3. Ang artikulong ito ay tungkol sa mga negatibong epekto
ng Internet at social media sa mga kabataang nahuhumaling
dito. Nabanggit din sa artikulong ito ang isang Filipino
Independent Film na pinamagatang “Unfriend” ni Joselito
Artalejos na sumasalamin ng mga epekto ng social media at
ang pagkalulong ng mga tao sa “virtual world”. Ayon sa
isang panayam, ibinahagi ng isang dalagita ang kaniyang
pagka-adik sa Internet. Magdamag siyang nakatutok sa
kaniyang kompyuter na kahit sa kaniyang paggising at
pagtulog, hindi nawawala ang Internet sa kaniyang tabi.
Ang kaniyang pagkahumaling sa Internet ay nagpatuloy
hanggang sa humantong ito sa pag-aaway at pagbibigay ng
banta sa mga naging kaaway niya.
4. Sa isa pang pangyayari, binaril ng isang binatilyo ang
kaniyang kasintahan at dokumentado sa Facebook ang mga
detalye tungkol sa plano ng pagpatay. Ayon naman sa isang
sociologist na si Prof. Gerald Abersos, milyon-milyong
Pilipino ang nahuhumaling sa social media dahil sa tingin
nila ay marami silang nalalaman at maaari nilang itago ang
kanilang pagkakakilanlan pero, sa totoo lang, ay mas
lumiliit lamang ang kanilang mundo at maaaring
humantong ito sa depresyon, pagbaba ng kumpiyansa sa
sarili, pagka-adik at ang malala pa, kamatayan.
6. Si ROLANDO A. BERNALES ay nakapagtapos
ng BSE-Filipino bilang cum laude at ng graduate
certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching) sa
Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal
University. Siya rin ay kumuha ng Ed.D sa Educational
Management sa University of Makati. Siya ay naging
Puno ng Departamento ng Filipino ng limang taon at
isang taon naman bilang Puno ng Departamento ng
Linggwahe at Literatura sa University of Makati.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang
7. Professor II at Executive Director ng Center for
Innovative Education and Sciences. Siya rin ay isang
awtor, ko-awtor-editor, at/o consultant ng hindi
kukulangin sa 70 mga aklat sa wika, pagbasa at
panitikan sa antas preschool, elementarya, at sekundarya
at isang akademik konsultant ng Mutya Publishing
House, Inc. Isa rin siyang malikhaing manunulat ng tula,
kuwento, at sanaysay. Siya ay napabilang sa Ten
Outstanding Students of the Philippines (1989). Siya ay
8. nakatanggap ng Award for Exemplary Performance as a
Public Servant (2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng
Makati at siya rin ay naging Palanca Awardee. Siya ay
miyembro ng KAGURO, SANGFIL, at APNIEVE at
naging panghabambuhay na kasapi ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.
10. “Mahirap ang maging mahirap, ngunit mas mahirap
kung walang pangarap.” Ito ang linya mula sa isang
batang minsan ay nagkaroon ng pangarap at ngayon ay
isang ganap at matagumpay na guro.
Kay dami-daming pangarap ang nababalewala dahil
sa kawalan ng pagkakataong makapag-aral. Andami-dami
ring mga pangarap ang napupunta sa basura dahil sa
kawalan ng pag-asa. Bakit nga ba ito nangyayari? May
naiisip ba kayong dahilan? Kung naiisip niyo ang
kahirapan bilang isa sa mga dahilan sa pangyayaring ito,
11. tama kayo. Libo-libong pangarap ang nasasayang dahil sa
kahirapang patuloy na nagpapalugmok sa ating buhay,
lalong-lalo na sa mga batang Pilipino na may malalaking
pangarap para sa kanilang sarili at pamilya.
Ayon sa isang artikulo ni Nicole Leynes na
pinamagatang “Kahirapan”, ang kakulangan sa edukasyon
ang isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng
mga taong nakakaranas ng kahirapan. Dahil dito, hindi
sila nagkakaroon ng sapat na kaalaman upang maitaguyod
ang kanilang pamilya at dapat sana’y ang edukasyon ay
12. karapatang panlahat. Idinagdag ng artikulong ito ang
mga epektpo ng kahirapan sa kabataang Pilipino. Isa na
rito ang maagang pagbubuntis. Napapasok ang mga
kabataang sa ganitong uri ng realidad dahil wala silang
wasto at sapat na kaalaman tungkol sa mga
responsibilidad sa pagbuo ng pamilya. Tinalakay din dito
ang maagang pagtatrabaho. Napipilitang magtrabaho ang
mga kabataang kahit mababa lamang ang sahod para
lamang makatulong sa pamilya.
