SlideShare a Scribd company logo
1 of 36
Download to read offline
Noli Me Tangere
Mga Tauhan:
 Juan Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra, kasintahan ni Maria Clara
 Maria Clara – anak ni Kapitan Tiago, kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra
 Kapitan Tiago – kinikilalang ama ni Maria Clara
 Padre Bernardo Salvi – kasalukuyang kura ng San Diego
 Padre Damaso Verdolagas – dating kura ng San Diego
 Padre Hernando de la Sibyla – kasalukuyang kura ng Binundok (Binondo)
 Pilosopo Tasyo – matandang may kakaibang isipan, kilos, at pakikitungo sa kapwa
 Elias – isang lalaking nagtatago sa batas, tagapagligtas ni Ibarra
 Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiago, tagapag-alaga ni Maria Clara
 Don Rafael Ibarra – ama ni Juan Crisostomo Ibarra
 Sisa – ina ni Crispin at Basilio
 Pedro – ang sugarol, gala at walang pakialam na asawa ni Sisa
 Basilio – panganay na anak ni Sisa
 Crispin – bunsong anak ni Sisa
 Don Tiburcio de Espadaña – Espanyol na nagpapanggap na doktor, kabiyak ni Doña Victorina
 Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña – mayamang maybahay ni Don Tiburcio na mahilig magpanggap na
taga- Europa
 Don Alfonso Linares de Espadaña – pamangkin ni Don Tiburcio
 Alperes – pinuno ng mga guardia civil
 Dona Consolacion – maybahay ng Alperes
 Tinyente Guevarra – tinyente ng mga guardia civil
 Kapitan Heneral – kinatawan ng Hari ng Espanya
 Ginoong Laruja – ginoong galing sa Espanya
Mga Natatanging Tauhan:
 Sakristan Mayor
 Mga Sepulturero
 Nyol Juan
 Kusinera
 Mga Guardia Civil
 Guro
 Alkalde
 Tarsilo
 Bruno
Panimula
Narrator (Basilio): (nakaupo sa harap ng mesa, nagsusulat. Sa harap niya ay isang lamparang de gaas)
Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming
nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay
lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. (haharap at tuturo sa nanonood) Kaya kayong mga kalaban k, mga dayuhan,
huwag niyo akong salingin. Noli Me Tangere.
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga taga-San Diego; maraming malungkot, masungit, marami rin ang nagsasaya,
parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang probema.
Sa Kalye Anloague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakatira si Don Santigo de los Santos, na higit na kilala
bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa buong bayan dahil sa kanyang kayamanan, lalo’t higit sa kanyang kabaitan. Isang gabi
sa kanyang tahanan…
[Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae habang ang mga babaing Pilipina
naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang babae. Narinig ni Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at
mabilis nyang nakapagsalita ng…+
Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!
Panauhin 1: Napakalaking handaan nito! ano sa tingin mo?
Panauhin 2: Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalalahanin ang gumasta ng labis.
Narrator: Nahahati ang bulwagan ng bahay sa dalawa. sa isang banda, naroon ang mga kalalakihan at kababaihan.
Nagkakasayahan sila habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at biruan. Sa isang banda ay makikita sina Padre Damaso,
ang dating kura ng San Diego, si Padre Sibyla na kura ng Binundok, si Ginoong Laruja, at si Tinyente Guevarra. Kumpara
sa mas maraming mga nasa kabilang banda, mas maingay pa ang usapan ng apat na nabanggit. Pinakamaingay sa kanila
si Padre Damaso.
P. Damaso: Tshh…Nakayayamot ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa
Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawampung taon akong nagsilbi at
nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang umalis ako ay iilang
matatanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob.
G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio!
P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.
P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang Indio.
Malayong-malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.
G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.
P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang kakainin kundi tinola
sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Narrator: Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si Kapitan Tiago, kasama ang isang mukhang galing
sa mahabang paglalakbay.
Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don Rafael.
Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?
Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa kanyang paglalakbay.
Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego. ikinagagalak ko pong
makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako.
Patawad ho, Reverencia.
P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.
Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)
T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.
Ibarra: Gracias, señor.
T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong ama at masasabi
kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.
Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya,
gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.
Narrator: Pagkaraan ay makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan sa kabilang banda ng
bulwagan.
Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung wala siyang kakilala.
ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.
Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.
Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa ganda ng mga
kababaihan sa ating bansa.
Babae 1: Sus! Kasinungalingan.
Babae 2: Marahil ay dala mo rin iyang iyong tinuran mula sa ibang bansa.
(tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)
Kabanata 3: Ang Hapunan
Narrator: Natigilan uli ang lahat nang may ipinahayag si Kapitan Tiago…
Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halina’t pumunta tayo sa hapag. Handa na ang hapunan!
Narrator: Masayang nagsipuntahan sa hapag ang mga panauhin. Nag-alukan pa ng silya ang dalawang kura, kahit na
parehas nilang gustong umupo sa kaliwang kabisera ng mesa. Sa huli ay naupo rin si Padre Sibyla sa silya na ikinaama rin
ng loob ni Padre Damaso. Naupo na lamang siya sa tabi ng pari. Tinola ang ipinahanda ni Kapitan Tiago, gaya ng
inaasahan. Nagpasahan na ng ulam. Ang mas masaklap, puro leeg at pakpak ang natira kay Padre Damaso habang sa iba
ay puro hita. Dahil sa sobrang inis ay humigop na lamang siya ng sabaw at dinurog ang papaya ng may malakas na tunog
mula sa pinggan, at saka padabog na ibinagsak ang kubyertos sa tabi ng pinggan.
Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja…
G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?
Ibarra: Pitong taon po, ginoo.
G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan.
Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong iniisip ang aking bayan kahit
na ako’y malayo.
D. Victorina: Totoo ba yan hombre?
Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan.
G. Laruja: sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa iyong isipan?
Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa kundi ang ating bansa.
Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura ng isang bansa ay nakalilimutan ko na rin ang
magaganda kong naaalala sa bansang iyon.
P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang pumunta ng Europa kung
wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din naman ng kahit sinong mag-aaral na tanungin mo
sa ating bansa.
Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang pakikitungo sa akin noong bata pa
ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa kanya dahil nagugunita ko ang mga panahong ang kanyang
Reverencia ay madalas dumalaw sa aming tahanan at nakakasalo sa pagkain ang aking ama.
P. Damaso: (biglang natigilan at naitapon sa mesa ang iniinom) Uhh, Naku! nawa’y tanggapin ninyo ang aking sinserong
paumanhin.
Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kaya’t nawa’y maintindihan niyo na kailangan ko agad
na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos Los Santos kaya’t may kailangan akong katagpuin.
Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sana’y mahintay mo pa ang pagdating ng aking bulaklak na si
Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay.
Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias sa hapunan Kapitan.
Kapitan Tiago: Walang anuman, Ibarra. Patnubayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay.
Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay halata sa mukha ni Padre Damaso ang matinding inis tungkol sa buong araw.
P. Damaso: Nakita ninyo? Minsan ay napakasama ng nagiging bunga ng pagpapadala ng inyong mga anak sa ibang bansa
upang mag-aral. Lumalaki ang kanilang ulo at itinuturing na ang sarili na mas mataas. Nawawalan sila ng galang!
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Narrator: Si Ibarra’y lumalakad na di batid kung saan siya patututungo. Sa mahinang lakad ay narating niya ang Liwasan
ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga Intsik na nagtitinda ng sorbetes at mga babaeng
nagbibili ng punungkahoy
Ibarra: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa Espanya.
Narrator: Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Namalas niya ang tinyenteng
nakangiti.
T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay dapat maging isang aral
sa inyo.
Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking pagkakabatid ay wala ako o
kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway.
T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadalasa atin sa ilang kapahamakan. (tumigil at nagmuni-muni
bago sumagot ulit) Hanggang sa huling hininga ng inyong amang si Don Rafael ay hindi siya makapaniwala na mayroon
pala siyang nagtatagong mga kaaway.
Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-aalangan na magsabi sa akin
ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa piitan? Ano ang naging kasalanan niya?
T. Guevarra: Ang tanging kasalanan niya ay dahil siya ang pinakamayamang tao sa buong San Diego. Ngunit huwag
kayong mag-alala. Ang mabulok sa bilangguan sa bansang ito ay maituturing na kabayanihan.
(playback ng storya at ang magsasalita bilang Narrator ay si T. Guevarra)
T. Guevarra: Ang iyong ama, gaya ng alam ng mundo ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa buong San Diego. Ngunit
kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga kababayan. Dahil sa siya ay may naiibang pilosopiya mula sa
nakararami, pinapalagay ng mga kaaway niya na siya ay isang erehe at pilibustero. Mula sa pulpito ng simbahan ay
ikinakalat ni Padre Damaso ang ganitong mga pasaring, kahit na walang pangalang nababanggit:
P. Damaso: Wala nang mas hihigit pang bobo sa mga taong nagkukunwaring matalino. May mga tao kasing
nagmamarunong sa pamamalakad ng pamahalaan,gayong wala naman silang alam! Kaya’t kung kayo’y tumutulad sa
mga ganito ay magsisi na kayo! Hindi dapat nakikialam ang mga mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan, lalo na
kung sila’y mangmang at walang pinag-aralan gaya ng iba!
T. Guevarra: Minsan ay may isang Artilyero na nangongolekta ng tributo sa mga mamamayan. Ang Artilyerong ito ay
mangmang at hindi marunong magbasa at sumulat. Galit ang mga tao sa kanya dahil sa kanyang kalupitan. Upang
makaganti, ang ibang mga mamamayan ay binabaligtad ang kanilang cedula kapag pinipirmahan na ito ng kabesa. Isang
araw, isang bata kasama ang kanyang kapatid ang nanloko sa kabesa.
Bata 1: (natatawa)Ginoo, maari mo bang basahin ang laman ng sulat?
Artilyero: Umalis kayo sa dinaraaanan ko kung ayaw niyong makulong sa kwartel!
Bata 2: Talaga? Ikukulong mo kami? Basahin mo muna ito.
Bata 1: Ano ka ba, hindi siya makababasa. Kasi, mas matalino ang tiyan niya kaysa sa ulo niya! (tatawa kasabay ni Bata 2)
Artilyero: Mga lapastangang bata! (pinagsisipa at pinagsusuntok ang mga bata)
T. Guevarra: Nakita noon ng ama mo ang nangyari kaya’t sumaklolo ito sa mga bata.
D. Rafael: Maawa ka sa mga bata, Ginoong Kabesa. Huwag mo silang saktan!
Artilyero: Huwag kang makialam dito, tanda! (susuntukin si D. Rafael)
(Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal ang kabesa at nabagok ang ulo sa
isang usling bato.)
D. Rafael: Iyan ang dapat sa iyo.
T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan. Kinalaunan ay namatay
ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre
Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya noong hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit
inakusahan siya ng iba pang salang hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal
sa kanya. Naroong siya’y kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng mga bukid, isang erehe at
pilibustero, nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, nagtatago ng mga liham at larawan ng isang binitay na pari,
at marami pang iba. Nagusot nang nagusot ang usapin.
Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng ebidensya sa mga paratang.
Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa hindi magandang kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa
bilangguan dahil sa kanyang kayamanan. Patawad Señor Ibarra.
Ibarra: (naluluha) Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama. Napakalupit ng sinapit ng aking
ama.
T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan Tiago ang iba pang
nangyari upang kanyang ikwento.
Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.
T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra.
Narrator: Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. Nagpunta na sa kwartel ang tinyente, habang sumakay naman si Ibarra
ng kalesa at nagpahatid sa Fonda de Lala.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago…
K. Tiago: Nabusog kaya ang mga bisita sa handaan, Isabel?
T. Isabel: Palagay ko’y oo, Santiago. Paniguradong nabusog sila sa dami ng handa.
K. Tiago: Nakalulungkot lamang at kailangang umalis agad ni Ibarra sa gitna ng kasiyahan.
Narrator: Sa pag-uusap ng dalawa ay sumabad si Maria Clara, ang kanilang itinatanging dilag.
T. Isabel: Osya, maiwan ko na muna kayong mag-ama at mag-aayos pa ako sa kusina.
Maria Clara: Tila yata may bumabagabag sa inyong kalooban, ama. Mayroon nga po ba?
K. Tiago: Walang anuman, hija. Nagpapasalamat lamang ako sa Panginoon at biniyayaan niya tayo ng maayos na buhay.
Ngunit sa wari ko’y mas masaya sana tayo kung ang iyong ina ay hindi nawala sa atin ng maaga.
M. Clara: Papa, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. Mabuti pa ay matulog na kayo. Panigurado ay pagod na
pagod na kayo mula sa pagtanggap ng mga bisita kanina.
K. Tiago: Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at biniyayaan niya ako ng napakabait at napakapitagang anak katulad mo.
Narrator: Habang nahihiga si Kapitan Tiyago sa kanyang kama ay naiisip niya ang mga panahong lumipas.
K. Tiago: Kung buhay lamang talaga si Pia, ang kaligayahan ko ay paniguradong buong-buo.
Narrator: Naaalala pa noon ni Kapitan Tiago ang mga larawan ng nakalipas: ang pagsayaw nila ng asawa sa Obando
upang magkaanak, na sinundan ng kanyang pagiging tatay kay Maria Clara. Nawala lamang ang saya sa kanyang mukha
nang maalala niya ang pagkamatay ng kanyang kabiyak. Namatay ito dahil sa hirap sa panganganak kay Maria Clara.
K. Tiago: (pagod) Hay, buhay. (tumigil ng saglit) Oh Pia, aking mahal na esposa, nawa’y makapiling ng Lumikha ang iyong
kaluluwa. Sumalangit ka nawa.
Kabanata 7: Ang Pag-uusap sa Asotea
Narrator: Kinaumagahan, makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng isang bintana, abala sa
pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita.
M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagkahuli?
Narrator: Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng kanilang tahanan.
Kutsero: How! How!
Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria Clara.
T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.
Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.
K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at malamang ay nag-aayos
iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto) Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea.
kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra?
Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.
Narrator: Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.
Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi ay hindi na ako
makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.
Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan
ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan.
Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?
Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mata
pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa.
Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan. At mula sa aking
puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang
lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan
ako bukas.
Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.
Ibarra: Paalam, aking minamahal.
Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus)
Narrator: Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan.
K. Tiago: (kay T. Isabel) Tingnan mo ang nagagawa ng pag-ibig, Isabel.
T. Isabel: Oo nga, Tiago. Sadyang napakatamis at napakapait ng pag-ibig.
K. Tiago: Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? (tatawa)
T. Isabel: Hay naku, Tiago. Ako’y tigil-tigilan mo nga. Hindi ako manhid sa mga dating manliligaw. (tatawa rin)
K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San Rafael. paniguradong
gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.
Maria Clara: (magsisindi ng kandila sa altar)
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
Narrator: Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre Damaso na papunta ng
kanilang bahay.
T. Isabel & Maria Clara: Magandang umaga po, Reverencia.
P. Damaso: Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah. Saan ang inyong tungo?
Maria Clara: Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang gamit doon.
P. Damaso: Sige. O bueno, kakausapin ko lamang ang iyong ama. (aantandaan ng krus ang dalawa) Nawa’y ligtas kayong
makapaglakbay.
T. Isabel: Muchas Gracias, Padre.
P. Damaso: (bubulong) Tingnan lamang natin kung sino ang masusunod sa atin.
Narrator: Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may iniisip.
P. Damaso: Santiago? Santiago!
K. Tiago: Padre, ano ang sadya ninyo?
P. Damaso: May gusto akong sabihin sayong importante. Doon tayo sa lugar na hindi tayo maririnig.
(aalis ang dalawa sa set)
Narrator: At nang matapos ang pag-uusap nila…
P. Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang inyong kapakanan.
K. Tiago: Naiintindihan ko ho, Padre. Masusunod ang inyong kahilingan.
Narrator: Sa pagkabagabag ni Kapitan Tiago ay pinatay niya ang pinasindi niyang kandila kahapon kay Maria Clara.
P. Damaso: Bueno, aalis na ako. (bubulong) Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang masusunod.
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Narrator: Samantala, sa San Diego, ay abala ang mga sepulturero, sapagkat bukas ay Todos Los Santos. Nag-uusap ang
dalawa sa kanila, habang may hinuhukay na bangkay.
Sepulturero 1: Oy! (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukay…bagung-bago pa yan.
Sepulturero 2: Pare-parehong bagong libing ang mga yan.
Sepulturero 1: Ayoko na… May dugo pa ang mga buto! At ang buhok.
Sepulturero 2: Masyado ka namang maselan…kung ikaw pa ang humukay ng ginawa ko…isang bangkay na 20
araw pa lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulan…namatay pa ang aking ilawan.
Sepulturero 1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo.
Sepulturero 2: Natanggal ang mga pako sa ataul kaya’t lumabas ang kalahating katawan ng bangkay. Saksakan
ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na ulan.
Sepulturero 1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong nag-utos
sayo?
Sepulturero 2: Sino pa kundi ang kurang malaki.
Sepulturero 1: Anong ginawa mo sa bangkay?
Sepulturero 2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki, ilibing ko sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka malayo
ang libingan ng mga Intsik.
Sepulturero 1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukay…natamaan ko yung isang bungo,
nabiyak! Paniguradong hindi ako makatutulog mamayang gabi.
Sepulturero 2: (Napahalakhak at tinanaw ang isang sepulturero bago umalis.) (Unti-unti nang dumarami ang mga
nagluluksang tao sa sementeryo)
Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa
Narrator: Dahil sa Todos Los Santos noong araw na iyon, ang sementeryo ng bayan ng San Diego ay nabuhay muli dahil
sa pagdagsa ng mga tao. pumunta rin si Ibarra para bisitahin ang puntod ng ama, kasama ang isang utusan.
Ibarra: Alam ho ba ninyo ang puntod ng aking ama?
Utusan: Opo, Señorito. Tinamnan ko ho ng halamang Adelfa ang puntod at nilagyan ng malaking krus upang hindi ko ho
ito makalimutan.
Narrator: Nakalipas na ang ilang oras ngunit hindi pa rin nila makita ang puntod.
Ibarra: (medyo galit) Akala ko ho ba ay alam ninyo ang kinalalagyan ng puntod ng aking ama?
Utusan: Dispensa po, Señorito. Alam ko naman po iyon talaga, eh. hindi ko lang po talaga maintindihan kung bakit tayo
nawawala. (makikita ang isang puntod na nahukay at ituturo ito) Ayun po, oh. Alam ko ho ay diyan siya nakalibing.
Ibarra: Magtanong ka doon sa sepulturero kung bakit ganoon ang puntod.
Utusan: Mawalang-galang na po. Alam po ba ninyo kung nasaan na ang malaking krus sa puntod na iyon na may
pangalang “Don Rafael Ibarra”?
Sepulturero: Ahh. Yung krus sa puntod na may mga bulaklak? Sinunog ko na.
Utusan & Ibarra: Sinunog?!
Sepulturero: Opo. Pinasunog yon ng kurang malaki.
Ibarra: Kung gayon ay bakit hinukay ang bangkay ng aking papa? Saan mo dinala ang bangkay niya?!
Sepulturero: inutos po ng kurang malaki na ilibing siya sa libingan ng mga Intsik.
Ibarra: (galit) At ginawa mo naman ang sinabi niya?!
Sepulturero: (nanginginig na sa takot) H-hindi po. Mabigat noon ang bangkay at napakalakas ng ulan. Kaya inilagak ko
muna sa ilog ang bangkay niya. Patawad po, Señor.
Narrator: Sa sobrang sakit ng nadama para sa ama ayt hindi na napigilan pa ni Ibarra ang damdamin. Nang hindi na niya
kaya, ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Sa kanyang daan pauwi ay nakasalubong niya ang kura ng San Diego, si
Padre Salvi. Tiningnan siya ng masama ni Ibarra, hinila ang kanyang suot na sutana at kinausap.
Ibarra: Ikaw! Ikaw ba ang gumawa ng ganoong kalapastanganan sa aking ama? Ikaw ba?! Sumagot ka!
P. Salvi: Kung anuman iyon, sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na wala akong alam tungkol sa sinasabi mo.
Ibarra: Kung hindi ikaw, sino?!
P. Salvi: Sigurado akong hindi ako ang iyong hinahanap, kundi ang pinalitan kong kura na si Padre Damaso.
Ibarra: (sa sobrang galit ay napaupo at napaiyak muli)
Narrator: Sobrang galit at muhi ang naramdaman ni Ibarra para kay Padre Damaso. Dahil sa kanyang hindi mapigilang
emosyon ay tinahak na lamang niya ang daan patungo ng kanilang bahay. Ang pari naman ay nabuwal sa pagkakabitaw
sa kanya ni Ibarra.
Utusan: (itatayo ang pari) Patawad po, Reverencia para sa aking Señor Ibarra. Hindi po niya alam ang kanyang nagagawa
dahil sa sobrang galit.
P. Salvi: Napatawad ko na siya. Ngunit kahit para sa akin ay napakasakit ng sinapit niya. Hindi ko siya masisisi sa kanyang
nagawa. (aantandaan ng krus ang tinahak na daan ni Ibarra) Gabayan nawa siya ng Maykapal.
Narrator: Nakauwi na si Ibarra ng kanilang tahanan. Galit at malungkot pa rin siya, kaya’t noong siya na lang ang nasa
bahay ay ibinuhos niya ang kanyang emosyon na parang hindi pa niya iyon nagagawa noon. Hindi na alintana ni Ibarra
ang paglipas ng oras hanggang sa tumunog ang kampana sa kampanaryo ng simbahan.
Kabanata 15: Ang Mga Sakristan
Narrator: Samantala, sa ikalawang palapag ng kampanaryo ng simbahan ay makikita sina Crispin at Basilio, magkapatid
na sakristan ng simbahan. Sampung taong gulang si Basilio, habang pitong taong gulang si Crispin.
Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)
Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana. (tunog ng batingaw)
Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.
Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?
Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.
Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para hindi na sila manggulo at
maka-uwi na ako.
Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang ninakaw mo ay
dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t dalawang kamay. Hindi sasapat ang
suweldo ko sa hinihingi nila.
Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor. Napakasinungaling nilang
lahat. umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na nating mag-sakristan. alam ko naming
paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako
maka-uwi.
Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.
Narrator: At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor.
Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa simbahan! Ikaw Basilio!
Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka rin uuwi ng alas-otso kundi
alas-diyes na ng gabi!
Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya…
Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw Crispin! Hindi ka uuwi
hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga wala kayong galang! Pati
simbahan pinagnanakawan ninyo!
Crispin: Hindi ko naman poi yon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.
Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin)
Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit)
Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!
Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)
Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!
Basilio: Crispin!
Narrator: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit na sigaw, at daing na lamang ang
kanyang narinig. Pagkatapos noon ay nakabibinging katahimikan. Pagdating ng ikasampu ng gabi ay nakapinid na ang
buong simbahan. Kaya’t kinalag niya ang tali ng batingaw upang makapadausdos siya mula sa bintana ng kampanaryo.
May maririnig na dalawang putok ng baril sa lansangan, ngunit walang sinuman ang pumansin.
Kabanata 16: Si Sisa
Narrator: Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina Basilio at Crispin. Masaya
siyang nagluluto ng tuyong tawilis, tapang baboy-ramo, at isang hita ng patong-bundok na nahingi niya kay Pilosopo
Tasyo. Nagsaing din siya ng maputing kanin at namitas ng kamatis sa kanyang bakuran upang gawing sawsawan.
Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang gutom na gutom sina
Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong tawilis na pinakapaborito niya
habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng
patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag nakita ito!
Narrator: Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro.
Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.
Sisa: Pero, Pedro sa mga…..
Narrator: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang ulam. Pakiramdam niya ay
siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan ang luha.
Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)
Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio ngayong araw.
Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng tinali ko.
Narrator: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kaya’t pinasaya na lamang niya ang sarili sa
pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang tawilis at tiniis ang kanyang gutom, dahil alam niyang hindi na
kakasya pa ang ulam sa tatlong katao. Nagulat na lamang siya dahil sa sumunod na nangyari. Dumating si Basilio na
humahangos.
Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!
Kabanata 17: Si Basilio
Narrator: Nanginig sa takot si Sisa nang marinig ang tinig ng kanyang anak na parang humahangos. At mas lalo pa siyang
natakot noong makita niya ang anak na tigmak ng dugo ang mukha.
Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio?
Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.
Sisa: Naiwan? At siya ba’y buhay?
Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya)
Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman…
Basilio: Ako po’y tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor dahil hindi daw ako makauuwi
kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kaya’t noong nakasalubong ko ang mga guardia civil sa
bayan at sinigawan ako ng “quien vive” ay nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa
aking noo.
Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at gamutin natin ang sugat mo.
Narrator: Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at nilagyan ng pampahilom. Hiniling ni Basilio sa ina na ilihim ang nangyari
sa kanya. Pinakain na niya ang anak ng iniluto niyang tawilis.
Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na ulam ngunit kinain itong
lahat ng inyong ama. Pagpasensyahan mo na lamang din siya.
Basilio:Hindi ka po ba niya sinaktan? (hahawakan at titingnan ang mga braso ng nanay)
Sisa: Huwag kang mag-alala. Hindi naman niya ako ginawan ng masama. Bakit daw hindi makauuwi si Crispin?
Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw siya ng dalawang onsa ng ginto. Hindi naman siya
nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya daw iyon ibinabalik.
Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang anak ko. Hayaan mo anak
at kakausapin ko ang kura bukas. Dadalhan ko siya ng gulay bukas at hihilingin ang kalayaan ng iyong kapatid. Matulog
ka na at huwag mo nang isipin pa iyon.
Narrator: Natulog na ang mag-ina sa kanilang papag. Naglalaro pa rin sa isipan ni Basilio ang sinapit ni Crispin sa sulok ng
kumbento habang takot na takot. Umuukilkil sa isipan niya ang mga daing at sigaw ni Crispin habang wala siyang
magawa dahil sa sariling takot. Sa kapaguran, nakatulog si Basilio.
Saglit pa lamang nakaiidlip ay nanaginip si Basilio tungkol sa kapatid.
(role-play sa malapit sa hinihigaan nina Basilio)
Basilio: (nakakunot ang noo at pailing-iling habang natutulog kasama ang nanay)
P. Salvi: (may hawak na yantok) Walang galang na bata! Magnanakaw!
Crispin: (umiiyak at natatakot) Kura, maawa na po kayo sa akin. (magtatago sa likod ng Sakristan Mayor)
Sakristan Mayor: (ilalantad ang bata sa kura) Huwag kang magtago, hangal! Kasalanan mo iyan!
(Galit na galit ang Kura kaya’t pinaghahampas ang bata ng yantok.)
P. Salvi: (pinapalo ang bata) Lapastangan ka, ha. Tingnan natin kung hindi mo pa ibalik nang ninakaw mo!
Crispin: Hindi po ako ang nagnakaw! Maawa na po kayo! Ang Sakristan Mayor po ang nangnakaw!
Sakristan Mayor: (sasama na rin sa pagpalo) Huwag kang magbintang! Kahit kalian talaga ay napakasama mo.
Napakasama ninyong magkapatid!
Crispin: Inay! Kuya! Tulungan niyo ako! Maawa na kayo sa akin! Inay! (hindi na makatiis at kinagat ang kamay ng Kura)
P. Salvi: (nabitawan ang yantok) Aray! Walang hiya kang bata ka!
Sakristan Mayor: (pinulot ang yantok at pinalo sa ulo ang bata)
Crispin: (nabuwal at napahiga)
P. Salvi & Sakristan Mayor: (sinipa-sipa ang bata ngunit hindi na ito gumagalaw)
(Kakaladkarin si Crispin ng dalawa at aalis. Maririnig na lamang ang putok ng isang baril sa panaginip)
Basilio: (magigising at sisigaw) Crispin! (maiiyak ng sobra na ikinagising ni Sisa)
Sisa: Diyos ko, anak. anong nangyari sa iyo? May problema ba?
Basilio: (umiiyak pa rin) Inay, ayoko na pong magsakristan. Sunduin niyo na po si Crispin bukas sa kumbento at kunin ang
aking huling sahod. Ipakikiusap ko po kay Don Ibarra na tanggapin akong tagapastol ng hayop nila. Paaralin niyo po si
Crispin kay Pilosopo Tasyo. Mabait si Don Crisostomo. Baka bigyan pa po niya ako ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o
kaya ay isang batang kalabaw. Pag malaki na ako ay magsasaka ako at mag-aararo. Di ba mainam iyon, Inang? Pumayag
na kayo, huwag nyo na po akong gawing sakristan.
Sisa: Oo,anak. Sige na, tumahan ka na. (yayakapin ang anak)
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa
Narrator: Kinaumagahan ay maagang namitas si Sisa ng mga pinakahinog at pinakaberdeng gulay sa kanyang gulayan.
Inilagay niya ito sa isang bakol at saka umalis upang pumunta sa simbahan at kausapin ang Kura. Sa kumbento ng
simbahan…
Sisa: Tao po, magandang araw po.
Kusinera: (mataray) Sino kayo?
Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan na si Crispin. May dala ho akong mga gulay para sa Kura. (iaabot ang basket)
Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan.
Sisa: Saan ho?
Kusinera: Kahit saan diyan.
Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura?
Kusinera: Hindi maari. May sakit ang Kura.
Sisa: Kung gayon ay kahit makausap ko na lamang ang anak kong si Crispin.
Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang bahay.
Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…
Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka nga hinahanap na siya ng
mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti mong asawa ngunit masasama naman ang mga anak mo tulad ng
kanilang ama. Lalo na yung maliit? Naku! Baka higitan pa niya ang ama niya.
Sisa: (mapapaupo sa bangko ng kusina at mapapaiyak)
Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon kayo humagulgol sa
lansangan! Sulong!
Sisa: (sa pagkapahiya ay tatakpan ng panyo ang mukha at mabilis na umalis)
Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina
Narrator: Tumatakbo na si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa kasalanang hindi nila ginawa. sa
kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan.
Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!
Narrator: Pagdating sa kanilang dampa ay nagulat siya sa nakita. May mga guardia civil na naghahanap sa kanilang
bahay, tila may hinahanap na tao. Nagtago muna siya, ngunit nakita rin ng mga ito.
GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?
Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.
GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang nakatatandang anak mo.
Nasaan yung mas bata?
Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!
GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo itinuturo ang mga anak
mo!
Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon siya ikinulong
habang hindi niya itinuturo ang mga anak.
GC 2: (itinulak si Sisa sa kulungan) Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan hanggang sa ituro mo
ang iyong mga anak.
Narrator: Walang magawa si Sisa kundi ang umiyak. Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t nagdesisyon itong palayain si
Sisa, dahil na rin sa kawalan ng katibayan.
Alperes: (kausap ang isang guardia civil) Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at huwag na
siyang abalahin kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay San
Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh!
GC 3: Si, Señor Alperes. (aalis at pupuntahan ang selda ni Sisa) O, makakalaya ka na daw. Wala nang ipapakain sa iyo ang
gobyerno dito! (tatawa)
GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk.
Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang kanyang damit dahil sa
pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa kanya, bagkus ay hinanap na lamang niya ang
kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.
Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?
Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!
Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.
Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak ko? Wala atang tao.
(iiyak)
Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa bahay)
GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!
Narrator: Sa takot ni Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang damit na may bahid na ng
dugo at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa bangin. Nakarinig si Sisa ng putok ng baril mula sa
kanilang bahay kaya’t pinuntahan niya iyon.
(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio)
Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng damit ni Basilio na may
dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng
malakas)
Narrator: Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng kalikasan.
Basilio: Nasa bahay, sa labas ng Bayan
Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi?
(iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at tatawa ulit)
(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga naglalakad na extra
sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)
Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)
Kabanata 22: Liwanag at Dilim
Ibarra: Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukangliwayway
Maria Clara: Ayokong makasama ang kura.
Ibarra: Bakit? (nagtataka)
Maria Clara: Pakiwari ko’y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang mga tingin.
Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko maunawaan ang kanyang mga sinasabi.
Itinatanong niya sa akin kung hindi ko raw ba napapanaginipan ang sulat at ang aking ina. Maging sina Sinang at Andeng
ay nakababalitang hindi raw masyadong kumakain ang kura at tila napapabayaan ang sarili. (takot)
Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pa’y narito na siya.
Narrator: Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito.
Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot magkasakit o magkasipon?
(Nginig ang tinig ng kura at hindi siya makatingin ng diretso sa dalawa)
Ibarra: Maganda ang gabi, Padre. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin.
Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba kayong dumalo?
Padre Salvi: Saan magaganap ang kasiyahan?
Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng mga dalaga.
Padre Salvi: Para patunayan na ako’y walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod kong tinatanggap ang iyong
paanyaya.
Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa inyo.
Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad.
Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng hinihintay ang iyong
pagdating ditto sa bayan ng San Diego.
Ibarra: May kailangan kayo sa akin?
Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala po ang aking mga anak
at nabaliw ang aking asawa.
Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?
Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo.
Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.
Narrator: Naglakad na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala.
Kabanata 23: Ang Pangingisda
Narrator: Naglalakad na patungo sa lawa ang magkakaibigan, kadalagahang kasama ang kanilang mga ina at mga tiyahin.
Kasama ang mga katulong na babae na may dalang baong pagkain at kagamitan para sa piknik. Sinaway sila ni Tiya Isabel
sa kanilang kaingayan.
Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay. Hindi ganyan ang
dalagang Pilipina noong kapanahunan namin.
Narrator: Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y tumugtog pa ng gitara. (naglalakad na rin ang
mga lalaki)
Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro)
Narrator: Nagbigay galang ang mga binata samntalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga ng nasa harapan na nila
ang mga ito.
Ina1: Hindi kaya umulan? (nag-aalala)
(dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka meron: isa sa mga babae
at isa sa mga lalaki])
Tiya Isabel: Magsipagdasal tayo.
Narrator: Samantala, ay kinausap ni albino ang katabing binata.
Albino: Takpan mo ang tapal sa tapat sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong mapasukan ng tubig.
Narrator: Nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang Bangka nila lumipat ang ilang mga lalaki sa
Bangka ng mga babae. Si Ibarra ay tumala kay M. Clara. Si Albino lumapit kay Victoria. Naging pares-pares ang
magkakatala sa bangka. Ang bangkero ay tahimik lang na nagsasagwan. Papunta sila sa baklad ni Kapitan Tiago. Di
naglaon ay dumating din sila sa isa sa mga baklad.
Tiya Isabel: Ihanda na ang paasim sa sabaw, kailangang maihulog na ang mahuhuling isda sa kumukulong sabaw.
Narrator: Si Andeng ang sumunod sa utos. Nilagyan niya ng paasim na kamyas at kamatis ang sabaw. Si Iday ang
tumugtog ng alpa. Hiniling niya si Victoria na awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib.
Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?
Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko.
Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria…… (kinukulit)
Victoria: (tumatanggi)
Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?
Lahat: Oo nga. Sige na. (pinipilit)
Maria Clara: Malulungkot ang aking mga awit.
Lahat: Ayos lang yan.. Pumayag ka na.. sige na..!
Narrator: Napapayag nila si Maria Clara. Kumanta na siya. Tahimik na nakinig ang lahat. Walang pumalakpak. Natulala
ang mga nakatingin. Nagulantang sila ni Albino dahil sa pag-ihip nito na ubod ng lakas sa tambuli. Nagbalik ang tawanan
ng mga tao.
Andeng: Kumukulo na ang sabaw!
Narrator: Isang mangingisda ang nagsalok ng isda sa baklad. Wala siyang nahuli ni isang isda kahit paulit-ulit na siyang
nagsasalok. Nagulat ang mga tao.
Mangingisda: Nakapagtataka, bago pa mag-undas huling pinandaw ito.
Narrator: Si Leon ay tumulong sa pagsalok ngunit nagulat siya dahil ang tumambad sa kanya ay isang buwaya.
Leon: Buwaya? May buwaya sa baklad na ito?
Narrator: Ang bangkero ay kumuha ng lubid at tumalon sa tubig. Nagsigawan at natakot ang mga nanduon.
2 kasamahan: Sino ang binatang iyon?
Narrator: Saglit na lumitaw ang ulo ng bangkero na hatak ang dulo ng lubid. Nagpalakpakan ang lahat. Naiahon ng
bangkero ang buwaya sa baklad pero habang tinatalian na ang bunganga, lumaban ito kaya nahulog sa tubig ang buwaya
kasama ang bangkero. Nagsigawan ang lahat. Tumalon si Crisostomo na may hawak na patalim. Nagulat ang lahat.
Pumula ang tubig. Tumalon na rin ang ilang mga lalaki para tulungan ang dalawa pero bago pa man sila makalapit sa
dalawa, napatay na rin sa wakas ang buwaya. Si Maria Clara ay hindi halos makahinga dahil sa ginawa ni Ibarra. Ang
lahat ay natuwa sa pagkaligtas ng dalawa – ang iba’y nagtawanan, ang iba naman napaiyak.
Bangkero: Utang ko sa inyo ang aking buhay.
Ibarra: Hindi kayo dapat naging mapusok. Hindi ninyo dapat biruin nang ganoon na lamang ang kamatayan. (mababa ang
tinig).
Maria Clara: Paano kung ikaw ang napahamak?!
Ibarra: Kung napahamak ako at sinundan…. (natigilan si Ibarra dahil bigla niyang naalala ang amang itinapon ang
bangkay sa ilog.)…Nasa piling na ako ng aking pamilya. Siya nga pala, ano ang pangalan mo, magiting na bangkero?
Bangkero: Elias, Elias po, Señor.
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
Narrator: Nang sumunod na umaga, Si Ibarra ay humingi ng payo kay Pilosopo Tasyo.
Pilosopo Tasyo: Nariyan pala kayo, ginoo!
Ibarra: Naabala ko po ata kayo.
Pilosopo Tasyo: May maipaglilingkod ba ako sayo?
Ibarra: May nais lamang po akong isangguni sa inyo. (hangang-hanga habang tinitingnan ang isinusulat ni Pilosopong
Tasyo) Bakit po kayo nagsusulat ng isang heroglipiko?
Pilosopo Tasyo: Dahil hindi ako sumusulat sa aking panahon kundi nagsusulat ako para sa hinaharap. Ha! Sa panahon
ngayon na mababasa ang aking mga sinusulat, hay, tiyak na hindi ito pahahalagahan at susunugin pa ito. Ngunit ang
susunod na salinlahi'y higit na matatalino at kung ito'y kanilang mababasa ay sasabihin nilang hindi pala lahat ay
natutulog sa panahon ng kanilang mga ninuno.
Ibarra: Anong wika po kayo sumusulat?
Pilosopo Tasyo: Sa sariling wika natin na tagalog.
Ibarra: Maari po bang gamitan ng heroglipiko ang wikang tagalog?
Pilosopo Tasyo: Maari. Higit na mabuti ang alpabetong tagalog kaysa wikang Latin. Nga pala, natatandaan mo ba yung
pagkapatay sa buwaya? Opinyon ko lang naman, subalit, tingin ko'y sinadya niyang gambalain ang inyong kasiyahan
sapagkat hindi siya imbitado at dumating pang lasing ang kanyang asawa.
Ibarra: (napangiti) Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng aking ama noong siya'y nabubuhay
pa. Nais ko pong magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na rin ito sa aking kasintahan.
Pilosopo Tasyo: (napangiti) Ah, matagal ko nang pinangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At iisipin din ng mga tao baliw
kayo dahil humihingi kayo ng payo sa isang taong napagkakamalan nilang baliw. Ha! Para sa kanila, ang matatalino'y mga
kapitan kahit walang pinag-aralan at walang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa kura. Bakit hindi kayo humingi ng
payo sa kura, o sa kapitan o sa iba pang may tungkulin? Maari nyo silang sundin, maari rin hindi.
Ibarra: Naniniwala ako na mangyayari ang aking plano na walang sagabal.
Pilosopo Tasyo: Matutuloy ang plano ninyo kung kayo'y makikipagtulungan sa mga taong sinasabi ko.
Ibarra: Totoong makapangyarihan ang kura subalit hindi ako lubusang naniniwala sa mga mapang-abusong lakas at
kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at pamahalaang may mabuting hangarin.
Pilosopo Tasyo: Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Sumusunod lamang ang kamay sa
idinidikta ng isip.
Ibarra: Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag. Sa katunayan ay wala pa pong bayang dumaraing.
Pilosopo Tasyo: Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Ngunit hindi magtatagal ay darating din ang panahong iyon.
Malalaman ninyo ang kanilang mga pagtitiis.
Ibarra: Nauunawaan ko ang inyong ibig sabihin. Ngunit dapat ninyong malaman na ang mga nanggagaling sa utos sa itaas
ay hindi ipinatutupad pagdating na sa ibaba. Ang nanunungkulan ay mapang-abuso. Dalawa lamang ang maaari ninyong
gawin, ang yumukod sa mga makapangyarihan o hindi yumukod na kapalit ay kapahamakan. Hindi ko ba maaaring
mahalin ng sabay ang Espanya at ang aking bayan? Bakit ako yuyukod kung hindi kailangan?
Pilosopo Tasyo: Sapagkat ang lupang iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong nagpapahalik ng kanilang
mga kamay.
Ibarra: Nagpapahalik ng kamay? Nalimutan po ba ninyong sila ang may kagagawan ng pagkamatay ng aking ama? Hindi
ko nais ipaghiganti ang aking ama alang-alang sa kapakanan ng relihiyon.
Pilosopo Tasyo: Hay, iho. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hangga't hindi ninyo lubusang natatanggap ang
kasawian ng inyong ama.
Ibarra: Matutulungan kaya nila ako at paniwalaang ang paaralang ipatatayo ko ang magiging tulay upang lumaya sa
kamangmangan ang bayang ito at matuklasan nila ang pangangamkam ng kumbento?
Pilosopo Tasyo: Mabigo man kayo, nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin.
Ibarra: Naniniwala na ako sa inyong sinasabi. Ngayon din ay pupuntahan ko ang kura at sana'y hindi siya katulad ni Padre
Damaso. Salamat po ginoo. Ako'y papatungo na.
Kabanata 32: Ang Panghugos
Narrator: Sinunod ni Ibarra ang payo sa kanya ng pilosopo. Sa kabutihang palad ay nagtagumpay ang proyekto. Nakapag-
ipon sila ng puhunan sa paggawa ng paaralan. Isang araw, bago gawin ang nasabing proyekto ay idinaos ang paglalagay
ng palitada at pundasyon ng paaralan. Kinausap ni Ñol Juan ang Taong Madilaw, na siyang humihila sa panghugos.
Tinanong niya ito kung paano iyon gumagana.
Ñol Juan: Paano gumagana ang panghugos na iyan?
Taong Madilaw: Ganito ho iyon. Kahit na sa kaunting pwersa lamang ay kaya kong maitaas at maibaba ang mabigat na
batong ito. Isang tao lamang ang kailangan upang mailinya ng maayos ang batong ito!
Ñol Juan: Mahusay, bata. saan ka natuto ng ganitong arkitektura?
Taong Madilaw: Namatay po ang aking ama sa pagtatrabaho sa mga Ibarra, Señor. Sa kanila ko po ito natutunan.
Narrator: Sa malapit ay matatanaw ang isang dulang ang makikita na naglalaman ng mga pahayagan, sulatin, medalya at
iba pang mga dokumento. Ilalagay ito sa mga silindrong kaha at ibabaon kasama ang mga panulukang bato para sa mga
susunod na henerasyon.
Pagkatapos mailagay ang mga mahahalagang bagay sa silindrong kaha, ay binigyan ng alkalde si Ibarra ng isa sa mga
ito.
Alkalde: Señor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato.
Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho.
Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng palitada. Pinangunahan ito ng Alkalde,
sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni Kapitan Tiago. Iuutos na sana na ibaba ang panghugos nang maalala ng
Kura na hindi pa naglalagay ng palitada si Ibarra.
Alkalde: Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.
Narrator: Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong Madilaw ay tila
nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at bahagyang kinindatan si Ibarra.
Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang malakas na ugong. Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid.
Nagsigawan ang lahat dahil nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan. Mabuti at nailigtas ni Elias si Ibarra, na bigla na
ring nawala.
Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako!
M. Clara: (hinimatay)
Tao 1: Ang taong naghuhugos!
Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato.
Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing. Napakasawimpalad.
Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!
Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang mangyayari. Papatayin niya
sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang natin siya at bigyan ng maayos na libing.
Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong singbait ni Don Ibarra!
Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.
Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.
Kabanata 33: Malayang Isipan
Narrator: Nang sumunod na gabi…
Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.
Ibarra: Sino siya?
Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.
Ibarra: Sige, papasukin mo siya.
Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.
Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.
Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!
Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.
Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan. Isa na ang taong
madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi
malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at
kayo’y nagtitiwala sa lahat.
Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay malamang
napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.
Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay magtatago na lamang
siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong
paghandaan ang bawat sandali dahil paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako.
Maraming salamat po.
Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit?
Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May pagkakautang pa ako sa inyo,
at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon.
Ibarra: Paalam, Elias.
Elias: (ngumiti)
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan, ay isang piging ang naihanda, na
dinaluhan ng maraming mga taga-alta de sociedad. Nag-uusap ang Alkalde at si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng
Alkalde sa kausap, habang sumimangot at nagpasaring sa kanya si Padre Damaso.
P.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?
Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at ng Reverencia.
P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng
kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan.
Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.
P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali.
Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.
P.Damaso: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong! Nangangamatay
sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…
Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang
matalim na kutsilyo.
Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang pinakainiwas-iwasan ko. Isang
paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat
siyang mamatay!
Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!
Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang dumadaloy sa mga ugat mo!
Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib.
M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!
Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala.
Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral
Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral…
Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo Ibarra.
K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso?
Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.
K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.
Narrator: Nang nasa loob na si Ibarra…
K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.
Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako itinuturing na mabuting tao.
K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magagalaw ng mga pari
hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang arsobispo na sumulat sa Santo Papa upang
maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit ako ay gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong
kalapastanganan.
Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang inyong kahusayan,
kamahalan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.
K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at nakausap kita, Don Ibarra.
Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.
Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.
K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor Ibarra. Ipaalam mo ito sa
Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.
Alkalde: Masusunod, kamahalan.
Kabanata 39: Si Doña Consolacion
Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan ni Doña Consolacion. Si
Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doña
Alperesa. Mahilig siyang mag-Espanyol, at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay
maririnig na umaawit si Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang
pakantahin.Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.
D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que canta tagalo! Él no me
entiende! No hace falta ser español!
Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa na siyang nagpalungkot
sa Donya.
D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan!
Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang Doña. Sa
pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at
saka huminto sa harap ng baliw.
D. Consolacion: Bayla—baila, baila!
Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na nakangiti at
natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong latigo.
D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na palo] Baila, baila,
condenada, salbahe!
Narrator: Dumating ang alperes na walang kibo.
D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.
Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang baro at
gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag siyang lapastanganin. Bukas
ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.
Kabanata 42: Ang Mag-Asawang de Espadaña
Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay.
Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at
Linares]
Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-anak ni Padre
damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.
Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang Tiyago ang mga
panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala
na kakabit ang lahat ng titulo.
Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!
K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.
Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming pinsang ito ay kaibigan ng
mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario.
Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.
Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya sana’y sasadyain
ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.
Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.
Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi gumagamot
kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.
Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-iling ng
ulo.]
Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at dalawang pildoras de
Cinaglos.
Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka. Ipakikilala kita sa
aming pinsan.
Narrator: Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap, kaya’t di marinig ang
tawag ni Donya Victorina.
Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.
Kabanata 43: Mga Balak
Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng dalaga.
Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)
Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre
Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya ang
kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at
ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Ang
liham ay binasa na tila hindi naunawaan.
Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya sa
akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang nang ako’y umalis sa
Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan)
Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali.
Marunong ka bang magbasa at sumulat?
Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.
Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo,
isang babae.
Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.
Narrator: Si Padre Damaso ay lumakad na panay ng bulong ng “isang babae” at wala na ang kanyang kalungkutan.
Hinatak si Linares.
Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.
Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag-iisip.
Kabanata 45: Ang Mga Pinag-uusig
Narrator: Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa Batangas.
Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor Ibarra. Maipaaabot niya
ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.
Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga mayayaman ay walang
inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung maisasagawa ito, maiiwasan ang
pagdanak ng dugo.
Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?
Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.
Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.
Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga sariling sinapit sa kamay ng
mga napakalupit na Espanyol.
Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa baybayin ng San Diego. Sasabihin
ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi
naman ay siguradong ako ang unang malalagas sa himagsikang ito.
Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay magtagumpay ka sa iyong binabalak.
Kabanata 46: Ang Sabungan
Narrator: Nang sumunod na araw…
Anino: Magkakaroon ka ng mas malaking halaga ng salapi, Lucas. Payag ka ba sa aking plano?
Lucas: Opo. Ako po ang bahala dito.
Anino: Maipapangako mo ba na walang makaaalam nito kundi tayong dalawa lamang?
Lucas: Mamamatay po akong nakatikom ang bibig.
Narrator: Makatapos ulit ang ilang araw, sa sabungan…
Lucas: Pumayag na ba ang kapatid mo sa plano, Bruno?
Bruno: Hindi pa.
Lucas: Bakit? Bakit ka tumatanggi, Tarsilo?
Tarsilo: Dahil mapanganib ang inyong binabalak.
Bruno: Siyang tunay, Lucas.
Narrator: Katahimikan ang namayani sa kanila. Ilang saglit pa…
Tarsilo: Lucas, pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit apat, tatlo, o dalawang reales lang. Ibabalik ko ito sa iyo ng doble.
Lucas: (umiling) Ngunit hindi akin ang perang ito. Inilalaan lamang ito ni Señor Ibarra sa mga taong sasang-ayon sa plano.
Patawarin ninyo ako, ngunit hindi ko kayo mapahihiraman.
Narrator: Binigyan ni Lucas ang magkapatid ng pagkakataong mag-isip at mag-usap. Pagkaraan ng ilang minuto...
Bruno: Tatanggapin ba natin?
Tarsilo: Oo, ngunit sabihin muna natin kung ilan ang makukuha natin.
Bruno: Lucas, magkano ba ang mapapala namin?
Lucas: Bawat isa sa inyo ay tatanggap ng tatlumpung piso, at sampung piso sa bawat isang maaaya ninyo. At kung
magtagumpay ito, lahat ng sumali ay tatanggap ng tig-isangdaang piso! Mayaman si Señor Ibarra, tandaan niyo yan.
Bruno: Kung gayon ay payag ako.
Tarsilo: Ako na rin, Lucas.
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Narrator: Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat. Tumitingin-tingin sila sa mga
bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang maririnig sa bibig ni Dona Victorina.
Dona Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang isang Indiyo lamang maaaring tumira!
At aba! Mga wala pag galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad nating mga maharlika! Hindi kataka-
takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga prayle tungkol sa kanila!
(Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit tiningnan lamang sila nito at saka umalis)
Narrator: Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si Dona Consolacion sa bintana ng
bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig. Hinagod niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura.
Dona Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo?
Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa mga tao!
Dona Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig ng malakas ang Don na halos
masubasob)
Dona Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot. (ngingisi)
Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang walang asal na nag-away sa mismong durungawan ng bintana ng
bahay ng Alperes.
Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan?
Dona Victorina: Para sabihin ko sa’yo Dona Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa sobrang sopistikada kong
tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay lamang sa aming pintuan!
Dona Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga alperes kundi ang mga pilakyod
na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)
Dona Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ah…Bumaba ka rito walang galang! (susugurin ang tarangkahan ng bahay
ng Alperes ngunit aawat ang dalawang bantay na guardia civil.) Paraanin niyo ako mga walang modo! Bumaba ka diyan
Dona Consolacion! Dito tayo magtuos, walang hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong
asawa! (Pinipigil siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!
Dona Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora Grosera!
Narrator: Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May mauulinigan pang
nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating ang Alperes…
Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa mga tao!
Dona Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-bayan…may mga
sundalo naman kayo!
Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang ugali!
Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral!
Narrator: Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon.
Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman kayong mga tao!
Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang
inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes?
Lahat: Si, Reverencia.
Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo inawat! (titingala)
Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa! (maiinis)
Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila. Magsusumbong tayo sa Kapitan-
Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng
rebolber o kaya’y sable o kaya’y…(napatingin sa pustiso ng asawa)
Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng…
Narrator: Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng kanyang
pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.
Kabanata 51: Mga Pagbabago
Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap.
Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!
Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.
Narrator: Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina.
Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o…
Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari?
Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol kami. Kung hindi ay
malalaman nila ang tunay mong pagkatao!
Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.
Narrator: Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.
K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?
Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay huwag mo siyang
ipakasal sa iyong anak!
Narrator: Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo siya kay Linares.
Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?
K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi si Linares.
Kabanata 54- Walang Lihim na Hindi Nabubunyag
Narrator: Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.
P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal na ngayong gabi,
ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin ang mga Kastila. Magkakaroon ng
isang malaking pag-aalsa.
ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?
P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng apat na
guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging maingat kayo upang sila’y mahuli.
Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya sakaling magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo
malimutang banggitin ang aking ginawa.
Narrator: Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra
ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak sapagkat isisigaw
ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay
maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na ninyong umalis.
IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?
ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing totoong may
kinalaman kayo dito.
IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?
ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at maghintay kung ano
ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.
IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago ang kasulatan ng
aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak sa akin.
Narrator: Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.
ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.
ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para makapaghiganti. (Niyugyog
ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis!
Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig…may kayamanan…kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay!
Narrator: Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi ni Elias ng “anong
gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra.
Kabanata 55: Ang Pagkakagulo
Narrator: Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan si Maria na wala siyang
ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa bulwagan at hindi mapakali si P.SALVI.
Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatog na napaupo sa isang sulok ang Pari.
Pumasok ng bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan. Tinangkang lapitan ni Maria
Clara ang kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng baril. Naglabasan mula sa komedor sina
K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang habang panay ang usal ng dasal ni Tiya Isabel.
ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.
Narrator: Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi. Nanaog din si Ibarra kahit na
pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating sa kanyang bahay.
IBARRA: Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo.
GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto.
Narrator: Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito.
GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!
Ibarra: Bakit?
GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi naming kayo igagapos. Ito’y
kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.
Narrator: Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang nangyari sa kanilang amo.
Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang at dumaan sa bakod. Umakyat si Elias sa bintana at
pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha niya ang baril at mahahalagang bagay at isinilid sa sako at inihulog sa bintana. Kinuha
din nito ang larawan ni Maria Clara. Kumuha siya ng papel at binuhusan ng gaas mula sa ilawan at sinilaban. Tumalon si
Elias mula sa bintana.
Kabanata 57: Vae Victis (Sa Aba ng mga Natalo)
Alperes: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas! ( iniharap ang anyong malungkot
na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para salakayin ang kuwartel kagabi?
Tarsilo: Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong dalawang kasama.
Inihulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na sinabi 30Tarsilo30 kay Alperes)
Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita kay Tarsilo ang bangkay
nina Lucas at kapatid na si Bruno.)
Narrator: Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit nagkunwaring walang nakikita si
Padre Salvi.
Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano.
Narrator: Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba na sa balong
nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at kalupitan hanggang sa napugto ang hininga nito.
Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara
Narrator: Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaña.
Dona Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa pamahalaan, di ba? Dahil
diyan ay nakakapaglabas-masok siya palagi sa loob ng palasyo ng Kapitan-Heneral .Una ko pa lamang nakita iyang si
Ibarra ay naniwala na akong isa siyang Pilibustero.
Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?
Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin.(sabay tawa)
Linares; Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya)
Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..”
Narrator: Nakita ng Doña na paparating si Ma. Clara
Doña Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita. Kaya kami nagpunta rito ay
upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-uusap noon.
Ma.Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.
(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)
Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.
(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)
Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta.
(napangiti ang Donya sa narinig)
Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami!
Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw.
Narrator: Kinabukasan, ganap na ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng bahay ni Kapitan
Tiago.Nangunguna sa mga bisita sina Padre Salvi, Padre Sibyla. Kasali din si Tinyente Guevarra. Nagpahuli ng dating sina
Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang sila’y importanteng tao. Sa umpukan ng kalalakihan ang usapan ay tungkol
sa paglipat ng kura sa Maynila
Lalaki 1: Kura, bakit po pala kayo napalipat sa Maynila?
Kura: Ako’y wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.
Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na magyayao’t parito sa iba’t ibang
lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.
Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero?
Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat siyang bitayin gaya ng mga salarin
noong himagsikan sa taong 1872.
Tinyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na kasulatan. Kung ang mga
tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga kasulatan at ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na
maaring mapawalang sala si G. Crisostomo.
Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan?
Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi nakipag-unawaan sa kanila si
G. Crisostomo manapa’y kaaway niya ang taong nagngangalang Lucas. Isang sulat lamang ang naging batayan ng mga
tagausig laban kay Crisostomo Ibarra. Kinilala niya na kanya ang sulat na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang babae bago
siya pumunta ng Europa. May malabong mga pahayag at talata na ipinagpapalagay na ito’y naglalaman ng mga
pagbabanta laban sa pamahalaan.
Padre Salvi: Paano nakarating ang sulat sa mga tagausig?
Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga tagausig.
Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang napagkamalang binigyan.
Narrator: Biglang nilapitan ng tinyente ang papalapit na si Ma. Clara.
Tinyente: Mabuti ng ginawa niyang pagbibigay ng sulat. Nakatitiyak kayo ng magandang kapalaran.
Napatingin ang mga lalaki sa dalaga. Biglang nakaramadam ng pagkahilo si Ma. Clara at nagpahatid sa kanyang silid.
Ma.Clara: Mawalang galang na po.
Narrator: Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng dalaga. Tumayo siya
at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit
sa kanya.
Ma.Clara: Crisostomo!
Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking maging kapalaran.
Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na
kita.
Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna ng aking karamdaman
ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo
sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng
kinikilala kong ama.
Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.
Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng taong nakakabatid ng
aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng aking
ina, napilitan akong ipagpalit ang sulat mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring
gawin kundi ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao. Kailangan kong makipag-isang dibdib
upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong libakin?
Ibarra: Maria, isa kang anghel.
Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.
Ibarra: Ikakasal ka na.
Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako kahit hindi niya tungkulin
kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko malilimot ang naging sumpaan natin.
Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari?
Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at hindi na ito maaangkin
ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?
Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.
Clara: Paalam, Crisostomo.
Narrator: Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya sa bangka kung saan
naghihintay si Elias para itakas siya.
Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa
Narrator: Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel.
Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang salapi ninyo na itinago ko.
Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.
Ibarra: Mangingibang bansa?
Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya at matutulungan kayo
para kayo’y mapatawad.
Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking angkan. Marapat
lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa akin sa ibang bansa at magturingan tayong
magkapatid. Tayo’y kapwa sawimpalad sa sarili nating bayan.
Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.
Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako?
Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong hirap ay baka dumating ang
araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.
Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.
Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa kayong dinaranas na
paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang
bayang ito. Humingi ako ng tulong sa inyo para sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong
pinanigan. Ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.
Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na ang
ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at
sugpuin. Akong nagtatanggol sa bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang
tayo’y naging sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa…nawawalan na
tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating karapatan at lakas.
Narrator: Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal.
Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas.
Narrator: Pinahiga ni Elias sa bangka si Crisostomo at tinakpan ng maraming damo..napadaan sila sa harap ng polvorista.
Sila’y pinatigil ng bantay.
Bantay: Saan ka nanggaling?
Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila.
Bantay: Sige,maari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino sapagkat may isang bilanggong
nakatakas na ngayon ay pinghahanap. Kung siya’y iyong mahuhuli tiyak na magagawaran ka ng gantimpala.
Elias: Pano ko siya makikilala?
Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang Kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala.
Elias: Sige po, Salamat.
Narrator: Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka sa may Ilog Beata.
Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-Peñafrancia.
Ibarra: Marapat siguro na tayo’y maghimagsik.
Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng iyong makakasama. Ngunit
baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Kaunting kalayaan at katarungan lamang ang hinihingi ng mga
sawimpalad at hindi ang pagtatakwil sa Espanya.
Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong maging matapat sa bayan
at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin. Kailangang mailantad ko sa bayan ang kaapihang ito kung hindi’y
walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan. Maaari ba ninyo akong ihatid sa bundok?
Narrator: Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias.
Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana. Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming masasayang araw. Ang lahat ng
alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa.
Narrator: Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil ang lawa.
Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.
Narrator: Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na sumisigaw. Hinahabol sila ng
isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil.
Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang mamangka sapagkat tatalon ako.
Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko sila.
Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.
Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata.
(Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)
Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.
Narrator: Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang naglalangot na si Elias at
kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias. Sumisid si Elias at di na muli pang lumitaw.
Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng
pampang.
Kabanata 62: Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso
(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa kawalan ng sandaling iyon.
Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)
Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para masaksihan ang kasal mo.
(Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka?
[Walang imik si Maria Clara]
Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa’yo.
Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking ama para di
matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig. Ibig kong mabuhay para
marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?
Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…
Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala namang gusto ang ama ko
kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa.
Kumbento o sementeryo lamang ang aking pagpipilian.
Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan ka ng mabuting
kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.
Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na siya. Ibg ko na ring
mamatay o maging madre.
Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na misteryong nakakubli sa mga
pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng
iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag lang ang kumbento..
Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!
Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni Padre Damaso) Ayokong
mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)
Kabanata 63: Ang Noche Buena
Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto ko sanang umuwi para
makita ang aking ina at kapatid.
Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan. Mahihirapan ka pang makauwi sa
inyo.
Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay maraming anak subalit kami’y
dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at ipagsasama ko ang aking kapatid.
*Mabilis na umalis si Basilio bagama’t may tali sa paa at paika-ika kung maglakad]
[SAN DIEGO]
Narrator: Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang Ina. Paika-ikang
pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang guardia civil na papanikin si Sisa subalit
kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang babae sa daan.
Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.
Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang!
Narrator: Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na nadapa at bumangon si
Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. May
pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio. Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang
yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni Sisa ang
mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala. Hinagkan at niyakap nang
mahigpit ni Sisa ang anak hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang
pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito
hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang malamig na bangkay ng
ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias.
Elias: Sino ang babaing iyan?
Basilio: Siya po ang aking ina.
Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi magtatagal at
mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang darating na sinuman, hukayin mo ang
mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang
ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag
kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.
Narrator: Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa unti-unting nabuwal sa
lupa si Elias.
Wakas

More Related Content

What's hot

Noli me tangere kabanata 42
Noli me tangere kabanata 42Noli me tangere kabanata 42
Noli me tangere kabanata 42Sir Pogs
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at LauraSCPS
 
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigNoli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigMaria Carmella Surmieda
 
Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Sir Pogs
 
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)LynleyRoseCalusor
 
Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Sir Pogs
 
Kabanata 50 ang angkan ni elias
Kabanata 50 ang angkan ni eliasKabanata 50 ang angkan ni elias
Kabanata 50 ang angkan ni eliasChristianSunio
 
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang Talinghaga
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang TalinghagaNoli Me Tangere - Kabanata 49: Isang Talinghaga
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang TalinghagaNaFio AngstLord
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)SCPS
 
Noli me tangere kabanata 30
Noli me tangere kabanata 30Noli me tangere kabanata 30
Noli me tangere kabanata 30Sir Pogs
 
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanPagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanaugust delos santos
 
Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Sir Pogs
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Digmaang hapon (death march)
Digmaang hapon (death march)Digmaang hapon (death march)
Digmaang hapon (death march)Geraldine Mojares
 
Filipino history (spanish colonization)
Filipino history (spanish colonization)Filipino history (spanish colonization)
Filipino history (spanish colonization)Ramuj
 
Ang patuloy na pananakop ng mga hapon
Ang patuloy na pananakop ng mga haponAng patuloy na pananakop ng mga hapon
Ang patuloy na pananakop ng mga haponChoi Chua
 
Rebolusyon sa latin america
Rebolusyon sa latin americaRebolusyon sa latin america
Rebolusyon sa latin americaJared Ram Juezan
 
Makato and the Cowrie Shell
Makato and the Cowrie ShellMakato and the Cowrie Shell
Makato and the Cowrie ShellMelanio Florino
 

What's hot (20)

Noli me tangere kabanata 42
Noli me tangere kabanata 42Noli me tangere kabanata 42
Noli me tangere kabanata 42
 
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at LauraMga Mahahalagang  Tauhan sa Florante at Laura
Mga Mahahalagang Tauhan sa Florante at Laura
 
Group 5
Group 5Group 5
Group 5
 
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigNoli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
 
Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41
 
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)
Presentation with Animation and Hyperlink (Ang Kuwintas)
 
Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2
 
Kabanata 50 ang angkan ni elias
Kabanata 50 ang angkan ni eliasKabanata 50 ang angkan ni elias
Kabanata 50 ang angkan ni elias
 
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang Talinghaga
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang TalinghagaNoli Me Tangere - Kabanata 49: Isang Talinghaga
Noli Me Tangere - Kabanata 49: Isang Talinghaga
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)
 
Noli me tangere kabanata 30
Noli me tangere kabanata 30Noli me tangere kabanata 30
Noli me tangere kabanata 30
 
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanPagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
 
Ikatlong bahagi ng aralin 5
Ikatlong bahagi ng aralin 5Ikatlong bahagi ng aralin 5
Ikatlong bahagi ng aralin 5
 
Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Digmaang hapon (death march)
Digmaang hapon (death march)Digmaang hapon (death march)
Digmaang hapon (death march)
 
Filipino history (spanish colonization)
Filipino history (spanish colonization)Filipino history (spanish colonization)
Filipino history (spanish colonization)
 
Ang patuloy na pananakop ng mga hapon
Ang patuloy na pananakop ng mga haponAng patuloy na pananakop ng mga hapon
Ang patuloy na pananakop ng mga hapon
 
Rebolusyon sa latin america
Rebolusyon sa latin americaRebolusyon sa latin america
Rebolusyon sa latin america
 
Makato and the Cowrie Shell
Makato and the Cowrie ShellMakato and the Cowrie Shell
Makato and the Cowrie Shell
 

Similar to noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf

222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf
222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf
222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdfDevonPornadia
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangeressuser666aef1
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49asa net
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49asa net
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64asa net
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxRioOrpiano1
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxKikiJeon
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)SCPS
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........MELODYJASPELA
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfNymphaMalaboDumdum
 
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with InterpretationCompilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with InterpretationCristina Protacio, LPT
 
Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1Sir Pogs
 

Similar to noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf (20)

222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf
222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf
222817849-Noli-Me-Tangere-Script-BSIT-4-1.pdf
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
Pagtitipon
PagtitiponPagtitipon
Pagtitipon
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
Noli kabanata1-8.pptx
Noli kabanata1-8.pptxNoli kabanata1-8.pptx
Noli kabanata1-8.pptx
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
hazell
hazellhazell
hazell
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
 
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with InterpretationCompilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
 
Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 

Recently uploaded (20)

