7. PADRE SIBYLA
- pumalit kay Padre Damaso; payat at mukhang may sakit
dahil mahilig mag ayuno
8. Ang Nakaraan..
Ang bayan ng San Diego ay halos nasa baybay ng lawa
at nasa gitna ng malaking bukurin. Sa kabila ng masagana
nitong pananim ay may natatago itong alamat na nagging
dahilan ng katatakutan sa mga tao. Dito nagmula ang angkan
nina Don Rafael Ibarra na nagpaunlad sa pagsasaka na nagging
sanhi ng pagdayo ng mga Instik.
9. BUOD
Bagaman Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi
siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit siya na siya ang
pinakamayaman. Pero, siya ay ginagalang at halos lahat ng mga
tao ay mayroong pagkautang sa kanya. Sa kabila ng
kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng
magkaroon ng usapin at ni wala pang kumampi.
10. Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at
sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap
na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod,
siya ay tinayawag na Sakristan Tiyago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga
tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang
puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang
sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.
11. Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa
mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng
bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat
siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya
kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari
Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya
Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga
kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya
sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa
pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na
magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang
eposa.
12. Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag
sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay
nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang
anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi
na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan
para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na
makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga
casique
13. MGA TAUHAN
■ Tiyago
- bagama’t pinuno ng
bayan, di pa rin kinikilalang
makapangyarihang PADRE
■ Don Rafael
- Kahit pinakamayaman, di
siya kinikilalang makapangyarihang
KAPITAN
- ama ni Crisostomo
Ibbara
■ Bernado Salvi
- pransiskanong kura na
siyang pinakamakapangyarihan sa
SAN DIEGO
■ Mga Alperes
- pinuno ng gwardiya
Sibil; ang makapangyarihan sa San
Diego
14. MGA GABAY NA TANONG
1. Sinong tao ang ginagalang ngunit hindi makapangyarihan?
2. Sinong tao ang masalapi ngunit hindi makapangyarihan?
3. Sino ang nag-aagawan sa mga kapangyarihan na pamunuan ang
bayan ng San Diego?
4. -6. Paano binubunton ng Alperes ang kanyang pagkakapangasawa
kay Donya Consolacion?
15. 7. Ihayag kung paano pinagtatakluban ang hidwaan nina Padre
Salvi at ang Alperes sa harap ng tao?
8.-9. Sino ang tunay na makapangyarihan sa bayan ng San Diego?
10. Bakit maihahalintulad ang San Diego sa Roma at Italya?