SlideShare a Scribd company logo
1 of 77
FILIPINO
IKATLONG LINGGO
Paunang Pagtataya
Bilugan ang pares ng salita na
magkasalungat at kahunan ang pares ng salita na
magkasingkahulugan.
pambihira – natatangi
mabilis - mabagal
magwawagi – mananalo
pandak - mababa
paghihiganti – pakikipagkasundo
malapit - malayo
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa
napakinggang alamat
1. Pagsasanay
Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa metacards.
1. Balik-Aral
Ano ang alamat?
Anu-anong halimbawa ng mga alamat ang madalas
na ninyong naririnig o nababasa?
A. Pagganyak
Anong lugar ang makikita ninyo sa larawan?
Nakarating na ba kayo sa lugar na ito?
Ngayon ay matutuklasan natin kung paano ba nagkaroon ng
“Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
A. Paglalahad
Ipabigay sa mga bata ang mga bagay na dapat
isaalang-alang sa pakikinig. Iparinig sa klase ang
Alamat ng Sandaang Pulo sa pamamagitan ng
inirekord na bersyon nito.
Alamat ng Sandaang Pulo
Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako ng
kapuluan. Ngunit watak-watak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y
pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na datu, sultan o raha.
Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na pinuno
ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang
sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu
Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng
panahon, naging matahimik, masagana, at maunlad ang kaharian.
Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong
ni Raha Masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang
kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili
ng sandaan si Datu Mabisqueg.
Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang
maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa pook na
pinaglalabanan. Walang natira isa man sa sinany ni Datu Mabisqueg.
Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.
Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Lagging
nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang liwayway,
biglang naiba ang malawak na dagat. Humigit-kumulang sa sandaang
pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang
iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.
Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon
ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod
na salinlahi ang alamat ng ‘Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
A.Pagtatalakay
1. Sinu-sino ang namumuno sa mga maaharlika?
2. Sino si Raha Masibueg?
3. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Raha Masibueg?
4. Ano ang pangalan ng anak ni Raha Masibueg na siyang nagpatuloy ng
pamumuno sa mga sinanay na kawal?
5. Ilang kawal ang pinili ni Datu Mabisqueg upang ipadala sa labanan?
6. Saan naganap ang labanan?
7. Gaano katagal ang nangyaring labanan?
8. Ano ang nangyari sa mga kawal na sinanay ni Datu Mabisqueg
9. Anu-ano ang napansin ng mga tao sa dagat makaraan ang nangyaring
pagkawala ng mga kawal?
10.Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na kaugnayan ng mga pulo sa mga nalipol
na kawal?
Ang mga tanong na inyong sinagot ay
tinatawag na mga tanong na literal kung saan
ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mga
impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad
sa tekstong napakinggan.
A. Pagpapayamang Gawain
Para sa Gawin Natin, iparinig ang “Alamat ng Romblon” na
matatagpuan sa Bagong Filipino 5 sa Salita at Gawa, Batayang
Aklat sa Pagbasa, pahina 104-105. Ipaskil sa pisara ang mga
inihandang literal na tanong at ipasagot ito sa kanila.
Sa Gawin Mo, basahin ang alamat na pinamagatang “Si Malakas
at Maganda” na makikita sa pahina 159-160 ng Pag-Unlad sa Wika
at Pagbasa 6. Ipasagot ang mga tanong sa Gawin Mo.
Gumamit na lang po ng ibang
kuwento, wala po akong aklat nito.
Gawin Natin
Panuto: Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro.
Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na literal na tanong.
1. Ano ang tawag o taguri sa bayan ng Romblon?
2. Bakit ganito ang itinawag sa Romblon?
3. Anong diyalekto ng Bisaya ang salita ng mga tao sa
Romblon?
4. Saan matatagpuan ang mga sasakyang dagat kung
bagyo?
5. Paano nagsimula ang pangalang “Romblon”?
Gawin Mo
Panuto: Sagutin ang mga literal na tanong mula sa
babasahing alamat ng guro.
1. Ano ang tanging nilalang na nabubuhay noon sa
daigdig?
2. Bakit naisipan niyang pag-awayin ang dagat at langit?
3. Nagtagumpay ba ang ibon sa kanyang plano?
4. Anu-ano ang nangyari sa pag-aaway ng dagat at
langit?
5. Sino ang lumabas sa unang biyas ng kawayan?sa
ikalawang biyas?
A.Paglalahat
Ano ang kahulugan ng literal na mga tanong?
Paano mo masasagutan ang mga literal na tanong
mula sa inyong napakinggang teksto?
Ang mga tanong na literal ay mga tanong kung
saan ang mga sagot ay mga impormasyong tuwiran o
hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
A.Paglalapat - Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng
maikling alamat na inihanda ng guro. Pagkatapos
mapakinggan ang alamat na binasa ng kagrupo, ang
mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga tanong
na tungkol sa alamat na kanilang napakinggan.
Maaaring gamitin ng guro ang kahit na anong
alamat na kanyang nabasa o nahanap sa iba pang
sanggunian.
Pagtataya
Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Sagutan
ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong
napakinggang alamat.
Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang alamat na madalas ninyong
marinig sa inyong lugar. Bumuo ng limang literal na
tanong mula sa iyong napiling alamat. Pumili ng isang
kapareha. Ang magkapareha ay magpapalitan ng
pakikinggang alamat at sasagutang mga tanong. Iuulat
sa klase ang awtput.
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Ikalawang Araw
Layunin
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
1. Pagsasanay
“Iarte Mo”
Maghanda ng ilang paper strips na naglalaman ng ilang
mga pang-abay na naglalarawan ng kilos. Bubunot ang
mapipiling mag-aaral ng isang paper strip at iaarte ang
pang-abay na naglalarawan ng kilos habang hinuhulaan
naman ito ng klase.
1.Balik-Aral
Magkaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa
binasang nagdaang kwento/alamat. Ipatukoy sa
mga bata ang ilan sa mga pang-abay na nakita o
nabasa nila mula sa kwento.
A.Pagganyak
Mga bata, maraming kwento tungkol sa
kabayanihan ang mababasa natin sa mga aklat.
Malban sa mga kilala ninyong bayani, sinu-sino
pa sa palagay ninyo ang maaaring tawaging
bayani?
Paano maipakikita ang kabayanihan?
Pwede ba kayong maging bayani?
Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala upang maging wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap.
1. Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong taon pa lamang siya. Wala siyang
panahong lumaboy katulad ng ibang bata.
(mag-aral, gumala, gumastos)
2. Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan sa lahat ng tao at tanghaling bayani
ng lahi.
(kilalang tao, tanyag na tao, mayamang tao)
3. Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente.
(bilang, tagong lugar, malayo sa kabihasnan)
4. Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran, gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang
mga ito upang itago sa kanilang kamalig.
(hinila nang paisa-isa, binuhat nang paisa-isa, isa-isang dinala)
5. Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng kotse.
(tulog, patay, walang ulirat)
A.Paglalahad
Sa araw na ito’y babasahin ninyo ang kwento tungkol sa
kabayanihan ni Rona, isang walong taong gulang na bata. Ang
pamagat ng ating kwento ay Walong Taong Gulang, Naging
Bayani!
Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang
tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento.
Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang
mga tanong sa SAGUTIN NATIN, pahina 56 ng
“Pagdiriwang sa Wikang Filipino 5-Pagbasa”
Alam mo ba na sa murang gulang mo ay
maaari kang tanghaling bayani? Tunghayan ang
kwentong ito.
Walong Taong Gulang, Naging Bayani
Walong Taong Gulang, Naging Bayani
Si Rona Mahilum ay isang batang walong taong gulang at nakatira sa isang liblib
na baryo sa Divina Colonia, Sagay, Negros Occidental. Mahirap lamang sila. Nagtatanim
