4. Kahit bantog at kilalang-kilala si Don Santiago de
Los Santos o Kapitan Tiago sa pagiging galante at
mapagbigay, hindi nito ugali ang biglaang
paghahanda. Kumalat sa Maynila ang pahayag ng
Don na mag-iimbita siya sa isang hapunan. Naging
abala ang lahat sa paghahanda ng isusuot sa
naturang handaan. May ilang nagpapakintab ng
sapatos, ang iba naman ay naghahanap ng butones
at kurbata. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa kalye
Anloague, na ngayo’y Juan Luna. Malaki, katulad ng
maraming bahay sa Pilipinas, at nasa may pampang
ng Ilog Binondo na kasangga ng Ilog Pasig.
BUOD:
5. Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiago nang gabing
iyon. Napakaliwanang ng ilaw at naghahalinhinan ang
magagandang tugtugin. Nasa gitna ng bulwagan ang
malaki at nagagayakang mesa. Hiwalay ang grupo
ng mga babae at lalaki. Pabulong magsalita ang mga
babae samantalang masigla ang usapan ng mga
lalake. Ang pinakamasaya sa lahat ng naroroon ay
ang pangkat ng dalawang prayle, dalawang sibilyan,
at isang sundalo. Tenyente ng guardia civil ang
sundalo. Matanda na. Matangkad, tahimik, at
prangkang magsalita. Ang isa sa mga prayle na si
Padre Sibyla ay Dominikong pari sa Binondo. Dati rin
siyang preposor sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
BUOD:
6. Sa dalawang sibilyang naroroon ay isa ang pandak, may balbas
na itim, at napakatangos ng ilong. Ang masiglang kausap naman
ng Pransiskano ay ang sibilyang may pulang buhok na anyong
bagong dating sa Pilipinas. Inilahad ni Padre Damaso sa tagal
ng pamamalagi at pagkakadestino niya sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas ay nakita niyang mapag-walang bahala ang mga Indio.
Nagkasagutan ang Tenyente at ang Pransiskong pari nang
sabihin nitong kinukunsinti ng mga nasa gobyerno ang mga
ereheng kalaban ng Diyos. Lalong naging maiinit ang usapan
nang mabanggit ng pari na kahit ang hari ay walang karapatang
makialam kapag nagpahukay ang pari ng isang bangkay ng
erehe. Ang pagpapahukay ng bangkay ang naging mitsa upang
ipalipat si Padre Damaso sa mas malaking bayan.
BUOD:
11. TALASALITAAN:
dumulog = lumapit sa hapag-
kainan
malabag = masuway, hindi
masunod
nakaila = naitanggi
napatigagal = natigilan
sinipat = tiningnan mula ulo
hanggang paa;sinuring mabuti sa
pamamagitan ng pagtingin.
12. Napatigagal si Padre Damaso nang dumating si Kaptian Tiago
na hawak pa sa kamay ang isang nakaluksang binata. Ipinakilala
ni Kapitan Tiago si Don Crisostomo Ibarra na anak ng namatay
niyang kaibigan. Sinabi niya na kararating lamang ng binata mula
sa Europa. Hindi nakaila ang paghanga ng mga panauhin nang
marinig ang pangalan ng binata. Nakalimutan tuloy ni Tenyente
Guevarra ng guardia civil na batiin si Kapitan Tiago. Nilapitan
niya si Ibarra at sinipat mula ulo hanggang paa. Si Ibarra’y
mataas kaysa sa karaniwan, malusog, mukhang edukado.
Magiliw ang kaniyang mukha at kasiya-siyang kumilos.
Kababakasan siya ng lahing-Kastila. Kayumanggi ang kulay
ngunit mamula-mula ang kaniyang pisngi.
