Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 1 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
1. PAGBASA NG BIBLIYA:
(ROMA 12: 1-2, 4)
Nilay-Karunungan:
May iisa lang tayong layunin bilang mga
tao, ito ay ang ialay ang ating sarili sa
Diyos na naaayon sa kanya
6. Paunang Gawain:
• Sa iyong opinyon, bakit sobrang
pinapahalagahan ang paggunita sa mga
pagdiriwang o okasyong iyong itinala sa
graphic organizer?
7. Hindi naging ugali ni Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago
ang bilang paghahanda. Ngunit nang hapong iyon, nang malapit
nang magtapos ang buwan ng Oktubre, ay ihinayag niyang mag-
iimbit siya sa isang hapunan. Kumalat sa buong Intramuros,
Binondo, at sa iba pang lugar sa Maynila ang sinabing iyon ng
Don. Parang daloy ng koryente ang biglang pagkalat ng balita.
Nakarating sa mga bahayag sa mga bahay ng mga linta, bangaw,
at kantanod sa lipunan na dahil sa walang hanggang awa ng
Diyos ay patuloy na dumarami sa Maynila. Nasa kalye ng
Anloague, ngayon ay Juan Luna, ang bahay ni Kapitan Tiyago,
pero hindi na matandaan ang numero nito.
8. Ang bahay niya ay nasa may pampang ng Ilog Binondo na
kasanga ng Ilog Pasig. Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiyago
nang gabiyong iyon. Maliwanag ang mga ilaw at sumasabay sa
magagandang tugtugin ng orkestra ang kalansingan ng mga
kubyertos at pinggan. Magkahilway ang upuan ng mga lalaki at
babae. Mayroon rin mga antigong larawan sa mga ding-ding.
Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na
sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.
Dumating rin ang mga miyembro ng simbahan, katulad ni Padre
Sibyla; Padre Damaso, paring sadyang magaslaw kumilos at
magsalita; Tenyente Guevarra, tenyente ng guardia civil.
9. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na
walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa
pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa
kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol
sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na
pinalagpas ni Padre Damaso ang pagkakataon upang ihayag
niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay
mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Ayon kay Padre
Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa
pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito
naman ay tinutulan ng Tenyente at inilahad na ang nangyaring
parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral.
10. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat
ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal
na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo
sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na
mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Padre Sibyla
upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre
Damaso. Umalis si Tenyente Guevarra sa harapan ni Padre
Damaso at pumunta sa ibang grupo. Kalaunan ay lumawig
muli ang talakayan.
11. Mga Kanser sa Lipunan na
katatagpuan sa kabanata:
• Pagiging maluho at magastos
• Racial Discrimination
• Kaisipang kolonyal (Colonial Mentality)
12. Mga Katanungan:
• Sino si Don Santiago de los Santos?
Ano ang kanyang deklarasyon na
nagdulot ng malaking kasiyahan at
pananabik sa mga taong nakaalam
nito?
13. Mga Katanungan:
• Sino si Padre Damaso? Paano niya
inilarawan ang mga Pilipino?
Ipaliwanag.
14. Mga Katanungan:
• Ano ang katotohanan na ibinunyag ni
Tenyente Guevarra hinggil sa tunay na
dahilan kung bakit nilisan ni Padre
Damaso ang San Diego bilang kura
paroko ng bayan ng San Diego?