungkutin ito at nanghina ang
pangangatawan hanggang sa dapuan ng malubhang karamdaman.
Dahilan ng pagkasawi nito. At mula pagkasanggol, ay pinalaki si
Maria Clara ng kanyang Tiya Isabel at sa pangangalaga ng amang si
Kapitan Tiago at amain na si Padre Damaso.
Tunay ngang malapit si Kap. Tiago sa simbahan at sa mga kapatiran
dahil nagagawa nitong tumbasan ng salapi ang kabanalan.
Ang kanyang pagiging malapit sa pamahalaan at
pakikipagmabutihan Sa mga opisyales ang nagdudulot ng usapin ng
mga taong bayan tungkol sa pagkakaluklok niya bilang Kapitan ng
kapisanan ng mga mestizo gayong hindi naman siya mestiso.
46. Nang magkatorse anyos si Maria Clara ay ipinadala
siya sa Beateryo ng Sta. Catalina.
Ipinagkasundo nina Kapitan Tiago at Don Rafael
sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
47. ISYUNG PANLIPUNAN-Ipinakita sa kabanatang ito ang katangian ni
Kapitan Tiago na mapaglangis sa mga Kastila upang mabigyan ng
posisyon sa pamahalaan.
ISYUNG PANRELIHIYON- Ang paniniwala ng mga Pilipino noon sa
simbahan katulad ni Kapitan Tiago na magbabayad ng isang halaga
upang ipagpanonobena ang sarili. At ang pag-uubaya sa himala ng
Birhen upang magkaanak.
ISYUNG PANG EDUKASYON- Si Kapitan Tiago ay hindi nakapag-aral
dahil sa kakuriputan ng magulang nito. Sa panahon ng Kastila,
maraming mga Pilipino ang pinagkaitang makapasok sa paaralan
upang matuto. Walang mga pormal na paaralan para sa mga kabataan
at wala ring mga guro na nais magturo.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
49. Hinintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa
kanilang bahay Alumpihil siya sa tuwing may magdaraang sasakyan sa
tapat ng kanilang bahay, sa pag-asam na ito na ang kanyang hinihintay.
Si Tiya Isabel ay abala sa pag-iimis ng kalat na dulot nang nagdaang
kasiyahan samantalang panay ang buklat ni Kapitan Tiago ng kanyang
mga papeles.
Ipinayo ni Kapitan Tiago na bumalik sina Maria Clara at Tiya Isabel sa
beaterio upang kunin ang lahat ng damit at hindi na babalik at pupunta
na lamang ito sa San Diego dahil papalapit na ang pista doon.
Dumating si Crisostomo at binati ito ni Kapitan Tiago. Napatda si Maria
Clara nang marinig ang tinig ng binatang bagong dating. Patakbo siyang
nagtungo sa silid dasalan. Napangiti na lamang ang ama at tiya sa ginawi
ng dalaga.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
50. Nabigla si Maria Clara nang bumungad sa kanyang harap ang
tiyahin habang sinisilip niya si Ibarra mula sa maliit na butas ng
susian ng kanyang silid. Sa tuwa ay nahalikan at niyakap niya ang
matandang babae.
Sa asolea napadpad ang magkasuyo at doon nag-usap. Sa umpisa y
tahimik ang dalawa at nagpapakiramdaman dahil sa matagal na
hindi pagkikita. Napagbalik-tanaw ang dalawa sa kanilang
masasayang alaala noong kanilang kabataan.
Ang kanilang suyuan ang tanging baon nila sa paghihiwalay nang
ipadala si Maria Clara sa Beateryo at nang magtungo naman si
Ibarra sa ibang bansa upang mag-aral. Isang liham ang iniwan ni
Ibarra kay Maria Clara at tuyong dahon ng sambong ang inilagay
ng dalaga sa loob ng sombrero ng binata.
51. Sa asotea rin binasa ni Maria Clara ang liham ng binata, na
ayon kay Maria Clara ay pulos kasinungalingan ang laman
kaya nais laktawan ang palagay niya'y bahagi ng liham na
hindi totoo. •Sa asotea rin sinabi ni Ibarra ang desisyon ng
kanyang ama na pagpapaaralin siya sa Europa at napaiyak ito
sa harapan ng ama. Noon din niya ipinagtapat sa ama na
iniibig si Maria Clara.
Sinabi ni Maria Clara kay Ibarra ang pag-aalala nito nang siya
ay nasa ibang bansa. Na kung ito'y nalilimutan na ng binata
dahil sa maraming mga magagandang dilag sa Alemanya.
Ngunit sinabi ng binata na walang kahit sinumang babae ang
bumighani sa puso't isipan ng binata kundi si Maria Clara
lamang.
52. Biglang naalala ni Crisostomo ang alalahaning araw ng
mga patay kinabukasan at kailangan niyang magbalik sa
San Diego upang dalawin ang puntod ng ama. Nalungkot
man si Maria Clara ay hindi niya pinigilan ang pag-alis ni
Crisostomo. Muling nagbalik sa silid dasalan ang dalaga
at nakita ni Kapitan Tiago habang lumuluha.
53. ISYUNG PANG-EDUKASYON: ▸ Dahil sa
walang maayos na paaralan dito sa
Pilipinas noong panahon ng mga Kastila,
napipilitan ang mga magulang na
ipapadala ang kanilang anak sa ibang
bansa upang mag-aral. Katulad ng ginawa
ni Don Rafael kay Crisostomo Ibarra.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
55. Napalis ang lungkot ni Ibarra habang tumatakbo ang sasakyan sa
kanyang paglalakbay. Isa-isang nagbalik sa kanyang alaala ang mga
masasaya at malulungkot na alaala habang pinagmamasdan ang mga
tanawing dinadaraanan.
