SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
KASAYSAYANNG ALPABETO
SANSKRIT/O
- ang paraan ng pagsulatnaito ay isanguri ng paraang abiguda na gumagamitng katinig-patinignakombinasyon.Kung
kaya’tmapapansinnaang pinakapayaknaanyo nitoay mayroonlamangtunogsa hulihanna/a/. Nilalagyanlamangng
kudlitsaitaas upangmakalikhangtunogna nagtatapossa /e/at /i/at sa ibabanaman inilalagayupangmakalikhang
tunogna /o/ at /u/.
Wikangklasiko(classic) ng India;ginagamitsamgarelihiyonatpananaliksiksaagham
Sinasabingpinagmulanngalibata
ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN)
- isangparaan ng pagsulatna ginagamitbagopa dumatingangmga Kastila.Itoay kahalintuladsasistemaoparaanng
pagsulatng mga taongJava na tinatawagna kayi.Angparaan ng pagsulatna itoay pinaniniwalaangginagamitnanoong
14 na siglohanggangsa panahonng pananakopngmga Kastila.Angsalitangbaybayinaynangangahulugangispelingo
pagbaybay.
Katutubongsistemangpagsulat/alpabetongiba’tibangpangkatetnolinggwistikosaPilipinasmula 1000-1200 hanggang
1800.
BAYBAYIN hangosa salitang“baybay”(tospell)
ALIBATA hangosa “alif bata” (2 unang titiksaArabic: “alif”at “bet”)
May kauntingpagkakaibaangbawatalibatapara sa bawatpartikularna wika(ibaangsa Tagalog,ibaang sa Bisaya
atbp.)
Di matiyakngmga eksperto
Sa Celebes(matandangparaanngpagsulatng mga Javanese)
Sa India(mulasa mga paraan ngpagsulatng iba’tibanglugar sa India:Sanskrit;Brahmi;Assametc.)
ABECEDARIO
- itoay binubuong29 na letraat hangosa Romanongparaan ng pagbigkasatpagsulat.
AlpabetongKastila;mulasaAlpabetongRomano
Isinusulatangmgatitik gaya ng sa alpabetongRomano
Itinurosa pilingmgamag-aaral (samga klasengtinatawagnacaton,kadalasansa mga kumbentoatbp.)
Ayawturuanng mga Kastilasa Pilipinasangmgaindiodahil alamnilangmatatalinoangmgaitoat kapagtinuruanng
wikangEspanyol aymaiintindihanangginagawangpanlolokosakanila
PilipinaslangangdatingkolonyangEspanyana di natutongmagsalitangEspanyol (malibansamgaintelektwal nanasa
alta sociedadatgitnanguri/middleclass)
ABAKADA
- mulakay Lope K.Santos (1940)
- binubuong20 letra
- lima(5) ang patinig(a,e,i, o,u)
- labinglima(15) ang katinig(b,k,d, g,h, l,m, n, ng,p, r, s, t, o, w, y)
AlpabetongbataysawikangTagalog;binuoni Lope K. Santosat naisapublikosaaklatna Balarilang WikangPambansa
(1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
ALPABETONG PILIPINO(1976)
- binubuong31 titik
- ang datingabakadana binubuong dalawampung(20) titikay nadagdaganng labing-isa(11) pangtitikmulasa
abecedario.Angmganaidagdagna titikay:c, ch, f, j,ll,ñ, q,rr, v, x at z
ALPABETONG FILIPINO(1987)
- binubuong28 titik: lima(5) ang patinigatdalampu’ttatlo(23) naman ang katinig.Angparaan ng pagbigkasaybataysa
Ingles.
KASINKAHULUGAN:
1. Kakawin –
2. Mangimbulo – inggit
3. Walang-silbi – walang saysay
4. Sapantaha – hinala
5. Hungkag – walang laman
KASALUNGAT:
1. Hadlang – hayaan
2. Walang latoy – may lasa
3. Tandisan – hindi tiyak
4. Rumaragasang –
5. Alwan – pagdurusa
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika
Ding Dong
- bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng
kampana, relo, tren, at iba pa.
Halimbawa
: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan
Bow Wow
– kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao.
Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy
Pooh Pooh
– tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito
ang tunog mula sa mga tao.
Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling
Kahariang Ehipto
– Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig.
Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language.
Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita.
Charles Darwin
– Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na“On the Origin of Language”,
sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha
ng iba’t ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Halimbawa: tsaa – nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos – nakuha sa
pakikipagsapalaran sa mga Espanyol.
Genesis 11: 1-9
–Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean
– Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic. Syria. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean.
Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic
ang kanilang wika.
TEORYANG YO-HE-HO
. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong magkatuwang o nagtutulungan
sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao
BALARILA
 Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)
b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.)
c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa
pinaplantsa.)
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
MgaHalimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.
Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.
Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.
Kung at Kong
KUNG
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.
KONG
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.
Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din
RIN at RAW
 Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw aty.
 Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
 Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
 Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.
DIN at DAW
 Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.
 Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.
 Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
 Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi
 Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.
 Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
 Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
 Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
 Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.
Ano ang diptonggo?
Ang diptonggo ay tunog na nabubuo sa pagsasama ng alinman sa limang patinig (a,e,i,o,u) at ng titik w o y.
* Ang patinig ay alinman sa limang titik na a, e, i, o, at u.
Halimbawa:
Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo dito ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa
pantig na liw.
Ang salitang sampay ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.
Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, iy, oy, o, uy kapag nahihiwalay sa pagpapantig ng
salita (a-li-wa-las).
Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng
salita (sam-pa-yan).
WASTONG GAMIT NG BANTAS
1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.
2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang
magkakauri.
Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.
8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa
pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal.
Halimbawa:
Ginoo;
Bb;
9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.
Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang
kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais
sabihin.
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.
Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroy …
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang -ukol,
pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.
1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng
mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.
3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.
4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.
5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng
pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.
7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Magandang bata.
8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay
9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap
10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
KASAYSAYAN NG WIKA
Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng
Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian
ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging
unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public
Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa
Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre
Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University)
bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong
1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese
Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat
ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa
Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang
noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang
SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon
