Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Pagsasaling wika

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
2 mga layunin sa pagsasalin
2 mga layunin sa pagsasalin
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 41 Ad
Advertisement

More Related Content

Slideshows for you (20)

Advertisement

Similar to Pagsasaling wika (20)

More from Allan Ortiz (20)

Advertisement

Pagsasaling wika

  1. 1. Pagsasaling-Wika Halaw sa Librong ‘Sining ng Pagsasaling-Wika’ ni G. Alfonso O. Santiago
  2. 2. Kasaysayan  Noong pang panahon ng Babylon hanggang sa kasalukuyang panahon, panahon ng makabagong teknolohiya gamit ang computer t iba pa, ay batayang masasabing suliranin sa pagsasalin.   Suliranin ng isang tagapagsalin kung ano ang mas higit na pipiliin sa pagitan ng anyo at kahulugan ng salita. Kapag ang pinili ang istilo ng orihinal may posibilidad na masira ang kahulugan, samantala ang pagpili ng literal na content ay karaniwang nawawala ang istilo nito.  Tunay na ipinakikita at ipinakikilala na magkaiba ang wika sa isa’t isa. Nag-iiba pa ang midyum ng komunikasyon batay sa proseso ng pag-inog nng pagbabago na nagiging suliranin ng tagapagsalin. Kinakailangan magbigay puwang ang wika sa pagtanggap ng mga bagong karunungan at bagong organisasyon ng karunungan. Kinakailanga ng wika na makapagbigay ng panlipunang realidad upang mauri nito ang iba’t ibang karanasan batay sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Binabagayan dapat ng wika ang pagbabagong kinakaharap sa lipunang at ng tao. Sabi ni Julio Casares (1956) na ang “ Pagsasalin wari’y isang warehouse – na kung ang pagmamanman ng mga opisyales ay hindi mahigpit, baka walang pakundangang pumasok ang maraming smuggled at banyagang idyoma kaysa sa panglinggwistikang pananaw.”
  3. 3.  Sa isang tagapagsalin, suliranin nito kung ang pagsasalin ay isang sining o agham? Ito ba ay isang kasanayang matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsasanay o kaya’y tumutukoy sa ilang pamamaraang dapat ilarawan at pag-aralan? Sa katunayan, ang pagsasanay sa pagsasalin ay magkaiba sa teorya – bagaman ang mga elementong makasining ay kinakailangan sa isang mahusay na pagsasalin, subalit ang mga linggwist at philologist ay malaki ang paniniwala at kamalayan na ang proseso ng pagsasalin ay higit na angkop isakatuparan sa isang masining na paglalarawan. Kapag pinag-uusapan ang “agham ng pagsasalin” ang pokus ay nasa paglalarawang aspeto nito. At kung ang linggwistika ay inuring isang inilalarawang agham – gayundin ang paglilipat ng mga mensahe mula sa iba’t ibang wika, ang proseso ay isinasagawa sa isang maagham na paglalarawan. Doon sa mga nanggigiit na ang pagsasalin ay isang sining – yaong lamang at wala ng iba, karaniwang nabibigo sa pagtuklas ng mga karagdagang alituntunin sa pamamaraan sa makabuluhang gamit nito.
  4. 4. Kasaysayan ng Pagsasalin ( Unang Yugto ) Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay na pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Kinailangan ng mga panahong iyon na isalin sa Tagalog at iba pang katutubong wika sa kapuluan ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.
  5. 5. Kasaysayan ng Pagsasalin ( Ikalawang Yugto ) Nang pumalit ang America sa Espana bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling wika. Ang naging pangunahing kasangkapan na pananakop noong panahon ng Kastila ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng Americano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang
  6. 6. Kasaysayan ng Pagsasalin ( Ikatlong Yugto ) Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa, kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.
