3. •Nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San
Diego kasama ang kanilang matandang
katiwala upang hanapin ang puntod ng
kanyang ama na si Don Rafael.
4. •Ayon sa katiwala, kanyang tinaniman ng mga
bulaklak ng adelpa at sampaga ang libingan
ng ama ng binata.
5. •Sa daan ay nasalubong nila ang sepulturero
at tinanong nila rito kung saan naroroon ang
libingan ng kanyang ama.
6. •Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng
sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang
bangkay ng kanyang ama sa lawa dahil sa
kabigatan nito at hindi na nailibing sa
libingan ng mga Intsik. Dagdag pa ng
sepulturero, ang utos na kanyang sinunod ay
galing sa kura paroko.
7. •Napaiyak na lamang ang matandang katiwala
sa mga narinig. Matinding galit at poot
naman ang naramdaman ni Ibarra kaya
iniwan nito ang kausap.
8. •Nang makasalubong niya si Padre Salvi ay
humingi siya ng paliwanag dito kung bakit
nagawa nitong lapastanganin ang bangkay
ng kanyang ama.
9. •Nalaman naman ni Ibarra sa bandang huli na
si Padre Damaso pala ang may kagagawan
ng lahat ng iyon.
10. SAGUTIN!
1. Sino ang kasama ni Ibarra na pumunta ng sementeryo?
2. Anong mga bulaklak ang itinanim sa puntod ng ama ni
Ibarra?
3. Saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael?
4. Sinong pari ang hiningan ni Ibarra ng paliwanag hinggil
sa nangyari?
5. Sinong pari ang may kagagawan ng lahat?