C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman
nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng
Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-
ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga
patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging
pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at
nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel,
Maynila.
Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng mga Wika sa Pilipinas at
Komisyon sa Wikang Filipino
RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).
Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay
ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon
ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa
halip na isang disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan sa
daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng
mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga mamamayan, etnikong
pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang pambansa para sa pambansang kamalayan,
pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na tutugon
sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of wider communication) at wika ng
ugnayang pang-internasyonal.
Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga
sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa sa balarila ng Pilipinas;
programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa
pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa
endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives of
Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga
seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang website; nagkakaloob
ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo
ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at
higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.
NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)
Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang
Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong unibersidad o
kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng
paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal.
PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).
Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang ibinunsod ng SWP sa
kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino
(na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang
Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa
buong kapuluan.
JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)
Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika. Nagdaos ng mga
pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito
ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte, atb. Nailathala ang English-Tagalog
Dictionary na sinimulan sa panahon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan
ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay
tinawag na Pilipino.
CECILIO LOPEZ (1954-1955)
Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral sa
wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.
CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)
Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang
sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms,
Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP.
JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)
Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa ng
Diksiyunaryong Tagalog.
LOPE K. SANTOS (1941-1946)
Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa wikang
pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa UP, PNU at iba
pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa
wikang pambansa.
JAIME C. DE VEYRA (1937-1941)
Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinag-
aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang
pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong
1940.
Ebolusyon ng Wikang Pambansa
 Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan
ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong
mapagtibay.
 Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa buong bansa.
 Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
 Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7
na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upnag mailagan na ang
mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.
 Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na
nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap
mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang
Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20
titik:
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra:
a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z
Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at mga tuntunin ng
palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang
pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga
linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na
may 28 letra:
a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na
development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal
na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin,
karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j,
ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit
ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi
teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita.
Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro, estudyante,
magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006
ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na
pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino”.
Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa
pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa
mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay
ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007.
Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa
mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos,
1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng
kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang
magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.
Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop
ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang
humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang
wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng
katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng
komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino.
Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga katutubo na takot na
magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring
nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang pamamahala.
Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay ng
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal.
Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mga paaralang-
pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng
klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at pulitika. Sa
panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa
mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula
ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga
Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon.
Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang may kakulangan sa
paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala namang pagbabagong ginawa.
Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangt pagtuturo ay
nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya.
Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulat tungkol sa gramar
ng Tagalog, kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitang ang wikang Tagalog ay isang
mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, at higit na lahat, bilang wikang pambansa (Rubin
at Silapan, 1989:6).
Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at pinangatawanan ng
Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles. Matatag namang sinalungat ito nina
Rafael Palma at Cecilio Lopez.
Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang puwersang
tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabing grupo; watak-watak din sila
dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang binibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang
wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. Ang manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang
Ingles (Magracia at Santos, 1988).
Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles.
Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maikling kuwento, nobela,
tula at dula.
Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat sa wika. Ang mga
nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upang mapalaganap ang wika (Rubin at
Silapin, 1989:7).
Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa wika. Sumasang-
ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang bernakular ang maging wikang
pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod sa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles,
ang nasabing wika ang magsisilbing – daan sa paghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag
marunong kang magsalita ng banyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na posisyon sa gobyerno. Kung
komersiyo naman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang
maaaring makipagnegosasyon. Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay na kahalagahan ng isang
bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural, ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay
ng mga Pilipino.
Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang magmungkahi ang grupo
ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Ang
mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel L. Quezon na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt
ng Pilipinas. Ang pagsusog na ginawa ng pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo
XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935:
“ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.”
Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang pagpili ng
wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikong grupo.
Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) batay nga sa
probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt
Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-aaral ng mga
wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa
pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika ayon sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at
sinasalita ng nakararaming Pilipino.
Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuo nina:
Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa Samar
Cecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong Tagalog
Santiago A. Fonacier – Ilokano
Filemon Sotto – Cebu
Felix S. Solas Rodriguez – Hiligaynon
Hadji Butu – Muslim
Casimiro F. Perfecto – Bicol
Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at kumakatawan sa ilang
pangunahing wika sa Pilipinas.
Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan na Tagalog ang
gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasa at umayon sa pamantayang
kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon na nasasabing maihahanay ang Tagalog sa istandard
nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin at Silapan, 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng
sentro ng edukasyon, sentro ng kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.
Noong Nobyembre 9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang rekomendasyon kay Presidente
Quezon na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang taon, nagkabisa ang
kautusang ito.
Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramar ng
wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paarang pampubliko at pribado.
Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng pagsulong dahil
ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang
paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol sa Amerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko
ang mga Hapones, wikang Tagalog ang ginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang wikang NIponngo o
Hapon sa lahat ng antas. Sa bisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at
Niponggo. Masasabing naging maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng mga
Hapones.
Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog
batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na naman ang pagpapaunlad sa wikang
pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at
pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente Ramon Magsaysay noong
Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29
hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong ito para sa pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas
dahil Abril 2 ang kaarawan ng makata. Sa sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas
ni Presidente Ramon Magsaysay rin, ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipoat mula Agosto
13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na siyang itinuturing
na Ama ng Wikang Pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ng kapanganakan niya.
Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang pambansa noong
Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang dating
kalihim ng Edukasyon.
Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Naging popular na wika
ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino; ang mga dokumentong
panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad sa Pilipino; ang pamuhatan ng
mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya ay katumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang
wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon pati na rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks,
magasin at dyaryo.
Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipino bilang wikang
pambansa. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilang simbolo n gating kabansaan.
Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong Konstitusyunal; naging
mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay
ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:
Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.
Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas simula
pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong 1973 Konstitusyon ngunit hindi
naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay at pambansang pag-iimplementa nito.
Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986. Ang nasabing
komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ng Komisyon ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.
Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na nagsasaad:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang pagggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.”
“Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.”
Noong Pebrero, 1987, niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986 Konstitusyon at
tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr. Lourdes Quisumbing, ang dating
Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na
pinamagatang “Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng
“pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng
siyensya at teknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran Bilang
54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasong Bilinggwal
ng 1987” , at naglalahad ng mga dapat isagawa ng iba-ibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa
implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ng bansa. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang
mga insentibo at mga karagdagang sahod. May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat
ng lebel ng edukasyon sa buong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang
asignatura.
Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino ay nagpakita ng suporta sa
pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sa pagpapalaganap at
paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng Atas Tagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na
“nag-aatas sa lahat ng kagawaran, departamento, kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa
ng mga hakbang na kinakailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko, mga
gusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa Filipino.
Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa pamahalaan ay
makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mga programa ng gobyerno kasama
na ang mga proyekto.”
Bilang pangwakas, ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saan nakasalalay ang
tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?
Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas , “Ang tagumpay
ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng bansa, sa Kongreso, sa mga korte, sa
mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o institusyon.”

More Related Content

What's hot

Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipinoRita Mae Odrada
 
Batas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoAllan Ortiz
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
Kulturang popular
Kulturang popularKulturang popular
Kulturang popularJed0315
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekIda Regine
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoshekainalea
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaWENDELL TARAYA
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Shirley Veniegas
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wikaabanil143
 
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikapanghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikaGinalyn Red
 

What's hot (20)

Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipinoYunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
 
Filipino 101
Filipino 101Filipino 101
Filipino 101
 
Batas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang Filipino
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Kulturang popular
Kulturang popularKulturang popular
Kulturang popular
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipino
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wika
 
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wikapanghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
 
Ortograpiya
OrtograpiyaOrtograpiya
Ortograpiya
 

Similar to Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA

Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanon
Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya SinugboanonMga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanon
Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanonguestf98afa
 
Lesson k12 english
Lesson k12 englishLesson k12 english
Lesson k12 englishAdik Libro
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptELLAMAYDECENA2
 
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxlesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxjanemorimonte2
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500Tyron Ralar
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinossuser982c9a
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwaalmeron
 
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang IstiloPagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilojanus rubiales
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilojanus rubiales
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)NeilStephen19
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxBasconCalvinFrancis
 
Alternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxAlternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxrhea bejasa
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaRenalyn Arias
 
Katuturan ng pangngalan
Katuturan ng pangngalanKatuturan ng pangngalan
Katuturan ng pangngalanALVinsZacal
 

Similar to Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA (20)

Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanon
Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya SinugboanonMga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanon
Mga Batakan Sa Panitik Sa Binisaya Sinugboanon
 
Fil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wikaFil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wika
 
Lesson k12 english
Lesson k12 englishLesson k12 english
Lesson k12 english
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
 
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxlesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
 
Tayutay ppt
Tayutay pptTayutay ppt
Tayutay ppt
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwa
 
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang IstiloPagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
 
komuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptxkomuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptx
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
 
Alternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxAlternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptx
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
panghalip2.pptx
panghalip2.pptxpanghalip2.pptx
panghalip2.pptx
 
Katuturan ng pangngalan
Katuturan ng pangngalanKatuturan ng pangngalan
Katuturan ng pangngalan
 
fil7.pptx
fil7.pptxfil7.pptx
fil7.pptx
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 

More from Avigail Gabaleo Maximo (20)

Response to Letter of St. La Salle
Response to Letter of St. La SalleResponse to Letter of St. La Salle
Response to Letter of St. La Salle
 
La Sallian Reflection
La Sallian Reflection La Sallian Reflection
La Sallian Reflection
 
DLSAU Meditation (page 383)
DLSAU Meditation  (page 383)DLSAU Meditation  (page 383)
DLSAU Meditation (page 383)
 
ESP 10 MODULE 15
ESP 10 MODULE 15ESP 10 MODULE 15
ESP 10 MODULE 15
 
ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15 ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15
 
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
 
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
 
Pornograpiya (ESP Grade 10)
Pornograpiya (ESP Grade 10)Pornograpiya (ESP Grade 10)
Pornograpiya (ESP Grade 10)
 
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
 
Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin
 
ESP Grade 10 Module 10
ESP Grade 10 Module 10ESP Grade 10 Module 10
ESP Grade 10 Module 10
 
ESP Grade 10 Module 3
ESP Grade 10 Module 3ESP Grade 10 Module 3
ESP Grade 10 Module 3
 
ESP Grade 10 Module 2
ESP Grade 10 Module 2ESP Grade 10 Module 2
ESP Grade 10 Module 2
 
ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6
 
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
 
ESP Grade 9 Modyul 11
ESP Grade 9 Modyul 11ESP Grade 9 Modyul 11
ESP Grade 9 Modyul 11
 
ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12
 
Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10
 
Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3
 
Grade 10 ESP MODULE 2
Grade 10 ESP MODULE 2Grade 10 ESP MODULE 2
Grade 10 ESP MODULE 2
 

Recently uploaded

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 

Recently uploaded (20)

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 

Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA

  • 1. KASAYSAYANNG ALPABETO SANSKRIT/O - ang paraan ng pagsulatnaito ay isanguri ng paraang abiguda na gumagamitng katinig-patinignakombinasyon.Kung kaya’tmapapansinnaang pinakapayaknaanyo nitoay mayroonlamangtunogsa hulihanna/a/. Nilalagyanlamangng kudlitsaitaas upangmakalikhangtunogna nagtatapossa /e/at /i/at sa ibabanaman inilalagayupangmakalikhang tunogna /o/ at /u/. Wikangklasiko(classic) ng India;ginagamitsamgarelihiyonatpananaliksiksaagham Sinasabingpinagmulanngalibata ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN) - isangparaan ng pagsulatna ginagamitbagopa dumatingangmga Kastila.Itoay kahalintuladsasistemaoparaanng pagsulatng mga taongJava na tinatawagna kayi.Angparaan ng pagsulatna itoay pinaniniwalaangginagamitnanoong 14 na siglohanggangsa panahonng pananakopngmga Kastila.Angsalitangbaybayinaynangangahulugangispelingo pagbaybay. Katutubongsistemangpagsulat/alpabetongiba’tibangpangkatetnolinggwistikosaPilipinasmula 1000-1200 hanggang 1800. BAYBAYIN hangosa salitang“baybay”(tospell) ALIBATA hangosa “alif bata” (2 unang titiksaArabic: “alif”at “bet”) May kauntingpagkakaibaangbawatalibatapara sa bawatpartikularna wika(ibaangsa Tagalog,ibaang sa Bisaya atbp.) Di matiyakngmga eksperto Sa Celebes(matandangparaanngpagsulatng mga Javanese) Sa India(mulasa mga paraan ngpagsulatng iba’tibanglugar sa India:Sanskrit;Brahmi;Assametc.) ABECEDARIO - itoay binubuong29 na letraat hangosa Romanongparaan ng pagbigkasatpagsulat. AlpabetongKastila;mulasaAlpabetongRomano Isinusulatangmgatitik gaya ng sa alpabetongRomano Itinurosa pilingmgamag-aaral (samga klasengtinatawagnacaton,kadalasansa mga kumbentoatbp.) Ayawturuanng mga Kastilasa Pilipinasangmgaindiodahil alamnilangmatatalinoangmgaitoat kapagtinuruanng wikangEspanyol aymaiintindihanangginagawangpanlolokosakanila PilipinaslangangdatingkolonyangEspanyana di natutongmagsalitangEspanyol (malibansamgaintelektwal nanasa alta sociedadatgitnanguri/middleclass) ABAKADA - mulakay Lope K.Santos (1940) - binubuong20 letra - lima(5) ang patinig(a,e,i, o,u) - labinglima(15) ang katinig(b,k,d, g,h, l,m, n, ng,p, r, s, t, o, w, y) AlpabetongbataysawikangTagalog;binuoni Lope K. Santosat naisapublikosaaklatna Balarilang WikangPambansa (1940): a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y ALPABETONG PILIPINO(1976) - binubuong31 titik - ang datingabakadana binubuong dalawampung(20) titikay nadagdaganng labing-isa(11) pangtitikmulasa abecedario.Angmganaidagdagna titikay:c, ch, f, j,ll,ñ, q,rr, v, x at z ALPABETONG FILIPINO(1987) - binubuong28 titik: lima(5) ang patinigatdalampu’ttatlo(23) naman ang katinig.Angparaan ng pagbigkasaybataysa Ingles.
  • 2. KASINKAHULUGAN: 1. Kakawin – 2. Mangimbulo – inggit 3. Walang-silbi – walang saysay 4. Sapantaha – hinala 5. Hungkag – walang laman KASALUNGAT: 1. Hadlang – hayaan 2. Walang latoy – may lasa 3. Tandisan – hindi tiyak 4. Rumaragasang – 5. Alwan – pagdurusa Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Halimbawa : tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language. Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita. Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na“On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakikipagsapalaran. Halimbawa: tsaa – nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos – nakuha sa pakikipagsapalaran sa mga Espanyol. Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. TEORYANG YO-HE-HO . pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao
  • 3. BALARILA  Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na. a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?) b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.) c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa pinaplantsa.) Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin. MgaHalimbawa: Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez. Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina. Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot. Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya. Kung at Kong KUNG Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap Halimbawa: Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera. KONG Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng. Halimbawa: Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din RIN at RAW  Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw aty.  Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.  Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.  Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan. DIN at DAW  Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.  Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.  Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.  Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo. Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi  Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.  Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.  Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.  Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.  Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang. Ano ang diptonggo? Ang diptonggo ay tunog na nabubuo sa pagsasama ng alinman sa limang patinig (a,e,i,o,u) at ng titik w o y. * Ang patinig ay alinman sa limang titik na a, e, i, o, at u. Halimbawa: Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo dito ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay. Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, iy, oy, o, uy kapag nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan).
  • 4. WASTONG GAMIT NG BANTAS 1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda: A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit. 2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong: A. Sa pangungusap na patanong. Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? 3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo! 4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. 5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas: Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. 6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat 7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag. A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa. 8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. Halimbawa: Ginoo; Bb; 9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa: “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
  • 5. 10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere. 11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-tong ng nais sabihin. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Arroy … MGA BAHAGI NG PANANALITA Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang -ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing. 1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae 2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya. 3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Halimbawa: sayaw, tuwa, talon. 4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp. 5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos. 6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. Halimbawa: na, ng, g. magandang bata. 7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Magandang bata. 8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay 9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap 10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. KASAYSAYAN NG WIKA Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
  • 6. Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.” Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila. Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon. Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag- ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas. Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g). Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila. Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng mga Wika sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan). Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa halip na isang disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang pambansa para sa pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of wider communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.
  • 7. Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa sa balarila ng Pilipinas; programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives of Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika. NITA P. BUENAOBRA (1999-2006) Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal. PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999). Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang ibinunsod ng SWP sa kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947) Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika. Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte, atb. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary na sinimulan sa panahon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay tinawag na Pilipino. CECILIO LOPEZ (1954-1955) Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas. CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954) Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms, Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP. JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948) Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa ng Diksiyunaryong Tagalog. LOPE K. SANTOS (1941-1946) Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa. JAIME C. DE VEYRA (1937-1941) Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinag- aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.
  • 8. Ebolusyon ng Wikang Pambansa  Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.  Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.  Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.  Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.  Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano. Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita. Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007. Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos,
  • 9. 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad. Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag- ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino. Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga katutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang pamamahala. Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal. Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mga paaralang- pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala namang pagbabagong ginawa. Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangt pagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya. Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulat tungkol sa gramar ng Tagalog, kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitang ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, at higit na lahat, bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan, 1989:6). Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at pinangatawanan ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles. Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez. Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang puwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabing grupo; watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang binibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. Ang manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at Santos, 1988). Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles. Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maikling kuwento, nobela, tula at dula.
  • 10. Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat sa wika. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upang mapalaganap ang wika (Rubin at Silapin, 1989:7). Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa wika. Sumasang- ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang bernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod sa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles, ang nasabing wika ang magsisilbing – daan sa paghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag marunong kang magsalita ng banyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na posisyon sa gobyerno. Kung komersiyo naman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang maaaring makipagnegosasyon. Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay na kahalagahan ng isang bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural, ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng mga Pilipino. Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang magmungkahi ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel L. Quezon na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na ginawa ng pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935: “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.” Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang pagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikong grupo. Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) batay nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika ayon sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino. Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuo nina: Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa Samar Cecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong Tagalog Santiago A. Fonacier – Ilokano Filemon Sotto – Cebu Felix S. Solas Rodriguez – Hiligaynon Hadji Butu – Muslim Casimiro F. Perfecto – Bicol Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at kumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas.
  • 11. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasa at umayon sa pamantayang kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon na nasasabing maihahanay ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin at Silapan, 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng sentro ng edukasyon, sentro ng kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. Noong Nobyembre 9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang rekomendasyon kay Presidente Quezon na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang taon, nagkabisa ang kautusang ito. Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramar ng wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado. Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng pagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol sa Amerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones, wikang Tagalog ang ginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas. Sa bisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo. Masasabing naging maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng mga Hapones. Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan. Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong ito para sa pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan ng makata. Sa sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni Presidente Ramon Magsaysay rin, ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipoat mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na siyang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ng kapanganakan niya. Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang pambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon. Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Naging popular na wika ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino; ang mga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad sa Pilipino; ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya ay katumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon pati na rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo. Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipino bilang wikang pambansa. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilang simbolo n gating kabansaan. Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong Konstitusyunal; naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:
  • 12. Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino. Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong 1973 Konstitusyon ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay at pambansang pag-iimplementa nito. Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986. Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ng Komisyon ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na nagsasaad: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang pagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.” “Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.” Noong Pebrero, 1987, niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986 Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr. Lourdes Quisumbing, ang dating Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na pinamagatang “Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at teknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran Bilang 54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasong Bilinggwal ng 1987” , at naglalahad ng mga dapat isagawa ng iba-ibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ng bansa. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang mga insentibo at mga karagdagang sahod. May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat ng lebel ng edukasyon sa buong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura. Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino ay nagpakita ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng Atas Tagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, departamento, kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko, mga gusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa Filipino. Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa pamahalaan ay makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mga programa ng gobyerno kasama na ang mga proyekto.” Bilang pangwakas, ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saan nakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?
  • 13. Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas , “Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng bansa, sa Kongreso, sa mga korte, sa mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o institusyon.”