4. KABANATA 16
Ano ang pamagat ng Kabanata 16?
Sino-sino ang mga mahahalagang
tauhan sa Kabanata 16?
Ano-anong mahahalagang
pangyayari ang naganap sa Kabanata
16?
Ilarawan si Sisa.
5. KABANATA 17
Ano ang pamagat ng Kabanata 17?
Sino-sino ang mga mahahalagang
tauhan sa Kabanata 17?
Ano-anong mahahalagang
pangyayari ang naganap sa Kabanata
17?
Ilarawan si Basilio.
9. Matapos ninyong mapanood ang
video tungkol sa guro at mag-aaral,
bumuo ng mga simbolong
maglalarawan sa katangian ng
isang mahusay at epektibong
guro ng 21st Century.
10. Kaugnay nito, bumuo rin ng mga
simbolong nagpapakita kung
paano dapat pahalagahan ng
kabataang katulad mong
edukasyong iyong natatamasa
sa kasalukuyan.
11.
12. Bago natin simulang talakayin ang
kabanata, pagtuunan muna natin ng
pansin ang mga salita at kahulugan ng
bawat isa. Ang mga salitang ito ay ginamit
sa kabanatang ating tatalakayin kaya’t
makatutulong na alam natin ang
kasingkahulugan ng bawat isa para sa
mas malalim at mabisang pag-unawa.
23. Mababasa sa kabanatang ito kung paano
nabulag ang mga tao sa mga maling
paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga
kaluluwa mula sa Purgatoryo.
24. Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na
kanyang inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay
hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano
mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin.
Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang
sutana at tumuloy sa kanyang silid.
25. Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng
pari. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na
siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na
kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-
kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng
indulhensiya.
26. Isang anyo ng kapatawaran sa kasalanan kapalit ng
isang mabuting gawain tulad na lamang ng
pagkakawanggawa, pag-aayuno, at paglahok sa estado.
27. Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming
indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa
papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa
tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa
kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.
28. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa,
ang ina ng magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay
sumadya sa simbahan upang tanungin si Padre Salvi
tunkol sa anak na si Crispin na nagsisilbing sakristan
ng pari.
29. ANONG ARAL KAYA ANG
ATING MAPUPULOT SA
KABANATA 18?
Scoreboard
30. ARAL
Ang kaligtasan ng bawat kaluluwa
kailanman ay walang katapat na
halaga. Hindi ito nabibili. Tanging
kabutihan ng loob ang susi para sa
tunay na kaligtasan.
41. Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal
kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga
prayle para sirain ang kinabukasan ng mga
kabataan.
42. Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang
tahimik na nagmumuni sa lawa. Ang mga ito ay sina
Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama
niya ang sepulturero at si Tenyente Guevarra sa
pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa.
43. Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis
si Ibarra. Sa halip, mas lalo siyang nagka-interes sa
pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro kung
gaano niya ninais na baguhin ang lumang kairalan sa
pagtuturo ngunit siya ay bigo.
44. Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga
bata na nag-aaral. Ang silid aralan na kanilang
ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga bata
ang mga litanya ng dasal sa salitang Kastila. Pinakita
rin sa kabantang ito ang marahas na kaparusahan na
binibigay sa bawat kamalian ng mga bata.
45. Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit
niya itong binago ng patago. Ngunit siya ay inalipusta
at pinarusahan ni Padre Damaso sa harapan ng
kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si Ibarra sa mga
tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa na
balang araw mababago rin ang lahat.
46. Kakulangan ng magagastos
Kawalan ng pagtutulungan ng mga
magulang at ng mga taong nasa pamahalaan
Kagamitan para sa mga bata (mga aklat)
Kakulangan ng bahay-paaralan
47. ANONG ARAL KAYA ANG
ATING MAPUPULOT SA
KABANATA 19?
Scoreboard
50. Mga anak, huwag tayong magmahal sa
pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin
natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng
gawa.
51. TAKDANG-ARALIN
Pagsulat ng Journal :
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting
reputasyon o pangalan ng mga magulang? Ikaw, paano
mo iniingatan ang reputasyon ng inyong pamilya?
52. TAKDANG-ARALIN
Pagsulat ng Journal :
2. Paano mo maipadarama sa iyong mga guro ang
paggalang at pagpapahalaga mo sa kanilang mga
ginagawa?