BUOD:
nakaila
13. Masayang binati ni Ibarra si Padre Damaso at kaniyang sinabi na
siya ang kura sa aming bayan at matalik na kaibigan ng aking
ama. Ang kura ay mabilis na itinuwid si Ibarra sa sinabi nito at
sinabi niyang nagkakamali si Ibarra dahil kailanman ay hindi niya
naging kaibigang matalik ang ama nito. Sa pagkakataong iyon
ay inurong ng binata ang kaniyang kamay na akma nang
iniaabot kay Padre Damaso. Ang tenyente naman ay bumati kay
Ibarra ng maligayang pagdating. Sinabi niya sa binata na sana
mas maging mapalad pa si Ibarra kaysa sa kanyang ama na
yumao. Sinabi pa nito na nakausap niya na ang kaniyang ama at
masasabi niyang napakarangal na tao ng kaniyang ama. Agad
namang bumati si Ibarra at kanyang sinabi dahil sa papuri nito
sa kanyang ama ay nawala ang knyang alinlangan sa mga
bagay-bagay na hindi niya naliliwanagan
BUOD:
14. Tumalikod na ang tenyente at lumakad na papalayo, naiwang
mag-isa si Ibarra. Ipinasiya niya na lapitan ang mga dalaga at
binatang panauhin. Humingi siya ng paumanhin na malabag niya
ang tuntunin sa pakikipagkapwa. Nang kausapin ni Ibarra ang
mga dalaga ay wala man lang ni isa na kumikibo sa kanila kaya
naman napilitang lumayo ang binata at nilapitan niya na lamang
ang mga nagkukwentuhang mga lalaki. Binati ni ibarra ang mga
kalalakihan at kaniyang sinabi na may kaugalian sa Alemanya
(Germany) na kung walang magpapakilala sa isang panauhin ay
siya na mismo ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Nagpakilala
siya sa mga ito at bilang tugon ay sinabi rin ng mga binata ang
kanilang mga pangalan.
BUOD:
15. Nagpakilala kay Ibarra ang isang lalaking nangangalang
Kapitan Tinong, kaibigan ni Kapitan Tiago at kakilala ng
kaniyang ama. Niyaya siya nitong makisalo sa kanilang
tanghalian bukas ngunit ang binata ay magiliw na
nagpasalamat at nagsabing hindi siya makakarating
dahil may mahalagang bagay na kailangang asikasuhin.
Nang matapos ang pagpapakilanlan ng lahat, nagsimula
nang dumulog ang lahat ngunit ang mga babae, lalo na
ang mga Pilipina, ay kinailangan pang pilitin.
BUOD:
20. TALASALITAAN:
dumulog = lumapit sa hapag-
kainan
kabisera = pangunahing upuan sa
mesa
kinutya = hinamak; inusig
nakaugalian = nakasanayan,
bahagi na ng kultura.
21. Dumalog na ang mga panauhin sa hapag-kainan.
Siyang-siyang lumapit si Padre Sibyla sa mesa. Si
Padre Damaso ay mukhang inis, sadya niyang sinasagi
ang mga upuang naka harang at siniko niya ang isang
kadete. Hindi kumibo ang tenyente sa ganitong kilos
ng pari. Dahil sa nakaugalian, sabay na lumapit ang
dalawang prayle sa kabisera. Iginigiit ni Padre Sibyla
na si Padre Damaso ang marapat na umupo sa
kabisera dahil mas matagal siyang kakilala at
kompisor ng may bahay. Tumutol naman si Padre
Damaso at sinabing si Padre Sibyla ang marapat
maupo rito dahil siya ang kasalukuyang kura sa pook
na iyon.
BUOD:
22. Dahil abala sa pag-aagawan sa pag-upo sa kabisera
ang dalawang prayle, hindi nila naalalang alukin ang
may handang si Kapitan Tiago. Si Ibarra ang nag-
imbitang sumalo ang may bahay. Ngunit puno na ang
upuan. Tumanggi rin si Kapitan Tiago at sinabing
huwag na mag-abalang tumayo pa si Ibarra. Inihanda
na ng utusan ang umuusok na tinola. Sadya man o
hindi, panay upo at sabaw na may isang talop na leeg
ang napunta kay Padre Damaso, samantalang hita at
pitso sa iba, habang panay lamang-loob ang kay Ibarra
dahilan upang lubhang mainis ang pari.
BUOD:
23. Lubhang humanga ang mga bisita kay Ibarra nang
malamang nalibot nang binata ang buong Europa at
gayundin sa kakayahan nitong magsalita ng iba’t-ibang
wika. Inilahad din ni Ibarra ang pagnanais niyang lubos
na makilala ang mga bansa o lugar na kanyang
nabibisita. Kinutya ni Padre Damaso ang pahayag na
ito ni Ibarra sa pagsasabing hindi dapat aksayahin ang
salapi sa napakaliit na bagay. Naging hudyat ito upang
magpaalam si Ibarra dahil hindi niya hangad na may
mangyaring gulo sa handaan. Sinabihan siya na Kapitan
Tiago na manatili dahil darating si Maria Clara, maging
ang bagong Kura ng San Diego.
BUOD:
24. Hindi pinaunlakan ni Ibarra ang imbitasyon na manatili
dahil mayroon pa raw siyang dadalawin na hindi
maaring ipagpabukas. Nang makaalis na si Ibarra,
ipinahayag ni Padre Damaso na kayabangan ang
ipinakita ng bagong dating na binata at dapat na
ipagbawal ng gobyerno ang pagpapadala sa Europa
ng kabataang Indio
BUOD: