1. GROUP 1
Introduksyon:
Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng
Bayan, at Wika ng Pananaliksik na nakaugat sa
Pangangailangan ng Sambayanan (Pokus nito ang
pagtalakay sa ugnayan ng mga function ng
wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng
bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan.)
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
Maraming pagsubok ang pinagdaanan ng
wikang FILIPINO bilang wikang pambansa. Bunsod
ng impluwensya ng Agham at Teknolohiya,
nahaharap ito sa maraming pagbabago.
Depinisyon ng Wikang Filipino:
FILIPINO - ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay,ang
Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon
ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang
saligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Mula sa inilahad na maikling kasaysayan ng
wikang pambansa, ang depinisyon ng Komisyon
sa Wikang Filipio (KWF) ay maaaring hatiin sa
Apat:
1. Ang Filipino ay pambansang Linggwa ng
Pilipinas.
Ang Filipino bilang linggwa frangka ay
tumutulong sa mga taong nagmula sa iba’t ibang
rehiyon na magkaunawaan at makipag-ugnayan
2. Ang Filipino ay wikang pambansa ng
Pilipinas.
Ginagamit ito sa pulitika, kultura at
lipunan. Dinedebelop ito bilang simbolo ng
pambansang pagkakaisa.
3. Ang Filipino ay Opisyal na wika sa
komunikasyon.
Ang wikang Filipino bilang wikang opisyal
ay higit na nauunawaan ng mga Pilipino sa mga
opisyal sa talakayan at oipsyal na talakayan at
opisyal na transaksyon
4. Ang Filipino ay opisyal na Wikang
panturo at pagkatao.
Bilang opisyal na wika, itinuturo at
ginagamit bilang wikang panturo ang Filipino. Sa
ilalim ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng
1987, isinasaad na ang paggamit ng Filipino
bilang wika ng literasi.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
1935
Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon,
nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang
pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon
3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek.
3)
1936
Taong 1936, itinatag ni Pangulong
Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa
pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.
Tungkulin ng Surian na magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Filipinas.
Si Jaime C. de Veyra ang naging
tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-
aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan
ng “Wikang Pambansa."
1940
Taong 1940, ipinalabas ni Pangulong
Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg.
203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng
Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa.
2. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa
buong bansa.
1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Blg.12 na
nagpapahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng
Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril
4 taun-taon sang ayon sa rekomendasyon ng
Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni
Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdng
Linggo ng Wika.
1955
Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamsyon Blg. 186 bilang
pagsusog sa Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954
upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon mula sa
ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
1967-1968
Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang
Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali edipisyo at
tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.
Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular
Blg. 172 na nagbibigay diin na ang mga
letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga
sangay ng pamahalaan ay nararapat nasusulat
sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa
Ingles.
1973
Noong kapanahunan ng diktador na si
Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Pilipino.
Hangga’t hindi binabago ang batas, ang
Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipino.
1974
Pinalabas ng Nanunungkulang Kalihim
Tagapagpaganap Roberto V. Reyes ang pahintulot
sa Surian ng Wikang Pambansa na makapagdaos
ng mga lingkurang pagsasanay, seminar,
gawaing kapulungan at iba pang kauring gawain
tauhan ng lahat na tanggapang pampamahalaan,
sa lahat ng guro, propesor, pinuno'y
tagapangasiwa ng mga paaralan.
Noong panahon naman ng
Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni
Pangulong Corazon C. Aquino muling binago
ang Konstitusyon noong 1987 kung saan
nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika."
1991, Agosto
Idiniklara ng KWP (Komisyon sa Wikang
Pilipino) ang gagamitin mula sa SWP (Surian ng
Wikang Pilipino).
KWP - mga tao na patuloy na nagsasaliksik
at nagaaral sa wika.
PARAAN NG PAGDEBELOP NG WIKANG
FILIPINO
Marami nang paraan ang ginagawa upang
madevelop ang wikang pambansa. Ang ilan sa
mga ito ay:
1) Pagsasabatas at Pagsunod sa Batas
Tungkol sa Wika.