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga karitong hila ng mga
kalabaw. Baku-bako pa rin ang kalsada at hindi aspalto kaya't lubhang
malubak kapag tag-ulan at maalikabok kapag tag araw.
Napansin din ni Ibarra na hindi kagandahan ang Escolta ang ang mga
puno ng Talisay asa kalye San Gabriel ay tuluyan nang nabansot.
Namataan ni Ibarra si Padre Damaso na pormal na nakakunot-noo
habang lulan ng magarang sasakyang Victoria.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
56. Nakasabay ni Ibarra sa karwahe ni Kapitan Tinong at kasama nito
ang maybahay at dalawang anak na babae.
May sumurot sa damdamin ng binata nang Makita niya ang mga
bilanggong inaalipin sa pagpapatag ng kalsada. At mas lalo siyang
nasasaktan dahil sa alam niya, na sa gayong estado ay natatamo pa
nila ang karahasang hindi na sana nila natatanggap mula sa kapwa
bilanggo na may kaparis na kapalaran at sitwasyon.
Sa kahindik na pangitain ay hindi niya maiwasang ikumpara ang
Europa sa kanyang mga nakikita. Naparaan sila sa Mehan Garden o
Hardin ng Botanika. Biglang sumagi sa kanyang isip ang Jardin
Botanico sa Europa. •Kapansin-pansin ang kaunlaran nito dahil
ginugulan ng salapi kung ikukumpara sa sa kabulukan ng hardin ng
Maynila dahil napababayaan ito.
57. Naalala niya ang mga salita ng isang gurong pari na
namayapa. Ayon ditto, ang karunungan ay para sa mga
sumusunod pang henerasyon. Kung ang mga dayuhan ay
nagpunta sa Pilipinas upang dumukal ng ginto, kailangang
hanapin naan sa kanila ang gintong kailangan ng bayan,
ang Karunungan.
Nagpatuloy sa paglalakbay si Ibarra hanggang sa tuluyan
siyang dalawin ng antok.
58. ISYUNG PAMPAMAHALAAN- Noong panahon ng mga
Kastila dito sa Pilipinas, maraming mga nabibilanggong
Pilipino ang hindi nabigyan ng sapat na hustisya upang
ipagtanggol ang kanilang sarili. Ang mga bilanggong ito
ay nakararanas ng paglabag sa karapatang pantao dahil
marami sa kanila ang napaparusahan, pinapahirapan sa
loob ng bilangguan. Ang pamahalaan ay walang paki-
alam sa dinanas ng bayan, dulot ng tuluyang
paghihirap ng bansa at walang kaunlarang nakikita sa
Pilipinas.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
60. Tama ang naging hinala ni Ibarra na si Padre Damaso ang nakita niyang lulan ng
Victoria at nagtungo ito sa bahay ni Kapitan Tiago. Huminto ito sa tapat ng bahay ni
Kapitan Tiago. Pormal ang mukha nito at nagmamadali na parang may mahalagang
sadya.
Nabigla si Padre Damaso dahil sa tinuran ni Maria Clara. Pabulong na sinabi nito sa
sarili, "Tingnan natin kung sino ang masusunod at kung sino makapangyarihan."
Nang oras na iyon ay may nagaganap ring pag-uusap sa pagitan ng isang paring may
malubhang sakit na nasa kumbento, at kay Padre Sibyla na naroon upang dalawin ito
at balitaan ng mga nagaganap sa paligid.
Inilahad ni Padre Sibyla ang naging piging at ang pagdalo ni Ibarra. Mula sa kuwento
ay naghinuha itong maaring mali ang balitang natanggap nila tungkol kay Ibarra.
Ayon sa paring may sakit. "May kapangyarihan tayo dahil pinaniniwalaan tayo. Kapag
may kumakalaban sa atin, pinaparatangan agad ng pamahalaan ng erehe ang kalaban.
At dahil tutol tayo sa Kalayaan ng bayan, nagiging dahilan pa ito para hindi tayo
maalis sa puwesto."
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
61. Nang lumaon ay natagpuan ang nabubulok na bangkay ng matanda sa
kagubatan na nakabigti sa punong balite. Karumal-dumal ang paraan ng
pagkamatay ng matanda Dumagdag ito sa mga dugtong-dugtong na alamat na
kuwentong katatakutan sa lugar.
Hanggang sa isang araw ay may dumating na binata. Anak raw ito ng
matandang Kastila. Saturnino ang pangalan nito.
Pinayabong ni Saturnino ang kaalaman tungkol sa pagtatanim at pangangaso.
Nagsikap ito at namuhay ayon sa kagustuhan ng ama. Naging matagumpay ang
kabuhayan nito at di naglaon ay nakapagpangasawa ito. • Ang bunga ng
pagmamahalan ni Don Saturnino at asawa nito ay si Don Rafael Ibarra, ama ni
Crisostomo. Napakabuting tao ni Don Rafael kaya minahal siya ng lahat ng mga
magsasaka. Likas ang taglay nitong dunong kaya mas lalong napagyaman ang
lupaing minana.
Pinanatili ni Don Rafael Ibarra ang yamang iniwan ng mga ninuno at tinatamasa
ni Crisostomo Ibarra ang yamang iyon.
62. ISYUNG PAMPAHALAAN- lumutang sa kabanatang ito
ang pagiging sakim sa kapangyarihan ng mga prayleng
Kastila, ayaw nilang maalis sa puwesto o sa kinalalagyan
patunay ito ng kanilang pagkagahaman sa kapangyarihan.
