1. KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)
• NILIKHA ALINSUNOD SA BATAS REPUBLIKA BLG. 7104.
Ang komisyon ay binubuo ng labing-isa (11) komisyoner na kumakatawan sa mga pangunahing wika at mga
kaugnay na larang ng pag-aaral sa Filipinas
• Ang KWF ay may sekretarya at mga empleyado na nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang Direktor Heneral.
• Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3
"...ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
• Norberto Romualdez - ang sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng SWP.
• 1936 (Oktubte 27) - Itinagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon ang paglikha ng isang Surian ng Wikang
Pambansa.
• Itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 s. 1936 ang National Language Institute upang sundin ang
tadhanang pangwika ng saligang-batas.
• Nabuo noong Nob. 13, 1936 at naging popular sa tawag na Surian ng Wikang Pambansa (Institute of
National Language).
• 1937 (Enero 12) - Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bumubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga ss:
1. Jaime C. De Veyra (Samar-Leyte-Bisaya) Tagapangulo
2. Cecilo Lopez (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagpaganap
3. Mga Kagawad:
• Santiago Fonacier (Ilokano)
• Filemon Sotto (Cebu-Bisaya)
• Felix Salas Rodriguez (Panay-Bisaya) Casimiro Perfecto (Bikol)
• Hadji Butu (Muslim
Ipinahayag noong 30 Disyembre 1937 ang Tagalog bilang wikang batayan ng Wikang Pambansa.
• Noong 1959, ipinatawag na "Pilipino" ang Wikang Pambansa sa isang kautusang pangkagawaran ni Kalihim
Jose B. Romero, na naging "Filipino".
• 1987 - Filipino na ang naging ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa konstitusyon na nagtatadhanang "
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
2. • Binago ang estruktura ng SWP sa pamamagitan ng atas ni Pangulong Aquino noong 30 Enero 1987 na
lumikha sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
• Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil inaatas nito ang
pagtatag ng isang komisyon ng pambansang wika
• Mahalagang layunin ng KWF na pandayin ang wikang Filipino upang magamit ito sa pambansang pag-unlad
at pagkakaisa.
• Tungkulin rin nito na panatilihin ang pagyabong ng iba pang katutubo at rehiyonal na wika sa Filipinas.
SANGAY NG SALIN
DESKRIPSIYON NG MGA SANGAY
Kabílang, ngunit hindi limitado, sa sangay na ito ang pag-aaral ng mga teorya at praktika tungo sa pagsasalin
sa Filipino at mga wika ng Pilipinas, na inaasahang ultimong bunga ay makabuo ng mahuhusay na salin sa
Filipino at ibang katutubong wika. Tungkulin ng SS ang paglalathala ng mga akdang salin, bukod sa
paglilimbag ng mga babasahing nagmula sa iba pang kabalikat na sangay.
MGA PROYEKTO NG SANGAY SALIN
1. SERBISYO NG SANGAY NG SALIN (FRONTLINE SERVICE)
Bukás ang tanggapan ng Sangay ng Salin sa mga nais na kumuha ng kanilang serbisyo. Gayundin, nakikipag-
ugnayan ang Sangay ng Salin sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga proyektong pagsasalin ng mga
polyeto, brochure, at mga babasahin sa wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas.
2. PROGRAMANG PALÍTANG SALIN (TRANSLATION EXCHANGE PROGRAM)
Bagong proyekto ng KWF na pakikipagtulungan sa embahada ng mga bansa upang maisalin sa Filipino ang
ipinagmamalaking panitikan ng ibang bansa.
3. SALIN NA!
Pambansang timpalak sa pagsasalin ng mahahalagang dokumentong pangwika, tekstong pampanitikan,
pangkultura, at/o pangkasaysayan sa wikang Filipino upang mabása at mapag-aralan ng mas nakararaming
Filipino.
4. REGISTRY NG MGA TAGASALIN
Talaan ng mga tagasalin (indibidwal man o organisasyon) upang makabuo ng network ng mga tagasalin at
magkaroon ng panimulang listahan para sa “hukbo ng tagasalin”
5. IISPEL MO!
Pambansang timpalak sa ispeling sa wikang Filipino na idinadaos taunan
3. 6. SERTIPIKONG PROGRAMA SA PAGSASALIN
Pambansang pagsasanay hinggil sa pagsasalin para sa mga Filipino, Mahalagang hakbang ang pagsasanay na
ito para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin sa Pilipinas.
SANGAY NG SALITA AT GRAMATIKA
Nakatuon ito sa paglinang at patuluyang pag-aaral ng gramatika sa Filipino at kaugnay nitong wika.
Inaasahang gagampanan ng SSG ang pagbubuovng diksyunaryo, tesawro, tumbasin, otograpiya, anatolohiya,
ensiklopedya at iba pang kaugnay na bagay sa paglimbag at elektronikong paraan, nang makaagapat sa
hinihingi ng panahon.MGA PROYEKTO AT SANGAY
Atlas Pilipinas
A.1 Linguistic Atlas- Dalawang taong pambansang saliksik pangwika ng KWF hinggil sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas.
-Nakapaglahok na ng higit 130 wika sa database ng mga wika at inihandang mapang onlayn na binubuo sa
pamamagitan ng digital mapping software.
B.2 Geographic Atlas
- Dakawang taong pambansang saliksik ng KWF hinggil sa awtorisadong pangalan ng mga lugar sa Pilipinas.
Layunin ng proyektong ito na maisasapanahon ang mga baybay ng pangalan ng mga lugar sa Pilipinas.
Ensayklopidya ng kapayapaan
- Layunin nitong makapaglathala ng awtorisadong sanggunian ngayamang bokabolaryo tungkol sa
"kapayapaan" at kaugnay na tradisyon at pagpapahalaga ng komunidad.