ng kape ang kanyang mga magulang.
Isang araw bago umalis ang kanyang mga magulang ay kinausap nila si Rona.
“Rona, ikaw na ang bahala sa iyong mga kapatid,” ang sabi ng kanyang tatay.
“Kami ng iyong ina ay pupunta sa palengke.”
“Huwag mong pabayaang lumaboy ang maliliit mong kapatid, anak. Ang ate mo,
huwag mong kalimutang painumin ng gamut, ha?” dagdag na tagubilin ng kanyang
nanay.
“Opo. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan kop o silang maigi,” magalang na
sagot ni Rona.
Inalagaan at pinakain ni Rona ang mga kapatid. Pinainom din niya ng gamot ang
ateng may sakit.
Pagkatapos ng hapunan ay niyaya na ni Rona ang
maliliit na kapatid na sina Dado at Edgar.
“Dado, Edgar, halina kayo. Matulog na rin kayo at may
pasok pa bukas. Mamaya pa siguro darating sina Itay at
Inay,” ani Rona.
“Sana, nabenta lahat ng kapeng dala nila, ano, ate?”
ang ganting wika ni Dado.
“Sana nga, Dado, sige, matulog na tayo. Magdasal
muna tayo bago matulog,” ang
sabi ni Rona.
Mahimbing na ang tulog ng magkakapatid nang nagising si Rona sa
sobrang init at doon niya natuklasan na nasusunog ang kanilang bahay.
Isa-isa niyang kinaladkad ang kanyang dalawang nakababatang kapatid
at ang nakatatandang kapatid na babae na may sakit. Matapos mailabas
lahat ang kanyang mga kapatid, tumakbo siya sa isang balon at nag-igib
ng tubig na siyang ibinuhos at ginamit na pamatay sa apoy ng
nasusunog nilang bahay.
Natagpuan siya ng kanyang magulang na walang malay at sunog
ang buong katawan. Dahil sa matinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng
katawan, kinailangan siyang dalhin sa Maynila upang ipagamot. Umabot
sa kaalaman ni Alfredo Lim, ang dating alkalde ng Maynila, ang
katapangan at kabayanihan ni Rona. Hangang-hanga siya sa bata.
Bilang pagkilala sa kakaibang kabayanihan ni Rona siya ay ipinagamot
nang libre ni G. Lim sa Ospital ng Maynila. Maliban ditto, tumanggap
siya ng isang milyong pisong gantimpala buhat sa pamunuan ng
naturang lungsod.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.Tungkol saan ang kwento?
2.Paano naging bayani si Rona Mahilum? Ibigay ang mga katangian
niya.
3.Mabuti bang maging bayani? Patunayan.
4.Kung ikaw si Rona, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit o bakit
hindi?
5.Bakit si Alkalde Alfredo Lim ang tumulong sa kanya?
A.Pagtatalakay
Magulang ni
Rona
Rona
Mga Tauhan sa
Kwento
Mga Kapatid
ni Rona
Kopyahin sa papel ang character web at isulat ang mga naging kilos o gawi
ng mga tauhan batay sa kwento sa pamamagitan ng pagbabanig. Pagkatapos,
ilarawan ang mga tauhan batay sa kilos o gawi nila sa kwento.
• Ang istratehiyang pagbabanig o webbing.
Ito ay istratehiya kung saan maipakikita ang
kaugnayan ng isang kaisipan upang higit na maging
makahulugan ang pagsasalarawan.
Ang web ay binubuo ng core, web strand at web ties
na maaaring gamitan ng mga bilog o iba pang hugis
na mapaglalagyan ng mga sagot.
Gawin Mo
Gamit ang METACARDS, magsulat ng iba’t
ibang pang-abay na maaaring magamit sa
paglalarawan ng kilos ng mga tauhan sa kwento.
Ipaskil ang mga metacard sa pisara.
Paglalahat
Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng
tauhan? Sa paanong paraan mo kaya
mailalarawan ang mga ito?
Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit
ang mga pang-abay?
Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may
lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na
babasahin ang kwento at pagkatapos ay isasagawa na ang
bawat gawain.
Unang Pangkat – mula sa
binasang kwento, ilarawan ang
mga tauhan batay sa ikinilos o
ginawi ng mga ito.
Ikalawang Pangkat- mula sa binasang
kwento, gumamit ng mga pang-abay sa
paglalarawan ng mga kilos na nagmula sa
kwento
Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang awtput sa klase.
Paglalahat
Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng
tauhan?
Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang
mga ito?
Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang
mga pang-abay?
Basahin nang tahimik ang kwento.
Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay
sa kanilang mga ikinilos o ginawi.
Gamitin ang pang-abay sa
paglalarawan ng kilos.
Pangkaraniwang empleyado ng gobyerno si Mang Danny.
Araw-araw, maaga pa ay nasa opisina na siya at naglilinis.
Ugali na niyang linisin ang tanggapan ng punong-lungsod
tuwing umaga. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan si
Mang Danny.
Isang araw, sa pagpasok niya sa loob ng tanggapan ay
may napansin siyang isang supot sa tabi ng upuan. Dinampot
niya ito sa pag-aakalang mga basura ang laman nito. Aning
gulat niya nang makitang mga dadaanin ang nasa loob nito.
Ibinigay niya agad ito sa alkalde.
Pagtataya
Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa
kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gumamit ng pang-abay
sa paglalarawan ng kilos.
Takdang Aralin
Pumili ng isang kwentong paborito ninyong
basahin. Ilarawan ang kilos ng mga tauhan ng
nasabing kwento batay sa ikinilos o ginawi.
Siguraduhing gumamit ng pang-abay sa inyong
paglalarawan.
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Ikatlong Araw
Layunin
Nakakukuha ng tala sa binasang teksto
Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang talambuhay
Nagbibigay ng mga salitang
magkakasalungat/magkakasingkahulugan
1. Pagsasanay
Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang pang-
uri sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila.
2. Mabango ang bulaklak na kampupot.
3. Tuwang-tuwa ang masipag na ama.
4. May malakas na halakhakan siyang naririnig.
5. May maliit na liwanag na naglalagos sa bintana.
1. Balik-Aral
Ipalarawan sa mga bata ang kilos na ipinakikita
ng larawan sa pamamagitan ng paggamit ng
pang-abay.
A. Pagganyak
Tanungin ang klase kung sinu-sino ang mga bayaning babae na kilala nila.
Magpabigay ng ilang detalye ng buhay ng mga bayaning kanilang nabanggit.
Nakikilala ba ninyo kung
sino ang nasa larawan? Siya
si Teresa Magbanua o mas
kilala sa tawag na Henerala
Nay Isa. Anu-ano kaya ang
mga pangyayari sa kanyang
buhay? Tuklasin natin ito.
Ngayong araw na ito ay ating babasahin ang maikling talambuhay ni
Henerala Nay Isa.
A. Paglalahad
Ilahad ang pamagat ng teksto.
Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.
Ipabasa nang tahimik ang kwento.
“Ang babae man ay maaaring maging tagapagtanggol ng bayan.”
Henerala Nay Isa (Talambuhay)
Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng
kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan nang makikita na
siya ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na lalaki. Siya ang lider
ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa
puno, sa paninirador ng ibon, at sa pangangabayo.
Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo
siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan, Iloilo. Nakilala siyang mahusay
ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang magsasaka, kay
Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama siya sa kanyang asawa sa
bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.
Sa kanyang malayang oras, nagsasanay
siyang humawak at magpaputok
ng baril. Tahimik at masagana silang
namumuhay sa bukid nang sumiklab sa
Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino
laban sa Español.
Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok
upang sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Español. Sinabi niyang
kailangan ng bayan ang mga babaing may kakayahang makipaglaban
tulad ng mga lalaki. Humanga si Heneral Poblador sa kanyang tapang.
Binigyan siya ng sandata at mga tauhan.
Noong 1900, napasailalim ang buong Pilipinas sa pamamahala ng
mga Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng
kanyang asawa. Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang
matapang at matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa
Magbanua, ang pangalawa sa walong anak ng mag-asawang
nakaririwasa na sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira
Magbanua
Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay
humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong
rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na nabawi ng mga
naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang
bayan sa pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa
pulo ng Panay ang ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina
na humawak ng sandata alang-alang sa bayan.
Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong
tungkol sa binasang teksto. Gamitin ang “story grammar” upang makuha ng mga
bata ang mga tala mula sa teksto.
Punan ang mga ulap ng mga talang hinihingi mula sa kwentong binasa.
PAMAGAT
TAGPUAN MGA TAUHAN
UNANG
PANGYAYARI
IKALAWANG
PANGYAYARI
IKATLONG
PANGYAYARI
KASUKDULAN
WAKAS
A.Pagtatalakay
Mula sa binasang talambuhay, papagbigayin ang mga
bata ng mga pang-uri na nabasa nila sa talambuhay.
Ipasulat ang mga ito sa metacards at ipaskil sa pisara.
Gamit ang mga salitang nakasulat sa metacards,
papagbigayin ang mga bata ng mga salitang
magkakasalungat at magkakasingkahulugan.
Tanungin ang klase kung may pangyayari sa kanilang sariling
karanasan ang nakakatulad o nakakahawig ng ilang mga
pangyayari sa talambuhay na kanilang binasa. Ipaugnay ang
karanasang ito sa binasang talambuhay.
Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang talata sa mga bata. Pagkatapos
basahin, ipabigay ang mga salitang
magkakasalungat at magkakasingkahulugan na
nabasa nila sa talata. Ipalagay ito sa tsart.
Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing
rises. Kantina ito ng paaralan. Sang-ayon sa kanila, may
mahal at mura sa mga paninda. Masarap ang mga pagkain,
malinamnam. Marumi ang basahan, malinis ang mesa.
Maingay ang ilang bata at tahimik ang nakararami.
Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila.
Magkakasingkahulugan Magkakasalungat
Paglalahat
Paano mo masasabing magkasalungat ang
mga salita?
Sa paanong paraan naman masasabing
magkasingkahulugan ang mga salita?
Ang mga salita ay magkasingkahulugan kung ang ito
ay nagsasaad ng magkaparehong ibig sabihin.
Ang mga salita ay magkasalungat kung ang mga ito
ay may magkabaliktad na kahulugan o ibig sabihin.
A. Paglalapat
Magsagawa ng isang pangkatang laro. Bumuo ng
2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-
uunahan na makapagbigay ng mga salitang
magkasalungat/ magkasingkahulugan depende sa
hihingin ng guro.
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Magbigay ng mga salitang
magkasingkahulugan o magkasalungat mula sa mga pangungusap.
1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng
isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa
ilog.
2. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa bukid. Gustung-gusto na ni Joel na mamitas
ng mga bungang-kahoy.
3. Si Claude ay maliligo sa malinis na ilog ngunit hindi siya nakapaligo dahil marumi at
mababaw ang tubig.
4. Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical
waste ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi
na maaaring gamitin pang muli kaya itinatapon na.
5. Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring
lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito.
Punan ang bawat puno ng pares ng mga salitang
magkakasingkahulugan at magkakasalungat.
MAGKASINGKAHULUGAN MAGKASALUNGAT
Pagtataya
Takdang Aralin
Magbigay ng limang pares ng salitang magkasalungat
at limang pares ng salitang magkasingkahulugan.
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang salitang hiram/natutuhan sa
aralin
1. Pagsasanay
Isaayos ang mga salita ayon sa pagkakasunud-sunod ng bagong
alpabeto.
______xerox _______alcohol
______karaoke _______bangko
______radyo _______mesa
______pansit _______videoke
1. Balik-Aral
Ano ang salitang hiram?
Ipabasa ang mga inihandang pangungusap. Ipasulat o ipapili sa
mga mag-aaral ang mgsa salitang hiram na matatagpuan sa bawat
pangungusap.
A.Pagganyak
Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng
sobre na may lamang mga piraso ng isang larawan (puzzle pieces). Sa
hudyat ng guro, bubuuin ng bawat grupo ang larawan na napapunta sa
kanila. Ipaskil ito sa pisara.
Naranasan mo na bang mag-anyaya ng isang kaibigan o panauhin?
Sa paanong paraan mo ito ginawa?
A. Paglalahad
Ilahad ang pamagat ng teksto.
Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang
tahimik.
Ipabasa ang kwento.
Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang
mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto.
Isang Paanyaya
A.Pagtatalakay
Gawin Natin
Isulat ang lahat ng mga salitang hiram na iyong nabasa
mula sa kwento. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Suriin ang
baybay ng mga salitang ito. Isulat ito sa kwaderno
A. Pagpapayamang Gawain
1. basketbol piko jack en poy patintero
2. pinakbet lumpia spaghetti sinigang
3. binyagan kumpilan kasalan despidida
4. shorts pantalon palda saya
5. escalator bentilador kubrador burador
6. pizza sausage tinapay pandesal
7. bus bapor LRT eroplano
8. telebisyon radyo telepono computer
9. coach guro punong-guro pulis
10. martilyo bumbilya kutsara Flashlight
Gawin Mo
Panuto: Piliin ang salitang hiram sa pangkat.isulat ito ng may wastong
baybay sa iyong kwaderno.
A.Paglalahat
Sa paanong paraan mo maisusulat ng wasto ang baybay ng mga
salitang hiram? Bakit mahalagang maisulat mo ng maayos at wasto ang
baybay ng bawat salitang hiram na iyong matututuhan?
Pangkatang Laro
Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-
uunahan na makarating sa finish line sa pamamagitan ng pagsulat
ng wastong baybay ng mga salitang hiram na babanggitin ng guro.
A.Paglalapat
Pagtataya
Panuto: Anong salitang hiram ang tinutukoy ng bawat bilang? Isulat ang
wastong baybay nito sa inyong kwaderno.
5.likas na langis sa puno ng buhok sa anit
6. pangkulay ng buhok
7. gamot o lunas sa kanser
8. kulang sa wastong nutrisyon
9. kagamitan o makina sa pagkopya o pagpaparami ng
sipi ng mga papeles at dokumento
10. nakatutulong upang Makita ang mga bagay na nasa
malayo tulad ng kalawakan
Takdang Aralin
Ipasulat sa wastong baybay ang mga salitang hiram na
bahagi na ng salitang Filipino.
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Ikalimang Araw
Layunin
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na
maikling pelikula
1. Pagsasanay
Ipasaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang maaaring
maglarawan sa isang tauhan o tagpuan sa isang kwento.
a. W M I N A A A
b. T A K T A T O N A
c. Y P A P A A
d. T M B I A A
e. N M K P A I R A Y H G A N A A
1. Balik-Aral
Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonood kayo ng
mga pelikula?
A.Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula?
Anong uri ng pelikula ang pinanonood ninyo?
Ang papanooring
pelikula para sa araw
na ito ay isang maikling
pelikula tungkol sa
bahaghari.
Pagmasdan ang larawan. Ano ito? Alam ba ninyo kung bakit o paano
nagkaroon ng bahaghari?
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1.Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?
2.Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
3.Ilarawan ang tagpuan.
4.Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung
bakit mo ito naibigan.
5.Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?
Gawin Mo
Panuto: Mula sa pagsusuri ng pinanood na pelikula, punan ang graphic organizer
ng mga salitang maglalarawan sa mga tauhan at tagpuan nito.
PAMAGAT
NG
PELIKULA
TAUHAN
TAGPUAN
A.Paglalahat
Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at
mga sa napanood na pelikula?
Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari
sa panonood ng pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga
pangyayari sa pelikulang napanood.
A.Paglalapat
Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na
pagsasanay.
Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.
Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood
Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at
ipaliwanag kung bakit ito
Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang
napanood at ipaliwanag kung bakit.
Pagtataya
Ipapanuod ang inihandang video clip at ipasagot ang mga katanungang
sumusunod:
1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?
2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo.
4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito
nagustuhan.
5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? Bakit? Ipaliwanag ang
iyong kasagutan.
Takdang Aralin
Manood ng iyong paboritong pelikula. Suriin ang tauhan
at tagpuan ng iyong pelikulang napanood.

