3. Ang LGBT ay inisyal na nagsasaamang tumutukoy sa mga taong
“lesbiyan, gay, biseksuwal, at mga transgender“. Ginagamit na
ito simula pa noong dekada ’90, na hango sa inisyal na “LGB”, at
upang palitan ang pariralang “gay community”, na ginamit
noong dekada 80’s, na kung saan marami sa napapaloob sa
komunidad ang nadama na hindi ito ang tumpak na
kumakatawan sa kanila o sa sinuman na tinutukoy nito. Ang
initialismong ito ang naging pangunahing marka na ginagamit ng
karamihan ng na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang
pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya sa
Estados Unidos at sa ilang pang bansang gumagamit ng wikang
Ingles.
4. Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang
pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad
at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit
upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa
halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal,
biseksuwal at transgender. Upang makilala ito isang
popular na titik ang idinagdagdag, ang titik Q para sa mga
kilala bilang queer at questioning o tinatanong kanilang
sekswalidad na pagkakakilanlan (halimbawa, “LGBTQ” o
“GLBTQ”, na naitala mula noong 1996).
5. Ayon kay Neil Bryan Llemit Isa itong topic na nagdala ng
alon sa ating lipunan. Kanya-kanyang opinyon, kanya-
kanyang pinaglalaban. Ano nga ba ang LGBT?-Ang LGBT
ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong
“lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga transgender”.Ang
katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang
pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad
at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit
upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa
halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal,
biseksuwal at transgender.
6. Ang panliligalig sa sekswal at dahil sa kasarian ay
mga uri ng diskriminasyon. Nakakasakit ito sa
karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na
hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang
kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na
panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa
kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay
hindi tinatanggap. Ito’y labag sa batas.
7. Kung yung mga pangit o lampa, at minsan yung mga may
kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) ay nakakaranas din ng
ganoon. Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang
pinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ay
napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti pa lang
natatanggap ng lipunan. Kung ang straight ay naloloko sa
relasyon at paulit-ulit na nasasaktan at nate-take for granted,
ganun din sila. Kung yung mga Pinoy at Asians ay
nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa
modernong daigdig na ito, ganun din sila. So ano ang bottom
line nito? Tao rin sila. Kagaya natin, nasasaktan, may
nararamdaman, may pinaglalaban. Tao rin sila na kailangan
nating irespeto tulad din ng nais natin na irespeto tayo bilang
tao.
8. Sa panahon natin ngayon maraming ng pagbabago ang
nagaganap, hindi lamang sa ating kapaligiran pati na rin sa
ating mga sarili. Sa populasyon natin ngayon halos
kumakalahati na ang nabibilang sa LGBT (Lesbian Gay
Bisexual Transgender) Community, maraming sumang-ayon
na maipatayo ang organisasyong ito subalit marami ring di-
sumang-ayon, isa na rito ang simbahang katoliko. May iba’t
ibang opinyon ang mga tao ukol sa suliraning ito. Marami
sa kanila ay ayaw tanggapin ang pagkatao nila sapagkat ito
raw ay labag sa bibliya o walang kalalagyan sa mundo may
iba naman na nagsabi na di natin sila mapipilit sa anumang
maging kasarian nila at respetuhin na lang kung ano sila.
9. Sa mga naririnig ko at nakikita ko di madali ang sitwasyon
nila kasi kailangan pa nilang marinig ang mga iba’t ibang
opinyon ng mga tao, maganda man o di kanais-nais,
mahirap din sa kanila na tanggapin ang bawat masasakit
na salita kung ito ay patungkol sa pagkakaroon ng
relasyon sa parehong sekswalidad lalo na ang same sex
marriage na inaprobahan na sa ibang bansa. Sumasang-
ayon ka ba na ipatupad ang batas na nagsasabing pwede
magpakasal ang lalaki sa lalaki at babae sa babae? Ang
suliraning ito ay kasalukuyang pinagdedebatihan na sa
korte suprema.
16. Sa mga rehiyong ito ng mundo,mahigpit
ang lipunan para sa mga babae lalo na
sa mga miyembro ng komunidad ng
LGBT.
17. Matagal ang panahong hinintay ng mga
babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto.
Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo
nang payagan ng ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya ang mga babae na
makaboto.
18.
19. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa
paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila
ay hindi pa maaaring bumoto (ayon sa pangako ni
Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila
makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may
pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng
sasakyan nang walang pahintulot sa kamag- anak na
lalaki (asawa, magulang, o kapatid).
20. Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan
AFRICA KANLURANG ASYA
Egypt (1956) Lebanon (1952)
Tunisia (1959) Syria (1949, 1953)
Mauritania (1961) Yemen (1967)
Algeria (1962) Iraq (1980)
Morocco (1963) Oman (1994)
Libya (1964) Kuwait (1985, 2005) *
Sudan (1964)
21. Ang paglalakbay rin ng mga babae ay
napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi
pinapayagan ang mga babae na maglakbay
nang mag-isa o kung payagan man ay
nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso
(seksuwal at pisikal).
22. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO),
may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na
bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng
WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa
mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng
gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan.
23. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang
proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-
panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na
nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at
maging kamatayan.
24.
25. Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape
sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago
ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa
rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations
Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso
rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga
miyembro ng LGBT.
26.
27.
28.
29. Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret
Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay
nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea
upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa
lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo
nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat.
Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at
maging sa Estados Unidos.
32. Nang marating nina Mead at Fortune ang
Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang
mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila
na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa
maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang
pamilya at pangkat.
33. Samantala sa kanilang namang pamamalagi sa
pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na
Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay
kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat.
34. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din
na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga
bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang
dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya,
samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang
abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa
mga kuwento.
Natalakay natin noong nakaraan ang tungkol sa mga gender roles dito sa pilipinas, ngayon nmn magtravel tayo sa ibang bansa upang alamin kung ano nmn ang mga naging gampanin ng mga lalaki,babae at ng mga LGBT sa ibang mga bansa.