3. • Nang dumating ang mga Kastila noong 1565 upang
totohanang sakupin ang ating mga pulo, sa ulat ni
Chirino at kanyang mga kasama, ang lahat diumano
ng mga tribo ay may ginagamit nang sariling uri ng
pagsulat (Francisco 1973). Nakilala natin iyon sa
tawag na Alibata (sa English ay syllabary).
• Ang isang natitirang nakaukit na kasulatan ay yaong
mga ginawa ng mga Hanunuo at mga tribong
Mangyan sa Mindoro. Iniukit ang mga iyon sa mga
biyas ng kawayan upang itala sa kanilang ambahan
o mga titik ng pag-ibig.
4. • Di mapasusubalian, kung sabagay, na kahit halos wala tayong mabakas na
tradisyon sa wika dahil sa halos lubusang pagkakawaksi ng pasalitang
panitikang Tagalog nang tayo’y masakop ng mga Kastila sapagkat ang
Alibata ay sapilitang pinapalitan ng mga titik-Romano bilang kasangkapan o
midyum sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, tiyak na mayroon din tayong
mahahabang salaysay, tulad ng mga epiko, gayundin ng mga kundimang
inaawit ng mga tribo na naninirahan sa kapatagan. Hindi lamang naalagaan
at naitago ang mga ito.
• Ang mga halimbawa naman ng mga kasulatang di pasalaysay o ang
tinatawag na ideational o referential na gampanin ng wika ay ang mga buhay
pa hanggang ngayon na kasabihan (aphorism), gayundin ang mga bugtong
(riddles) na bahagi ng pasalitang panitikan noon ngunit ngayon ay nakasulat
na.
5. • Ang intelektwalisasyon ng tagalog ay nagsimula sa larangan ng teolohiya sa
tradisyon ng katoliko romano .Isinalin sa wikang tagalog ng mga kastilang
prayle ang kanilang eskolastikang teolohiya mula sa Latin o Kastila.
(Gonzales 1985)
• Ginamit na wikang panturo ay ang kastila at hindi ang wikang local sapagkat
ang mga unang paaralang ito ay para sa mga anak ng mga kastilang
insulares .
6. Masasabing nang walang patlang hanggang umabot sa kasukdulan sa
pamnagsimula ang intelektwalisasyon ng Tagalog noong ika-19 na siglo sa
larangan ng panitikan na nababanaag sa nobelang sulatan nina Urbana at
Felisa na sinundan ng maraming maikling kwento. Nagpatuloy ang ganito
amagitan ng walang kamatayang pasalaysay na tulang sinulat ni Francisco
Balagtas, ang Florante at Laura (Medina 1974) Ang sumunod sa larangang
maituturing na napasok ng intelektwalisasyon ng Tagalog ay ang larangan ng
“political writing” o mga kasulatang politikal, gaya ng mga sinulat nina Andres
Bonifacio at Emilio Jacinto na sa kasamaang-palad ay hindi pa lubusang
napag-aralan upang maunawaan ang panahong yaon sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang tradisyong ito ay naipagpatuloy sa pamamagitan ng paminsan-
minsang paggamit ng Tagalog sa mga pahayagan na kailan man ay hindi
naging regular kundi bagkus laging nagsisimula hanggang sa matapos ang
“Malolos Period” (Gonzels 1980, Kab. 1).
7. • Sa larangan ng kaisipang pampolitika, si Rizal at ang mga kasama
niyang ilustrado ay nakapag-ambag ng isang sanaysay na satiriko laban
sa mga frailes at mga guardia civil sa wikang Tagalog. Masasabi natin
nang buong katapatan, samakatwid, na ang intelektwalisasyon ng
Pilipino ay talagang nagsimula lamang noong 1937 nang simulan ang
pagpili sa wikang pambansa at maipalimbag ang unang balarila sa
Tagalog
• Anupa’t kung ang pagsulat ng diksyunaryo ay nakatutulong sa
istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wika, masasabi nating ang
patuloy na pagsisikap ng Linangan ng Wikang Pambansa na lumikha ng
mga diksyunaryo sa wikang Pilipino, tulad ng kalilimbag pa lamang ng
monolinggwal ng Diksyunaryo ng Wikang Filipino, ay malaki ang nagawa
tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino
8. • Subalit gaya ng alam natin, higit pa sa pagtitipon ng mga salita o katawagan
ang kailangan sa intelektwalisasyon ng isang wika. Ang mas mahalaga ay
ang paggamit ng mga terminolohyang ito sa aktwal na sitwasyon, maging
sa salin o orihinal na mga teksto at pagkatapos ay pagtanggap at paggamit
ng mga ito sa pagtatalastasan ng tinawag natin sa unang “significant other”
ay mahalaga.
