SlideShare a Scribd company logo
Aralin 3.2
Akdang Pampanitikan mula sa Iran o Persia
Mga Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat sa napakinggang anekdota
(F10PNIIIb-77)
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81)
3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT-
IIIb77)
4. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota (F10PU-IIIb-79)
5. Nakapagsusulat ang isang orihinal na komiks istrip ng anekdota
(F10PUIIIb-79)
6. Nakapagibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood
sa youtube (F10PD-IIIb 75)
MGA DETALYE SA BANSANG IRAN o PERSIA
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga
tao na binabanggit kasama ang Medo, at mga
Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng
sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad
ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng
katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag
nila sa maraming bansa sa daigdig. Kabilang sa
kultura ng Persia ay ang “Sufism”-ang relihiyon na
kakikitaan ng mga kasabihan na nagpapaunlad ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng pandama.
Masusuri ang kanilang tapat na pakikipamuhay sa
kapwa at mga naiambag ng kanilang mahuhusay na
mga manununulat sa mundo ng pilosopiya at
paniniwala.
Akasya o Kalabasa ni Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay
maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang
naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao
na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at
pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-
aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga
sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang
mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod.
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at
inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng
kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi
muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang
anak na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating
nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang
paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan
nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap
ng dikakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang
babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan
ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at
makikipagusap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na
bating galang ng magama. “Magandang umaga po
naman,” tugon ng punung-guro na agad naming
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?” “E, ibig ko po
sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-
guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa
aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang
Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano
po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring
ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol
sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos
agad, upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa,
maaari po ba?” “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-
guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang
kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya.
Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong
na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon,
subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa. ” Dili di
natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng
punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan
ang mag-ama. At umuwi nang nag-iisa si Mang Simon.
Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-
tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo
ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na
magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
-Conde, Consolation P., Akasya o Kalabasa,
Department of Education. Filipino Ikasampung
Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS,
Pasig. First Edition, 2015.
KAHALAGAHAN NG ANEKDOTA
-Ang ANEKDOTA ay isang kwento ng isang nakakawili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ang
makapagpabatid ng magandang karanasan na kapupulutan ng
aral. Ito ay nagtataglay ng makatotohanang pangyayari, mga
pangungusap na nakapupukaw ng interes ng mga mambabasa,
lalo na ang panimulang pangungusap upag mawili ang mga
mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa at tapusin ito.
-Ang ANEKDOTA ay may isang paksang tinatalakay.
-Ang ANEKDOTA ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ipabatid at hindi nag-iiwan ng anumang
bahid ng pag-aalinlangan na may sumusunod pang mangyayari.
GAWAIN 2: Ating Suriin
1.Ang akdang “Akasya o Kalabasa” ay isang
anekdota. Ibigay ang mga katangian ng akda.
2.Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga
akdang pampanitikan?
3.Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang
diskursong pasalaysay.
GAWAIN 3: Buuin Mo
Sumulat ng isang karanasang hawig
ang paksa sa binasang anekdota. Maaaring
tungkol sa sarili o isang kakilala. Ibahagi
ito sa klase at suriin natin kung ito ay
nagtataglay ng mga elemento ng isang
anekdota.
PAGLALAHAT NG ARALIN
Ibigay ang kahalagahan at mga
katangian na taglay ng isang
anekdota.
TAKDANG ARALIN
Magbasa ng iba pang anekdota.
PAGBABALIK-ARAL
Tungkol saan ang binasang
anekdota kahapon? Ipaliwanag.
GAWAIN 4: Paglinang sa Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng
mga salitang nakasulat ng pahilig sa
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat
lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.
a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin
e. naimbitahan
__1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay
nagulumihanan.
__2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat
pag-aralan at huwag itong aksayahin.
__3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang
Homilya.
a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin
e. naimbitahan
__4. Muli na naman siyang inanyayahan sa
simbahan.
__5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita
sa harap ng mga tao.
a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin
e. naimbitahan
Panlapi
Grupo ng mga letra o morpema
na ikinakabit sa salitang-ugat
upang ito ay magkaroon ng
panibagong kahulugan. Hal. Ngiti
(salitang-ugat) dinugtungan ng
gitlapi na “um”, magiging ngumiti.
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa
ginawang paglalapi. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
__1.Natatawa a. dalawang taong nasisiyahan
__2.Tawanan b. isang bagay na nararamdaman ng isang tao
___3.Nagtatawanan c. pinagkakasiyahan ng ibang tao
___4.Katatawanan d. reaksiyon mo sa isang bagay na ayaw mong problemahin
___5.Pinagtatawanan e. mga nakapagbibigay saya sa tao
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-
e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng
katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala
ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay
mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan.
Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming
tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam
ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang
mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao
ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,”
sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala
ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” muli siyang umalis.