13. At dahil dito, mas nahihirapan silang makahanap ng
maayos na trabaho sa malaking kompanya dahil wala
silang sapat na edukasyon. May iba ring nagiging
desperado na sa buhay at pinipili nilang manirahan sa
kalye at gumawa ng krimen, katulad ng pagnanakaw.
Ngunit ang kahirapan nga ba ang dahilan sa lahat ng
nabanggit na epekto? Makatarungan ba na isisi sa
kahirapan ang pagkawala ng ating mga pangarap? Sa
tingin ko, hindi makatarungan iyon. Kailangan din nating
14. isipin na may kahirapan dahil mas pinili natin ang
magpakahirap. Ayon nga sa isang kasabihan, “ang
kahirapan ay hindi balakid sa ating tagumpay.”
Kailangan nating magsikap at matutong mangarap kahit
gaano pa kahirap ang sitwasyon. Maraming paraan kung
gusto talaga nating makamit ang ating mga pangarap.
Huwag nating hayaang mawala sa atin ang mga ito at
huwag din nating hayaang malugmok nalang tayo sa
kahirapan.
15. Kaya bilang isang mag-aaral, bilang isang mapalad
na mag-aaral, dapat hindi natin sayangin ang
pagkakataong makapag-aral. Tiisin natin ang tumpok-
tumpok na gawain dahil sa huli, magkakaroon din tayo ng
magandang kinabukasan. Magsikap tayong lahat dahil
may mga taong gustong makapag-aral ngunit hindi sila
makapasok sa paaralan dahil sa kahirapan sa buhay. Kaya
magpursige tayo at magpasalamat na tayo ay nakakapag-
aral at hindi natin kailangang gumapang sa hirap para
lamang makamit natin ang ating mga pangarap.
17. Ang pagmamahalan ng babae at lalaki ay isang
napakagandang pakiramdam na kanilang payayabungin
hanggang sa umabot sila sa kasalan. Ngunit hindi lahat
ng kuwento ay parang isang fairy tale. Sa paglipas ng
panahon bilang isang mag-asawa, dumadating ang mga
mabibigat na problema na humahantong sa sakitan,
pagtataksil, at sa ibang kaso ay pagmamaltrato at pang-
aabuso. Sa ganitong pangyayari, dapat bang ikonsidera
ang pagpapatupad ng divorce? Makakabuti ba ito sa
parehong panig? Sa tingin ko, dapat ipatupad ang
divorce at sang-ayon ako rito sa tatlong kadahilanan.
18. Una, maraming Pilipino ang sumasang-ayon sa
pagpapatupad ng divorce. Sa isang sarbey na
isinagawa noong Marso 25 hanggang 28 at Disyembre
8 hanggang 16, 2017, 53% ng Pilipino ang sumasang-
ayon sa divorce at 32% lamang ang hindi sang-ayon
rito. Base naman sa pinakahuling sarbey ng SWS o
Social Weather Station noong 2015, tatlo sa kada
limang Pilipino o 60 porsiyento ang pabor sa
pagpapatupad ng divorce. May kasalukuyang batas
ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay
19. ng mag-asawa at ito ang legal separation at annulment of
marriage ngunit, hindi naging mainam na tugon ang mga
ito sa mga kaso ng pang-aabuso, pagtataksil, at iba pa.
Kaya dapat lamang na maisabatas ang divorce para sa
kapakanan ng dalawang panig.
Pangalawa, ang divorce ay nagpapadali sa proseso
ng paghihiwalayan at ito ay hindi magastos. Bibigyan
ang petitioners o litigants ng oportunidad na maghain ng
divorce kahit walang litigation fee. Sa ilalim din ng
panukalang ito, magtatalaga ang korte ng abogado, social
20. workers, psychologists, at psychiatrists para umasiste sa
petitioners na walang pinansyal na kakayahan. Itinalaga
rin ang House Bill 1062 at 2380 na inihain nina Surigao
del Norte Rep. Ace Barbers at Gabriela Rep. Arlene
Brosas ang paghihiwalay ng mag-asawa ng 5 taon sa
panahong inihain ang petition for divorce at may
mandatory cooling-off na 6 na buwan matapos maihain
ang petisyon.
