Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa araling Epiko. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga katangian at mga gawain patungkol sa paksang Epiko.
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa araling Epiko. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga katangian at mga gawain patungkol sa paksang Epiko.
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
2. MGA LAYUNIN:
Kaalaman
Natutukoy ang pangyayari sa maikling kuwento na
nagpapakita ng kahalagahan sa sarili, lipunan at pandaigdig.
Kasanayan Nabubuo ng isang talata na ginagamitan ng mga salitang
nagsasaad ng opinyon.
Kaasalan Naibabahagi ang kahalagahan ng relasyon ng tao at sa hayop o
alaga nito.
Kahalagahan Nabibigyang halaga ang Kalayaan at pagmamahal na nararapat
para sa mga alagang hayop.
4. PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-
wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at
mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa
ibang bansa man.
5. Dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may
mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na
kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos
na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga
pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon
din sa kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat.
6. • 4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang
pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na
paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito.
Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong
sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
• 5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para
lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan,
kundi para sa kaniyang mambabasa.
7. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
• 1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong
paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa
pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
• 2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga
tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo
at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng
narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
8. • 3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang
panteatro, at iba pa.
• 4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o
ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
• 5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng
tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
• 6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa
kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
9. MGA URI NG PAGSASALAYSAY
• 1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
• 2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
• 3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos
ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama
na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga
gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang
kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
10. • 4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga
masalimuot na pangyayari.
• 5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
• 6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman
sa paligid.
• 7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring
naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.
• 8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring
naganap sa isang tao, pook o bansa.
• 9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
11. Panoorin ang isang maikling kuwento na mula
sa East Africa na pinamagatang “ Ang Alaga”
12. •Ang maikling kwento o maikling katha
ay nililikha nang masining upang
mabisang maikintal sa isip at damdamin
ng mambabasa ang isang pangyayari
tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar
na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari.
13. Taglay nito ang pagkakaroon ng:
1. Iisang kakintalan
2. May isang pangunahing tauhag may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon
3. Tumalakay sa isang madulang bahagi ng buhay
4. May mahalagang tagpuan
5. May kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susunan ng
wakas. Isa sa mga uri ng maikling kwento ay ang kwentong tauhan
– ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang
tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid.
14. Dagdag kaalaman: Ang isang opinyon ay isang saloobin o
damdamin lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari
at hindi maaaring mapatunayan kung tamo o mali.
• Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay
mahalagang maunawaan natin dahil nais nitong ipahiwatig
ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
15. • Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:
• Buong giting kong sinusoportahan ang …
• Kumbinsido akong …
• Labis akong naninindigan na…
• Lubos kong pinaniniwalaan..
• Kung ako ang tatanungin…
• Kung hindi ako nagkakamali…
• Sa aking pagsusuri…
• Sa aking pananaw…
• Sa totoo lang…
• sa palagay ko…
• ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
• batay sa aking paniniwala …
• sa tingin ko…
• maaaring…
• baka ….
• Siguro…
16. PANGKATANG GAWAIN:
1- Talkshow
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig.
Kahalagahan sa
akda…
sarili
lipunan
daigdig
17. B. GAWAIN 2: PAGSASADULA
•Panuto: Magbigay ng isang halimbawang
pelikula o trailer na may kaugnayan sa
kuwentong binasa. Suriin ang napiling
pelikula o trailer. Ilahad ang iyong pananaw
tungkol dito. :
18. C. GAWAIN 3 :
PAGBABALITA
Panuto: Masdan ng mabuti
ang mga larawan sa ibaba.
Sumulat ng tekstong
naglalarawan tungkol dito.
Maglalahad ng iyong
opinyon kung paano
makatutulong upang
mabawasan ang ganitong
senaryo sa bansa.
20. Takdang Aralin:
•Magsaliksik sa buhay ni Nelson
Mandela para sa susunod na
paksang tatalakayin at
magbigay ng mga iba’t ibang uri
ng Talumpati.
21. Proyekto sa Ikatlong Markahan
Bubuo ng isang aklat o compilation
ng mga panitikan na inyong napili,
maaaring lipon ng tula, maikling
kuwento, dagli at iba pa. Dapat sarili
ninyong gawa ang mga akda.
22. •Cover Page- Mga akda na nilipon o ginawa
ng Grade 10-Seksyon; (Malikhain)
•Paunang Salita
•Talaan ng Nilalaman
•Pangalan ng miyembro at pangalan ng guro
23. Bibigyan ng sapat ng oras na
magawa ang proyekto at ipapasa
ito sa susunod na pagkikita.