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang
naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan
si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at
muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang
isasagot, ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling
nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay
alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang
magsasabi sa kalahati na di alam ang aking
sasabihin,” at siya ay lumisan.
-Isinalin sa Filipino ni Urgelles, Roderic P., Mullah Nassreddin, Department of Education.
Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig.First Edition,
2015.
GAWAIN 5: Ating Suriin (Pagsagot sa
mga GABAY na TANONG)
1. Ilarawan si Mullah? Anong katangian niya ang
nagustuhan mo at Bakit?
2. Paano nakilala si Mullah bilang pinakamahusay
sa pagpapatawa?
3. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ni Mullah ng
pagtuturo?
4. Kung gagawa ka ng anekdota, anong paksa ang
nais mong isulat at bakit?
PAGLALAHAT NG ARALIN
Ilahad ang banghay ng binasang
anekdota.
BALIK-ARAL
Ano ang anekdota? Paano ito
naiba sa ibang mga akdang
pampanitikan?
ANEKDOTA
Ang anekdota ay isang kuwentong nakawiwili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon
nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan
na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung
ang karanasan o mga pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na
makakukuha ng interes ng mambabasa ang bawat
pangungusap Dapat na nakapana-panabik ang
panimulang pangungusap. Ang isang magandang
panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa
at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng
anekdota.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota
1. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng
personal na anekdota. Piliin ang pangyayari sa iyong
buhay na angkop sa paksa at layunin. Dapat ay
makatotohanan at may isang paksa.
2. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad
mo sa iyong anekdota.
3. Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang
sasabihin ang kasukdulan upang hindi mawala ang
pananabik ng mga mambabasa.
4. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang
kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
Pagbuo Ng Komik-Istrip
Ang komiks ay isang grapikong midyum na gumagamit ng
mga salita at larawan upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting
diyalogo sapagkat binubuo itong isa o higit pang mga larawan, na
siyang nagbibigay-kahulugan sa teksto upang higit na mapukaw
ang atensiyon ng mambabasa.
Mga Bahagi ng Komiks:
1.Kuwadro-naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).
2.Kahon ng Salaysay-pinagsusulatan ng maikling salaysay.
3.Pamagat ng Kuwento
4.Larawang Guhit ng mga tauhan sa kuwento.
5.Lobo ng Usapan-pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan;
may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng
dibuhista/tagaguhit.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng
Komik Istrip
1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing Tauhan.
3. Tukuyin ang Tagpuan.
4. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
5. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy
ng kuwento.
6. Ayusin at pagandahin ang gawa at ang
kuwento.
Gawain 5: Iskrip Mo! Iguhit Mo!
Panuto: Gumawa ng isang orihinal na
komik-istrip batay sa anekdotang
“Mullah Nassreddin.” Lagyan ng
diyalogo ang mga lobong usapan.
Isaalang-alang ang mga pamantayang
nasa ibaba. Kopyahin ang kahon sa
sagutang papel at isagawa ang
hinihinging gawain.
“Mongheng Mohametano
sa Kaniyang Kaniyang
Pag-iisa Mulasa mga
Anekdota ni Saadi Persia
(Iran) ni: Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni
Roderic P. Urgelles.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-
iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman
na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga
tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo
ang Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot
ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang-loob.” Kung kaya’t ang vizier ministro ay
nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng
buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan.
Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?” Sumagot ang Mongheng
Mohametano, “Hayaan mo nga ng Sultan
ang magbigay ng paggalang para hanapin
ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya,
ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng
kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang
mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento itong mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing itong
pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
1.Gramatikal-Ito ang tamang paggamit ng balarila sa
pangungusap katulad ng wastong pagbigkas at pagbaybay ng mga
salita.
2.Diskorsal-Ito ang paggamit ng wikang binibigkas at sinusulat
upang makalikha ng makabuluhan at maayos na pagpapahayag.
3.Strategic-Dito ginagamit ng nagsasalita ang mga uri ng
komunikasyon na berbal at hindi berbal upang maihatid nang mas
malinaw at mas maayos ang mensaheng nais ipahayag.
Ang mga Mapagkukuhanan ng Paksa
1. Sariling Karanasan–Pinakamadali
atpinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat hango ito sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba–Maaaring usapan ng
mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radio at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at
dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
3. Napanood–Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang
panteatro,at iba pa.
Ang mga Mapagkukuhanan ng Paksa
4. Likhang-isip–Mula sa imahinasyon, katotohanan
man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap–Ang mga panaginip at
hangarin ng tao ay maaaring maging batayan din sa
pagbuo ng isang salaysay.
6. Nabasa–Mula sa anomang tekstong nabasa na
mahalagang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari.
Mga Uri ng Pagsasalaysay
1.Maikling Kuwento–Nagdudulot ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay–Patulang pasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan–Binibigyang diin dito ang bawat kilos
ng mga tauhan, panlabas na kaanyuan kasama na ang
pananamit, ayos ng buhok at mga gagamitin sa bawat
tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela–Nahahati ito sa mga kabanata; punong-punong
mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota–Pagsasalaysay batay sa tunay na mga
pangyayari.
Mga Uri ng Pagsasalaysay
6. Alamat–Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o
anoman sa paligid.
7. Talambuhay–“Tala ng buhay” ng isang tao,
pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao
hanggang sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan–Pagsasalaysay ng mahahalagang
pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
9. Talang Paglalakbay (Travelogue)–Pagsasalaysay
ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o
paglalakbay sa ibang lugar.
Anu-anong katangian ni Mullah ang
nangibabaw sa akda? Sagutan ang
Character Web
Gawain 2: Reaksiyon Mo, Isulat Mo!
Panuto: Punan ang grapikong pantulong ng sariling reaksiyon
tungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang
anekdota.
Sagutan at pagnilayan:
1. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga akdang
pampanitikan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagbasa
at pagsulat ng isang anekdota?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