Pangatlo, mas makakabuti ito sa mga anak ng mag-
21. asawa, kung mayroon man, dahil magkakaroon sila ng
pagkakataong maging malaya sa anumang sakit at
pagdurusa. Magkakaroon din ito ng isang mapayapang
kapaligiran. Napakahirap kung ang mga anak ay
magkakaroon ng hiwalay na magulang ngunit mas
makakabuti ba sa kanila ang pagkakaroon ng
problemadong buhay? Hindi. Maaaring humantong ang
ganitong uri ng buhay sa pagkakaroon ng trauma o
humantong sa problemadong sosyal na buhay ng bata.
22. Ayon nga sa Simbahang Katoliko, ang divorce ay
isang "anti-marriage at anti-family" dahil sinasalungat
nito ang kahalagahan ng pagpapakasal ngunit, kung
ating iisipin, ang lahat ng tao ay may karapatang
magpakasal at dapat ding magkaroon ang mga tao ng
karapatang wakasan ang kanilang kasal. Ang divorce ay
dapat maging solusyon sa problemadong buhay ng
mag-asawa na may katanggap-tanggap at mabibigat na
dahilan.
23. Ang divorce ay isang sensitibong paksa at iba-iba
ang opinyon ng mga tao rito. Ngunit kung ako ang
tatanungin, ang divorce ay dapat maisabatas dahil
makakabuti ito sa mag-asawang nakakaranas ng
malubhang problema sa kanilang buhay mag-asawa.
Ngunit, dapat isaalang-alang ang kabigatan ng problema
at hindi dapat na gawing opsyon o laro-laro lamang ang
paghain ng divorce. Dapat isaisip natin na ang diborsyo
ay dapat lamang sa problemang kagaya ng pagtataksil o
pang-aabuso.
25. Layunin: Mapabatid na ang pagtaas ng inflation rate ay mas
nagpapahirap sa mga tao.
Thesis Statement: Ang pagtaas ng inflation rate ay mas
nagpapahirap sa mga tao.
Anyo: Explanatory Synthesis
Uri: Background Synthesis
Ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay nangangahulugang
kailangang magtipid at mag-budget nang mabuti ang mga tao.
Ngunit sa paglipas ng panahon, mas tumataas ang inflation rate
kaya mas nahihirapan ang mga tao.
26. [Paghahambing]
Ayon sa isang artikulo na isinulat ni JC Punongbayan, ang inflation ay
may kaakibat na masamang epekto lalong-lalo na sa mga mamamayan.
Bukod sa patuloy na pagmahal ng krudo at paghina ng piso kontra dolyar,
mayroon din tayong krisis sa bigas, gulay, at isda. Ito ay nakakaalarma dahil
ang pagkain ang pinakamahalagang bahagi ng basket of goods. Kung kaya’t
mas umaaray ang mga mamimili dahil dito. Ngunit sa ipinahayag naman ni
Vince Rapisura, ang inflation ay nagdudulot rin ng mabuting epekto hindi
lamang sa ekonomiya kundi pati na rin sa mga mamamayan dahil nga sa
pagtaas ng bilihin, nahihikayat ang mga mamamayang magkaroon multiple
sources of income. Wala tayong takas sa inflation kaya kailangan natin itong
tanggapin at paghandaan. Sa pamamagitan ng multiple sources of income,
mas maraming mapagkakakitaan ang mga mamamayan at mas maraming
pera ang maaaring gamitin pambili.
27. [Paghahalimbawa]
Tinalakay naman sa isang ulat ng “Brigada” ng GMA News TV,
sa pinakahuling tala, pumelo na sa 5.7% ang inflation rate sa bansa at
ito ang pinakamataas sa loob ng limang taon. Pero hindi lang ito basta
numero para sa pangkaraniwang pamilyang Pilipino, kundi indikasyon
din ng mas paghihigpit sa sinturon pati na ng pagpiga sa manipis nang
budget dahil sa kaakibat nitong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin sa merkado.