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 

noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf

  • 1. Noli Me Tangere Mga Tauhan:  Juan Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra, kasintahan ni Maria Clara  Maria Clara – anak ni Kapitan Tiago, kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra  Kapitan Tiago – kinikilalang ama ni Maria Clara  Padre Bernardo Salvi – kasalukuyang kura ng San Diego  Padre Damaso Verdolagas – dating kura ng San Diego  Padre Hernando de la Sibyla – kasalukuyang kura ng Binundok (Binondo)  Pilosopo Tasyo – matandang may kakaibang isipan, kilos, at pakikitungo sa kapwa  Elias – isang lalaking nagtatago sa batas, tagapagligtas ni Ibarra  Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiago, tagapag-alaga ni Maria Clara  Don Rafael Ibarra – ama ni Juan Crisostomo Ibarra  Sisa – ina ni Crispin at Basilio  Pedro – ang sugarol, gala at walang pakialam na asawa ni Sisa  Basilio – panganay na anak ni Sisa  Crispin – bunsong anak ni Sisa  Don Tiburcio de Espadaña – Espanyol na nagpapanggap na doktor, kabiyak ni Doña Victorina  Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña – mayamang maybahay ni Don Tiburcio na mahilig magpanggap na taga- Europa  Don Alfonso Linares de Espadaña – pamangkin ni Don Tiburcio  Alperes – pinuno ng mga guardia civil  Dona Consolacion – maybahay ng Alperes  Tinyente Guevarra – tinyente ng mga guardia civil  Kapitan Heneral – kinatawan ng Hari ng Espanya  Ginoong Laruja – ginoong galing sa Espanya Mga Natatanging Tauhan:  Sakristan Mayor  Mga Sepulturero  Nyol Juan  Kusinera  Mga Guardia Civil  Guro  Alkalde  Tarsilo  Bruno Panimula Narrator (Basilio): (nakaupo sa harap ng mesa, nagsusulat. Sa harap niya ay isang lamparang de gaas) Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. (haharap at tuturo sa nanonood) Kaya kayong mga kalaban k, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin. Noli Me Tangere.
  • 2. Kabanata 1: Isang Pagtitipon Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga taga-San Diego; maraming malungkot, masungit, marami rin ang nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang probema. Sa Kalye Anloague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakatira si Don Santigo de los Santos, na higit na kilala bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa buong bayan dahil sa kanyang kayamanan, lalo’t higit sa kanyang kabaitan. Isang gabi sa kanyang tahanan… [Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae habang ang mga babaing Pilipina naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang babae. Narinig ni Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at mabilis nyang nakapagsalita ng…+ Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak! Panauhin 1: Napakalaking handaan nito! ano sa tingin mo? Panauhin 2: Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalalahanin ang gumasta ng labis. Narrator: Nahahati ang bulwagan ng bahay sa dalawa. sa isang banda, naroon ang mga kalalakihan at kababaihan. Nagkakasayahan sila habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at biruan. Sa isang banda ay makikita sina Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Padre Sibyla na kura ng Binundok, si Ginoong Laruja, at si Tinyente Guevarra. Kumpara sa mas maraming mga nasa kabilang banda, mas maingay pa ang usapan ng apat na nabanggit. Pinakamaingay sa kanila si Padre Damaso. P. Damaso: Tshh…Nakayayamot ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawampung taon akong nagsilbi at nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang umalis ako ay iilang matatanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob. G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio! P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago. P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang Indio. Malayong-malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao. G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin. P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang ibang kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan. Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra Narrator: Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si Kapitan Tiago, kasama ang isang mukhang galing sa mahabang paglalakbay. Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don Rafael. Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago? Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa kanyang paglalakbay.
  • 3. Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego. ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia. P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama. T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra. Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon) T. Guevarra: Nawa’y ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo. Ibarra: Gracias, señor. T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas. Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam. Narrator: Pagkaraan ay makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan sa kabilang banda ng bulwagan. Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung wala siyang kakilala. ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra. Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra. Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo sa ganda ng mga kababaihan sa ating bansa. Babae 1: Sus! Kasinungalingan. Babae 2: Marahil ay dala mo rin iyang iyong tinuran mula sa ibang bansa. (tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay) Kabanata 3: Ang Hapunan Narrator: Natigilan uli ang lahat nang may ipinahayag si Kapitan Tiago… Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halina’t pumunta tayo sa hapag. Handa na ang hapunan! Narrator: Masayang nagsipuntahan sa hapag ang mga panauhin. Nag-alukan pa ng silya ang dalawang kura, kahit na parehas nilang gustong umupo sa kaliwang kabisera ng mesa. Sa huli ay naupo rin si Padre Sibyla sa silya na ikinaama rin ng loob ni Padre Damaso. Naupo na lamang siya sa tabi ng pari. Tinola ang ipinahanda ni Kapitan Tiago, gaya ng inaasahan. Nagpasahan na ng ulam. Ang mas masaklap, puro leeg at pakpak ang natira kay Padre Damaso habang sa iba ay puro hita. Dahil sa sobrang inis ay humigop na lamang siya ng sabaw at dinurog ang papaya ng may malakas na tunog mula sa pinggan, at saka padabog na ibinagsak ang kubyertos sa tabi ng pinggan. Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja… G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?
  • 4. Ibarra: Pitong taon po, ginoo. G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan. Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong iniisip ang aking bayan kahit na ako’y malayo. D. Victorina: Totoo ba yan hombre? Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan. G. Laruja: sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa iyong isipan? Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa kundi ang ating bansa. Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura ng isang bansa ay nakalilimutan ko na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon. P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang pumunta ng Europa kung wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din naman ng kahit sinong mag-aaral na tanungin mo sa ating bansa. Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang pakikitungo sa akin noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa kanya dahil nagugunita ko ang mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa aming tahanan at nakakasalo sa pagkain ang aking ama. P. Damaso: (biglang natigilan at naitapon sa mesa ang iniinom) Uhh, Naku! nawa’y tanggapin ninyo ang aking sinserong paumanhin. Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kaya’t nawa’y maintindihan niyo na kailangan ko agad na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos Los Santos kaya’t may kailangan akong katagpuin. Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sana’y mahintay mo pa ang pagdating ng aking bulaklak na si Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay. Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias sa hapunan Kapitan. Kapitan Tiago: Walang anuman, Ibarra. Patnubayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay. Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay halata sa mukha ni Padre Damaso ang matinding inis tungkol sa buong araw. P. Damaso: Nakita ninyo? Minsan ay napakasama ng nagiging bunga ng pagpapadala ng inyong mga anak sa ibang bansa upang mag-aral. Lumalaki ang kanilang ulo at itinuturing na ang sarili na mas mataas. Nawawalan sila ng galang! Kabanata 4: Erehe at Pilibustero Narrator: Si Ibarra’y lumalakad na di batid kung saan siya patututungo. Sa mahinang lakad ay narating niya ang Liwasan ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga Intsik na nagtitinda ng sorbetes at mga babaeng nagbibili ng punungkahoy Ibarra: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa Espanya. Narrator: Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Namalas niya ang tinyenteng nakangiti.
  • 5. T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay dapat maging isang aral sa inyo. Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway. T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadalasa atin sa ilang kapahamakan. (tumigil at nagmuni-muni bago sumagot ulit) Hanggang sa huling hininga ng inyong amang si Don Rafael ay hindi siya makapaniwala na mayroon pala siyang nagtatagong mga kaaway. Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-aalangan na magsabi sa akin ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa piitan? Ano ang naging kasalanan niya? T. Guevarra: Ang tanging kasalanan niya ay dahil siya ang pinakamayamang tao sa buong San Diego. Ngunit huwag kayong mag-alala. Ang mabulok sa bilangguan sa bansang ito ay maituturing na kabayanihan. (playback ng storya at ang magsasalita bilang Narrator ay si T. Guevarra) T. Guevarra: Ang iyong ama, gaya ng alam ng mundo ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa buong San Diego. Ngunit kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga kababayan. Dahil sa siya ay may naiibang pilosopiya mula sa nakararami, pinapalagay ng mga kaaway niya na siya ay isang erehe at pilibustero. Mula sa pulpito ng simbahan ay ikinakalat ni Padre Damaso ang ganitong mga pasaring, kahit na walang pangalang nababanggit: P. Damaso: Wala nang mas hihigit pang bobo sa mga taong nagkukunwaring matalino. May mga tao kasing nagmamarunong sa pamamalakad ng pamahalaan,gayong wala naman silang alam! Kaya’t kung kayo’y tumutulad sa mga ganito ay magsisi na kayo! Hindi dapat nakikialam ang mga mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan, lalo na kung sila’y mangmang at walang pinag-aralan gaya ng iba! T. Guevarra: Minsan ay may isang Artilyero na nangongolekta ng tributo sa mga mamamayan. Ang Artilyerong ito ay mangmang at hindi marunong magbasa at sumulat. Galit ang mga tao sa kanya dahil sa kanyang kalupitan. Upang makaganti, ang ibang mga mamamayan ay binabaligtad ang kanilang cedula kapag pinipirmahan na ito ng kabesa. Isang araw, isang bata kasama ang kanyang kapatid ang nanloko sa kabesa. Bata 1: (natatawa)Ginoo, maari mo bang basahin ang laman ng sulat? Artilyero: Umalis kayo sa dinaraaanan ko kung ayaw niyong makulong sa kwartel! Bata 2: Talaga? Ikukulong mo kami? Basahin mo muna ito. Bata 1: Ano ka ba, hindi siya makababasa. Kasi, mas matalino ang tiyan niya kaysa sa ulo niya! (tatawa kasabay ni Bata 2) Artilyero: Mga lapastangang bata! (pinagsisipa at pinagsusuntok ang mga bata) T. Guevarra: Nakita noon ng ama mo ang nangyari kaya’t sumaklolo ito sa mga bata. D. Rafael: Maawa ka sa mga bata, Ginoong Kabesa. Huwag mo silang saktan! Artilyero: Huwag kang makialam dito, tanda! (susuntukin si D. Rafael) (Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal ang kabesa at nabagok ang ulo sa isang usling bato.) D. Rafael: Iyan ang dapat sa iyo.
  • 6. T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan. Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya noong hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit inakusahan siya ng iba pang salang hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal sa kanya. Naroong siya’y kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng mga bukid, isang erehe at pilibustero, nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, nagtatago ng mga liham at larawan ng isang binitay na pari, at marami pang iba. Nagusot nang nagusot ang usapin. Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng ebidensya sa mga paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa hindi magandang kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang kayamanan. Patawad Señor Ibarra. Ibarra: (naluluha) Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama. Napakalupit ng sinapit ng aking ama. T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento. Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama. T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra. Narrator: Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. Nagpunta na sa kwartel ang tinyente, habang sumakay naman si Ibarra ng kalesa at nagpahatid sa Fonda de Lala. Kabanata 6: Si Kapitan Tiago Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago… K. Tiago: Nabusog kaya ang mga bisita sa handaan, Isabel? T. Isabel: Palagay ko’y oo, Santiago. Paniguradong nabusog sila sa dami ng handa. K. Tiago: Nakalulungkot lamang at kailangang umalis agad ni Ibarra sa gitna ng kasiyahan. Narrator: Sa pag-uusap ng dalawa ay sumabad si Maria Clara, ang kanilang itinatanging dilag. T. Isabel: Osya, maiwan ko na muna kayong mag-ama at mag-aayos pa ako sa kusina. Maria Clara: Tila yata may bumabagabag sa inyong kalooban, ama. Mayroon nga po ba? K. Tiago: Walang anuman, hija. Nagpapasalamat lamang ako sa Panginoon at biniyayaan niya tayo ng maayos na buhay. Ngunit sa wari ko’y mas masaya sana tayo kung ang iyong ina ay hindi nawala sa atin ng maaga. M. Clara: Papa, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. Mabuti pa ay matulog na kayo. Panigurado ay pagod na pagod na kayo mula sa pagtanggap ng mga bisita kanina. K. Tiago: Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at biniyayaan niya ako ng napakabait at napakapitagang anak katulad mo. Narrator: Habang nahihiga si Kapitan Tiyago sa kanyang kama ay naiisip niya ang mga panahong lumipas. K. Tiago: Kung buhay lamang talaga si Pia, ang kaligayahan ko ay paniguradong buong-buo.
  • 7. Narrator: Naaalala pa noon ni Kapitan Tiago ang mga larawan ng nakalipas: ang pagsayaw nila ng asawa sa Obando upang magkaanak, na sinundan ng kanyang pagiging tatay kay Maria Clara. Nawala lamang ang saya sa kanyang mukha nang maalala niya ang pagkamatay ng kanyang kabiyak. Namatay ito dahil sa hirap sa panganganak kay Maria Clara. K. Tiago: (pagod) Hay, buhay. (tumigil ng saglit) Oh Pia, aking mahal na esposa, nawa’y makapiling ng Lumikha ang iyong kaluluwa. Sumalangit ka nawa. Kabanata 7: Ang Pag-uusap sa Asotea Narrator: Kinaumagahan, makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng isang bintana, abala sa pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita. M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagkahuli? Narrator: Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng kanilang tahanan. Kutsero: How! How! Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria Clara. T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan) K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan. Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak. K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto) Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra? Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan. Narrator: Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea. Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo. Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan. Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba? Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa. Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako bukas. Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay. Ibarra: Paalam, aking minamahal.
  • 8. Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus) Narrator: Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan. K. Tiago: (kay T. Isabel) Tingnan mo ang nagagawa ng pag-ibig, Isabel. T. Isabel: Oo nga, Tiago. Sadyang napakatamis at napakapait ng pag-ibig. K. Tiago: Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? (tatawa) T. Isabel: Hay naku, Tiago. Ako’y tigil-tigilan mo nga. Hindi ako manhid sa mga dating manliligaw. (tatawa rin) K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San Rafael. paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay. Maria Clara: (magsisindi ng kandila sa altar) Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan Narrator: Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre Damaso na papunta ng kanilang bahay. T. Isabel & Maria Clara: Magandang umaga po, Reverencia. P. Damaso: Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah. Saan ang inyong tungo? Maria Clara: Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang gamit doon. P. Damaso: Sige. O bueno, kakausapin ko lamang ang iyong ama. (aantandaan ng krus ang dalawa) Nawa’y ligtas kayong makapaglakbay. T. Isabel: Muchas Gracias, Padre. P. Damaso: (bubulong) Tingnan lamang natin kung sino ang masusunod sa atin. Narrator: Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may iniisip. P. Damaso: Santiago? Santiago! K. Tiago: Padre, ano ang sadya ninyo? P. Damaso: May gusto akong sabihin sayong importante. Doon tayo sa lugar na hindi tayo maririnig. (aalis ang dalawa sa set) Narrator: At nang matapos ang pag-uusap nila… P. Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang inyong kapakanan. K. Tiago: Naiintindihan ko ho, Padre. Masusunod ang inyong kahilingan. Narrator: Sa pagkabagabag ni Kapitan Tiago ay pinatay niya ang pinasindi niyang kandila kahapon kay Maria Clara. P. Damaso: Bueno, aalis na ako. (bubulong) Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang masusunod.
  • 9. Kabanata 12: Araw ng mga Patay Narrator: Samantala, sa San Diego, ay abala ang mga sepulturero, sapagkat bukas ay Todos Los Santos. Nag-uusap ang dalawa sa kanila, habang may hinuhukay na bangkay. Sepulturero 1: Oy! (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukay…bagung-bago pa yan. Sepulturero 2: Pare-parehong bagong libing ang mga yan. Sepulturero 1: Ayoko na… May dugo pa ang mga buto! At ang buhok. Sepulturero 2: Masyado ka namang maselan…kung ikaw pa ang humukay ng ginawa ko…isang bangkay na 20 araw pa lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulan…namatay pa ang aking ilawan. Sepulturero 1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo. Sepulturero 2: Natanggal ang mga pako sa ataul kaya’t lumabas ang kalahating katawan ng bangkay. Saksakan ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na ulan. Sepulturero 1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay? Sinong nag-utos sayo? Sepulturero 2: Sino pa kundi ang kurang malaki. Sepulturero 1: Anong ginawa mo sa bangkay? Sepulturero 2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki, ilibing ko sa libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka malayo ang libingan ng mga Intsik. Sepulturero 1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukay…natamaan ko yung isang bungo, nabiyak! Paniguradong hindi ako makatutulog mamayang gabi. Sepulturero 2: (Napahalakhak at tinanaw ang isang sepulturero bago umalis.) (Unti-unti nang dumarami ang mga nagluluksang tao sa sementeryo) Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa Narrator: Dahil sa Todos Los Santos noong araw na iyon, ang sementeryo ng bayan ng San Diego ay nabuhay muli dahil sa pagdagsa ng mga tao. pumunta rin si Ibarra para bisitahin ang puntod ng ama, kasama ang isang utusan. Ibarra: Alam ho ba ninyo ang puntod ng aking ama? Utusan: Opo, Señorito. Tinamnan ko ho ng halamang Adelfa ang puntod at nilagyan ng malaking krus upang hindi ko ho ito makalimutan. Narrator: Nakalipas na ang ilang oras ngunit hindi pa rin nila makita ang puntod. Ibarra: (medyo galit) Akala ko ho ba ay alam ninyo ang kinalalagyan ng puntod ng aking ama? Utusan: Dispensa po, Señorito. Alam ko naman po iyon talaga, eh. hindi ko lang po talaga maintindihan kung bakit tayo nawawala. (makikita ang isang puntod na nahukay at ituturo ito) Ayun po, oh. Alam ko ho ay diyan siya nakalibing.
  • 10. Ibarra: Magtanong ka doon sa sepulturero kung bakit ganoon ang puntod. Utusan: Mawalang-galang na po. Alam po ba ninyo kung nasaan na ang malaking krus sa puntod na iyon na may pangalang “Don Rafael Ibarra”? Sepulturero: Ahh. Yung krus sa puntod na may mga bulaklak? Sinunog ko na. Utusan & Ibarra: Sinunog?! Sepulturero: Opo. Pinasunog yon ng kurang malaki. Ibarra: Kung gayon ay bakit hinukay ang bangkay ng aking papa? Saan mo dinala ang bangkay niya?! Sepulturero: inutos po ng kurang malaki na ilibing siya sa libingan ng mga Intsik. Ibarra: (galit) At ginawa mo naman ang sinabi niya?! Sepulturero: (nanginginig na sa takot) H-hindi po. Mabigat noon ang bangkay at napakalakas ng ulan. Kaya inilagak ko muna sa ilog ang bangkay niya. Patawad po, Señor. Narrator: Sa sobrang sakit ng nadama para sa ama ayt hindi na napigilan pa ni Ibarra ang damdamin. Nang hindi na niya kaya, ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Sa kanyang daan pauwi ay nakasalubong niya ang kura ng San Diego, si Padre Salvi. Tiningnan siya ng masama ni Ibarra, hinila ang kanyang suot na sutana at kinausap. Ibarra: Ikaw! Ikaw ba ang gumawa ng ganoong kalapastanganan sa aking ama? Ikaw ba?! Sumagot ka! P. Salvi: Kung anuman iyon, sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na wala akong alam tungkol sa sinasabi mo. Ibarra: Kung hindi ikaw, sino?! P. Salvi: Sigurado akong hindi ako ang iyong hinahanap, kundi ang pinalitan kong kura na si Padre Damaso. Ibarra: (sa sobrang galit ay napaupo at napaiyak muli) Narrator: Sobrang galit at muhi ang naramdaman ni Ibarra para kay Padre Damaso. Dahil sa kanyang hindi mapigilang emosyon ay tinahak na lamang niya ang daan patungo ng kanilang bahay. Ang pari naman ay nabuwal sa pagkakabitaw sa kanya ni Ibarra. Utusan: (itatayo ang pari) Patawad po, Reverencia para sa aking Señor Ibarra. Hindi po niya alam ang kanyang nagagawa dahil sa sobrang galit. P. Salvi: Napatawad ko na siya. Ngunit kahit para sa akin ay napakasakit ng sinapit niya. Hindi ko siya masisisi sa kanyang nagawa. (aantandaan ng krus ang tinahak na daan ni Ibarra) Gabayan nawa siya ng Maykapal. Narrator: Nakauwi na si Ibarra ng kanilang tahanan. Galit at malungkot pa rin siya, kaya’t noong siya na lang ang nasa bahay ay ibinuhos niya ang kanyang emosyon na parang hindi pa niya iyon nagagawa noon. Hindi na alintana ni Ibarra ang paglipas ng oras hanggang sa tumunog ang kampana sa kampanaryo ng simbahan. Kabanata 15: Ang Mga Sakristan Narrator: Samantala, sa ikalawang palapag ng kampanaryo ng simbahan ay makikita sina Crispin at Basilio, magkapatid na sakristan ng simbahan. Sampung taong gulang si Basilio, habang pitong taong gulang si Crispin. Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)
  • 11. Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana. (tunog ng batingaw) Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor. Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan? Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin. Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para hindi na sila manggulo at maka-uwi na ako. Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi nilang ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y tatlumpu’t dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila. Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor. Napakasinungaling nilang lahat. umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw na nating mag-sakristan. alam ko naming paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi. Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin. Narrator: At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor. Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa simbahan! Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng kampana! Hindi ka rin uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi! Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya… Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw Crispin! Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga wala kayong galang! Pati simbahan pinagnanakawan ninyo! Crispin: Hindi ko naman poi yon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano. Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si Crispin) Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit) Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo! Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio) Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan! Basilio: Crispin! Narrator: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit na sigaw, at daing na lamang ang kanyang narinig. Pagkatapos noon ay nakabibinging katahimikan. Pagdating ng ikasampu ng gabi ay nakapinid na ang buong simbahan. Kaya’t kinalag niya ang tali ng batingaw upang makapadausdos siya mula sa bintana ng kampanaryo. May maririnig na dalawang putok ng baril sa lansangan, ngunit walang sinuman ang pumansin.