More Related Content

Similar to filipino lesson third Quarter third week.pptx

DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson planDLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson planGlycelinePascual1
 
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)Aubrey Arebuabo
 
Aralin 2 (filipino 7)
Aralin 2 (filipino 7)Aralin 2 (filipino 7)
Aralin 2 (filipino 7)Jenita Guinoo
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinbenchhood
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Gladz Ko
 
Karunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxKarunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxrhea bejasa
 
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2DepEd
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxLeahMaePanahon1
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdfRosemaeJeanDamas
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptreychelgamboa2
 
Ang ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoAng ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoDepEd
 
interaktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturointeraktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturossusere801fe1
 
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBCDLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBCMaryJoyceHufano1
 
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptx
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptxQ4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptx
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptxKheiGutierrez
 

Similar to filipino lesson third Quarter third week.pptx (20)

WEEK 1- DAY 1-5 PPT.pptx
WEEK 1- DAY 1-5  PPT.pptxWEEK 1- DAY 1-5  PPT.pptx
WEEK 1- DAY 1-5 PPT.pptx
 
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson planDLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
DLL_FILIPINO 6_Q3_W7.docxdaily lesson plan
 
Anekdota.pptx
Anekdota.pptxAnekdota.pptx
Anekdota.pptx
 
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
SIM sa Pokus Tagaganap at Layon)
 
Aralin 2 (filipino 7)
Aralin 2 (filipino 7)Aralin 2 (filipino 7)
Aralin 2 (filipino 7)
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralin
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
 
Karunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxKarunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptx
 
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
 
Buhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docxBuhay ni RIzal.docx
Buhay ni RIzal.docx
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Ang ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipinoAng ating panitikang filipino
Ang ating panitikang filipino
 
Filipino.Q2.Grade1.Week1.pptx
Filipino.Q2.Grade1.Week1.pptxFilipino.Q2.Grade1.Week1.pptx
Filipino.Q2.Grade1.Week1.pptx
 
interaktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturointeraktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturo
 
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBCDLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
 
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptx
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptxQ4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptx
Q4 M1 and M3 KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA.pptx
 
Epiko 2
Epiko 2Epiko 2
Epiko 2
 

More from catherinegaspar

ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...
ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...
ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...catherinegaspar
 