28. [Konsesyon]
Ang paglobo ng presyo ng mga bilihin dahil sa inflation ay talagang
nagpapahirap sa mga tao. Ngunit kailangan nating isipin na mayroong
positibong epekto ito. Isa na rito ang pagbabalanse ng gastos ng pamahalaan
at kita mula sa buwis. Isa sa dahilan kung bakit may inflation ay ang pagtaas
ng gastos ng pamahalaan kaysa sa kita mula sa buwis kung kaya’t ang
inflation ang naging kasagutan upang mabalanse ang mga ito. Kaya bilang
mamamayan, kailangan nating isipin ang mas kapaki-pakinabang na rason
kung bakit tumataas ang inflation. Umaaray man ang ating mga bulsa ngunit
nakakatulong naman tayo sa ekonomiya ng bansa. Hindi magtatagal,
mararamdaman din natin ang dahan-dahang pagsipa ng kaginhawaan at
hindi na pagsipa ng presyo ng bilihin.
30. Layunin: Mapabatid na ang inflation ay nakakaapekto sa buhay ng tao
lalo na sa pinansyal na kakayanan ng mga ito.
Thesis Statement: Lubhang nakakaapekto ang inflation sa buhay ng
tao lalo na sa pinansyal na kakayanan ng mga ito.
Anyo: Argumentative Synthesis
Uri: Thesis-Driven Synthesis
Ang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa TRAIN Law
o inflation ay nagbibigay ng dagok sa mga mamamayang
Pilipino, lalong-lalo na sa mga estudyante at mga
ordinaryong Pilipino.
31. [Paghahambing]
Ayon kay Joshua Mata, ang Secretary General ng SENTRO, hindi
sapat ang pagbibigay ng pabuya ng pamahalaan na pag-alis ng buwis sa mga
manggagawang may taunang kita na 250-libong piso dahil binabawi naman
ito sa pagtaas ng buwis sa mga produktong karaniwang kinokonsumo ng
mamamayan. Dismayado si Mata sa pagpapatupad ng pamahalaan ng
panibagong tax measure sa kabila ng bigong pagtugon sa patuloy na pagtaas
ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa. Mas nagpapahirap lamang ito sa
mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa mahihirap. Gayundin ang
pahayag ni JC Punongbayan na bukod sa patuloy na pagmahal ng krudo at
paghina ng piso kontra dolyar, mayroon din tayong krisis sa bigas, gulay, at
isda. Ito ay nakakaalarma dahil ang pagkain ay ang pinakamahalagang
bahagi ng basket of goods. Kapag mas mataas ang presyo ng bilihin, mas
magkakaroon ng posibilidad na hindi makakakain ang mga mamamayan
dahil sa mas mataas na presyo ng mga pagkain.
32. [Paghahalimbawa]
Ayon naman kay Javellana, malaki ang naging epekto nang
ipinatupad ng pamahalaan ng reporma ng pagbubuwis o ang TRAIN
Law dahil nagdulot ito ng paggalaw hindi lamang sa presyo ng
produktong petrolyo kundi maging sa mga spare parts ng mga
sasakyan. Napilitan ang LTFRB na aprubahan ang pagtaas ng pamasahe
para makatulong sa mga tsuper. Naaapektuhan na rin ang mga mag-
aaral dahil sa pagtaas ng pamasahe. Imbis na makapagtipid para sa pag-
aaral, hindi na ito nagagawa dahil sa pamasahe pa lamang ay umaaray
na ang kakayahang pinanasyal ng mga mag-aaral.
33. [Konsesyon]
Ang inflation ay nagpapahirap sa mga tao lalong-lalo na sa
mga ordinaryong mamamayan. Hindi ito maiiwasan ngunit bilang
mga mamamayan na naaapektuhan nito, kailangan nating maging
“matalino” sa pag-budget ng mga bilihin. Kailangan nating
maging masinop sa ating pera para hindi madagdagan ang ating
paghihirap dahil bilang mga tao, hindi natin kailangang iasa palagi
sa pamahalaan ang paginhawa ng ating mga buhay.
36. Ako ay isang taong hindi halos lumalabas ng
bahay. Kahit ang tamang pangalan ng mga lugar ay
hindi ko kabisado. Ngunit nabigyan ako ng pagkakataon
upang makalabas ng bahay at gumala. Isang
pagkakataon kung saan magkakaroon ako ng panahong
makakilala ng ibang tao at makaranas ng mga
napakagandang karanasan.