Ang pormal na mga hakbang sa
pagdevelop ng wikang pangbansa ay nagsimula
ng isaad sa 1935 Konstitusyon na ang Konggreso
ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pangbansa na
batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.
2) Tulong ng iba’t ibang organisasyong
pangwika sa pangunguna ng KWF sa
pamamagitan ng iba’t ibang wika.
Sa pamamagitan ng mga seminar at mga
konferensyang pangwika lalong nadedevelop ang
Filipino sa tulong ng mga bagong kaalaman na
3. nagpapalawak sa pag-unawa ng mga kalahok sa
kanilang tungkulin.
3) Paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
ibang domeyn ng wika.
Magiging modernisado at intelikwalisado
ang Wikang Filipino kung gagamitin ito sa iba’t
ibang domeyn ng Wika- gobyerno, kalakalan,
edukasyon at propesyon.
4) Iba pang paraan
A. Panghihiram ng mga salita
Ayon sa KWF, ang Filipino bilang wikang
buhay ay dumaraan sa proseso ng pagdevelop sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga Wika sa
Pilipinas at sa mga banyagang Wika.
B. Pangreforma sa alpabeto.
Ang pagbabago at pagreforma ay
nakabatay sa pangangailangan ng lipunan at sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa lipunan.
Makatutulong ito sa istandardisasyon ng Wikang
Filipino.
DAGDAG:
KWF - Komisyon sa Wikang Filipino
Lope K. Santos - Ama ng Balarila
1987 - isinaad na Filipino ang gamit bilang
wika ng literasi
Artikulo 14, Seksiyon 3 - “Ang Konggreso
ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa”.
4. GROUP 2
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
I. URI NG BATIS
1. Primaryang Batis
Naglalaman ng mga impormasyon na
galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa
kasaysayan.
2. Sekondaryang Batis
Batayang ang impormasyon ay mula sa
pangunahing batis ng kasaysayan.
a. Pasalitang Kasaysayan – Kasaysayan na
sinambit ng bibig.
b. Kasaysayang Lokal - Kasaysayan na
nagmula sa ating lugar.
c. Nationalist Perspective – Pagtingin o
perspektiba na naaayon o mas pabor sa
isang bansa.
d. History From Below
Naglalayong gumuwa ng kaalaman batay
sa mga ordinaryong tao,binibigyang pansin nito
ang kanilang mga karanasan at pananaw,
kaibahan sa estereotipikong tradisyonal na
pampulitikang kasaysayan at tumutuon sa gawa
at aksyon ng mga dakilang tao.
e. Pantayong Pananaw
Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan
at kalinangang Pilipino na nakabatay sa “panloob
na pagkakaugnay-uganay at pag-uugnay ng mga
katangian, halagahin (values),kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at
karanasan ng iisang kabuuangpangkalinangan—
kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng iisang wika
f. Pangkaming Pananaw
Ito ang nagawa ng hanay ng mga
Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang
pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin.
g. Pansilang Pananaw
Sa perspektiba ng PP "pansilang pananaw"
ito na na-absorb o ipinagpapatuloyng
kasalukuyang mga antropologong Pilipino (sa
nasyonalidad ngunit siguro hindi sa kultura
atwika). Ibig sabihin, wala pa nga sa Pangkaming
Pananaw ang aghamtao sa Pilipinas (na
ginanagawang mga may nasyonalidad na
"Pilipino").
II. PAGBUO,PAG-UUGNAY,AT PAGBUBUOD NG
IDEYA
Iba't ibang paraan ng pagbubuod upang
mag-ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng
paksa.
1. Hawig
Tinatawag itong paraphrase sa Ingles.
Galing ito sa salitang Griyego na parapahrasis, na
ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag."
2. Lagom o Sinopsis
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing
punto, kadalasan ng piksyon.Karaniwang di
lalampas ito sa dalawang pahina.
Upang maging kapana-panabik ang
pagkukuwento nang palagom:
a. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang
kaniyang pinagdadaanan o problema.
b. Maaaring maglakip ng maikling diyalogo o
sipi.
c. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga
dahilan kung bakit namomroblema siya.
III. HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS
1. Presi
Galing ang salitang presi (precis) sa
lumang Pranses na ibig sabihi'y pinaikli.
Ito ang buod ng buod.
Ito ang pinaikling buod ng mahahalagang
punto, pahayag, ideya, o impormasyon.
Siksik at pinaikling bersiyon ng teksto.
Katangian ng Presi
a. Malinaw ang paglalahad
b. Kompleto ang mga ideya
c. May kaisahan ng mga ideya.
d. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
e. Siksik sa dalawa hanggang tatlong
pangungusap ang pangkalahatang puntos.
2. Sintesis
Mula sa salitang Griyego na sytithenai
(syn - kasama;magkasama; tithenai - ilagay;
sama- samang ilagay) ang salitang sintesis.
Hakbang sa pagbuo ng Sintesis
5. 1. Introduksiyon
a. Pangalan ng may-akda
b. Pamagat
c. Impormasyon tungkol sa may-akda,
teksto, paksa.
2. Katawan
a. Organisahin ang mga ideya upang
masuri kung may nagkakapareho.
b. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa
sa paksa at pangunahing ideya.
c. Simulan sa pangungusap o kataga ang
bawat talata.
d. Ibigay ang mga impormasyon mula
sa iba-ibang batis o paksa o
opinyon sa isang paksa.
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon at
paksang pangungusap.
f. Gawing impormatibo ang sintesis.
g. Huwag maging masalita sa sintesis.
h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam,
o
i. pinagkunan ng impormasyon
3. Kongklusyon
a. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga
artikulo sa libro o journal.
b. Report ng pinag-usapan sa talk show,
pulong, komperensiya, o panel discussion.
c. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng
impormasyon o ideya
d. Report ng isang dokumentaryo ukol sa
isang paksa.
e. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang
may-akda kaugnay ng isang partikular na
paksa
IV. BUOD
Buod - ay ang diwa, sumaryo o pinaka-ideya
Katangian ng Pagbubuod
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o
punto kaugnay ang paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita may akda; bagkus
ay gumagamit ng sariling pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang
buod.
Hakbang sa Pagbubuod
1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang
pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat episodyo ng isang pinanood
o pinakinggan, tukuyin ang paksang
pangungusap i pinakatema.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito
upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye,
halimbawa, at ebidensya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal
word o mga salitang nagbibigay transisyon sa
mga ideya gaya ng gayumpaman, kung
gayon, samakatuwid, gayundin, sa
kabilang dako, bilang kongklusyon, bilang
pangwakas, at iba pa.
7. Huwag magsisingit ng mga opinyon.
8. Sundin ang dayagram
V. KINALABASAN/SOLUSYON/RESOLUSYON
Inilalahad sa sariling pangungusap ang
isang partikular o ispesipikong ideya o
impormasyon sa isang artikulo o teksto, gaya ng
isang pahayag dito o kaya'y kabanata sa isang
libro
a. Isulat ang mga tema at simbolismo sa
bawat kabanata.
b. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata.
c. Gumawa ng isa hanggang dalawang
pangungusap na buod, storyline, o tema.
d. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata.
e. Sundin ang kronolohiya ng istorya
VI. ABSTRAK
Isa itong maikling buod ng pananaliksik,
artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at
papel- pananaliksik na naisumite sa
komperensiya at iba pang gawain na may
kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy
ang layunin ng teksto.
6. Group 3
HUMANIDADES
Pag-unawa sa Tao at sa Mundo
Humanidades
Humanidades o "pagkatao," "mga
pagkatao" ng tao) ay mga disiplinang
akademikona nag-aaral sa mga kundisyong
humano, na ginagamitan ng mga metodo ng
malawakang pagsusuri (kritiko), pagpuna
(analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo);
1. J. Irwin Miller
“Ang layon ng Humanidades ay ang gawin
tayong tunay na tao sa pinakamataas na
kahulugan nito.”