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.ppt
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.pptMATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.ppt
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.pptcatherinegaspar
 
Copy of Q3. FILIPINO6 Powerpoint presentation.pptx
Copy of Q3. FILIPINO6   Powerpoint presentation.pptxCopy of Q3. FILIPINO6   Powerpoint presentation.pptx
Copy of Q3. FILIPINO6 Powerpoint presentation.pptxcatherinegaspar
 
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptxESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptxcatherinegaspar
 
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...catherinegaspar
 
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptx
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptxICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptx
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptxcatherinegaspar
 
Copy of Quarter three. FILIPINO6 PPT.pptx
Copy of Quarter three. FILIPINO6   PPT.pptxCopy of Quarter three. FILIPINO6   PPT.pptx
Copy of Quarter three. FILIPINO6 PPT.pptxcatherinegaspar
 
Quarter 1. FILIPINO grade six PPT .pptx
Quarter 1. FILIPINO grade six  PPT .pptxQuarter 1. FILIPINO grade six  PPT .pptx
Quarter 1. FILIPINO grade six PPT .pptxcatherinegaspar
 
English Week 7 connotation denotation.pptx
English Week 7 connotation denotation.pptxEnglish Week 7 connotation denotation.pptx
English Week 7 connotation denotation.pptxcatherinegaspar
 
Human Reproductive System week 2 day 1.pptx
Human Reproductive System week 2 day 1.pptxHuman Reproductive System week 2 day 1.pptx
Human Reproductive System week 2 day 1.pptxcatherinegaspar
 
friction and gravitational force.pptx
friction and gravitational force.pptxfriction and gravitational force.pptx
friction and gravitational force.pptxcatherinegaspar
 

More from catherinegaspar (11)

ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...
ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...
ESP 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Nakapagpapakita Ng Magagandang Halimbawa Ng Pagigin...
 
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.ppt
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.pptMATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.ppt
MATH 5 PPT Q3 W5 - Lesson 69 - Visualizes And Describes Solid Figures.ppt
 
Copy of Q3. FILIPINO6 Powerpoint presentation.pptx
Copy of Q3. FILIPINO6   Powerpoint presentation.pptxCopy of Q3. FILIPINO6   Powerpoint presentation.pptx
Copy of Q3. FILIPINO6 Powerpoint presentation.pptx
 
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptxESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
 
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...
DEVICES - AP6-Q2-WEEK 3- DAY 2 - Philippine Organic Act of 1902_(Batas ng Pil...
 
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptx
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptxICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptx
ICT ARALIN eight grade six sample ppt.pptx
 
Copy of Quarter three. FILIPINO6 PPT.pptx
Copy of Quarter three. FILIPINO6   PPT.pptxCopy of Quarter three. FILIPINO6   PPT.pptx
Copy of Quarter three. FILIPINO6 PPT.pptx
 
Quarter 1. FILIPINO grade six PPT .pptx
Quarter 1. FILIPINO grade six  PPT .pptxQuarter 1. FILIPINO grade six  PPT .pptx
Quarter 1. FILIPINO grade six PPT .pptx
 
English Week 7 connotation denotation.pptx
English Week 7 connotation denotation.pptxEnglish Week 7 connotation denotation.pptx
English Week 7 connotation denotation.pptx
 
Human Reproductive System week 2 day 1.pptx
Human Reproductive System week 2 day 1.pptxHuman Reproductive System week 2 day 1.pptx
Human Reproductive System week 2 day 1.pptx
 
friction and gravitational force.pptx
friction and gravitational force.pptxfriction and gravitational force.pptx
friction and gravitational force.pptx
 

Recently uploaded

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 

Recently uploaded (20)