Gramatikang Pambansa
Layunin ng proyektong ito na makabuo ng napapanahong imahen ng wikang Filipino, na isinasaalang-alang
ang impluwensiya ng unang wika ng mga tagapagsalita.
Tesawro ng Batayang Dalumat ng kultura
- Pagkalap ng mga katumbas na salita mula sa mga katutubong wika ng 387 batayang dalumat na binubuo ni
Dr. Jose Rizal.
Pagturo ng Pilipino bilang pangalawang Wika
-Kinikilala sa pamamagitan ng proyektong ito ang likas na katangian ng wikang Filipino na mainpluwensyahan
ang bokabolaryo at estrukturang gramatika ng unang wika ng mga Filipino.
Dokumentasyon ng grupong Agta/Negrito
4. - Komprehensibong pagdokumento ng wika at kultura ng mga grupong Agta/Negrito, lalo na yaong mga
grupong nanganganib nang mawala.
Diksyunaryo ng Halamang gamot
- Layunin nitong makapaglathala ng diksyunaryong nag tatampok ng mga halamang gamot na katutubo sa
Pilipinas.
Konsuktasyon ng mga wikang katutubo
Layunin ng serye ng mga konsultasyong ito na maarmonisa ang otograpiya ng mga katutubong wika sa
otograpiyang pambansa.
Ulirang Guro sa Filipino
-Taunang gawad na ibinibigay ng KWF sa mga natatanging guro na nagpamalas ng husay at inisyatiba sa
paglaganap ng wikang Filipino sa kanilang komunidad.
Otograpiya ng mga wika ng Pilipinas
-Reoryentasyon ar pagbuo ng ortograpiya ng wika sa Pilipinas alinsunod sa Ortograpiyang Pambansa ng KWF.
Ang Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK) ay tumutugon sa mandato ng KWF na nakasaad sa Batas
Republika Blg. 7104 na manaliksik, mag-aral, at magsagawa ng mga seminar at kumperensiya hinggil sa
pagpapalaganap, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
MGA PROYEKTO NG SANGAY
1. LEKTURANG ROMUALDEZ
Taunang lekturang ipinangalan sa dáting kawaksing mahistrado Norberto L. Romualdez. Ang taunang lektura
na isinasagawa tuwing ika-6 ng Hunyo ay pagtatampok sa napapanahong mga kaalaman at makabagong pag-
aaral hinggil sa wika at kultura ng Pilipinas.
2. SEMINAR SA KORESPONDENSIYA OPISYAL
Ang Seminar sa Korespondensiya Opisyal ay itinataguyod ng KWF sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng
Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), at Komisyon sa Serbisyo Sibil (CSC).
Isang araw na gawain na dinadaluhan ng mga guro o kawani ng pamahalaan upang mapag-aralan ang
wastong paggamit ng wikang Filipino sa mga korespondensiya opisyal. Ang Seminar sa Korespondensiya
Opisyal ay isa sa mga gawain ng KWF upang maisakatuparan ang Atas Tagapagpaganap blg. 335.
3. REORYENTASYON SA PANITIKAN AT SEMINAR SA PAGTUTURO NG PANITIKANG GENDER-BASED
Pambansang pagsasanay na naglalayong mapataas ang kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo
ng panitikang gender-based. Nagkakaroon ng panayam at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang may
5. kaugnayan sa panitikan, wika, at kasarian. Nagsasagawa rin ng pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at
maikling kuwento.
4. SELYO NG KAHUSAYAN
Ang Selyo ng Kahusayan ay timpalak at parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na
sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 o EO 335 at nagpamalas ng kahusayan
sa paggamit ng Filipino bílang wika ng serbisyo publiko.
5. AKLATANG BALMASEDA
Nakatuon ang proyektong ito sa pagpapaunlad ng serbisyo at koleksiyon ng aklatan ng KWF mula sa
dihitalisasyon ng mga lumang publikasyon, pagbuo ng online catalogue, at reproduksiyon ng Koleksiyong
Balmaseda mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino: Samantala nililinang, Ito ay dapat payabungin,at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang nga wika
Liham Pagbati
Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya.
Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang kapuri-puri o kahanga-hangang
bagay sa tanggapan.
Liham Paanyaya
Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng
mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.
Liham Tagubilin
Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat
isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng
nilalayon nito.
Liham Pasasalamat
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-
pakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga bagay.
Liham Kahilingan
6. Liham na inihahanda kapag nangangailangan, o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.
Liham Pagsang-ayon
Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng
isang tanggapan.
Liham Pagtanggi
Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan,
panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyonal.
Liham Pag-uulat
Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan sa itinakdang
panahon. Tinatalakay dito ang:pamagat, layunin, at kalikasan ng proyekto; bahagdan ng natamo batay sa
layunin; kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain,
Liham Pagsubaybay
Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit hindi nabibigyan
ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham
Liham Pagbibitiw
Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga
ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.
Liham Pagtatanong
Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o
paliwanag.
Liham Pakikidalamhati
Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na naulila.
Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila.
Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.
Liham Pakikiramay
Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o
masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o anupamang sakuna
ngunit buhay pa. Nilalaman ng liham ang lubos na pakikiramay sa sinapit na sakuna at ang tulong na nais
ipaabot ng tanggapan sa biktima. Nararapat na maipadala agad ito sa kinauukulan matapos mabatid ang
pangyayari.
7. Liham Panawagan
Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o implementasyon ng
kautusan, kapasiyahan, at pagsusog/ amyenda ng patakaran.
Liham Pagpapatunay
Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo at/o dumalo
sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na iugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng
puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, puno ng rehiyon.