ISYUNG PANLIPUNAN- makikita sa katauhan ni Kapitan
Tiago katulad ng ibang mamayang Pilipino noon ang labis
na paglilingkod (Servility) sa mga Kastila. Takot silang
baliin ang utos o hindi sundin ang pinag-uutos ng mga
prayle kahit ito'y labag sa kanilang kalooban.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:
64. Isang magandang tanawin ang makikita sa bayan ng San Diego. Pinaliligiran ito
ng mga mayayabong na punong kahoy. sagana sa mga pananim tulad ng kape
at asukal. Pangangalakal ang kanilang uri ng pamumuhay ngunit karaniwang
mura ang pagkakabili ng mga intsik sa kanilang kalakal.
May gubat sa San Diego kung saan malalabay ang mga punong kahoy at
maraming baboyramo, usa at mga ligaw na hayap. Kakikitaan ang bayan ng
kasaganaan sa likas na yaman.
Nabighani ang isang matandang kastila sa kalikasang ito lalo nang makita nito
ang batis na kay linis na may sariwang tubig. Inalam ng matandang lalaki ang
may-ari ng lupain at binili niya ito gamit ang mga alahas at salapi. Ngunit ayon
sa mga nakaalala hindi na raw nakita ang matanda simula noon.
Nagkaroon ng bulung-bulungan tungkol sa matanda, isa raw itong engkanto
ngunit ang ilan naman ay hindi naniniwala sa kuwento.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
65. Ayon kay Padre Sibyla, natuto nang lumaban ang mga Indiyo. Nagigising na sila
sa kanilang kalagayan. Mawawala na lahat sa kanila gaya ng mangyari sa Europa
na sila rin ang tanging dahilan. At kailangan nilang paghandaan upang hindi sila
maalis sa puwesto.
Samantala, nakarating sa Kapitan Heneral ang mga naging parunggit ni Padre
Damaso tungkol sa kanya sa pamamagitan ng isang lathala sa pahayagan na si
Laruja ang nagsalaysay.
Nasabi na ni Padre Damaso ang lahat ng gustong sabihin at mangyari kay Kap.
Tiago. Pinagtakpan ni Kapitan Tiago ang inasal na gayon ni Padre Damaso.
Paanong mas makapangyarihan pa ang kagustuhan ng isang inaama sa tunay na
ama?
Tahasang sinabi ni Padre Damaso na tutol siya sa pakikipagmabutihan ni Maria
Clara kay Crisostomo Ibarra.
Binanggit pa ni Padre Damaso na siya ang magdedesisyon nang makabubuti sa
dalaga. Matagal nang wala si Padre Damaso ngunit hindi pa rin mapakali si
Kapitan Tiago kaya tumungo siya sa silid dasalan.
66. ISYUNG PANLIPUNAN- Ang kaugaliang pinakita sa
kabanatang ito ng mga Pilipino ay ang paniniwala nila sa
mga kuwentong bayan o alamat. Maraming mga
mamamayan sa San Diego ang mas higit na
pinaniniwalaan ang bulung-bulungan tungkol sa
pagkamatay ng matanda na hindi man lang inalam ang
tunay na dahilan sa likod ng pagkamatay nito. Nababalot
sila ng takot mula sa mga kuwentong naririnig.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
68. Si Don Rafael Ibarra ang pinakamayaman sa San Diego dahil siya ang may-ari ng
pinakamalawak na lupain. Sa Kanya lumalapit ang mga taong mahihirap upang humingi ng
tulong. pinansyal. Sa kabila niyo, nanatili ang kababaan ng kanyang loob at kawalang interes
sa pulitika man o sa paghawak ng anumang kapangyarihan.
Si Kapitan Tiago ay nabibilang sa mga taong mayayaman sa San Diego. Maraming mga taong
nagpapalakas sa kanya. Nagpapasalubong siya ng bandang musiko sa kanyang pagdating o di
kaya'y sinasalubong siya ng mga taong may pagkakautang sa kanya. Ngunit ang mga tao sa
bayan ay mababa pa rin ang pagtingin sa kanya at lihim siyang tinatawag na sacristan Tiago.
Buong akala ni KAPITAN TIAGO na Isa siyang makapangyarihan tao sa San Diego, ngunit
itinuturing lamang na makapangyarihan si Kapitan Tiago dahil sa pagiging malapit sa mga
prayle at pagpapautang nito sa mga mahihirap.
Kahit tinagurian siyang Kapitan, hindi iyon ang dahilan upang isiping siya'y
makapangyarihang tao sapagkat ang kapitan o gobernadorsilyo ay tunay na walang katumbas
na kapangyarihan kundi ang tagatanggap lamang ng utos mula sa itaas.
Ang bayan ng San Diego ay maihahambing sa Roma pagdating sa paghawak ng
kapangyarihan. Ang Papa sa Roma ay ang Kura sa San Diego. Ang kasalukuyang kura ng San
Diego ay Padre Bernardo Salvi. Isa pinakamakapangyarihan sa bayan.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
69. Ang hari sa Italya ay ang alperes at mga gwardiya sibil sa San Diego. Isa rin sila sa mga
naghari-harian sa bayan, isa siya sa makapangyarihan sa San Diego.
Kumpara kay Padre Damaso, magkaiba ang pagpataw ni Padre Salvi noong ito'y
nanunungkulan pa. Binibilangan ni Padre Damaso ng palo ng tungkod o suntok ang mga
nagkakasala samantalang si Padre Salvi ay nagpapataw ng multa bilang parusa.