More Related Content

What's hot

HELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptxHELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptx
PrincejoyManzano1
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
Krystal Pearl Dela Cruz
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
GenerAbreaJayan
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
CherryCaralde
 
Denotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptxDenotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptx
JoycePerez27
 
Kasaysayan ng alamat
Kasaysayan ng alamatKasaysayan ng alamat
Kasaysayan ng alamat
rsamenian
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
JovelynValera
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
EDNACONEJOS
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
PrincejoyManzano1
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
AnaMarieZHeyrana
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Aubrey Arebuabo
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Andrew Valentino
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
JodyMayDangculos1
 
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Allan Lloyd Martinez
 
NIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptxNIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptx
jerebelle dulla
 
Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)
Aubrey Arebuabo
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Lily Salgado
 
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxGRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
ROSEANNIGOT
 

What's hot (20)

HELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptxHELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptx
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Denotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptxDenotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptx
 
Kasaysayan ng alamat
Kasaysayan ng alamatKasaysayan ng alamat
Kasaysayan ng alamat
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
 
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
NIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptxNIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptx
 
Anekdota.pptx
Anekdota.pptxAnekdota.pptx
Anekdota.pptx
 
Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxGRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
 

Similar to Anekdota.pptx

Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
juffyMastelero1
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
ANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptxANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptx
CholengPimentel
 
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptxanekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
anekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptxanekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
jessacada
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptx
LovelynAntang1
 
anekdota10-.pptx
anekdota10-.pptxanekdota10-.pptx
anekdota10-.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
anekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxanekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptx
marypearldomingo
 
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng AnekdotaAng Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
KaileReyes
 
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptxARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
CHRISTINEMAEBUARON
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
amplayomineheart143
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptx
catherinegaspar
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
MaryGraceRafaga3
 
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima MacarompisDetailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Untroshlich
 
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson planDLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
GlycelinePascual1
 
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptxjake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
AlangilanHigh
 
Buhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docxBuhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docx
NeilAlcantaraMasangc
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoRodel Moreno
 

Similar to Anekdota.pptx (20)

Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
 
ANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptxANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptx
 
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptxanekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
 
anekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptxanekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptx
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptx
 
anekdota10-.pptx
anekdota10-.pptxanekdota10-.pptx
anekdota10-.pptx
 
anekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxanekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptx
 
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng AnekdotaAng Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
 
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptxARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
ARALIN 3.2 ANEKDOTA Filipino Grade 10 pptx
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W8.docx
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptx
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
 
