3. • Matatagpuan sa isang malawak na palayan na
nababakuran ng lumang pader at kawayan ang
sementeryo ng San Diego. May malaking krus na
nakatirik sa kalagitnaan nito. Masukal ang libingan
at makipot ang daan patungo sa sementeryo.
Maputik kung tag-ulan at maalikabok naman kung
tag-araw.
4. •Noong gabing iyon ay napakalakas ng buhos
ng ulan. Dalawang tao ang abala sa
paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo.
Ang isa ay matagal nang sepulturero
samantalang ang katulong nito ay bago pa at
hindi mapakali sa kanilang ginagawa.
5. •Iniahon ng dalawa ang bangkay na kanilang
hinukay na dalawampung araw pa lamang
naililibing mula ng mamatay.
6. •Ang utos na paghukay sa bangkay at
paglipat nito sa libingan ng mga Intsik ay
mula kay Padre Garote na walang iba kundi si
Padre Damaso, ang kura paroko ng
panahong iyon.
7. SAGUTIN!
1. Saan matatagpuan ang sementeryo ng San
Diego?
2. Ano-ano ang nakabakod dito?
3. Ano ang nakatirik sa gitna nito?
4. Saan ililipat ang hinukay na bangkay?
5. Sino ang nagpahukay ng bangkay?