  • 12. Kabanata 16: Si Sisa Narrator: Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina Basilio at Crispin. Masaya siyang nagluluto ng tuyong tawilis, tapang baboy-ramo, at isang hita ng patong-bundok na nahingi niya kay Pilosopo Tasyo. Nagsaing din siya ng maputing kanin at namitas ng kamatis sa kanyang bakuran upang gawing sawsawan. Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang gutom na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong tawilis na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag nakita ito! Narrator: Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro. Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga. Sisa: Pero, Pedro sa mga….. Narrator: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang ulam. Pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan ang luha. Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok) Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si Basilio ngayong araw. Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng tinali ko. Narrator: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kaya’t pinasaya na lamang niya ang sarili sa pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang tawilis at tiniis ang kanyang gutom, dahil alam niyang hindi na kakasya pa ang ulam sa tatlong katao. Nagulat na lamang siya dahil sa sumunod na nangyari. Dumating si Basilio na humahangos. Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto! Kabanata 17: Si Basilio Narrator: Nanginig sa takot si Sisa nang marinig ang tinig ng kanyang anak na parang humahangos. At mas lalo pa siyang natakot noong makita niya ang anak na tigmak ng dugo ang mukha. Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio? Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento. Sisa: Naiwan? At siya ba’y buhay? Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya) Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman…
  • 13. Basilio: Ako po’y tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor dahil hindi daw ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kaya’t noong nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan ako ng “quien vive” ay nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo. Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at gamutin natin ang sugat mo. Narrator: Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at nilagyan ng pampahilom. Hiniling ni Basilio sa ina na ilihim ang nangyari sa kanya. Pinakain na niya ang anak ng iniluto niyang tawilis. Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na ulam ngunit kinain itong lahat ng inyong ama. Pagpasensyahan mo na lamang din siya. Basilio:Hindi ka po ba niya sinaktan? (hahawakan at titingnan ang mga braso ng nanay) Sisa: Huwag kang mag-alala. Hindi naman niya ako ginawan ng masama. Bakit daw hindi makauuwi si Crispin? Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw siya ng dalawang onsa ng ginto. Hindi naman siya nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya daw iyon ibinabalik. Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang anak ko. Hayaan mo anak at kakausapin ko ang kura bukas. Dadalhan ko siya ng gulay bukas at hihilingin ang kalayaan ng iyong kapatid. Matulog ka na at huwag mo nang isipin pa iyon. Narrator: Natulog na ang mag-ina sa kanilang papag. Naglalaro pa rin sa isipan ni Basilio ang sinapit ni Crispin sa sulok ng kumbento habang takot na takot. Umuukilkil sa isipan niya ang mga daing at sigaw ni Crispin habang wala siyang magawa dahil sa sariling takot. Sa kapaguran, nakatulog si Basilio. Saglit pa lamang nakaiidlip ay nanaginip si Basilio tungkol sa kapatid. (role-play sa malapit sa hinihigaan nina Basilio) Basilio: (nakakunot ang noo at pailing-iling habang natutulog kasama ang nanay) P. Salvi: (may hawak na yantok) Walang galang na bata! Magnanakaw! Crispin: (umiiyak at natatakot) Kura, maawa na po kayo sa akin. (magtatago sa likod ng Sakristan Mayor) Sakristan Mayor: (ilalantad ang bata sa kura) Huwag kang magtago, hangal! Kasalanan mo iyan! (Galit na galit ang Kura kaya’t pinaghahampas ang bata ng yantok.) P. Salvi: (pinapalo ang bata) Lapastangan ka, ha. Tingnan natin kung hindi mo pa ibalik nang ninakaw mo! Crispin: Hindi po ako ang nagnakaw! Maawa na po kayo! Ang Sakristan Mayor po ang nangnakaw! Sakristan Mayor: (sasama na rin sa pagpalo) Huwag kang magbintang! Kahit kalian talaga ay napakasama mo. Napakasama ninyong magkapatid! Crispin: Inay! Kuya! Tulungan niyo ako! Maawa na kayo sa akin! Inay! (hindi na makatiis at kinagat ang kamay ng Kura) P. Salvi: (nabitawan ang yantok) Aray! Walang hiya kang bata ka! Sakristan Mayor: (pinulot ang yantok at pinalo sa ulo ang bata)
  • 14. Crispin: (nabuwal at napahiga) P. Salvi & Sakristan Mayor: (sinipa-sipa ang bata ngunit hindi na ito gumagalaw) (Kakaladkarin si Crispin ng dalawa at aalis. Maririnig na lamang ang putok ng isang baril sa panaginip) Basilio: (magigising at sisigaw) Crispin! (maiiyak ng sobra na ikinagising ni Sisa) Sisa: Diyos ko, anak. anong nangyari sa iyo? May problema ba? Basilio: (umiiyak pa rin) Inay, ayoko na pong magsakristan. Sunduin niyo na po si Crispin bukas sa kumbento at kunin ang aking huling sahod. Ipakikiusap ko po kay Don Ibarra na tanggapin akong tagapastol ng hayop nila. Paaralin niyo po si Crispin kay Pilosopo Tasyo. Mabait si Don Crisostomo. Baka bigyan pa po niya ako ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o kaya ay isang batang kalabaw. Pag malaki na ako ay magsasaka ako at mag-aararo. Di ba mainam iyon, Inang? Pumayag na kayo, huwag nyo na po akong gawing sakristan. Sisa: Oo,anak. Sige na, tumahan ka na. (yayakapin ang anak) Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa Narrator: Kinaumagahan ay maagang namitas si Sisa ng mga pinakahinog at pinakaberdeng gulay sa kanyang gulayan. Inilagay niya ito sa isang bakol at saka umalis upang pumunta sa simbahan at kausapin ang Kura. Sa kumbento ng simbahan… Sisa: Tao po, magandang araw po. Kusinera: (mataray) Sino kayo? Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan na si Crispin. May dala ho akong mga gulay para sa Kura. (iaabot ang basket) Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan. Sisa: Saan ho? Kusinera: Kahit saan diyan. Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura? Kusinera: Hindi maari. May sakit ang Kura. Sisa: Kung gayon ay kahit makausap ko na lamang ang anak kong si Crispin. Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang bahay. Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita… Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka nga hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti mong asawa ngunit masasama naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo na yung maliit? Naku! Baka higitan pa niya ang ama niya. Sisa: (mapapaupo sa bangko ng kusina at mapapaiyak) Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon kayo humagulgol sa lansangan! Sulong!
  • 15. Sisa: (sa pagkapahiya ay tatakpan ng panyo ang mukha at mabilis na umalis) Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina Narrator: Tumatakbo na si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa kasalanang hindi nila ginawa. sa kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan. Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak! Narrator: Pagdating sa kanilang dampa ay nagulat siya sa nakita. May mga guardia civil na naghahanap sa kanilang bahay, tila may hinahanap na tao. Nagtago muna siya, ngunit nakita rin ng mga ito. GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata? Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak. GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang nakatatandang anak mo. Nasaan yung mas bata? Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon! GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo itinuturo ang mga anak mo! Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon siya ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak. GC 2: (itinulak si Sisa sa kulungan) Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan hanggang sa ituro mo ang iyong mga anak. Narrator: Walang magawa si Sisa kundi ang umiyak. Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t nagdesisyon itong palayain si Sisa, dahil na rin sa kawalan ng katibayan. Alperes: (kausap ang isang guardia civil) Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at huwag na siyang abalahin kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay San Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh! GC 3: Si, Señor Alperes. (aalis at pupuntahan ang selda ni Sisa) O, makakalaya ka na daw. Wala nang ipapakain sa iyo ang gobyerno dito! (tatawa) GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk. Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang kanyang damit dahil sa pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa kanya, bagkus ay hinanap na lamang niya ang kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio. Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo? Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang! Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.
  • 16. Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak ko? Wala atang tao. (iiyak) Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa bahay) GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama! Narrator: Sa takot ni Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang damit na may bahid na ng dugo at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa bangin. Nakarinig si Sisa ng putok ng baril mula sa kanilang bahay kaya’t pinuntahan niya iyon. (hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio) Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng damit ni Basilio na may dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng malakas) Narrator: Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng kalikasan. Basilio: Nasa bahay, sa labas ng Bayan Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at tatawa ulit) (haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang mga naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak) Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak) Kabanata 22: Liwanag at Dilim Ibarra: Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukangliwayway Maria Clara: Ayokong makasama ang kura. Ibarra: Bakit? (nagtataka) Maria Clara: Pakiwari ko’y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang mga tingin. Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko maunawaan ang kanyang mga sinasabi. Itinatanong niya sa akin kung hindi ko raw ba napapanaginipan ang sulat at ang aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay nakababalitang hindi raw masyadong kumakain ang kura at tila napapabayaan ang sarili. (takot) Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pa’y narito na siya. Narrator: Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito. Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot magkasakit o magkasipon? (Nginig ang tinig ng kura at hindi siya makatingin ng diretso sa dalawa) Ibarra: Maganda ang gabi, Padre. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin. Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba kayong dumalo?
  • 17. Padre Salvi: Saan magaganap ang kasiyahan? Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng mga dalaga. Padre Salvi: Para patunayan na ako’y walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod kong tinatanggap ang iyong paanyaya. Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa inyo. Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siya’y naglalakad. Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng hinihintay ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego. Ibarra: May kailangan kayo sa akin? Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kaya’t wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala po ang aking mga anak at nabaliw ang aking asawa. Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo? Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo. Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay. Narrator: Naglakad na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala. Kabanata 23: Ang Pangingisda Narrator: Naglalakad na patungo sa lawa ang magkakaibigan, kadalagahang kasama ang kanilang mga ina at mga tiyahin. Kasama ang mga katulong na babae na may dalang baong pagkain at kagamitan para sa piknik. Sinaway sila ni Tiya Isabel sa kanilang kaingayan. Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay. Hindi ganyan ang dalagang Pilipina noong kapanahunan namin. Narrator: Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isa’y tumugtog pa ng gitara. (naglalakad na rin ang mga lalaki) Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro) Narrator: Nagbigay galang ang mga binata samntalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga ng nasa harapan na nila ang mga ito. Ina1: Hindi kaya umulan? (nag-aalala) (dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka meron: isa sa mga babae at isa sa mga lalaki]) Tiya Isabel: Magsipagdasal tayo. Narrator: Samantala, ay kinausap ni albino ang katabing binata. Albino: Takpan mo ang tapal sa tapat sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong mapasukan ng tubig.
  • 18. Narrator: Nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang Bangka nila lumipat ang ilang mga lalaki sa Bangka ng mga babae. Si Ibarra ay tumala kay M. Clara. Si Albino lumapit kay Victoria. Naging pares-pares ang magkakatala sa bangka. Ang bangkero ay tahimik lang na nagsasagwan. Papunta sila sa baklad ni Kapitan Tiago. Di naglaon ay dumating din sila sa isa sa mga baklad. Tiya Isabel: Ihanda na ang paasim sa sabaw, kailangang maihulog na ang mahuhuling isda sa kumukulong sabaw. Narrator: Si Andeng ang sumunod sa utos. Nilagyan niya ng paasim na kamyas at kamatis ang sabaw. Si Iday ang tumugtog ng alpa. Hiniling niya si Victoria na awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib. Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib? Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko. Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria…… (kinukulit) Victoria: (tumatanggi) Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit? Lahat: Oo nga. Sige na. (pinipilit) Maria Clara: Malulungkot ang aking mga awit. Lahat: Ayos lang yan.. Pumayag ka na.. sige na..! Narrator: Napapayag nila si Maria Clara. Kumanta na siya. Tahimik na nakinig ang lahat. Walang pumalakpak. Natulala ang mga nakatingin. Nagulantang sila ni Albino dahil sa pag-ihip nito na ubod ng lakas sa tambuli. Nagbalik ang tawanan ng mga tao. Andeng: Kumukulo na ang sabaw! Narrator: Isang mangingisda ang nagsalok ng isda sa baklad. Wala siyang nahuli ni isang isda kahit paulit-ulit na siyang nagsasalok. Nagulat ang mga tao. Mangingisda: Nakapagtataka, bago pa mag-undas huling pinandaw ito. Narrator: Si Leon ay tumulong sa pagsalok ngunit nagulat siya dahil ang tumambad sa kanya ay isang buwaya. Leon: Buwaya? May buwaya sa baklad na ito? Narrator: Ang bangkero ay kumuha ng lubid at tumalon sa tubig. Nagsigawan at natakot ang mga nanduon. 2 kasamahan: Sino ang binatang iyon? Narrator: Saglit na lumitaw ang ulo ng bangkero na hatak ang dulo ng lubid. Nagpalakpakan ang lahat. Naiahon ng bangkero ang buwaya sa baklad pero habang tinatalian na ang bunganga, lumaban ito kaya nahulog sa tubig ang buwaya kasama ang bangkero. Nagsigawan ang lahat. Tumalon si Crisostomo na may hawak na patalim. Nagulat ang lahat. Pumula ang tubig. Tumalon na rin ang ilang mga lalaki para tulungan ang dalawa pero bago pa man sila makalapit sa dalawa, napatay na rin sa wakas ang buwaya. Si Maria Clara ay hindi halos makahinga dahil sa ginawa ni Ibarra. Ang lahat ay natuwa sa pagkaligtas ng dalawa – ang iba’y nagtawanan, ang iba naman napaiyak. Bangkero: Utang ko sa inyo ang aking buhay.
  • 19. Ibarra: Hindi kayo dapat naging mapusok. Hindi ninyo dapat biruin nang ganoon na lamang ang kamatayan. (mababa ang tinig). Maria Clara: Paano kung ikaw ang napahamak?! Ibarra: Kung napahamak ako at sinundan…. (natigilan si Ibarra dahil bigla niyang naalala ang amang itinapon ang bangkay sa ilog.)…Nasa piling na ako ng aking pamilya. Siya nga pala, ano ang pangalan mo, magiting na bangkero? Bangkero: Elias, Elias po, Señor. Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo Narrator: Nang sumunod na umaga, Si Ibarra ay humingi ng payo kay Pilosopo Tasyo. Pilosopo Tasyo: Nariyan pala kayo, ginoo! Ibarra: Naabala ko po ata kayo. Pilosopo Tasyo: May maipaglilingkod ba ako sayo? Ibarra: May nais lamang po akong isangguni sa inyo. (hangang-hanga habang tinitingnan ang isinusulat ni Pilosopong Tasyo) Bakit po kayo nagsusulat ng isang heroglipiko? Pilosopo Tasyo: Dahil hindi ako sumusulat sa aking panahon kundi nagsusulat ako para sa hinaharap. Ha! Sa panahon ngayon na mababasa ang aking mga sinusulat, hay, tiyak na hindi ito pahahalagahan at susunugin pa ito. Ngunit ang susunod na salinlahi'y higit na matatalino at kung ito'y kanilang mababasa ay sasabihin nilang hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng kanilang mga ninuno. Ibarra: Anong wika po kayo sumusulat? Pilosopo Tasyo: Sa sariling wika natin na tagalog. Ibarra: Maari po bang gamitan ng heroglipiko ang wikang tagalog? Pilosopo Tasyo: Maari. Higit na mabuti ang alpabetong tagalog kaysa wikang Latin. Nga pala, natatandaan mo ba yung pagkapatay sa buwaya? Opinyon ko lang naman, subalit, tingin ko'y sinadya niyang gambalain ang inyong kasiyahan sapagkat hindi siya imbitado at dumating pang lasing ang kanyang asawa. Ibarra: (napangiti) Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng aking ama noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko pong magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na rin ito sa aking kasintahan. Pilosopo Tasyo: (napangiti) Ah, matagal ko nang pinangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At iisipin din ng mga tao baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa isang taong napagkakamalan nilang baliw. Ha! Para sa kanila, ang matatalino'y mga kapitan kahit walang pinag-aralan at walang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa kura. Bakit hindi kayo humingi ng payo sa kura, o sa kapitan o sa iba pang may tungkulin? Maari nyo silang sundin, maari rin hindi. Ibarra: Naniniwala ako na mangyayari ang aking plano na walang sagabal. Pilosopo Tasyo: Matutuloy ang plano ninyo kung kayo'y makikipagtulungan sa mga taong sinasabi ko. Ibarra: Totoong makapangyarihan ang kura subalit hindi ako lubusang naniniwala sa mga mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at pamahalaang may mabuting hangarin.
  • 20. Pilosopo Tasyo: Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Sumusunod lamang ang kamay sa idinidikta ng isip. Ibarra: Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag. Sa katunayan ay wala pa pong bayang dumaraing. Pilosopo Tasyo: Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Ngunit hindi magtatagal ay darating din ang panahong iyon. Malalaman ninyo ang kanilang mga pagtitiis. Ibarra: Nauunawaan ko ang inyong ibig sabihin. Ngunit dapat ninyong malaman na ang mga nanggagaling sa utos sa itaas ay hindi ipinatutupad pagdating na sa ibaba. Ang nanunungkulan ay mapang-abuso. Dalawa lamang ang maaari ninyong gawin, ang yumukod sa mga makapangyarihan o hindi yumukod na kapalit ay kapahamakan. Hindi ko ba maaaring mahalin ng sabay ang Espanya at ang aking bayan? Bakit ako yuyukod kung hindi kailangan? Pilosopo Tasyo: Sapagkat ang lupang iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong nagpapahalik ng kanilang mga kamay. Ibarra: Nagpapahalik ng kamay? Nalimutan po ba ninyong sila ang may kagagawan ng pagkamatay ng aking ama? Hindi ko nais ipaghiganti ang aking ama alang-alang sa kapakanan ng relihiyon. Pilosopo Tasyo: Hay, iho. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hangga't hindi ninyo lubusang natatanggap ang kasawian ng inyong ama. Ibarra: Matutulungan kaya nila ako at paniwalaang ang paaralang ipatatayo ko ang magiging tulay upang lumaya sa kamangmangan ang bayang ito at matuklasan nila ang pangangamkam ng kumbento? Pilosopo Tasyo: Mabigo man kayo, nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin. Ibarra: Naniniwala na ako sa inyong sinasabi. Ngayon din ay pupuntahan ko ang kura at sana'y hindi siya katulad ni Padre Damaso. Salamat po ginoo. Ako'y papatungo na. Kabanata 32: Ang Panghugos Narrator: Sinunod ni Ibarra ang payo sa kanya ng pilosopo. Sa kabutihang palad ay nagtagumpay ang proyekto. Nakapag- ipon sila ng puhunan sa paggawa ng paaralan. Isang araw, bago gawin ang nasabing proyekto ay idinaos ang paglalagay ng palitada at pundasyon ng paaralan. Kinausap ni Ñol Juan ang Taong Madilaw, na siyang humihila sa panghugos. Tinanong niya ito kung paano iyon gumagana. Ñol Juan: Paano gumagana ang panghugos na iyan? Taong Madilaw: Ganito ho iyon. Kahit na sa kaunting pwersa lamang ay kaya kong maitaas at maibaba ang mabigat na batong ito. Isang tao lamang ang kailangan upang mailinya ng maayos ang batong ito! Ñol Juan: Mahusay, bata. saan ka natuto ng ganitong arkitektura? Taong Madilaw: Namatay po ang aking ama sa pagtatrabaho sa mga Ibarra, Señor. Sa kanila ko po ito natutunan. Narrator: Sa malapit ay matatanaw ang isang dulang ang makikita na naglalaman ng mga pahayagan, sulatin, medalya at iba pang mga dokumento. Ilalagay ito sa mga silindrong kaha at ibabaon kasama ang mga panulukang bato para sa mga susunod na henerasyon. Pagkatapos mailagay ang mga mahahalagang bagay sa silindrong kaha, ay binigyan ng alkalde si Ibarra ng isa sa mga ito.
  • 21. Alkalde: Señor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato. Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho. Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng palitada. Pinangunahan ito ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni Kapitan Tiago. Iuutos na sana na ibaba ang panghugos nang maalala ng Kura na hindi pa naglalagay ng palitada si Ibarra. Alkalde: Bumaba na kayo, Señor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato. Narrator: Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong Madilaw ay tila nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at bahagyang kinindatan si Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang malakas na ugong. Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid. Nagsigawan ang lahat dahil nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan. Mabuti at nailigtas ni Elias si Ibarra, na bigla na ring nawala. Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako! M. Clara: (hinimatay) Tao 1: Ang taong naghuhugos! Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato. Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing. Napakasawimpalad. Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito! Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang mangyayari. Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang natin siya at bigyan ng maayos na libing. Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong singbait ni Don Ibarra! Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao. Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula. Kabanata 33: Malayang Isipan Narrator: Nang sumunod na gabi… Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas. Ibarra: Sino siya? Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya. Ibarra: Sige, papasukin mo siya. Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias. Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo. Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!
  • 22. Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan. Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan. Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y nagtitiwala sa lahat. Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway. Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming salamat po. Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo ulit? Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May pagkakautang pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran iyon. Ibarra: Paalam, Elias. Elias: (ngumiti) Kabanata 34: Ang Pananghalian Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan, ay isang piging ang naihanda, na dinaluhan ng maraming mga taga-alta de sociedad. Nag-uusap ang Alkalde at si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng Alkalde sa kausap, habang sumimangot at nagpasaring sa kanya si Padre Damaso. P.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap? Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng arkitekto at ng Reverencia. P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita lamang ng kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan. Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto. P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong na sawali. Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso. P.Damaso: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulupong! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang… Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos at saka iniamba ang matalim na kutsilyo. Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!
  • 23. Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos! Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang dumadaloy sa mga ugat mo! Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa dibdib. M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya! Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang lumayo at nawala. Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral… Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo Ibarra. K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso? Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon. K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap. Narrator: Nang nasa loob na si Ibarra… K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra. Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako itinuturing na mabuting tao. K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magagalaw ng mga pari hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang arsobispo na sumulat sa Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit ako ay gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong kalapastanganan. Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang inyong kahusayan, kamahalan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal. K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at nakausap kita, Don Ibarra. Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po. Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde. K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Señor Ibarra. Ipaalam mo ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain. Alkalde: Masusunod, kamahalan. Kabanata 39: Si Doña Consolacion Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan ni Doña Consolacion. Si Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doña Alperesa. Mahilig siyang mag-Espanyol, at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay maririnig na umaawit si Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang pakantahin.Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.