Modyul 12
Modyul 12Modyul 12
Modyul 12
 
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima MacarompisDetailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
 
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson planDLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
 
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptxjake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
 
Buhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docxBuhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docx
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa Filipino
 

Anekdota.pptx

  • 1. Aralin 3.2 Akdang Pampanitikan mula sa Iran o Persia
  • 2. Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat sa napakinggang anekdota (F10PNIIIb-77) 2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81) 3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT- IIIb77) 4. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota (F10PU-IIIb-79) 5. Nakapagsusulat ang isang orihinal na komiks istrip ng anekdota (F10PUIIIb-79) 6. Nakapagibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube (F10PD-IIIb 75)
  • 3. MGA DETALYE SA BANSANG IRAN o PERSIA Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ang Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig. Kabilang sa kultura ng Persia ay ang “Sufism”-ang relihiyon na kakikitaan ng mga kasabihan na nagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri ang kanilang tapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahuhusay na mga manununulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala.
  • 4.
  • 5.
  • 6.
  • 7. Akasya o Kalabasa ni Consolation P. Conde Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag- aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod. Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila.
  • 8. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng dikakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipagusap muna ako sa punung-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng magama. “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad naming nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan.
  • 9. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?” “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung- guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa, maaari po ba?” “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong- guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya.
  • 10. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa. ” Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis- tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.” -Conde, Consolation P., Akasya o Kalabasa, Department of Education. Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig. First Edition, 2015.
  • 11. KAHALAGAHAN NG ANEKDOTA -Ang ANEKDOTA ay isang kwento ng isang nakakawili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ang makapagpabatid ng magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito ay nagtataglay ng makatotohanang pangyayari, mga pangungusap na nakapupukaw ng interes ng mga mambabasa, lalo na ang panimulang pangungusap upag mawili ang mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa at tapusin ito. -Ang ANEKDOTA ay may isang paksang tinatalakay. -Ang ANEKDOTA ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ipabatid at hindi nag-iiwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may sumusunod pang mangyayari.
  • 12. GAWAIN 2: Ating Suriin 1.Ang akdang “Akasya o Kalabasa” ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian ng akda. 2.Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan? 3.Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pasalaysay.
  • 13. GAWAIN 3: Buuin Mo Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota. Maaaring tungkol sa sarili o isang kakilala. Ibahagi ito sa klase at suriin natin kung ito ay nagtataglay ng mga elemento ng isang anekdota.
  • 14. PAGLALAHAT NG ARALIN Ibigay ang kahalagahan at mga katangian na taglay ng isang anekdota.
  • 15. TAKDANG ARALIN Magbasa ng iba pang anekdota.
  • 16. PAGBABALIK-ARAL Tungkol saan ang binasang anekdota kahapon? Ipaliwanag.
  • 17. GAWAIN 4: Paglinang sa Talasalitaan Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang. a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan
  • 18. __1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. __2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. __3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya. a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan
  • 19. __4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. __5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan
  • 20. Panlapi Grupo ng mga letra o morpema na ikinakabit sa salitang-ugat upang ito ay magkaroon ng panibagong kahulugan. Hal. Ngiti (salitang-ugat) dinugtungan ng gitlapi na “um”, magiging ngumiti.
  • 21. Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. __1.Natatawa a. dalawang taong nasisiyahan __2.Tawanan b. isang bagay na nararamdaman ng isang tao ___3.Nagtatawanan c. pinagkakasiyahan ng ibang tao ___4.Katatawanan d. reaksiyon mo sa isang bagay na ayaw mong problemahin ___5.Pinagtatawanan e. mga nakapagbibigay saya sa tao
  • 22.
  • 23. Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr- e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon
  • 24. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis.
  • 25. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot, ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan. -Isinalin sa Filipino ni Urgelles, Roderic P., Mullah Nassreddin, Department of Education. Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig.First Edition, 2015.