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 

filipino lesson third Quarter third week.pptx

  • 2. Paunang Pagtataya Bilugan ang pares ng salita na magkasalungat at kahunan ang pares ng salita na magkasingkahulugan. pambihira – natatangi mabilis - mabagal magwawagi – mananalo pandak - mababa paghihiganti – pakikipagkasundo malapit - malayo
  • 3. IKATLONG MARKAHAN Ikatlong Linggo Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang alamat
  • 4. 1. Pagsasanay Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa metacards.
  • 5. 1. Balik-Aral Ano ang alamat? Anu-anong halimbawa ng mga alamat ang madalas na ninyong naririnig o nababasa?
  • 6. A. Pagganyak Anong lugar ang makikita ninyo sa larawan? Nakarating na ba kayo sa lugar na ito? Ngayon ay matutuklasan natin kung paano ba nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
  • 7. A. Paglalahad Ipabigay sa mga bata ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pakikinig. Iparinig sa klase ang Alamat ng Sandaang Pulo sa pamamagitan ng inirekord na bersyon nito.
  • 8. Alamat ng Sandaang Pulo Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Ngunit watak-watak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na datu, sultan o raha. Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na pinuno ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng panahon, naging matahimik, masagana, at maunlad ang kaharian. Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili ng sandaan si Datu Mabisqueg.
  • 9. Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa pook na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa sinany ni Datu Mabisqueg. Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway. Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Lagging nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang liwayway, biglang naiba ang malawak na dagat. Humigit-kumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma. Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod na salinlahi ang alamat ng ‘Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
  • 10. A.Pagtatalakay 1. Sinu-sino ang namumuno sa mga maaharlika? 2. Sino si Raha Masibueg? 3. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Raha Masibueg? 4. Ano ang pangalan ng anak ni Raha Masibueg na siyang nagpatuloy ng pamumuno sa mga sinanay na kawal? 5. Ilang kawal ang pinili ni Datu Mabisqueg upang ipadala sa labanan? 6. Saan naganap ang labanan? 7. Gaano katagal ang nangyaring labanan? 8. Ano ang nangyari sa mga kawal na sinanay ni Datu Mabisqueg 9. Anu-ano ang napansin ng mga tao sa dagat makaraan ang nangyaring pagkawala ng mga kawal? 10.Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na kaugnayan ng mga pulo sa mga nalipol na kawal?
  • 11. Ang mga tanong na inyong sinagot ay tinatawag na mga tanong na literal kung saan ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
  • 12. A. Pagpapayamang Gawain Para sa Gawin Natin, iparinig ang “Alamat ng Romblon” na matatagpuan sa Bagong Filipino 5 sa Salita at Gawa, Batayang Aklat sa Pagbasa, pahina 104-105. Ipaskil sa pisara ang mga inihandang literal na tanong at ipasagot ito sa kanila. Sa Gawin Mo, basahin ang alamat na pinamagatang “Si Malakas at Maganda” na makikita sa pahina 159-160 ng Pag-Unlad sa Wika at Pagbasa 6. Ipasagot ang mga tanong sa Gawin Mo. Gumamit na lang po ng ibang kuwento, wala po akong aklat nito. Gawin Natin Panuto: Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na literal na tanong. 1. Ano ang tawag o taguri sa bayan ng Romblon? 2. Bakit ganito ang itinawag sa Romblon? 3. Anong diyalekto ng Bisaya ang salita ng mga tao sa Romblon? 4. Saan matatagpuan ang mga sasakyang dagat kung bagyo? 5. Paano nagsimula ang pangalang “Romblon”? Gawin Mo Panuto: Sagutin ang mga literal na tanong mula sa babasahing alamat ng guro. 1. Ano ang tanging nilalang na nabubuhay noon sa daigdig? 2. Bakit naisipan niyang pag-awayin ang dagat at langit? 3. Nagtagumpay ba ang ibon sa kanyang plano? 4. Anu-ano ang nangyari sa pag-aaway ng dagat at langit? 5. Sino ang lumabas sa unang biyas ng kawayan?sa ikalawang biyas?
  • 13. A.Paglalahat Ano ang kahulugan ng literal na mga tanong? Paano mo masasagutan ang mga literal na tanong mula sa inyong napakinggang teksto? Ang mga tanong na literal ay mga tanong kung saan ang mga sagot ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
  • 14. A.Paglalapat - Pangkatang Gawain Ang bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng maikling alamat na inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang alamat na binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga tanong na tungkol sa alamat na kanilang napakinggan. Maaaring gamitin ng guro ang kahit na anong alamat na kanyang nabasa o nahanap sa iba pang sanggunian.
  • 15. Pagtataya Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Sagutan ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong napakinggang alamat. Takdang Aralin Magsaliksik ng isang alamat na madalas ninyong marinig sa inyong lugar. Bumuo ng limang literal na tanong mula sa iyong napiling alamat. Pumili ng isang kapareha. Ang magkapareha ay magpapalitan ng pakikinggang alamat at sasagutang mga tanong. Iuulat sa klase ang awtput.
  • 16. IKATLONG MARKAHAN Ikatlong Linggo Ikalawang Araw Layunin Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
  • 17. 1. Pagsasanay “Iarte Mo” Maghanda ng ilang paper strips na naglalaman ng ilang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos. Bubunot ang mapipiling mag-aaral ng isang paper strip at iaarte ang pang-abay na naglalarawan ng kilos habang hinuhulaan naman ito ng klase.
  • 18. 1.Balik-Aral Magkaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa binasang nagdaang kwento/alamat. Ipatukoy sa mga bata ang ilan sa mga pang-abay na nakita o nabasa nila mula sa kwento.
  • 19. A.Pagganyak Mga bata, maraming kwento tungkol sa kabayanihan ang mababasa natin sa mga aklat. Malban sa mga kilala ninyong bayani, sinu-sino pa sa palagay ninyo ang maaaring tawaging bayani? Paano maipakikita ang kabayanihan? Pwede ba kayong maging bayani?
  • 20. Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala upang maging wasto ang ipinahahayag ng pangungusap. 1. Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong taon pa lamang siya. Wala siyang panahong lumaboy katulad ng ibang bata. (mag-aral, gumala, gumastos) 2. Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan sa lahat ng tao at tanghaling bayani ng lahi. (kilalang tao, tanyag na tao, mayamang tao) 3. Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente. (bilang, tagong lugar, malayo sa kabihasnan) 4. Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran, gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang mga ito upang itago sa kanilang kamalig. (hinila nang paisa-isa, binuhat nang paisa-isa, isa-isang dinala) 5. Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng kotse. (tulog, patay, walang ulirat)
  • 21. A.Paglalahad Sa araw na ito’y babasahin ninyo ang kwento tungkol sa kabayanihan ni Rona, isang walong taong gulang na bata. Ang pamagat ng ating kwento ay Walong Taong Gulang, Naging Bayani! Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento. Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga tanong sa SAGUTIN NATIN, pahina 56 ng “Pagdiriwang sa Wikang Filipino 5-Pagbasa”
  • 22. Alam mo ba na sa murang gulang mo ay maaari kang tanghaling bayani? Tunghayan ang kwentong ito. Walong Taong Gulang, Naging Bayani