Naanyayahan akong bumisita at makisaya sa isang
lugar kung saan nagkaisip at lumaki ang aking tatay. Sa
mahigit anim na oras kong paglalakbay, nadaanan ko
ang mga mabeberdeng bundok na halatang
37. alagang-alaga ng mga tao at ang dagat na kasing-asul ng
langit. Sadyang nakakabighani ang mga tanawin na
aking nakita hanggang sa ako ay nakarating na nga sa
lugar na aking pupuntahan. Ang Paniabonan, Mabinay!
Ang Paniabonan ay kabilang sa 32 na barangay ng
Mabinay. Kilala ito dahil sa sikat na Pandalihan Cave na
kilala bilang isang “Courting Cave” dahil kadalasan na
dinadala rito ng mga kalalakihan ang babae na kanilang
napupusuan. Ayon sa isang historical survey, ang
38. populasyon ng lugar na ito noong 1990 ay 3,054 at sa
taong 2015, 3,503 ang kabuuang bilang ng mga
naninirahan dito.
Sa ilang araw kong pamamalagi roon, nasaksihan
ko ang simpleng pamumuhay ng mga tao. Nag-aalaga
sila ng mga hayop upang mayroon silang maibenta sa
merkado at marami ring mga tindahan doon. Halos
magkalapit lamang ang mga ito ngunit iba-iba naman
ang tinitinda kaya marami kang pagpipilian. Kilala
naman ang aking lola sa pagtitinda ng “lumboy” o ang
39. sigarilyo na gawa sa dahon at dinadayo ito ng mga tao.
Sikat din dito ang mga “ukay-ukay” at “videoke bar” sa
lugar. Sumasabay sa init ng umaga ang nag-iinit na
pagsisikap ng mga tindera upang maibenta lamang ang
mga paninda at sa gabi naman, sumasabay sa malamig na
simoy ng hangin ang mga boses ng nagkakantahan. Hindi
ka man makakatulog ngunit tiyak na hindi ka rin
mayayamot sa mga maiingay na musika dahil kahit minsan
ay sintunado ang kumakanta, maaaliw ka naman sa
kanilang mga boses at tiyak ay masasabayan mo pa ito.
40. May isang araw na nagising ako sa ingay ng mga
sasakyan at saktong-saktong papunta ang aking mga
pinsan sa Kabugan. Ito ay pangalan ng isang bundok
kung saan pinapastol ang mga kambing, baka, at mga
kalabaw ng mga taga-roon. Pero aakyatin namin ang
Kabugan para kunin ang mga iihawing manok para sa
isang malaking selebrasyon, ang pista ng Paniabonan!
Napakahirap ng daan at kami ay nahirapan sa pag-akyat
ng bundok. Muntikan na nga kaming naligaw dahil may
bahagi roon na masukal at nakakalito ang daan. Mabuti
nalang at hindi umuulan nung panahong iyon.
41. Masakit man sa paa at sa buong katawan ay masaya
naman pagkarating namin sa tuktok. Kitang-kita ko ang
mga bahay ng iilang residente at nakakawala ng pagod
ang mabeberdeng halaman at mga puno na nakapalibot
sa Kabugan. Nagpahinga muna kami ng ilang oras at
pagkatapos ay umuwi na rin kami.
Sa araw ng Pista, masaya ang lahat. Maaari kang
pumunta sa mga bahay at kumain. Hindi mo kailangang
mag-alala dahil sasalubungin ka naman ng mainit na
pagtanggap ng mga tao. Kung mabubusog ka sa mga
42. sari-saring pagkain sa umaga, mabubusog ka naman
sa saya pagsapit ng gabi. Samu’t saring laro ang
iyong malalaro at kahit nga limang piso lamang ang
dala-dala ko noon ay nadagdagan pa ito at dumami.
Tiyak ay hindi ka dadalawin ng antok dahil sa saya at
sigla na mararamdaman mo sa lugar. Kahit na walang
internet connection ay mag-eenjoy ka pa rin.
At sa araw ng aking pag-uwi, alam kong
babalik-balikan ko ang lugar na iyon. Hindi lang
43. dahil sa doon nakatira ang aking lola kundi dahil na rin sa
masasaya at bagong karanasan na aking nakuha sa lugar
na iyon. Hindi man kasing laki ng siyudad ang
Paniabonan, marami naman akong nagawang alaala.
