3. •Tuwing ika-sampu ng Nobyembre ay
bisperas ng pista sa San Diego. Handa na
ang lahat sa bisperas pa lamang kaya
nakagayak na ang kani-kanilang mga bahay
ng pinakagarbong palamuti, kurtina at iba’t-
ibang dekorasyon pati na mga minana at
antigong kagamitan.
4. • Punong-puno ng iba’t ibang masasarap na putahe
ang hapag kainan ng mga mayayaman. Nariyan
ang mga kakanin, panghimagas at mga inangkat
na mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Para
sa lahat ang mga pagkain dito upang kahit na mga
taga ibang bayan ay maging masaya din sa
kapistahan.
5. •Panay rin ang pagpapaputok ng mga kwitis,
batingaw ng kampana at tugtugan ng mga
banda ng musiko. Ang mga matataong lugar
kabilang na ang plasa ng San Diego ay
pinalamutian ng arkong kawayan. Nilagyan
din ng tolda ang harapan ng simbahan para
sa prusisyon.
7. •Sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, ang
intsik na si Carlos, at iba pang mayayaman sa
bayan ng San Diego ay may partisipasyon din
sa kasayahan. Nakalaan namang magmisa si
Padre Damaso sa umaga.
8. •Iginayak na rin ng mga magsasaka at
mahihirap ang kanilang mga pinaka-mainam
na ani upang ihandog sa mga may-ari ng
kanilang bukirin.
9. •Samantalang tinatapos na ang bahay-
paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa
kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol
Juan.
10. •Ang lahat ng gastos ay sagot ni Ibarra.
Magalang namang tinanggihan ng binata
ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng
pari sa kanya.
11. •Katumbas ng mga paaralan sa Europa ang
bahay-paaralan na ipinapatayo ni Ibarra kung
saan hiwalay ang mga babae sa lalaki.
Mayroong lugar para sa pagtatanim ng puno
at gulay pati na rin bodega. May silid pang-
disiplina din para sa mga batang mag-aaral.
12. •Sa ginawang ito ni Ibarra ay maraming
humanga sa kanya ngunit sa kabilang banda
nama’y marami din ang kanyang naging
palihim na mga kaaway.
13. SAGUTIN!
1. Kailan ang bisperas ng pista sa San Diego?
2. Ano ang nilagay sa harapan ng simbahan?
3. Sino ang gumastos para sa bahay-paaralan?
4. Sino ang namatnubay kay Ibarra?
5. Sino ang nagmisa sa umaga?