  • 23. Walong Taong Gulang, Naging Bayani Si Rona Mahilum ay isang batang walong taong gulang at nakatira sa isang liblib na baryo sa Divina Colonia, Sagay, Negros Occidental. Mahirap lamang sila. Nagtatanim ng kape ang kanyang mga magulang. Isang araw bago umalis ang kanyang mga magulang ay kinausap nila si Rona. “Rona, ikaw na ang bahala sa iyong mga kapatid,” ang sabi ng kanyang tatay. “Kami ng iyong ina ay pupunta sa palengke.” “Huwag mong pabayaang lumaboy ang maliliit mong kapatid, anak. Ang ate mo, huwag mong kalimutang painumin ng gamut, ha?” dagdag na tagubilin ng kanyang nanay. “Opo. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan kop o silang maigi,” magalang na sagot ni Rona. Inalagaan at pinakain ni Rona ang mga kapatid. Pinainom din niya ng gamot ang ateng may sakit.
  • 24. Pagkatapos ng hapunan ay niyaya na ni Rona ang maliliit na kapatid na sina Dado at Edgar. “Dado, Edgar, halina kayo. Matulog na rin kayo at may pasok pa bukas. Mamaya pa siguro darating sina Itay at Inay,” ani Rona. “Sana, nabenta lahat ng kapeng dala nila, ano, ate?” ang ganting wika ni Dado. “Sana nga, Dado, sige, matulog na tayo. Magdasal muna tayo bago matulog,” ang sabi ni Rona.
  • 25. Mahimbing na ang tulog ng magkakapatid nang nagising si Rona sa sobrang init at doon niya natuklasan na nasusunog ang kanilang bahay. Isa-isa niyang kinaladkad ang kanyang dalawang nakababatang kapatid at ang nakatatandang kapatid na babae na may sakit. Matapos mailabas lahat ang kanyang mga kapatid, tumakbo siya sa isang balon at nag-igib ng tubig na siyang ibinuhos at ginamit na pamatay sa apoy ng nasusunog nilang bahay. Natagpuan siya ng kanyang magulang na walang malay at sunog ang buong katawan. Dahil sa matinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kinailangan siyang dalhin sa Maynila upang ipagamot. Umabot sa kaalaman ni Alfredo Lim, ang dating alkalde ng Maynila, ang katapangan at kabayanihan ni Rona. Hangang-hanga siya sa bata.
  • 26. Bilang pagkilala sa kakaibang kabayanihan ni Rona siya ay ipinagamot nang libre ni G. Lim sa Ospital ng Maynila. Maliban ditto, tumanggap siya ng isang milyong pisong gantimpala buhat sa pamunuan ng naturang lungsod. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Tungkol saan ang kwento? 2.Paano naging bayani si Rona Mahilum? Ibigay ang mga katangian niya. 3.Mabuti bang maging bayani? Patunayan. 4.Kung ikaw si Rona, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit o bakit hindi? 5.Bakit si Alkalde Alfredo Lim ang tumulong sa kanya?
  • 27. A.Pagtatalakay Magulang ni Rona Rona Mga Tauhan sa Kwento Mga Kapatid ni Rona Kopyahin sa papel ang character web at isulat ang mga naging kilos o gawi ng mga tauhan batay sa kwento sa pamamagitan ng pagbabanig. Pagkatapos, ilarawan ang mga tauhan batay sa kilos o gawi nila sa kwento.
  • 28. • Ang istratehiyang pagbabanig o webbing. Ito ay istratehiya kung saan maipakikita ang kaugnayan ng isang kaisipan upang higit na maging makahulugan ang pagsasalarawan. Ang web ay binubuo ng core, web strand at web ties na maaaring gamitan ng mga bilog o iba pang hugis na mapaglalagyan ng mga sagot.
  • 29. Gawin Mo Gamit ang METACARDS, magsulat ng iba’t ibang pang-abay na maaaring magamit sa paglalarawan ng kilos ng mga tauhan sa kwento. Ipaskil ang mga metacard sa pisara.
  • 30. Paglalahat Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng tauhan? Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang mga ito? Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang mga pang-abay?
  • 31. Paglalapat Pangkatang Gawain Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na babasahin ang kwento at pagkatapos ay isasagawa na ang bawat gawain. Unang Pangkat – mula sa binasang kwento, ilarawan ang mga tauhan batay sa ikinilos o ginawi ng mga ito. Ikalawang Pangkat- mula sa binasang kwento, gumamit ng mga pang-abay sa paglalarawan ng mga kilos na nagmula sa kwento Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang awtput sa klase.
  • 32. Paglalahat Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng tauhan? Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang mga ito? Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang mga pang-abay?
  • 33. Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gamitin ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
  • 34. Pangkaraniwang empleyado ng gobyerno si Mang Danny. Araw-araw, maaga pa ay nasa opisina na siya at naglilinis. Ugali na niyang linisin ang tanggapan ng punong-lungsod tuwing umaga. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan si Mang Danny. Isang araw, sa pagpasok niya sa loob ng tanggapan ay may napansin siyang isang supot sa tabi ng upuan. Dinampot niya ito sa pag-aakalang mga basura ang laman nito. Aning gulat niya nang makitang mga dadaanin ang nasa loob nito. Ibinigay niya agad ito sa alkalde. Pagtataya Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
  • 35. Takdang Aralin Pumili ng isang kwentong paborito ninyong basahin. Ilarawan ang kilos ng mga tauhan ng nasabing kwento batay sa ikinilos o ginawi. Siguraduhing gumamit ng pang-abay sa inyong paglalarawan.
  • 36. IKATLONG MARKAHAN Ikatlong Linggo Ikatlong Araw Layunin Nakakukuha ng tala sa binasang teksto Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang talambuhay Nagbibigay ng mga salitang magkakasalungat/magkakasingkahulugan
  • 37. 1. Pagsasanay Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang pang- uri sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila. 2. Mabango ang bulaklak na kampupot. 3. Tuwang-tuwa ang masipag na ama. 4. May malakas na halakhakan siyang naririnig. 5. May maliit na liwanag na naglalagos sa bintana.
  • 38. 1. Balik-Aral Ipalarawan sa mga bata ang kilos na ipinakikita ng larawan sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay.
  • 39. A. Pagganyak Tanungin ang klase kung sinu-sino ang mga bayaning babae na kilala nila. Magpabigay ng ilang detalye ng buhay ng mga bayaning kanilang nabanggit. Nakikilala ba ninyo kung sino ang nasa larawan? Siya si Teresa Magbanua o mas kilala sa tawag na Henerala Nay Isa. Anu-ano kaya ang mga pangyayari sa kanyang buhay? Tuklasin natin ito. Ngayong araw na ito ay ating babasahin ang maikling talambuhay ni Henerala Nay Isa.
  • 40. A. Paglalahad Ilahad ang pamagat ng teksto. Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento.
  • 41. “Ang babae man ay maaaring maging tagapagtanggol ng bayan.” Henerala Nay Isa (Talambuhay) Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan nang makikita na siya ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na lalaki. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa paninirador ng ibon, at sa pangangabayo. Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan, Iloilo. Nakilala siyang mahusay ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang magsasaka, kay Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama siya sa kanyang asawa sa bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.
  • 42. Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid nang sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Español. Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok upang sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Español. Sinabi niyang kailangan ng bayan ang mga babaing may kakayahang makipaglaban tulad ng mga lalaki. Humanga si Heneral Poblador sa kanyang tapang. Binigyan siya ng sandata at mga tauhan.
  • 43. Noong 1900, napasailalim ang buong Pilipinas sa pamamahala ng mga Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng kanyang asawa. Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang matapang at matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa Magbanua, ang pangalawa sa walong anak ng mag-asawang nakaririwasa na sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira Magbanua Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na nabawi ng mga naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang bayan sa pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na humawak ng sandata alang-alang sa bayan.