Ang Alperes ay tinuturing din na isa sa makapangyarihan sa San Diego. Usap-usapan ang
pagiging malas nito sa pag-aasawa dahil sa bibig mismo ng alperes nanggaling na impiyerno
ang makisama kay Donya Consolacion sapagkat mas madalas na magkaaway kaysa
magkasundo ang dalawa.
Parehong makapangyarihan ang Alperes at Kura sa Bayan ng San Diego ngunit silang
dalawa ay mortal na magkaaway. Nakarating sa kura ang paninira at galit sa kanya ang
Alperes at bilang ganti, sa tuwing magsisimba ang Alperes ay ipinapasara ng kura ang pinto
ng simbahan at magsesermon ito ng napakahaba upang makatulog ang alperes. Ganun din
ang alperes. gumaganti rin ito sa kura, ang utusan ng kura ang tumatanggap ng mura sa
alpares, pinapalinis sa kwartel at hambalos ng parusa.
Sa kabila nito'y kapwa nagpapakita ng kabaitan sa isa't isa ang alperes at kura sa tuwing
magkakasalubong na animo'y tunay na magkaibigan at kadalasang magkakamay at
nagyayakap. Puno ng pagkukunwari ang kanilang mga ngiti.
70. ISYUNG PAMPAMAHALAAN- Ang pag-aagaw ng
kapangyarihan ng dalawang kastila (alperes at kura) ay
patunay kung gaano ka gahaman ang mga dayuhan
noon upang makaangkin lamang ng kapangyarihan.
Talamak ang pang-aabuso, korapsyon at panglilinlang
sa mga Pilipino na walang kalaban-laban.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
72. Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay o Todos Los Santos sa unang araw ng
Nobyembre bilang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay Matatagpuan sa
kanluran ng San Diego ang sementeryo na nababakuran ng bato at kawayan.
Malawak sa loob ng sementeryo at isang malaking krus na kahoy ang palatandaan sa
pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang INRI sa isang yero na nakapako sa
pinakatuktok ng Krus.
Isang bunton ng bungo at buto ang nasa paanan ng krus na inilagay ng mga
naghuhukay na sepulturero para sa mga bagong paglilibingan.
Maraming mga gumagalang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabaw sa loob
ng sementeryo ngunit binulabog ito ng dalawang lalaking sepulturero dahil sa
nasabing okasyon.
Ang isa sa mga lalaki ay panay ang hitit buga ng sigarilyo kasabay ang pagdura
habang binabantayan ang kasamahang naghuhukay.
Ayon dito, nakakadiri ang kanilang hinuhukay dahil kalilibing pa lang nito, ang
baho ng amoy, fila may dugo pa ang mga buto kaya't grabe ang sangsang. May
buhok pa ng tao. At ayon sa kanya, siya'y masusuka sa amoy at hindi niya ito kayang
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
73. Ayon sa isang lalaking sepulturero, "Para kang taga-tribunal sa selan. Noon nga
may bangkay na ipinahukay sa akin halos dalawampung araw pa lamang
nalilibing. Ang lakas ng ulan noon at namatay pa ang dala kong ilawan.
Natanggal ko ang takip ng ataul lumabas ang kalahati ng katawan ng bangkay.
Saksakan ang baho ng bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na
ulan."
Hindi makapaniwala ang lalaking kinukuwentuhan ng sepulturero at
nagtanong kung bakit niya ginawa iyon. Ayon sa lalaki, wala siyang magawa
dahil ito ang utos ng Kurang Malaki.
Ayon sa lalaki, ang utos sa kanya ng Kurang Malaki ay ilibing ang bangkay sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay. Hindi ito nagawa ng lalaki
dahil kasagsagan ng malakas na ulan at malayo ang libingan ng mga Intsik
Halos napupuno na ng tao ang sementeryo. Ang ilan ay nahihirapan sa
paghahanap ng mga puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Ang ilan
naman ay nakikipag agawan sa isang libing ang ibang hindi matagpuan ang
libing ng kamag-anak o kapamilya ay basta na lamang lumuluhod at nagdarasal
patungkol sa mga kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay.
74. ISYUNG PANLIPUNAN- Ang mga Pilipino ay may tradisyon at
paniniwala sa araw ng mga patay, kung saan pinahahalagahan ang mga
mahal sa buhay na namatay na. Nag-aalay ng panalangin para
mapupunta sa langit ang kaluluwa ng namayapang tao. Ito'y isang
kultura na hanggang sa kasulukuyan ay ipinagdiriwang pa rin ng mga
Pilipino. Hindi mali ang pag alala sa mga taong mahal sa buhay ngunit
ang paraan ng paghahandog ng dasal nobena o pagbayad ng halaga
para mailigtas ang kaluluwa mula daw sa impyerno ay isa sa mga
dahilan kung bakit naging isyu ang pagdiriwang ng TODOS LOS
SANTOS.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
76. Bumaba ng karwahe si Crisostomo sa tapat mismo ng sementeryo kasama ang
kanyang utusan na nagtungo sa loob upang hanapin ang puntod ng kanyang
amang si Don Rafael.
Hindi natagpuan ng utusan ang palatandaan. Hinanap nila ang puntod at
nagtanong sila sa isang sepulturero. Ayon sa sepulturero, wala na ang bangkay
dahil inutos ng kurang Malaki, kurang namamalo si Padre Garote na hukayin
ito.
Lalong namangha si Crisostomo at ang utusan sa huling sinabi ng sepulturero.
Isinalaysay nito na ipinahukay ang bangkay para ilipat sa libingan ng mga Intsik.
Galit na hinawakan ni Crisostomo ang balikat ng sepulturero at saka niyugyog
ng malakas. Matinding takot ang naramdaman ng sepulturero.
Isinalaysay ng sepulturero na hindi nito inilibing ang bangkay ni Don Rafael sa
libingan ng mga Intsik dahil mas nakakabuti umanong anurin na lamang ang
bangkay kaysa mapalibing sa libingan ng mga erehe kaya't tinapon niya ito sa
ilog.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
77. Matinding galit ang naramdaman ni Crisostomo subalit nagpigil nang husto upang
huwag niyang masaktan ang sepulturero. Binitiwan niya ito at nagtatakbong
palayo sa libingan.
Dumating sa kabayanan ng San Diego si Crisostomo at papunta siya sa matandang
bahay.
Hindi pa man siya ganap na nakakauwi ng bahay ay agad niyang natanawan ang
kura sa hindi kalayuan kaya nagmamadali niya itong nilapitan. Nakasuot ito ng
abito at ang sombrero ay nayuyupi sa lakas ng hangin at tila mabubuwal ng hangin
dahil sa kapayatan.
Mariing hinawakan ni Crisostomo ang dalawang balikat ng kura. At galt itong
finanong kung ano ang ginawa nito sa kanyang ama. Namutla sa takot si Padre
Salvi at sa takot nasabi nitong Baka nagkakamalibkayo, wala akong ginawang
masama sa inyong ama baka ang pinalitan kong kura na si Padre Damaso ang
tinutukoy ninyong may ginawang masama sa inyong ama.
Tila natauhan si Crisostomo sa narinig kaya agad binitiwan ang kura.
78. ISYUNG PANLIPUNAN- Angpaniniwala ng
sepulturero na mas mabuti pang itapon ang bangkay sa
ilog kaysa ilibing sa libingan ng mga intsik na
tinuturing mga erehe noong panahon ng Kastila.
MGA ISYUNG NANGINGIBABAW
80. Kasabay ng araw ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng kanyang ama ay ang
pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa libingan ng kanyang asawa.
Dahil sa kakaiba nitong personalidad ay kilala ng lahat ng tao sa San Diego
si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tacio.
Galing sa isang mayamang pamilya si Pilosopo Tasyo. Sa unibersidad ng
San Jose ito nag-aral na kalaunan ay pinahinto ng kanyang ina sa
paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang
makalimutan niya ang Diyos.
Nais din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binatang Tasyo.
Ngunit sinuway niya ito at nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon
ay maagang nabyudo ang Pilosopo at imbes na mag-asawang muli ay
inilaan niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng libro. Di nagtagal ay
napabayaan nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina.
81. Sa kabila ng paparating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa
kalangitan ay kapansin-pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni
Pilosopo Tasyo.
Ang mga tao ay nagtataka sa matalinghaga niyang sagot sa kanyang
reaksyon. Ayon sa Pilosopo, ang bagyo ang siyang lilipol sa mga tao at
hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan.
Iminungkahi din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat sa
halip na mga paputok at kwitis. Tutol din siya sa pagpapatugtog ng mga
batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog.
Nagpunta si Pilosopo Tasyo sa simbahan at nakita niya doon ang
dalawang magkapatid. Sinabihan niya ang mga ito na kung maari ay
umuwi na dahil ang kanilang ina ay naghanda ng isang espesyal na
hapunan.
82. Nagpatuloy sa paglalakad si Pilosopo Tacio hanggang sa marating ang
bahay ni Don Filipo at Aling Doray.
Nabanggit din ng Pilosopo na nadarama niya ang paghihinagpis ng binata
lalo na ng malaman nito ang sinapit ng kanyang ama.
Ang kanilang usapan naman ay napadako sa purgatoryo, bagay na hindi
pinaniniwalaan ni Pilosopo Tacio ngunit pinaniniwalaan naman ng
nakararami.
Bagamat hindi naniniwala ang Pilosopo sa purgatoryo ay nirerespeto
naman daw niya ang pananaw ng relihiyon dito.
Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang Pilosopo at lumakad palayo ng
masiglang -masigla sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na
kulog.
84. Ang mga kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan ay ang magkapatid na
sakristan na sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa.
Siya ay pinagbintangan ng pari sa pagnanakaw ng dalawang onsa o halagang
tatlumpu't dalawang piso. Hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi
dahil ang sahod lamang nila sa pagsasakristan ay dalawang piso kada buwan.
Tatlong beses pa naman ang pataw sa multa.
Hiningan niya ng tulong ang kanyang kuya na si Basilio. Hiniling niya na
kung maari ay tulungan siyang magbayad sa ibinibintang sa kanya ng pari.
Ngunit hindi pumayag si Basilio dahil kailangan din niyang ibigay sa
kanilang ina ang kanyang kita upang may makain.
Dagdag pa ni Crispin, sana nga ay ninakaw na lang niya ang pera ng sa gayon
ay may maibabalik pa ito at kung mamatay man siya sa palo ay may maiiwan
naman siya sa kanyang ina at kapatid.
85. Sa patuloy na pag-uusap ng magkapatid ay di nila namalayan ang pagpanhik ng
sakristan mayor. Nagpupuyos ito sa galit dahil sa narinig niya ang pinag-uusap ng
dalawang batang sakristan.
Mapanganib para kay Basilio ang umuwi ng ganitong oras dahil mahigpit na
ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago
sumapit ang ika-siyam ng gabi.
Matapos itong sabihin ng sakristan mayor ay kinaladkad na niya si Crispin at
hindi na magawang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid.
Matapos itong sabihin ng sakristan mayor ay kinaladkad na niya si Crispin at
hindi na magawang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid.
Naririnig niya ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nadarama.
Binalot si Basilio ng matinding paghihinagpis. Natulala at nawalan siya ng pag-
asa para tulungan ang kapatid na mabago ang kanyang kalagayan.
87. Abalang-abala si Sisa na ina nina Basilio at Crispin sa isang maliit
na dampa sa labas ng bayan. Siya'y salat sa kabuhayan. May likas
mang ganda ngunit pinatanda na siya ng panahon at pagdurusa.
Nakapag-asawa si Sisa ng isang lalaking walang idinulot sa kanya
kundi sakit sa kalooban.
Patuloy lamang na tinitiis ni Sisa ang ginagawa sa kanila ng asawa.
Minamahal pa rin niya ito at sinasamba na akala mo'y diyos.
Nung araw na iyon ay naghanda ng masarap na hapunan si Sisa
para sa kanyang dalawang anak. Minsan lamang itong mangyari
dahil na rin sa kasalatan nila sa buhay.
88. Inihain niya ang paborito ni Crispin na tuyong tawilis at
sariwang kamatis samantalang tapang baboy-damo naman at
isang hita ng patong bundok ang para kay Basilio. Galing ang
lahat ng iyon kay Pilosopo Tasyo.
Wala nang nagawa si Sisa kundi maghinagpis sa pag-aalalang
wala nang masarap na hapunan ang kanyang dalawang
supling.
Di nagtagal ay nainip si Sisa sa kahihintay sa mga anak.
Nakarinig na lamang siya ng malalakas na tawag mula kay
Basilio.
90. Dumating sa kanilang bahay si Basilio na duguan sa kadahilanang hinabol siya ng mga
gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo.
Nalaman na rin ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa.
Nahabag ang puso ng ina dahil sa awa sa kanyang bunso.
Di kasi linggid sa kaalaman ni Basilio ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa
kanyang ina tuwing dumarating ito sa kanilang bahay.
Nakatulugan naman ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Sa kalagitnaan ng
kanyang tulog ay binangungot ito.
Nagising na lamang sa yugyog ng kanyang ina si Basilio at sa halip na ipagtapat ang
laman ng kanyang panaginip ay sinabi na lamang niya ang kanyang pangarap para sa ina
at kapatid.
Bagaman nagpapakita ng pagkatuwa ang ina sa mga pangarap ng anak ay lihim naman
siyang nasasaktan dahil hindi isinama ni Basilio sa kanyang mga plano ang kanyang
92. Matamlay na nagdaos ng misa si Padre Salvi ng araw na yaon. Ang mga matatanda ay
abala sa nalalapit na pista sa kanilang bayan habang naghihintay naman na makausap
ang pari.
Ang pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy
na nagdurusa sa purgatoryo ay napag-usapan ng mga matatanda. Mahigit isang libong
taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo ang katumbas ng isang
indulgencia>
Nagtuloy siya sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala-dalahan. Ni
hindi siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento ngunit nakausap
naman niya ang tagaluto doon.
Alam na raw ito ng mga gwardiya sibil kaya papunta na ang mga ito sa kanilang bahay
upang hulihin ang kanyang mga anak.
Tinuya rin nito si Sisa dahil hindi daw niya tinuruan ng kabutihang asal ang
magkapatid at higit sa lahat ay nagmana raw ang kanyang mga anak sa kanyang
asawang walang silbi.
94. Sa tabi ng lawa ay nagkita sina Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng guro kung
saan naitapon ang bangkay ng ama ng binata. Isa diumano si Tinyente Guevarra sa
iilang nakipaglibing sa kanyang ama.
Sinabi ng guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon sa
kanilang bayan at naitulong nito sa kanyang kapakanan.
Inisa-isa din ng guro ang ang mga kinakaharap na suliranin ng San Diego tungkol sa
edukasyon.
Aniya, ang mga ito raw ay ang mga sumusunod:
ang kawalan ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral,
ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga
bata,
ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, •ang mga patakaran ng
simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin,
at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may
katungkulan.
95. Pinapalo at minumura diumano ng pari ang mga bata sa tuwing makaririnig ito
ng ingay mula sa tapat ng kwadra kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga
wala silang silid-aralan.
Ang guro ay natuwa ng malaman na hindi na si Padre Damaso ang kura sa San
Diego kaya minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan
ng kanyang mga mag-aaral.
Nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan
ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya raw
babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor ang mga napag-
usapan nila ng guro.
Kahit pa nagkaroon ang kalayaan ang guro na iangkop ang kanyang mga aralin
ay higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.
97. Noong araw na iyon ay panauhin sina Ibarra at ang guro sa pulong.
Nahahati sa dalawang kinatawan o lapian ang mga nasa pulong. Ang una
ay ang mga konserbador o pangkat ng mga matatanda na
pinamumunuan ng Kabesa samantalang ang pangalawa ay ang liberal na
binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo.
Ang pagpupulong ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang
araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para
sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
98. Kagaya ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Si Don Filipo
naman ay nagmungkahi na sa bawat gawain ay dapat may talaan ng mga
gastos.
Nabanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon ng paputok upang maging
lalong masaya ang pista, bagay na di naman sinang-ayunan ng lahat.
Ang Kabesa naman ay nagbigay ng panukala na dapat ay tipirin ang
pagdiriwang. Wala rin dapat na paputok at ang mga gaganap sa
programa ay dapat mga taal na taga-San Diego. Aniya, ang sentro ng
pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino.
100. Kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay
matapos mapakinggan ang mga sinabi ng kusinero.
Hindi mawaglit sa isipan ni Sisa ang maaring pagdampot ng
mga gwardiya sibil sa kanyang mga anak dahil sa bintang na
pagnanakaw ng salapi.
Habang kinakaladkad ay hiyang-hiya si Sisa sa harap ng
taong-bayan na sakto namang katatapos lang ng misa at ang
mga ito ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan.
101. Inihagis siya ng mga ito pagdating sa kwartel at nagsumiksik
na lamang ang naghihinagpis na ina sa isang sulok.
Umuwi na si Sisa sa kanilang bahay at hinanap ang dalawang
anak. Wala kahit sa bakuran ang anino o kahit tinig ng
kanyang mga anak.
Nagpalaboy-laboy sa kalsada si Sisa habang sinasabi ang
pangalan ng kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin.
103. Ngayon na ang araw ng pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego
upang mamalagi doon para sa pista ng bayan.
Ang balitang pagdating ni Maria Clara ay agad na kumalat dahil kinagigiliwan siya
ng lahat ng mga tao doon. Kumalat din diumano ang madalas na pagkikita nila ni
Ibarra na ikinagalit naman ni Padre Salvi. Napapansin pala ng dalaga ang
pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.
Hindi naman ito sinang-ayunan ni Ibarra dahil hindi raw ito magandang tingnan.
Bigla naming dumating ang pari habang nag-uusap ang dalawa kaya nagpaalam na
ang dalaga upang mamahinga.
Pagdaka'y inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik na kanilang pinagpa-
planuhan at kaagad naman itong sinang-ayunan ng pari. Umuwi na rin si Ibarra
makalipas ang ilang oras.
Sa daan habang naglalakad pauwi ay may nakasalubong si Ibarra na isang lalaki na
humihingi ng tulong.
105. Masiglang gumayak ang mga kababaihan at kabinataan madaling araw
pa lamang ng araw na iyon. Naglalakad ng magkakasama ang mga
kababaihan samantalang hiwalay naman sa kanila ang mga kalalakihan.
Dalawang bangka ang sasakyan nila kung saan ang matatalik na
magkakaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang
ay magkakasama sa isang Bangka..
Nagkaroon naman ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga
kalalakihan kaya sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Tumahimik
tuloy ang mga dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya.
Nang malapit ng maluto ang agahan ay gumayak na ang mga
kalalakihan upang mangisda. Ngunit walang nahuli ang mga ito kahit
isa dahil sa biglang pagsulpot ng buwaya sa ilog.
107. Nakapagmisa ng maaga si Padre Salvi at agad ay nag-almusal. Hindi na
nito tinapos ang pagkain, sa halip ay nagpunta na ito sa lugar ng piknik
sakay ng karwahe.
Malayo pa lamang ay pinahinto na ng pari ang karwahe upang malayang
mapagmasdan ang mga kadalagahan. Di naman siya nabigo sapagkat
nakita niya ang masasayang mga dalaga maging ang mga binti at sakong
ng mga ito habang nagkakatuwaan.
Makatapos ang pananghalian ay nabanggit ni Padre Salvi na may
tumampalasan kay Padre Damaso kaya ito ay nagkasakit.
Nabanggit din sa usapan ang pagkawala ng mga anak ni Sisa kung saan
nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi.
108. Ikinatwiran ni Don Filipo na higit pang pinahalagahan ang
dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Si Ibarra nama'y
pumagitna na sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang
mga ito.
Walang anu-ano'y dumating si Padre Salvi at pinunit nito ang
aklat ng walang hudyat. Ayon sa pari, malaking kasalanan ang
maniwala sa nilalaman nito.
Si Albino nama'y nainis at sinagot ang kura na mas malaking
kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba.
110. Nabanggit ng Pilosopo na walang makauunanawa sa ngayon ng kanyang
isinusulat dahil ang susunod na henerasyon ang makakaunawa ng
kanyang saloobin.
Nabanggit naman ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki,
ramdam niya ang palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang.
Naniniwala si Ibarra na ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang
balutan ng baluktot na gawain.
Hindi makumbinsi ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na ang kapangyarihan ng
simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo pa ng sabihin
niya sa binata na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay
marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw
niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin.
111. Hindi naman ito matanggap ni Ibarra dahil ang kanyang mga pananaw ay
ideolohiyang liberal na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa.
Ang kalagayan ni Ibarra ay inihalintulad niya sa mga halaman kagaya sa
rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at
kung hindi ito ay mababali lamang, at sa puno ng makopa na kailangan pa
niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa.
Maraming tumatakbo sa isipan ni Ibarra. Paano na lamang raw kung hindi
lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil sa ang
karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman, at kung may
maiiwan ba siyang legasiya sa kanyang mga binabalak para sa bayan.
113. Tuwing ika-sampu ng Nobyembre ay bisperas ng pista sa San Diego.
Handa na ang lahat sa bisperas pa lamang kaya nakagayak na ang
kani-kanilang mga bahay ng pinakagarbong palamuti, kurtina at
iba't-ibang dekorasyon pati na mga minana at antigong kagamitan.
Punong-puno ng iba't ibang masasarap na putahe ang hapag kainan
ng mga mayayaman. Nariyan ang mga kakanin, panghimagas at mga
inangkat na mamahaling mga alak mula pa sa Europa.
Panay rin ang pagpapaputok ng mga kwitis, batingaw ng kampana at
tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang mga matataong lugar
kabilang na ang plasa ng San Diego ay pinalamutian ng arkong
kawayan.
114. Sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba
pang mayayaman sa bayan ng San Diego ay may partisipasyon din sa
kasayahan. Nakalaan namang magmisa si Padre Damaso sa umaga.
Katumbas ng mga paaralan sa Europa ang bahay-paaralan na
ipinapatayo ni Ibarra kung saan hiwalay ang mga babae sa lalaki.
Mayroong lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay pati na rin
bodega.
Sa ginawang ito ni Ibarra ay maraming humanga sa kanya ngunit sa
kabilang banda nama'y marami din ang kanyang naging palihim na
mga kaaway.
116. Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiago ang
pinakamalaki.
Si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya
ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang
agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni
San Pedro.
Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman.
Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria
sapagkat darating si Padre Damaso.
Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya
Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng
kumbento.
117. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na
sumama ito sa kaniya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting
bangka sa monte si Padre Damaso.
Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kaniyang
gitara. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas
niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin. Kinuha ng
ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kaniyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito
sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak
ni Maria.
Biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang
anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento
at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang
ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
119. Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa
pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid
ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.
Pagdalo ni Padre Hermando Sibyla, mga kakilala at mamamayang
Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.
Ang pagsundo ng maraming tao at mga makapangyarihan sa kura sa
kumbento, ang paghahanda ng hapunan ng Hermano Mayor at ang
pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos
upang kaunin si Padre Salvi at Padre Damaso Verdolagas.
Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga batikang artistang
sina Ratia, Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat
120. Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ang prusisyon ng Birhen
de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan na kasama ang karong
pilak nina Santo Domingo at San Diego.
Isinunod naman kaagad ang Misa Cantada sa saliw ng orkestra at
awit ng mga artista . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre
Manuel Martin.
Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang
nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-
laro ng monte sa mga batikang tahur na sina Kapitan Tiago, Padre
Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul
121. Crisostomo,
Ilang araw nang hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit kaya’t
ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi
naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw
kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang
talaga ako kinuwentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.
Ipaabot mo saakin ang kaniyang kalagayan at ipapadalaw kita kay
Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa,
mahusay siya kaysa sa iyong katulong.
Maria Clara
Pahabol:
Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang
bato sa paaralan. Paalam
123. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila. Tanging si Pilosopong Tasio lamang ang hindi nagpalit ng bihisan.
Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng
lahat.
Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng
lahat.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na
iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon
kinabukasan.
Siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng
langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal
si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
124. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan
sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa
kapatiran ni San Francisco.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang
Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang
ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Sibyla.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina
Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapitan Tiago, si
Maria, si Ibarra at ilan pang kastila.
126. Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua
bendita.
Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na
magatatanghal sa loob ng tatlong gabi.
Ang manonood dito (komedya) ay mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kaniyang mga tauhan. Ang suot
niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari
ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na
kuwaderno.
Pumanhik sa pulpito si Padre Damaso at at Padre Sibyla. Pero, tanging palibak ang
inukol niya kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon
niya kaysa kahapon.
128. Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at
Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay
20 mga salitang winika ng Diyos
Humanga si Padre Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay
napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na
iyon sa kaniyang sariling sermon.
Sinabi ni Padre Damaso na kaniyang binitiwan ang mga pananalita ng diyos
upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at
lumalaki sa lupain ng banal na si francisco.
Nakita ni Damaso na napakunot-noo ang alperes sa kaniyang tinuran. Kung
kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na “opo, ginoong Alperes, higit na
matapang at makapangyarihan bgamat walang armas kundi isang krus na kahoy
lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni
Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay Diego de Alcala.”
129. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila, kaya
hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang
guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco.
Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalang-
bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa
kumpiskalan.
Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padre
Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang
isinasumbulat niya.
Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas,
mga binatang salbahe at pilosopo…ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero,
nagsawalang kibo na lamang siya.
Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at
nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya
si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay
131. Ipinakita ng taong madilaw kay Juan kung paano niya mapapagalaw ang
pampakilos ng kalong ang kaniyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro ang
taas, nakabaon sa lupa ang apat na haligi.
Tinignang mabuti ni Juan kung paano itinaas at ibinababa ang batong malaki na
siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang.
Hangang-hanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga
taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya
kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng
panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay
pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang
sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at
mag-aaral.
132. Nagsimulang magbasbas si Padre Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-
okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak
at relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa
bumbong na yari sa tingga.
Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa
nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na
tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde.
Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at
Kapitan Tiago para sa pasinaya.
Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang
buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra
ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na nasa
paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba
kundi si Nyor Juan.
134. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng
babala sa kaniya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na
loob sa kaniya
“Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban,
mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa
pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan,”
pagdidiin pa ni Elias.
Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig
ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di
kilalang tao at sinabing “hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra)
tulad ng kaniyang ama, makikita ninyo.”
135. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw
sapagkat marami pa sanang mababatid ‘buhat sa kaniya. Pero,
ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala
niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao.
Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito
ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong
maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa
Diyos.
Nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya
sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.
137. Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian
sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina
Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa
kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok
sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang
dalaga ni Maria.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra.
Nang ungkatin ni Padre Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni
Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.
Pero, pinigilan siya ni Maria.
139. Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso
ay madaling kumalat sa buong San Diego.
Ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra
sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata
na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa
kaniyang ama.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na
tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa
kabutihang nagawa niya at ng kaniyang ama.
140. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi
nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang
mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Tanging si Kapitana Maria lamang ang pumili kay Ibarra at
sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol
at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama.
May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan
sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra.