ARALING PANLIPUNAN 10 DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN AT LGBTQ+.pptx
1. Ang Mahalagang Papel na Ginagampanan ng
Kababaihan sa Pilipinas
(Sanaysay ni Jensen DG. Mańego)
Inilathala nang may permiso mula sa may-akda
Lalo na sa tradisyonal na lipunan sa Pilipinas, ang
papel na inaasahan sa kababaihan ay ang
pagsisinop sa tahanan at pag-aalaga sa pamilya.
Sila ang responsible sa mga gawaing-bahay, pag-
aalaga ng mga anak, at inaasahang makatutulong
sa pagtatanim (sa agricultural na komunidad).
2. Ganunpaman, may mga patunay na kahit
noon pa, may mga Pilipina na hindi nakontento
na maging taong bahay lamang, kundi nag-ambag
din ng ibang uri ng kontribusyon sa lipunan. Ang
mga halimbawa nito ay sina Gabriela Silang,
Teresa Magbanua, Melchora Aquino (Tandang
Sora), at Josefa “Pepa” M. Llanes – Escoda.
3. Sa kasalukuyan, maraming papel ang
ginagampanan ng mga babae sa Pilipinas. Sila
ay gumaganap bilang ina, anak, kapatid,
asawa, propesyonal, employer o negosyante,
empleyada, abogada, doktora, politiko, guro,
at marami pang iba.
4. Ganunpaman, ang maituturing pinakamahalagang
gampanin pa rin ng isang Pilipinan sa bansang Pilipinas ay
ang pagiging ina. Hindi matatawaran ang mga
responsibilidad na kaakibat nito. Malaki ang utang na loob
ng sinuman sa kani-kaniyang ina.
Ikaw, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal
sa iyong ina?
5. DISKRIMINASYON
•Ang diskriminasyon ay ang hindi patas o
hindi makatuwirang pagtingin o pagtrato
sa isang tao, o sa isang grupo ng mga tao
dahil sa kanilang anyo, lahi o rasa,
paniniwala o relihiyon, kasarian, gender o
seksuwalidad, at iba pa.
7. Paksa 1: Kahulugan at mga Anyo ng
Diskriminasyon sa Kababaiahn at LGBTQ
•Ang diskriminasyon sa kasarian (gender
discrimination), na kilala rin bilang
diskriminasyong seksuwal (sexual discrimination),
ay anumang aksiyon na nagkakait ng mga
oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao
(o isang grupo) dahil sa kasarian.
8. • Ang diskriminasyon batay sa gender (o sex)
ay isang paglabag sa mga karapatang sibil. Ang
pangkaraniwang biktima nito ay ang kababaihan
at an mga miyembro ng LGBTQ+ community.
• Ito ay makikita sa maraming anyo, kabilang
ang seksuwal na panliligalig (sexual
harassment), diskriminasyon sa pagbubuntis
(pregnancy discrimination) at hindi pantay na
bayad o sahod para sa kababaihan o miyembro
ng LGBTQ+ na gumagawa ng parehong trabaho
tulad ng mga sa lalaki.
9. Kung ang pagiging babae o
LGBTQ+ ng isang tao ay
ginawang salik o kadahilanan
para hindi siya kunin sa trabaho
o hindi siya makatanggap ng
isang promosyon, ito ay isang
halimbawa ng diskriminasyon.
10. Ang isa pang halimbawa ay ang paggamit
ng banyo ng isang transgender. May isang batas
sa North Carolina, na ipinasa noong 2016, na
nagtatakda na ang paggamit ng banyo ay batay
sa sex na nakalista sa sertipiko ng
kapakanganakan ng mga tao, hindi sa kanilang
gender. Gayunpaman, ang batas ay
kinuwestiyon sa korte, at noong 2019,
pinagtibay ng hukuman ang karapatan ng mga
transgender na gumamit ng banyo ayon sa
11. Sa Pilipinas, nag-viral sa social media noong
Agosto 2019 ang Facebook live video ng isang
transgender woman na si Gretchen Custodio
Diez. Sa video ay sapilitan siyang hinihila ng
janitress ng isang mall sa Cubao, sa Quezon City
matapos siyang sitahin.
Nakapila di umano si Diez para magbanyo sa
Women’s CR ng mall nang sitahin siya sa ng
janitress at palipatin sa banyo ng lalaki. Nang
mag-video si Diez, tila ikinagalit pa diumano ito