  7. 7. Larangan ng Pagsasalin  Ang larangan ng pagsasalin ay maaaring mahati sa tatlong uri ayon kay Jakobson. Ang unang uri ay tinatawag na:  intalingual – ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika. Ang ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng paggamit ng ibang sign sa loob ng magkaparehong wika.  Interlingual translation - tinatawag rin itong ‘translation proper’. Ito ay may layuning mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan nng mga verbal sign ng ibang wika. Subalit ang pokus nito ay hindi lamang paghahanap ng katugmang simbolo (i.e. salita-sa-salita) kundi maghanap ng katugmang simbolo sa tumpak na pagkakahanay.  Intersemiotic o transmutation – ito’y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba.Halimbawa ang isang berbal na mensahe ay maaaring mai-transmute sa pammagitan ng pagwagayway ng kanilang bandila sa tumpak na pamamaraan gaya sa pagbibigay ng mensahe ng Navy.  Ang pagsasalin ay binubuo ng maraming paghihigpit dala ng kultura, linggwistika. Pangliteraturang istilo at mass media. Ang pagsasalin ng mga dokumentong legal – halimbawa, mga batas ay nakasulat sa wikang Ingles na isasalin sa wikang Filipino ay kapapalooban ng pagkakaiba-iba ng bawat wika dahil magkaiba ang saloobin sa pamamalakad ng batas.
  8. 8. Kahulugan ng Pagsasaling-Wika 1. Translation is a process by which a spoken or written utterance takes place in one language, which is intended and presumed to convey the same meaning as a previously existing utterance in another language. ( C. Rabin, 1958 ) 2. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in another language. ( P. Newmark, 1977 )
  9. 9. Kasaysayan ng Pagsasalin ( Ikaapat na Yugto ) Ang maituturing namang ikaapat na yugto na kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na ‘pambansa’.
  10. 10. Kahulugan ng Pagsasaling-Wika Ang pagsasaling-wika ay ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.
  11. 11. Katuturan ng Pagsasalin  Ang pagsasaing-wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika.  Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika.  Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang pananalita. (Webster’s New World Dictionary of the American Language)  Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika (New Standard Dictionary)  Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika. (Santiago, 1976)
  12. 12. Apat na Kategorya ng Pagsasalin Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng salin: 1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa. Halimbawa: Second-hand books are sold here. Salin: Nagbibili rito ng mga librong gamit na. 2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang mambabasa, na ang ibig lamang ng mga mambabasa ay ang nilalaman ng akda. Halimbawa: Fate of the Earth Salin: Satanas sa lupa Seven last Word Salin: Huling wika.
  13. 13. Apat na Kategorya ng Pagsasalin 3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula sa tula. Halimbawa: The hour I spnet with thee, dear heart Are a string of pearls to me; I count them over, everyone part, My rosary, my rosary. Salin: Ang mga sandaling kasama kita, ay para kang kwintas. Paulit-ulit at paisa-isa kong binibilang ang mga ito katulad ng mga rosaryo. Ang mga sandali na kasama kita, Sa pakiwari ko’y kwintas na perlas; Binibilang-bilang nang paisa-isa Na wari’y rosaryo ng wagas na pagsinta. 4. Saling siyentipiko o teknikal Halimbawa; Astronomy amplitude metric system Salin: astronomiya taas ng alon sistemang metriko Geostructural mapping amino acid Salin: heoistruktural na pagmamapa amino acid
  14. 14. Dalawang Uri ng Salin  Lantad na Salin (Overt Translation) – ang lantad na salin ay karaniwang kailangan ng orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika. 9House, 1977)  Di-Lantad na Salin (Covert Translation) – ang di- lantad na salin ay karaniwan kapag ang alin mang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala (House, 1977)
  15. 15. Katangian ng Isang Tagasalin Ayon sa aklat na Masaklaw na Pilipino na Belvez, Catacataca at Villafuerte (1984), halos nagkakaisa ng paniniwala sina Savory (1959) at naida (1969) tungkol sa mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasaling-wika. Sapagkat ayon sa kanila’y dapat na mag-angkin ito ng:  Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.  Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.  Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.  Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.  Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
  16. 16. Katangian ng Isang Mahusay na Salin  Kailangang katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal at taglay ang ”luwag” at ”dulas’ ng pananalitang tulad ng sa orihinal, upang hangga’t maaari ay magparaang orihinal (Santiago, 1976).  Kailangang matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida, 1976)  Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988)  Kailangang meaning-based na nangangahuluganh dapat itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson, 1984)  Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964)
  17. 17. Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika  1. Higit na pahalagahan ang wikang kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang nakasulat. Maaaring ang wikang nakasulat ay nahagi na ng nakaraan kaya’t hindi na ginagamit sa kasalukuyan. Piliin ang mga salitang higit na gamitin. Halimbawa: ”Nakain ka ba ng litson?” Dapat: ”Kumakain ka ba ng litson?” ”Nilandi niya ang tubig sa tapayan.” Dapat: ”Nilaro niya ang tubig sa tapayan.”
  18. 18. 2. Isaalang –alang ang kaisahan sa anyo ng mga saliatng hinihiram sa ibang wika. Halimbawa, kung isasalin ang mga salitang ’agriculture and civilization’ sa Filipino, ang anyo ay dapat na: Pagsasaka at kabihasnan Hindi Pagsasaka o sibilisasyon o agrikultura at kabihasnan
  19. 19. 3. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit kailangang iangkop ang salita sa sinasaling teksto. Halimbawa: Kulay asul ang baro niya Kulay bughaw ang baro niya Ingles: He belongs to the royal blob. Salin: Siya’y nabibilang sa dugong bughaw. Mali: Siya’y nabibilang sa dugong asul.
  20. 20. 4. Maging matipid sa paggamit ng mga salita. Ingles: You make plans for the school year. Salin: 1. Gumawa ka ng plano para sa taong panuruan. (Matipid) 2. Magplano ka para sa taong panuruan.
  21. 21. 5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan. Kung sakaling magkaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip ng ibang maaaring ipalit dito. Halimbawa: They moved to another place. Salin: 1. Sila ay gumalaw sa ibang lugar. Wasto 2. Sila ay lumipat sa ibang lugar.
  22. 22. 6. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika sa Pilipinas, subalit hindi kakahulugan. 7. Ang mga daglat at akronim na tinatangap na o kinikilalang unibersal ay di na kailangan iayon sa baybay ng katumbas sa Filipino. Halimbawa: UST, QC, BPI, PTA, DepEd ng umaga – n.u. ng hapon n.h.
  23. 23. 8. Kapag ang ang pamagat ay may kahirapan isalin, bigyan ito ng katumbas pagkatapos maisalin ang buong nilalaman ng materyales na isasalin. Narito ang ilan pang mga suliranin sa pagtutumbas.
  24. 24. Sa panlinggwistika 1. Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng diksyunaryong bilinggwal) W1 leksikon (salita) W2 – leksikon Halimbawa: Instrument – kagamitan Civilization – kabihasnan
  25. 25. 2. Isa – sa – maraming latumbas W2 leksikon (a) W1 leksikon W2 leksikon (b) W2 leksikon (c) Hal.: young child bata protegee mistress
  26. 26. 3. Marami – sa – iisang katumbas W1 leksikon (a) W2 leksikon (b) W2 leksikon W3 leksikon (c) Hal.: Maanghang ang sili Mainit ang plantsa hot May lagnat ang bata
  27. 27. Ano ang dapat mong gawin? a. Maaaring manghiram, subalit lalagyan ng panipi Halimbawa: Ang pag-aaral ng “discourse” ay ang pangkomunikatibong paggamit ng mga pangungusap sa mga gawaing pansosyal.
  28. 28. b. Panghihiram nang may pagbabago 1. hiramin ang salita subalit baybayin ayon sa ating palabaybayan Hal.: consistent – konsistent 2. hiramin ang katumbas na salita sa Kastila Hal.: Ingles organism Kastila organismo Filipino organismo academic - academico - akademiko 3. lumikha Hal.: index – talatuntunan Vocabulary – talasalitaan
  29. 29. Mga Batayang sangkap ng Pagsasalingwika: Ang Teksto – ito ay dapat na nakasulat; ano mang haba ng wika na may pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa ang bawat sangkap, at nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-ugnay Teksto Mga Katangiang Mga Katangiang Panlinggwistika Ekstralinggwistika Mga Pamantayan Estilo Mga Katangian Nilalaman Ng Teksto Mga Katangiang Bisa sa babasa Intensyunal (may-akda)
  30. 30. Mga Katangian ng Teksto  Pagpapaliwanag: Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika. Panglinggwistika – ito’y pagtutuon ng pansin sa mga anyo ng wika at gramatika, at ng pagkaakiba-iba ng wikang isinasalin (W1) at ng wikang pagsasalinan (W2) Halimbawa: English verbal construction: She ate the fruit. Kinain niya ang prutas. Filipino nominal construction: Siya ay kumain ng prutas. It was she who ate the fruit, or She was the one who ate the fruit.