2. Newton Lee
“Sana’y mapagtanto natin na ang
edukasyon at ang Humanidades ay dapat
pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga
isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang
para sa magkaroon ng karera sa hinaharap”
Layunin ng Larangan ng Humanidades
“Hindi kung ano ang gagawin ng tao,
kundi kung paano maging tao.”
Tao - ang kaniyang kaisipan, kalagayan, at
kultura – ang binibigyang-tuon sa pag-
aaral ng larangang ito.
Mga Sumusunod na Disiplina sa Larangan
ng Humanidades
A. Panitikan
Wika
Teatro
B. Pilosopiya
Relihiyon
C. Sining
Biswal (pelikula, teatro, sayaw)
Applied (graphics)
Industriya (fashion, interior)
Reaksiyon sa Iskolastisismo
Ang Larangan ng Humanidades ay
umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa
panahon ng Griyego at Romano kung saan
inihahanda ang tao na maging:
Ang Larangan ng Humanidades ay higit
na nauna kaysa sa Agham Panlipunan. Batay sa
Pilosopikal na posisyon ng Humanismo sa
sinaunang Griyego at Romano noong ika-14 siglo
nabuo ang larangan.
UNANG HUMANISTA
Francesco Petrarch - Ama ng Humanismo
Desiderius Erasmus Roterodamus -
Prinsipe ng Humanismo
Pope Pius II
Giovanni Boccaccio
Niccolo Machiavelli
Thomas Moore
George Buchanan
Francois Rabelais
Antonio de Nebrija
Confucius
Lau Tzu
Zhuangzi/ Chuang Tzu
Jean-Baptiste Joseph Fourier
METODOLOHIYA AT ESTRATEHIYA
1. Analitikal na Lapit
Ginagamit sa pag-organisa ng mga
impormasyon sa mga:
2. Kritikal na Lapit
Kung ginagawan ng interpretasyon,
argumento, ebalwasyon at pagbibigay ng sariling
opinyon sa ideya.
3. Ispekulatibong Lapit
Ang pagkilala ng mga senaryo, mga
estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-
iisip at pagsulat.
Halimbawa ng mga Pamamaraan at
Estratehiya
1. Deskripsyon o Paglalarawan
Propesyonal
Siyentipiko
Doktor
Abogado
Kursong Praktikal
a) Kategorya
b) Bahagi
c) Grupo
d) Uri
e) Pag uugnay-ugnay
7. Hal. Katakam-takam tingnan ang mga
sariwang gulay.
2. Paglilista
Hal. Sa daloy ng laro, lumalakas (“level
up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng 1)
pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, 2)
Pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang
koponan.
3. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
Hal. Naipakilala ang telegraph noong
dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang
pagsulong ng Morse Code noong 1844.
4. Sanhi at Bunga
Hal. Nakakabahala ang paggamit ng
gadget sa mga bata dahil nagiging sanhi nito ang
pagiging addick sa apps at games.
5. Pagkokompara
Hal. Kapuna-puna ang kaibahan ng
larawan ng mga Pranses at mga Pilipino.
6. Epekto
Hal. Kailangang alam natin ang sapat na
pag-aaruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa madla.
PAGSULAT SA HUMANIDADES
3 Anyo ang pagsulat sa Larangan ng
Humanidades Batay sa Layunin
1. Impormasyonal
2. Imahinatibo
3. Pangungumbinse
Group 4
Pagsasalin ng Wika o Pagsasaling Wika
Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat kung
saan isinusulat muli ang teksto sa ibang wika
batay sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi
nawawala ang orihinal na diwa nito.
Kadalasan ang mga akdang nakasulat sa Ingles
ay naisalin sa Filipino sapagkat ang wikang ito ay
itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino.
Kasaysayan ng Pagsasalin
Unang Yugto: Ang pagsasaling wika sa Pilipinas
ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay
ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Kinailangan
ng mga panahong iyon na isalin sa Tagalog at iba
pang katutubong wika sa kapuluan ang mga
katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal
at iba p, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng
Iglesia Catolica Romana.
Ikalawang Yugto: Nang pumalit ang Amerika sa
Espana bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago
na rin ang papel na ginagampananan ng
pagsasaling wika. Ang naging pangunahing
kasangkapan na pananakop noong panahon ng
Kastila ay krus at relihiyon; noong panahon
naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa
pamamagitan ng wikang Ingles.
Ikatlong Yugto: Ang maituturing na ikatlong yugto
ng kasiglahan sa pagsasaling wika ay ang mga
pagsasalin sa Filipino ng mga materyales,
pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga
aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa,
kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang
bilinggwal sa sting Sistema ng edukasyon.
Ikaapat na Yugto: Ang maituturing namang
ikaapat na yugto ngna kasiglahan sa pagsasaling-
wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong
panitikang di Tagalog. Kailangang- kailangang
isagawa ang ganito kung talagang hangad nating
makabuo ng panitikang talagang matatawag na
“pambansa”.
Ang pagsasalin wika ay hindi lamang
bahagi ng pag aaral sa mga prosesong
nkapaloob sa panitikan. Bagkus ito ay may
malaking impluwensiya sa ating
kasaysayan.
Ano ang salitang TRANSLATE?
Ayon sa Webster’s New World Dictionary of the
American Language, ang salitang translate ay
8. nangangahulugang “to change from one
language into another, to put into into different
words” o sa Filipino “palitan ang wika tungo sa
ibang wika, ilahad sa ibang pananalita”.
Ayon naman sa New Standard Dictionary ito ay
nangangahulugang “to give sense or meaning of
in another language” o sa Filipino “ibigay ang
diwa o kahulugan sa ibang wika”
Ayon kay Eugene Mida at Charles Taber na ang
pagsasalin wika ay muling paglalahad sa target
na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas
na mensahe ng orihinal na wika. Ang una ay
batay sa kahulugan at ang pangalawa ay batay
sa estilo.
Apat na Kategorya ng Pagsasalin
Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng
salin:
1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng
anunsyo, patalastas at paunawa.
Halimbawa:
Second-hand books are sold here.
Salin: Nagbibili rito ng mga
librong gamit na.
2. Saling sapat o yaong saling halos hindi
mapagpasyahan para sa karaniwang
mambabasa, na ang ibig lamang ng mga
mambabasa ay ang nilalaman ng akda.
Halimbawa: Seven Last Word
Salin: Huling Wika
3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma
gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o
tula sa tula.
Halimbawa:
The hour I spent with thee, dear heart
Are a string of pearls to me;
I count them over everyone part,
My rosary, my rosary
Salin:
Ang mga sandaling kasama kita, ay
para kang kwintas
Paulit-ulit at paisa-isa kong binibilang
ang mga ito
Katulad ng mga rosary
Ang mga sandali na kasama kita,
Sa pakiwari koý kwintas na perlas;
Binibilang-bilang nang paisa-isa
Na wariý rosary ng wagas na
pagsinta.
4. Saling siyentipiko o Teknikal
Halimbawa:
Astronomy-------------------------------------------
------- astronomiya
Geostructural
mapping----------------------------------
Heoistruktural na pagmamapa
Mga Katangian ng isang Taga Saling Wika
1. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin
ang nilalaman at ang intensiyon ng awtor
sa akdang isnalin
2. Kailangang may kaalaman ang
tagapagsalin sa wikang pagsasalinan
3. Kailangang iwasan ang mag salin nag
salita-sa-salita upang hindi masira ang
pahayag
4. Kailangang gamitin ang mga pananalitang
ginagamit ng karamihan
Pamamaraan ng Pagsasalin
1. Salita-sa-salita – ang ayos hg mga salita
ay nananatili. Ang mga salita ay isinasalin
ayon sa pinakapalasak na kahulugan.
Layunin ng paraang ito na madama ang
mekaniks ng wikang isinasalin bilang
panimulang hakbang.
Hal.
Each citizen must aim at personal
perfection and social justice through
education.
Bawat mamamayan dapat layunin sa
personal kaganapan at panlipunan
katarungan sa pamamagitan edukasyon.
2. Literal- ang gramatikal na pagkabuo ng
wikang isinasalin ay hinahanap sa
pinakamalapit na katapat nito sa target
language.