  • 24. D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que canta tagalo! Él no me entiende! No hace falta ser español! Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa na siyang nagpalungkot sa Donya. D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang tulang iyan! Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas managalog. Napahiya ang Doña. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng baliw. D. Consolacion: Bayla—baila, baila! Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang donya na nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas ang hawak nitong latigo. D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na palo] Baila, baila, condenada, salbahe! Narrator: Dumating ang alperes na walang kibo. D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi. Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya ng ibang baro at gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat kayo at huwag siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra. Kabanata 42: Ang Mag-Asawang de Espadaña Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at Linares] Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y inaanak ng kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro. Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni Kapitang Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng titulo. Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!! K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo. Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan? Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario. Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre. Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa kanya. Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito. Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.
  • 25. Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa. Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan, kasabay ang pag-iling ng ulo.] Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglos. Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan. Narrator: Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap, kaya’t di marinig ang tawag ni Donya Victorina. Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso. Kabanata 43: Mga Balak Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng dalaga. Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha) Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya ang kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan. Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham siya sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang nang ako’y umalis sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan) Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay madali. Marunong ka bang magbasa at sumulat? Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central. Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang babae. Oo, isang babae. Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre. Narrator: Si Padre Damaso ay lumakad na panay ng bulong ng “isang babae” at wala na ang kanyang kalungkutan. Hinatak si Linares. Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago. Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroo’t parito na nag-iisip. Kabanata 45: Ang Mga Pinag-uusig Narrator: Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa Batangas.
  • 26. Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya. Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa. Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo. Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay? Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala. Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias. Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol. Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako ang unang malalagas sa himagsikang ito. Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay magtagumpay ka sa iyong binabalak. Kabanata 46: Ang Sabungan Narrator: Nang sumunod na araw… Anino: Magkakaroon ka ng mas malaking halaga ng salapi, Lucas. Payag ka ba sa aking plano? Lucas: Opo. Ako po ang bahala dito. Anino: Maipapangako mo ba na walang makaaalam nito kundi tayong dalawa lamang? Lucas: Mamamatay po akong nakatikom ang bibig. Narrator: Makatapos ulit ang ilang araw, sa sabungan… Lucas: Pumayag na ba ang kapatid mo sa plano, Bruno? Bruno: Hindi pa. Lucas: Bakit? Bakit ka tumatanggi, Tarsilo? Tarsilo: Dahil mapanganib ang inyong binabalak. Bruno: Siyang tunay, Lucas. Narrator: Katahimikan ang namayani sa kanila. Ilang saglit pa… Tarsilo: Lucas, pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit apat, tatlo, o dalawang reales lang. Ibabalik ko ito sa iyo ng doble. Lucas: (umiling) Ngunit hindi akin ang perang ito. Inilalaan lamang ito ni Señor Ibarra sa mga taong sasang-ayon sa plano. Patawarin ninyo ako, ngunit hindi ko kayo mapahihiraman.
  • 27. Narrator: Binigyan ni Lucas ang magkapatid ng pagkakataong mag-isip at mag-usap. Pagkaraan ng ilang minuto... Bruno: Tatanggapin ba natin? Tarsilo: Oo, ngunit sabihin muna natin kung ilan ang makukuha natin. Bruno: Lucas, magkano ba ang mapapala namin? Lucas: Bawat isa sa inyo ay tatanggap ng tatlumpung piso, at sampung piso sa bawat isang maaaya ninyo. At kung magtagumpay ito, lahat ng sumali ay tatanggap ng tig-isangdaang piso! Mayaman si Señor Ibarra, tandaan niyo yan. Bruno: Kung gayon ay payag ako. Tarsilo: Ako na rin, Lucas. Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora Narrator: Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat. Tumitingin-tingin sila sa mga bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang maririnig sa bibig ni Dona Victorina. Dona Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang isang Indiyo lamang maaaring tumira! At aba! Mga wala pag galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad nating mga maharlika! Hindi kataka- takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga prayle tungkol sa kanila! (Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit tiningnan lamang sila nito at saka umalis) Narrator: Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si Dona Consolacion sa bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig. Hinagod niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura. Dona Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo? Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa mga tao! Dona Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig ng malakas ang Don na halos masubasob) Dona Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot. (ngingisi) Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang walang asal na nag-away sa mismong durungawan ng bintana ng bahay ng Alperes. Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan? Dona Victorina: Para sabihin ko sa’yo Dona Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa sobrang sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay lamang sa aming pintuan! Dona Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga alperes kundi ang mga pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas) Dona Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ah…Bumaba ka rito walang galang! (susugurin ang tarangkahan ng bahay ng Alperes ngunit aawat ang dalawang bantay na guardia civil.) Paraanin niyo ako mga walang modo! Bumaba ka diyan Dona Consolacion! Dito tayo magtuos, walang hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong asawa! (Pinipigil siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!
  • 28. Dona Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora Grosera! Narrator: Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May mauulinigan pang nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating ang Alperes… Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa mga tao! Dona Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-bayan…may mga sundalo naman kayo! Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang ugali! Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral! Narrator: Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon. Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes? Lahat: Si, Reverencia. Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa! (maiinis) Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila. Magsusumbong tayo sa Kapitan- Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y sable o kaya’y…(napatingin sa pustiso ng asawa) Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng… Narrator: Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona. Kabanata 51: Mga Pagbabago Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap. Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa! Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig. Narrator: Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina. Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o… Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari? Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol kami. Kung hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao! Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina. Narrator: Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.
  • 29. K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña? Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag ay huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak! Narrator: Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo siya kay Linares. Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita? K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya kundi si Linares. Kabanata 54- Walang Lihim na Hindi Nabubunyag Narrator: Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes. P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang nangumpisal na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang kumbento at papatayin ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa. ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko? P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo ako ng apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang maging maingat kayo upang sila’y mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap ng medalya sakaling magtagumpay kayo, sana’y hindi ninyo malimutang banggitin ang aking ginawa. Narrator: Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang mapahamak sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa! Kailangan na ninyong umalis. IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin? ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila masabing totoong may kinalaman kayo dito. IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa? ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas at maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin. IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan nakatago ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong magpapahamak sa akin. Narrator: Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba. ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia? IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.
  • 30. ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayo’y nabubuhay..umiibig…may kayamanan…kinikilala…nabubuhay! Nabubuhay! Narrator: Nakita ni Elias ang iba’t ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi ni Elias ng “anong gagawin ko?” ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra. Kabanata 55: Ang Pagkakagulo Narrator: Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa bulwagan at hindi mapakali si P.SALVI. Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo ng gabi. Nangangatog na napaupo sa isang sulok ang Pari. Pumasok ng bahay si Ibarra na nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan. Tinangkang lapitan ni Maria Clara ang kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng baril. Naglabasan mula sa komedor sina K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang habang panay ang usal ng dasal ni Tiya Isabel. ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib. Narrator: Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi. Nanaog din si Ibarra kahit na pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating sa kanyang bahay. IBARRA: Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo. GS: Sa ngalan ng Hari ng España, buksan ninyo ang pinto. Narrator: Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito. GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari! Ibarra: Bakit? GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi naming kayo igagapos. Ito’y kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes. Narrator: Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang nangyari sa kanilang amo. Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang at dumaan sa bakod. Umakyat si Elias sa bintana at pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha niya ang baril at mahahalagang bagay at isinilid sa sako at inihulog sa bintana. Kinuha din nito ang larawan ni Maria Clara. Kumuha siya ng papel at binuhusan ng gaas mula sa ilawan at sinilaban. Tumalon si Elias mula sa bintana. Kabanata 57: Vae Victis (Sa Aba ng mga Natalo) Alperes: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas! ( iniharap ang anyong malungkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra para salakayin ang kuwartel kagabi? Tarsilo: Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong dalawang kasama. Inihulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na sinabi 30Tarsilo30 kay Alperes) Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita kay Tarsilo ang bangkay nina Lucas at kapatid na si Bruno.)
  • 31. Narrator: Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit nagkunwaring walang nakikita si Padre Salvi. Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano. Narrator: Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba na sa balong nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at kalupitan hanggang sa napugto ang hininga nito. Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara Narrator: Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaña. Dona Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa pamahalaan, di ba? Dahil diyan ay nakakapaglabas-masok siya palagi sa loob ng palasyo ng Kapitan-Heneral .Una ko pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa siyang Pilibustero. Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra? Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siya’y bitayin.(sabay tawa) Linares; Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng donya) Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..” Narrator: Nakita ng Doña na paparating si Ma. Clara Doña Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita. Kaya kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-uusap noon. Ma.Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid. (Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid) Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan. (Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel) Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta. (napangiti ang Donya sa narinig) Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami! Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw. Narrator: Kinabukasan, ganap na ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng bahay ni Kapitan Tiago.Nangunguna sa mga bisita sina Padre Salvi, Padre Sibyla. Kasali din si Tinyente Guevarra. Nagpahuli ng dating sina Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang sila’y importanteng tao. Sa umpukan ng kalalakihan ang usapan ay tungkol sa paglipat ng kura sa Maynila Lalaki 1: Kura, bakit po pala kayo napalipat sa Maynila? Kura: Ako’y wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.
  • 32. Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na magyayao’t parito sa iba’t ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa. Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero? Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala ko’y dapat siyang bitayin gaya ng mga salarin noong himagsikan sa taong 1872. Tinyente: Ang sa aki’y dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na kasulatan. Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga kasulatan at ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na maaring mapawalang sala si G. Crisostomo. Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan? Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi nakipag-unawaan sa kanila si G. Crisostomo manapa’y kaaway niya ang taong nagngangalang Lucas. Isang sulat lamang ang naging batayan ng mga tagausig laban kay Crisostomo Ibarra. Kinilala niya na kanya ang sulat na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang babae bago siya pumunta ng Europa. May malabong mga pahayag at talata na ipinagpapalagay na ito’y naglalaman ng mga pagbabanta laban sa pamahalaan. Padre Salvi: Paano nakarating ang sulat sa mga tagausig? Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga tagausig. Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang napagkamalang binigyan. Narrator: Biglang nilapitan ng tinyente ang papalapit na si Ma. Clara. Tinyente: Mabuti ng ginawa niyang pagbibigay ng sulat. Nakatitiyak kayo ng magandang kapalaran. Napatingin ang mga lalaki sa dalaga. Biglang nakaramadam ng pagkahilo si Ma. Clara at nagpahatid sa kanyang silid. Ma.Clara: Mawalang galang na po. Narrator: Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng dalaga. Tumayo siya at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit sa kanya. Ma.Clara: Crisostomo! Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita. Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna ng aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan. Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama. Ibarra: Kailangan mo ng katibayan. Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng taong nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng aking
  • 33. ina, napilitan akong ipagpalit ang sulat mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring gawin kundi ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao. Kailangan kong makipag-isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong libakin? Ibarra: Maria, isa kang anghel. Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako. Ibarra: Ikakasal ka na. Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako kahit hindi niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko malilimot ang naging sumpaan natin. Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari? Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at hindi na ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo? Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito. Clara: Paalam, Crisostomo. Narrator: Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya sa bangka kung saan naghihintay si Elias para itakas siya. Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa Narrator: Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel. Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang salapi ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa. Ibarra: Mangingibang bansa? Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya at matutulungan kayo para kayo’y mapatawad. Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa aking angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa akin sa ibang bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayo’y kapwa sawimpalad sa sarili nating bayan. Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay. Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako? Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong hirap ay baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan. Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan. Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang
  • 34. bayang ito. Humingi ako ng tulong sa inyo para sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong pinanigan. Ngayon ay tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway. Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol sa bayan ay isa na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang tayo’y naging sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa…nawawalan na tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating karapatan at lakas. Narrator: Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal. Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas. Narrator: Pinahiga ni Elias sa bangka si Crisostomo at tinakpan ng maraming damo..napadaan sila sa harap ng polvorista. Sila’y pinatigil ng bantay. Bantay: Saan ka nanggaling? Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila. Bantay: Sige,maari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino sapagkat may isang bilanggong nakatakas na ngayon ay pinghahanap. Kung siya’y iyong mahuhuli tiyak na magagawaran ka ng gantimpala. Elias: Pano ko siya makikilala? Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang Kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala. Elias: Sige po, Salamat. Narrator: Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka sa may Ilog Beata. Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-Peñafrancia. Ibarra: Marapat siguro na tayo’y maghimagsik. Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng iyong makakasama. Ngunit baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Kaunting kalayaan at katarungan lamang ang hinihingi ng mga sawimpalad at hindi ang pagtatakwil sa Espanya. Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong maging matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin. Kailangang mailantad ko sa bayan ang kaapihang ito kung hindi’y walang kabuluhan ang paghahangad ng kalayaan. Maaari ba ninyo akong ihatid sa bundok? Narrator: Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias. Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana. Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming masasayang araw. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa. Narrator: Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil ang lawa. Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.
  • 35. Narrator: Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na sumisigaw. Hinahabol sila ng isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila lulan ang mga guwardiya sibil. Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang mamangka sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko sila. Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo. Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata. (Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok.) Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno. Narrator: Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang naglalangot na si Elias at kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias. Sumisid si Elias at di na muli pang lumitaw. Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng pampang. Kabanata 62: Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso (Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa kawalan ng sandaling iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.) Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka? [Walang imik si Maria Clara] Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa’yo. Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis? Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay… Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala namang gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking pagpipilian. Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita. Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na siya. Ibg ko na ring mamatay o maging madre. Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit sino man sya.. wag lang ang kumbento.. Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!
  • 36. Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni Padre Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot) Kabanata 63: Ang Noche Buena Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid. Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan. Mahihirapan ka pang makauwi sa inyo. Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay maraming anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at ipagsasama ko ang aking kapatid. *Mabilis na umalis si Basilio bagama’t may tali sa paa at paika-ika kung maglakad] [SAN DIEGO] Narrator: Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang Ina. Paika-ikang pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang guardia civil na papanikin si Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang babae sa daan. Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina. Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang! Narrator: Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na nadapa at bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio. Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang yakapin at halikan ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala. Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak hanggang sa napalugmok na rin ito. Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito hanggang sa sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang malamig na bangkay ng ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias. Elias: Sino ang babaing iyan? Basilio: Siya po ang aking ina. Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi. Narrator: Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa si Elias. Wakas