  • 44. Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto. Gamitin ang “story grammar” upang makuha ng mga bata ang mga tala mula sa teksto. Punan ang mga ulap ng mga talang hinihingi mula sa kwentong binasa. PAMAGAT TAGPUAN MGA TAUHAN UNANG PANGYAYARI IKALAWANG PANGYAYARI IKATLONG PANGYAYARI KASUKDULAN WAKAS
  • 45. A.Pagtatalakay Mula sa binasang talambuhay, papagbigayin ang mga bata ng mga pang-uri na nabasa nila sa talambuhay. Ipasulat ang mga ito sa metacards at ipaskil sa pisara. Gamit ang mga salitang nakasulat sa metacards, papagbigayin ang mga bata ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan. Tanungin ang klase kung may pangyayari sa kanilang sariling karanasan ang nakakatulad o nakakahawig ng ilang mga pangyayari sa talambuhay na kanilang binasa. Ipaugnay ang karanasang ito sa binasang talambuhay.
  • 46. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang talata sa mga bata. Pagkatapos basahin, ipabigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan na nabasa nila sa talata. Ipalagay ito sa tsart.
  • 47. Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing rises. Kantina ito ng paaralan. Sang-ayon sa kanila, may mahal at mura sa mga paninda. Masarap ang mga pagkain, malinamnam. Marumi ang basahan, malinis ang mesa. Maingay ang ilang bata at tahimik ang nakararami. Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila. Magkakasingkahulugan Magkakasalungat
  • 48. Paglalahat Paano mo masasabing magkasalungat ang mga salita? Sa paanong paraan naman masasabing magkasingkahulugan ang mga salita? Ang mga salita ay magkasingkahulugan kung ang ito ay nagsasaad ng magkaparehong ibig sabihin. Ang mga salita ay magkasalungat kung ang mga ito ay may magkabaliktad na kahulugan o ibig sabihin.
  • 49. A. Paglalapat Magsagawa ng isang pangkatang laro. Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag- uunahan na makapagbigay ng mga salitang magkasalungat/ magkasingkahulugan depende sa hihingin ng guro.
  • 50. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Magbigay ng mga salitang magkasingkahulugan o magkasalungat mula sa mga pangungusap. 1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog. 2. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa bukid. Gustung-gusto na ni Joel na mamitas ng mga bungang-kahoy. 3. Si Claude ay maliligo sa malinis na ilog ngunit hindi siya nakapaligo dahil marumi at mababaw ang tubig. 4. Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical waste ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi na maaaring gamitin pang muli kaya itinatapon na. 5. Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito.
  • 51. Punan ang bawat puno ng pares ng mga salitang magkakasingkahulugan at magkakasalungat. MAGKASINGKAHULUGAN MAGKASALUNGAT Pagtataya
  • 52. Takdang Aralin Magbigay ng limang pares ng salitang magkasalungat at limang pares ng salitang magkasingkahulugan.
  • 53. IKATLONG MARKAHAN Ikatlong Linggo Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang salitang hiram/natutuhan sa aralin
  • 54. 1. Pagsasanay Isaayos ang mga salita ayon sa pagkakasunud-sunod ng bagong alpabeto. ______xerox _______alcohol ______karaoke _______bangko ______radyo _______mesa ______pansit _______videoke
  • 55. 1. Balik-Aral Ano ang salitang hiram? Ipabasa ang mga inihandang pangungusap. Ipasulat o ipapili sa mga mag-aaral ang mgsa salitang hiram na matatagpuan sa bawat pangungusap.
  • 56. A.Pagganyak Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may lamang mga piraso ng isang larawan (puzzle pieces). Sa hudyat ng guro, bubuuin ng bawat grupo ang larawan na napapunta sa kanila. Ipaskil ito sa pisara. Naranasan mo na bang mag-anyaya ng isang kaibigan o panauhin? Sa paanong paraan mo ito ginawa?
  • 57. A. Paglalahad Ilahad ang pamagat ng teksto. Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa ang kwento. Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto.
  • 59.
  • 60. A.Pagtatalakay Gawin Natin Isulat ang lahat ng mga salitang hiram na iyong nabasa mula sa kwento. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Suriin ang baybay ng mga salitang ito. Isulat ito sa kwaderno
  • 61. A. Pagpapayamang Gawain 1. basketbol piko jack en poy patintero 2. pinakbet lumpia spaghetti sinigang 3. binyagan kumpilan kasalan despidida 4. shorts pantalon palda saya 5. escalator bentilador kubrador burador 6. pizza sausage tinapay pandesal 7. bus bapor LRT eroplano 8. telebisyon radyo telepono computer 9. coach guro punong-guro pulis 10. martilyo bumbilya kutsara Flashlight Gawin Mo Panuto: Piliin ang salitang hiram sa pangkat.isulat ito ng may wastong baybay sa iyong kwaderno.
  • 62. A.Paglalahat Sa paanong paraan mo maisusulat ng wasto ang baybay ng mga salitang hiram? Bakit mahalagang maisulat mo ng maayos at wasto ang baybay ng bawat salitang hiram na iyong matututuhan?
  • 63. Pangkatang Laro Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag- uunahan na makarating sa finish line sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang hiram na babanggitin ng guro. A.Paglalapat
  • 64. Pagtataya Panuto: Anong salitang hiram ang tinutukoy ng bawat bilang? Isulat ang wastong baybay nito sa inyong kwaderno.
  • 65. 5.likas na langis sa puno ng buhok sa anit 6. pangkulay ng buhok 7. gamot o lunas sa kanser 8. kulang sa wastong nutrisyon 9. kagamitan o makina sa pagkopya o pagpaparami ng sipi ng mga papeles at dokumento 10. nakatutulong upang Makita ang mga bagay na nasa malayo tulad ng kalawakan
  • 66. Takdang Aralin Ipasulat sa wastong baybay ang mga salitang hiram na bahagi na ng salitang Filipino.
  • 67. IKATLONG MARKAHAN Ikatlong Linggo Ikalimang Araw Layunin Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula
  • 68. 1. Pagsasanay Ipasaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang maaaring maglarawan sa isang tauhan o tagpuan sa isang kwento. a. W M I N A A A b. T A K T A T O N A c. Y P A P A A d. T M B I A A e. N M K P A I R A Y H G A N A A
  • 69. 1. Balik-Aral Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonood kayo ng mga pelikula?
  • 70. A.Pagganyak Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula? Anong uri ng pelikula ang pinanonood ninyo?
  • 71. Ang papanooring pelikula para sa araw na ito ay isang maikling pelikula tungkol sa bahaghari. Pagmasdan ang larawan. Ano ito? Alam ba ninyo kung bakit o paano nagkaroon ng bahaghari?
  • 72. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1.Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2.Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3.Ilarawan ang tagpuan. 4.Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan. 5.Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?
  • 73. Gawin Mo Panuto: Mula sa pagsusuri ng pinanood na pelikula, punan ang graphic organizer ng mga salitang maglalarawan sa mga tauhan at tagpuan nito. PAMAGAT NG PELIKULA TAUHAN TAGPUAN
  • 74. A.Paglalahat Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at mga sa napanood na pelikula? Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa panonood ng pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga pangyayari sa pelikulang napanood.
  • 75. A.Paglalapat Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na pagsasanay. Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa. Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit.
  • 76. Pagtataya Ipapanuod ang inihandang video clip at ipasagot ang mga katanungang sumusunod: 1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo. 4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan. 5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
  • 77. Takdang Aralin Manood ng iyong paboritong pelikula. Suriin ang tauhan at tagpuan ng iyong pelikulang napanood.