Hal.
Father bought Pedro a new car.
Ang tatay ay binili si Pedro ng isang
bagong kotse.
3. Matapat- ang pagtatangkang maisalin
ang tiyak na kahulugang pang nilalaman
9. ng wikang isinasalin sa istrukturang
panggramatika ng Source Language.
Isinasalin din nito ang mga salitang
kultural.
4. Semantik- naiiba ito sa matapat na
pagsasalin dahil dito binibigyan diin ang
estetiko, ng tunog, pagiging natural; ang
mga kultutang salita ay hindi gaanong
binibigyang diin. Pinahihintulutan dito na
maipasok ng nagsasalin ang kanyang
sariling pananaw.
5. Adaptasyon- ito ang pinakamalayang
anyo ng pangsasalin. Uto ay pangunahing
ginagamit sa mga dula, awit at tula.
6. Malaya- kadalasan sa saling ito ay malayo
na sa orihinal ito rin ay kadalasang mas
mahaba kaysa sa orihinal na at maaaring
sabihing hindi na salin.
7. Komunikatibo- pagtatangkang magbigay
pakahulugan sa nilalaman sa paraang
katanggap-tanggap at mauunawaan ng
mambabasa.
Hal.
All things bright and beautiful
All creatures great and small
All things wise and wonderful
The Lord God mae them all.
Ang lahat ng bagay, magaganda’t
makinang
Lahat ng nilikhang dakila’t hamak
man
May angking talino at dapat hangaan
Lahat ay nilikha ng Poong Maykapal
Ang pinakamahusay na salin ay
mapagkakamalan ng mga ,mambabasa na
hindi salin kundi isang orihinal a akdang
isinulat ng manunulat.
Kahalagahan ng Pagsasalin
1. Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang
nakapaloob sa akda
2. Pagbibigay liwanag sa kasaysayan at
kultura ng ibang bansa o panahon
3. Pagpapakilala sa mga bagong
mambababsa ng isang akdang itinuturing
na makabuluhan ng isa o ilang tao
Mahalaga ang pagsasalin upang makaabot o
makarating pa sa ibang panig ng mundo ang mga
akda mula sa iba’t ibang lugar. Dahil rito ay
nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba ng wika
sa pagkakaunawaang global.
“Ang pagsasalin wariý isang warehouse – na kung
ang pagmamanman ng mga opsiyales ay hindi
mahigpit, baka walng pakundangang pumasok
ang maraming smuggled at banyagang idyoma
kaysa sa panglinggwistikang pananaw.”-Julio
Casares, 1956
GROUP 5
HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN
Agham Panlipunan
Itinuturing na isang uri ng siyensiya o
agham. Lapit siyantipiko ang gamit bagamat iba-
iba ito depende sa disiplina. Ang agham
panlipunan ay gumagamit ng sarbey,
obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga
datos na sekondaryo. Ang pagsusuri o
metodolohiya ditto ay dayakroniko (historikal) at
sinkronoko (diskriptibo).
Malaki ang nagging impluwensiya ng
Rebolusyong Pranses (1989-1799) at
Rebolusyong Industriyal (1760-1840) sa
pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan.
Kinikilala sa larangan ng Agham
Panlipunan sina:
Diderot
Rousseau
Francis Bacon
Rene Descartes
John Locked
David Hume
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham
Panlipunan
Sosyolohiya
Pag- aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa
lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad at
pagkabuo ng mga samahan at institusyong
panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman
tunkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.
Isaac Newton
Benjamin
Franklin
Thomas
Jefferson
Karl Marx
Max Weber
Emilie Durkheim
10. Gumagamit ito ng imperikal na
obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwalitatibong
metodo.
Sikolohiya
Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng
tao. Gumagamit din ito ng emperikal na
obserbasyon.
Lingguwestika
Pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay
ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon nito.
Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sistaks, at gramatika. Deskriptibo o
pagpapaliwanag sa katangian ng wika ang
ginagamit na lapit sa pag-aaral nyo, gayundin
ang historical na lapit o pinagdadaanang
pagbabago ng wika.