3. •Masiglang gumayak ang mga kababaihan at
kabinataan madaling araw pa lamang ng
araw na iyon. Naglalakad ng magkakasama
ang mga kababaihan samantalang hiwalay
naman sa kanila ang mga kalalakihan.
4. •Ang mga kawaksi at matatandang babae ay
kasama rin sa kanilang piknik.
5. •Dalawang bangka ang sasakyan nila kung
saan ang matatalik na magkakaibigan na sina
Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at
Sinang ay magkakasama sa isang Bangka.
6. •Di mapigil ang tawanan at kwentuhan ng
mga dalaga kung kaya si Tiya Isabel ay
sinaway sila.
7. •Nagkaroon naman ng butas ang bangkang
sinasakyan ng mga kalalakihan kaya sila ay
napalipat sa bangka ng mga dalaga.
Tumahimik tuloy ang mga dalaga sapagkat
sila ay inatake ng hiya.
8. •Patuloy lamang sa pagsagwan si Elias at
upang hindi mainip ang mga kasama ay
umawit ng kundiman si Maria Clara.
9. •Nang malapit ng maluto ang agahan ay
gumayak na ang mga kalalakihan upang
mangisda. Ngunit walang nahuli ang mga ito
kahit isa dahil sa biglang pagsulpot ng
buwaya sa ilog.
10. •Ang mga kababaihan ay nabahala sa
paglitaw ng buwaya lalo na ng ito’y nilundag
ni Elias. Higit na malakas ang buwaya kaysa
kay Elias kaya tinulungan siya ni Ibarra na
taluhin ito.
11. •Natalo ng dalawa ang buwaya kaya
nagpatuloy na sila sa pangigisda hanggang
sa sila ay makahuli ng sariwang isda.
12. •Sa isang puno malapit sa batisan ay
masayang nananghalian ang magkakaibigan.
13. SAGUTIN!
1. Saan nananghalian ang magkakaibigan?
2. Ano ang sumulpot sa may ilog?
3. Ilang Bangka ang sinakyan nila?
4. Ano ang nangyari sa Bangka ng mga
kalalakihan?
5. Sino ang nakapatay sa buwaya?