  31. 31. Mga Pamantayan  Ang mga salita at ideya ng orihinal ay nararapat na nasa isang salin, kaya’t kapag ang isang salin ay binasa, kinakailangang ito’y maging salamin ng orihinal na sinulat tulad din ng pagiging salamin ng isang salin.
  32. 32. Ang Estilo  Ang estilo ng orihinal ay dapat na naipakikita ng isang salin at dapat ding aralin ng isang slain ang estilo ng tagapagsalin.
  33. 33. Pang-esktralinggwistika Ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural tulad ng mga sawikain, matalinghangang pananalita atbp. Halimbawa: English; He is stubborn. Filipino: Matigas ang ulo niya. Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay kailangang magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip dito ang layunin ng may-akda at kung paano ito magiging epektibo sa mga mambabasa.
  34. 34. Kahusayan ng Tagapagsalin Tagapagsalin Orihinal Salin Kahusayan sa W1 Kahusayan sa Paglipat Kahusayan sa W2 Kahusayan sa Kahusayan sa Pagbibigay Pagbibigay-kahulugan ng mensahe Kahusayan sa Pagsususri Kahusayan sa Pagbuo
  35. 35. PALIWANAG  Ang pagiging mabisa sa salin ay nakasalalay sa lkahusayan ng tagapagsalin mula sa orihinal. Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang mabuting pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa W2. At kung mahusay ang kanyang pagkakasuri sa nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1 ay nagkakaroon ng mabisang kabuuan.
  36. 36. Mga Proseso sa Pagsasalingwika Literal Hindi Literal Panghihiram Pagpapalit Pagpapalit Transposisyon Modulasyon (Pagsasalin (Pagsasaling (Pagsasabi (Pagkuha ng Sa isa-sa-isang Literal) sa sariling kahulugan) Salita) pangungusap)
  37. 37. Pagpapaliwanag: Ayon sa balangkas sa itaas ang pagsasaling wika ay nagsisimula sa literal na pagsasalin sa pamamagitan ng panghihiram at pagpapalit. Ang pagpapalit ay sa paraang isa-sa-isang salita o kaya’y pagsasaling literal. Pagkaraa’y pag- aaralan kung paano maaaring gawing hindi literal. Ang pagsasalin ay maaaring ipahayag sa paggamit ng sariling pangungusap o pagkuha kaya ng kahulugan sa teksto ng wikang isinaalin.
  38. 38. Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen), iminungkahi niya ang sumusunod na hakbang sa pagsasalingwika.  Pagsusuri – sa pagsasalin, kailangang basahin muna ang teksto sa orihinal na wika (W1). Dapat alamin ang mga sumusunod:  kahulugan ng bawat salita  pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusap  kung ang pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay maaapektuhan ng nilalaman.  Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa wikang pinagsasalinan.  Pagbabago – pagsulat muli sa teksto sa sariling pangungusap.
  39. 39. Pagsasalin ng Matayutay na Pahayag. Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin ng matalinghagang mga pahayag. Hindi dapat isiping ang bawat salita’y may hustong katapat sa alin mang ibang wika. Ang matalinghagang kahulugan ay ibinabatay sa taglay na kahulugan ng pangunahing diwa. Hal.: Only five loyal souls reported for work. Salin Lima lamang matatapat na manggagawa ang dumating para magtrabaho.
  40. 40. Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay  Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1) na matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2). Hal.: The Philippines elected national officials inh 1998. Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.  Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasighiin ang damdamin. Nangyayari ito kadalasan, sa panulaan. Hal.: He drank 3 bottles. Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.  Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinaalin. Ang matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang pinasasalinan (W2) Hal.: Don’t hurt his good name. Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan. Hango sa pag-aaral ng ginawa Ni Teresita Fortunato
  41. 41. Sanggunian: Retorika Filipino 3:Para sa Antas Tersarya Reresita S. Buensuceso Jose Dakila N. Espititu pp. 91-96 Villafuerte, Patocino V. (2001). Introduksyon sa pagsasaling-wika: teorya, mga halimbawa at pagsasanay. Pamantasang Normal ng Pilipinas: Grandwater Publications and Research Corporation. Makati City

×