5. RolandoS.Tinio (1975)
PilipinoParaSaMga Intelektwal
• Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang
kanilang wika bilang wikang intelektwal.
• Ikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa
kaunlarang pag-iisip kung tumiwalag tayo sa wikang Ingles
Mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa
intelektwalisasyon:
6. Ano-anona ang mga hakbang na isinagawa
upang malinang ang wikangFilipino?
1937
- Idineklara ang Tagalog bilang batayang wikang pambansa
1940
- Pagkodifika sa wika na inihudyat ng paglabas ng Balarila ng
Wikang Pambansa at word list
1976
- Pagrebisa sa ABAKADA at Patnubay sa Ispeling
1987-2001
- Pagbuo ng mga diksyunaryo at glosaryo
8. Bernakularisasyon at
Filipinasyon
• Ayon sa mga pangkat akademik, ang guro ang kailangang
intelektwalisahin para magamit niya ang wika sa pagtuturo
at pagkatuto.
• Ayon sa mga linggwist at edukador, hindi posibleng
makakuha ng karunungan sa pamamagitan ng isang wikang
hindi intelektwalisado
9. •Ayon kay Sibayan (1988)
- “Ang Intelektwalisasyon ng Filipino ay dapat ipokus
sa mga lawak na kumokontrol ng wika, mga lawak na
ayon sa kanya ay nagdidkta ng wikang inaasam at
pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang
iyan.”
- Mahalaga sa intelektwalisasyon ng wika ang pagsulat
at paglilimbag ng mga kagamitang panturo at mga
aklat sa pagkatuto o ang “idyomang pedagojikal”
10. Ilang mgaHakbangna Naisagawao Dapat
Maisagawasa Pag-Intelektwalisang
WikangFilipino
1. Paglalathala ng mga korespondensiya, sirkular o
memo ng pamahalaan sa wikang Filipino
2. Pagdaragdag ng bilang ng aytem o tanong sa Filipino
sa mga pagsusulit sa Serbisyong Sibil at PRC
3. Pagtuturo, riserts, at pagsulat sa larangan ng
edukasyon
4. Paglalahathala ng mga pananaliksik at mga
publikasyon sa gradwado o higit na mataas na
edukasyon
5. Pagtuturo, o pagsusulat ng mga publikasyon o mga
definitive text sa batas at medisina
11. 6. Pagbuo ng idyomang pedogojikal sa batayang
edukasyon
7. Pagsulat ng mga panukalang o ipinasang batas sa
Wikang Filipino sa kongreso, sa senado, o sa official
gazette
8. Pagsulat ng mga desisyon sa korte sa wikang Filipino
9. Paglilimbag ng mga instruksyon, memo o liham ng
mga negosyo o korporasyon sa Pilipinas sa wikang
Filipino
Ilang mgaHakbangna Naisagawao Dapat
Maisagawasa Pag-Intelektwalisang
WikangFilipino
12. 10. Paglalakip ng mga seksyong Filipino sa pahayagan
11. Pagkakaroon ng mga sayantifik, teknikal at popular na
mga version ng mga limbag sa industriyang
pampublikasyon
Ilang mgaHakbangna Naisagawao Dapat
Maisagawasa Pag-Intelektwalisang
WikangFilipino
13.
14. “Sawikaan2016: Pagpiling Salitang Taon”
Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong nagtatampok sa
pamimili ng pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso
ng mga Filipino sa nakalipas na taon. Ilan sa mga itinanghal nang
Salita ng Taon ay ang canvass (2004), jueteng/huweteng (2005),
lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), wangwang(2012),
at selfie (2014).
Para sa Sawikaan 2016, napiling nominado ang mga salitang
netizen, bully, foundling, hugot, lumad, meme, fotobam, viral,
tukod, at milenyal.
Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya; naging
laman ng telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng
sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding kalamidad.
Ang proyektong ito ay isang malikhain at mabisang estratehiya
para mapatampok ang dinamismo ng wikang Filipino.
15. “Pambansang Kumperensiya sa
Wikang Filipino”
Ang tema ng kumperensiya ang
“Wikang Filipino bilang Wikang Siyentipiko”
na magpapatunay na ang wikang Filipino ay lampas na sa
pagiging midyum lamang ng pagtuturo at komunikasyon,
bagkus, ito ay isang siyentipikong wika na kayang tumapat sa
ibang wika ng daigdig at nagsisilbing wika ng lalong mataas na
karunungan gaya ng agham at matematika, pilosopiya,
ekonomiks, pananalapi, at iba pa.