• Ang sunod na malaking pagsulong tungo sa intelektwalisasyon ng ating
wika ay naganap nang ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon noong 1974
ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na nagtatakda sa paggamit ng
Pilipino bilang wika ng pagtuturo mula sa Unang Baitang ng mababang
paaralan hanggang sa kolehiyo para sa mga araling panlipunan at agham
panlipunan. Ipinagamit ding wikang panturo ang Pilipino sa mga piling
kursong tulad ng Rizal, Pagbubuwis at Reporma sa Lupa, Kasaysayan at
Pamahalaan ng Pilipinas.
9. Ipinagamit ding wikang panturo ang
Pilipino sa mga piling kurso tulad ng Rizal ,
pagbubuwis at reporma sa lupa, Kasaysayan
at pamahalaan ng Pilipinas ,araling
panlipunan at sa mga agham panlipunan.
11. • Ang isang wika ay maaaring manatiling gamit na wika sa aktwal na lugar ng
pagtatalastasan ng isang pangkat, halimbawa ay sa tahanan at sa
pamayanan o kahit sa buong bansa nang hindi kinakailangang maging
intelektwalisado. Ang intelektwalisasyon ay nagaganap lamang kung may
angkop na istimulus, at sa kasong ito, isang istimulus ng batay sa
pangangailangan. Nag-iiba-iba ang pangangailangan ayon sa sitwasyon at
maaaring maging tiyak sa ilang gamit ng wika o lawak ng karunungan.
Ang intelektwalisasyon ay nagaganap lamang kung may angkop na istimulus,
at sa kasong ito, isang istimulus ng batay sa pangangailangan. Nag-iiba-iba
ang pangangailangan ayon sa sitwasyon at maaaring maging tiyak sa ilang
gamit ng wika o lawak ng karunungan
12. • Marahil ang pinakamahalaga at nag-iisang sangkap na maaaring
nakapagpapabilis o nakapagpapabagal sa paglinang ng isang wika bilang
wika ng tinatawag na “scholarly discourse” ay ang pagkakaroon sa lipunan
ng isang dominante at intelektwalisao nang wika. Ang wikang ito ay
maaaring makasagabal sa malayang pag-unlad ng isang katutubong wika
sapagkat ang wikang ito (na maaaring pangalawa o dayuhan na tulad ng
Ingles) ay ginagamit na ng bayan.
• Habang ang pangalawa at dominanteng wikang ito ay ginagamit ng bayan
at habang nagdudulot ito ng sapat na motibasyon (lalo na sa pamumuhay)
upang tangkilikin o maging intelektwalisao ay limitadong-limitado. Ang
tanging motibasyon na makakatulong upang malinang ang katutubong
wikang ito ay ang malakas na alon ng nasyonalismo
13. • Sa ngayon, ang Ingles ay nananatiling pangunahing wika ng bansa bilang
kasangkapan ng mga Pilipino sa kanilang adhikaing pansosyal at
pangkabuhayan. Ngunit sa katagalan, malamang na siyang maging dahilan sa
pagpapanatili rito ng Ingles ay ang patuloy na pangangailangan natin sa wikang
ito bilang wikang pang-internasyonal at bilang wika ng agham at teknolohya o
bilang wika ng modernisasyon.
• Ngunit sa katagalan, malamang na siyang maging dahilan sa pagpapanatili rito ng
Ingles ay ang patuloy na pangangailangan natin sa wikang ito bilang wikang pang-
internasyonal at bilang wika ng agham at teknolohya o bilang wika ng
modernisasyon.
Gayumpaman, sa ngayon ay lalong nagiging malinaw sa atin na ang Ingles ay
hindi maaaring maging wika ng masang Pilipino kailan man, lalo na kung
isasaalang-alang natin ang waring hindi na mababagong kalakaran sa ating
sistema ng edukasyon.
15. • May dokumento o rekord ang proseso ng intelektwalisasyon ng mga
prinsipal na wika ng daigdig na ginagamit ngayong mga wika ng tinatawag
nating “scholarly discourse,” lalo na sa agham at teknolohya.
• Subalit karamihan sa mga talang ito ay produkto lamang ng mga hinuha o
“hindsight”, batay sa isinagawang pagsusuri sa mga dokumento ng
nakaraang panahon. Samakatwid ay nanghawakan lamang ang mga
mananaliksik sa mga pamaraang sinusunod sa “historical research.”
16. • Samantala, sa kaso ng ating wika ay masasabing maaari nating maitala ang
nagaganap na proseso; sa ibang salita, ang dokumentasyon ay maaaring
maisagawa in fieri o kaalinsabay ng mga pangyayari. Hindi na kailangang
hintayin pa ang katapusan ng proseso. Sa ganitong paraan, kakaunti
lamang ang mawawalang mga detalye ng proseso.
• Anupa’t hindi lamang ang produkto kundi na ang proseso ang magiging
dokumentasyon. Ito’y isang napakahalagang oportunidad sa pagsisiyasat.
• Maidaragdag pa na bagama’t masasabing may kasapatan ang
paglalarawan ng proseso ng intelektwalisasyon sa ibang bansa, ang
daynamiks ng prosesong ito sa kanyang dimensyong sikolohikal at
sosyolohikal gayundin ang motibasyong panlipunan (kapwa politkal at
ekonomikal at pati na kultural) ay masasabing sahol pa rin sapagkat hindi
lubos na nakaabot sa antas ng pagbibigay-kahulugan sa mga pangyayari.
17. Anupa’t ang maaaring maging bunga ng pagsisikap na ito ay isang dinamikong
modelo para sa paglinang ng wika, partikular sa intelektwalisasyon nito. At sa paglinang
ng modelong ito, dapat tingnang mabuti ng isang maingat na mananaliksik ang personal
na katangian ng tinatawag na “creative minority” na siyang mangunguna sa proseso ng
intelektwalisasyon. Dapat din niyang tingnan ang dimensyong sikolohikal ng gawaing ito
sapagkat malamang na makakuha dito (e.g., sa mga rekord ng obserbasyon, at iba pa)
ng mahahalagang insights tungkol sa intelektwalisasyon, lalo na sa pamamagitan ng
pagsasaling-wika.
Sa simula, para sa karamihan ng mga nasanay sa pangalawang wika na tulad ng
Ingles at ngayon ay nakikisangkot sa intelektwalisasyon ng ibang wika, ang pagsasaling-
wika ay magsisilbing tulay para sa kanila bilang mga bilinggwal at upang masubok na rin
ang kanilang kakayahan bilang mga bilinggwal. Samakatwid ay kinakailangang bumuo
ng isang modelo o mga modelo para sa “bilingual competency” na isinasagamit ang
potensyal ng dalawang wika upang matamo ang panlahat na layunin ng komunikasyon.
18. Ang nasabing mga modelo ng kakayahang pangwika ay kailangang lumampas sa
kakayahang leksikal o maging sa kakayahang sintaktik. Dapat umabot ang mga ito sa
tinatawag na “competence in discourse” at “text creation.” Sa ibang salita, kailangang
maabot ng mag-aaral ang sapat na kakayahan sa paggamit ng wika mismo sa iba’t ibang
pagkakataon, sitwasyon, at pangangailangan. Ipinalalagay na ito’y tutukoy sa mga level
o antas ng balarila (“deep and surface”) sa dalawang wika na dapat na isaalang-alang
bilang mga elemento o sangkap sa pagbuo ng isang maunlad na “bilingual model.”