  • 26. GAWAIN 5: Ating Suriin (Pagsagot sa mga GABAY na TANONG) 1. Ilarawan si Mullah? Anong katangian niya ang nagustuhan mo at Bakit? 2. Paano nakilala si Mullah bilang pinakamahusay sa pagpapatawa? 3. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ni Mullah ng pagtuturo? 4. Kung gagawa ka ng anekdota, anong paksa ang nais mong isulat at bakit?
  • 27. PAGLALAHAT NG ARALIN Ilahad ang banghay ng binasang anekdota.
  • 28. BALIK-ARAL Ano ang anekdota? Paano ito naiba sa ibang mga akdang pampanitikan?
  • 29. ANEKDOTA Ang anekdota ay isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o mga pangyayari ay makatotohanan. Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na makakukuha ng interes ng mambabasa ang bawat pangungusap Dapat na nakapana-panabik ang panimulang pangungusap. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
  • 30. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota 1. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na anekdota. Piliin ang pangyayari sa iyong buhay na angkop sa paksa at layunin. Dapat ay makatotohanan at may isang paksa. 2. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa iyong anekdota. 3. Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang sasabihin ang kasukdulan upang hindi mawala ang pananabik ng mga mambabasa. 4. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
  • 31. Pagbuo Ng Komik-Istrip Ang komiks ay isang grapikong midyum na gumagamit ng mga salita at larawan upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo itong isa o higit pang mga larawan, na siyang nagbibigay-kahulugan sa teksto upang higit na mapukaw ang atensiyon ng mambabasa. Mga Bahagi ng Komiks: 1.Kuwadro-naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame). 2.Kahon ng Salaysay-pinagsusulatan ng maikling salaysay. 3.Pamagat ng Kuwento 4.Larawang Guhit ng mga tauhan sa kuwento. 5.Lobo ng Usapan-pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista/tagaguhit.
  • 32. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip 1. Alamin ang sariling hilig o istilo. 2. Tukuyin ang pangunahing Tauhan. 3. Tukuyin ang Tagpuan. 4. Tukuyin ang balangkas ng kuwento. 5. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento. 6. Ayusin at pagandahin ang gawa at ang kuwento.
  • 33. Gawain 5: Iskrip Mo! Iguhit Mo! Panuto: Gumawa ng isang orihinal na komik-istrip batay sa anekdotang “Mullah Nassreddin.” Lagyan ng diyalogo ang mga lobong usapan. Isaalang-alang ang mga pamantayang nasa ibaba. Kopyahin ang kahon sa sagutang papel at isagawa ang hinihinging gawain.
  • 34.
  • 35.
  • 36. “Mongheng Mohametano sa Kaniyang Kaniyang Pag-iisa Mulasa mga Anekdota ni Saadi Persia (Iran) ni: Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles.
  • 37. Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag- iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang-loob.” Kung kaya’t ang vizier ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan.
  • 38. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mo nga ng Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
  • 39. Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento itong mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. 1.Gramatikal-Ito ang tamang paggamit ng balarila sa pangungusap katulad ng wastong pagbigkas at pagbaybay ng mga salita. 2.Diskorsal-Ito ang paggamit ng wikang binibigkas at sinusulat upang makalikha ng makabuluhan at maayos na pagpapahayag. 3.Strategic-Dito ginagamit ng nagsasalita ang mga uri ng komunikasyon na berbal at hindi berbal upang maihatid nang mas malinaw at mas maayos ang mensaheng nais ipahayag.
  • 40. Ang mga Mapagkukuhanan ng Paksa 1. Sariling Karanasan–Pinakamadali atpinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat hango ito sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba–Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radio at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 3. Napanood–Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro,at iba pa.
  • 41. Ang mga Mapagkukuhanan ng Paksa 4. Likhang-isip–Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap–Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaaring maging batayan din sa pagbuo ng isang salaysay. 6. Nabasa–Mula sa anomang tekstong nabasa na mahalagang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
  • 42. Mga Uri ng Pagsasalaysay 1.Maikling Kuwento–Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay–Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan–Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, panlabas na kaanyuan kasama na ang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamitin sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela–Nahahati ito sa mga kabanata; punong-punong mga masalimuot na pangyayari. 5. Anekdota–Pagsasalaysay batay sa tunay na mga pangyayari.
  • 43. Mga Uri ng Pagsasalaysay 6. Alamat–Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anoman sa paligid. 7. Talambuhay–“Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao hanggang sa kanyang wakas. 8. Kasaysayan–Pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9. Talang Paglalakbay (Travelogue)–Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
  • 44.
  • 45.
  • 46. Anu-anong katangian ni Mullah ang nangibabaw sa akda? Sagutan ang Character Web
  • 47. Gawain 2: Reaksiyon Mo, Isulat Mo! Panuto: Punan ang grapikong pantulong ng sariling reaksiyon tungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang anekdota.
  • 48. Sagutan at pagnilayan: 1. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 2. Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagbasa at pagsulat ng isang anekdota? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________