Hindi ko man napuntahan ang Pandalihan Cave ay
masaya pa rin dahil alam kong marami pang dadating na
pagkakataong makapunta at makapamasyal doon. Wala
mang internet connection doon ay hindi ibig sabihin na
mababagot ka roon. Patunay lamang ang aking karanasan
na hindi kailangan ng social media para maranasan
44. ang mga kakaibang bagay dahil ang kalikasan lamang
ay sapat na para mawala ang iyong pagkabagot. Sa lahat
ng manlalakbay, nais kong irekomenda sa inyo ang
Paniabonan at gusto ko lamang sabihin na mas maganda
kung pupunta kayo sa buwan ng Abril dahil sa buwan na
ito nangyayari o ipinagdiriwang ang pista. Alam kong
mag-eenjoy din kayo kahit wala mang internet
connection. Ang inyong sarili at kamera lamang ay sapat
na para makaranas at makakuha ng magagandang alaala
sa lugar na iyon.
46. Paksa: Kasawian sa Sarili
Sa ating araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundo,
hindi nagtatagumpay ang mga taong hindi nagsisikap at
nagpupursige. Naiiwan ang mga taong walang alam gawin
kundi ang umasa sa ibang tao at hindi natututo ang mga
taong patuloy na nagpapalunod sa katamaran. Marahil ay
maraming beses niyo nang narinig ang salitang
"katamaran", dahil ako? Hindi lilipas ang araw na hindi ko
naririnig ang salitang ito.
47. Hindi ko alam kung likas na ba sa'kin ang
pagiging tamad o sadyang ayoko lang kumilos kahit
na ako ay inuutusan. Naalala ko pa noong inutusan
akong maglaba ng damit. Hindi ko ito nagawa dahil sa
kagustuhan kong matulog nalang. May iba pang
pangyayari kung saan napagalitan at napagsabihan ako
dahil sa hindi ko nagawa ang mga bagay na
ipinapagawa sa akin. Pero, hindi ko alam kung bakit
hindi pa rin ako natututo. Kahit anong sabihin ng mga
magulang ko ay hindi ko pa rin nasusunod. At hindi
48. lamang ako tamad sa paggawa ng mga gawaing bahay.
Dumadating din ang katamaran sa tuwing gumagawa ako
ng mga plano para sa sarili ko. Isang halimbawa na rito
ang pagpaplano kong mag-ehersisyo. Plinano kong mag-
ehersisyo dalawang beses sa isang araw ngunit hindi
naman nangyari. Kaya minsan ay nagagalit ako sa sarili
ko dahil alam ko namang kaya kong gawin ang mga
bagay na gusto kong gawin pero dahil sa katamaran, hindi
ko nagagawa. Minsan hindi ko na rin naiintindihan ang
sarili ko at napapatanong nalang ako sa sarili ko kung
kailan ako magbabago.
49. Nakakapagod isipin na hindi lumilipas ang mga
araw na hindi ko naririnig ang salitang "katamaran".
Nakakapagod isipin na kahit maliit na bagay lang ay
hindi ko nagagawa dahil sa pagiging tamad ko. Gusto ko
na ring baguhin ang sarili ko para maging isang
produktibong tao at para magawa ko iyon, kailangan
kong simulan ito sa sarili ko mismo. Walang kahit
sinuman ang makakatulong sa akin kundi ako lang. At
sisimulan ko ito sa isang maliit na hakbang.
54. At kahit ang
malalakas na
tao ay unti-
unting
nagiging
mahina dahil
sa mga
problema sa
buhay.
55. Ngunit huwag
tayong mag-
alala. Ang mga
sugat ng ating
buhay ay hindi
panghabambu
hay. Darating
din ang araw
ng paghilom
ng mga ito.
56. Sabayan
natin ang agos
ng buhay. May
pagkakataong
tayo ay
maiiwan
ngunit may
pagkakataon
ding tayo ay
giginhawa.
57. Ang mga
sugat na nasa
ating puso ay
nagsisilbi
lamang na
paalala na tayo
ay malakas.
58. At ang mga
peklat na
idinudulot nito
ay pahiwatig
lamang na tayo
ay naging
malakas ng
mas matagal.
59. Ganyan ang
buhay. Lubak-
lubak, masukal,
mabato o sira
man ang daan,
kayanin natin.
Hindi sa lahat
ng pagkakataon
ay tayo ay
matutumba at
masasaktan.