2. A. Panitikan: Mullah Nassredin
(Anekdota mula sa Persia)
B. Gramatika at Retorika: Gramatikal,
Diskorsal, Estratedyik
sa Pagsasalaysay ng
Orihinal na Anekdota
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Aralin 3.2
3. Tukuyin kung anong bansa ang
mga sumusunod na watawat.
1964-1979 : Imperial State of Iran
1980-present : Islamic Republic of Iran
4. Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa
ginawang paglalapi. Piliin ang letra ng tamang sagot.
a. dalawang taong nasisiyahan
b. isang bagay na
nararamdaman ng isang tao
c. pinagkakasiyahan ng ibang
tao
d. reaksiyon mo sa isang bagay
na ayaw mong problemahin
e. mga nakapabibigay saya sa
tao
2. Tawanan
3. Nagtatawanan
4. Katatawanan
5. Pinagtatawanan
1. Natatawa
5. Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa
ginawang paglalapi. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Natatawa a. dalawang taong nasisiyahan
2. Tawanan b. isang bagay na
nararamdaman ng isang tao
3. Nagtatawanan c. pinagkakasiyahan ng ibang
tao
4. Katatawanan d. reaksiyon mo sa isang bagay
na ayaw mong problemahin
5. Pinagtatawanan e. mga nakapagbibigay saya sa
tao
B
C
E
A
D
6. Alam mo ba…
ang anekdota ay isang kuwento ng isang
nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao? Layon nito ay
makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang
anekdota. Dapat na ang bawat
pangungusap ay kukuha ng interes ng
mambabasa. Dapat na ang panimulang
pangungusap ay kapana-panabik.
7. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota
Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan
ng personal na anekdota. Piliin ang pangyayari
sa iyong buhay na angkop sa paksa at layunin.
Dapat ay makatotohanan at may isang paksa.
Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring
ilalahad mo sa iyong anekdota.
Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag
munang sasabihin ang kasukdulan upang hindi
mawala ang pananabik ng mga mambabasa.
Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang
kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
8. Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
A. May isang paksang tinalakay. Ito ay dapat
bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
B. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap
na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid
sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may
susunod pang mangyayari.
11. Talakayan:
1. Ilarawan ang mga tauhan.
2. Ano ang tema ng Anekdota?
3. Ano ang Mensahe ng Anekdota?
4. Paano mo mapahahalagahan ang
mga desisyon mo sa buhay?
12. Gawain 4: Pagbibigay ng Opinyon
Panuto: Panoorin ang anekdota ni
Melai Cantiveros mula sa Youtube na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa
isang bagay. Pagkatapos magbigay ka
ng sarili mong opinion o reaksiyon
kaugnay sa napanood.
13.
14. Gawain 4: Pagbibigay ng Opinyon
1. Saan mahilig pumunta si Melai
noong bata pa siya?
2. Ano ang kaisa-isang bagay na
mahalaga sa kaniya?
3. Anong pangyayari ang sobrang
ikinalungkot ni Melai?
4. Ano ang natutunan mo mula sa
anekdota ni Melai Cantiveros?
15. Gawain: Paglinang ng Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasulat nang pahilig sa pangungusap sa
pamamagitan nga pagbuo sa mga letra.
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihan.
O I A T L N - __________
2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan
at huwag itong aksayahin.
N A A Y N G I S - ____________
16. Gawain: Paglinang ng Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasulat nang pahilig sa pangungusap sa
pamamagitan nga pagbuo sa mga letra.
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihan.
O I A T L N- _____________
2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan
at huwag itong aksayahin.
N A A Y N G I S - ____________
NALITO
SAYANGIN
17. 3. Nangimi ang mga nakikinig sa kanyang
Homilya.
A A I H Y P N A - ____________
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa
simbahan
A I M I B N T H A A N - _____________
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa
harap ng mga tao.
A N S I U L M - ____________
18. 3. Nangimi ang mga nakikinig sa kanyang
Homilya.
A A I H Y P N A - ____________
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa
simbahan
A I M I B N T H A A N - _____________
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa
harap ng mga tao.
A N S I U L M - ____________
NAPAHIYA
INIMBITAHAN
LUMISAN
20. MULLAH NASSREDDIN
Ay kilala sa tunay na pangalang Nasreddin
Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo.
Pinaniniwalaan na ang kaniyang sinilangang-
bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng
Turkey. Kilala si Nassreddin dahil sa kaniyang
nakatutuwang mga kuwento at anekdota. Siya’y
may matalas na pag-iisip, ngunit palagi siyang
tampulan ng biruan. Ang “Mullah” ay isang titulo
na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos
lahat ng Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni
Nassreddin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina
ay alam din ang kaniyang mga anekdota, at sa
wikang Tsino ang pangalan niya ay “Afanti”.
21.
22. Gawain 5: Ating Suriin
A. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1.Ilarawan si Mullah.
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang
ginampanan upang siya ay makilala bilang
pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
-Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo
sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing
natin kay Mullah? Patunayan ang sagot.
4. Ano ang mensahe ang nais iparating sa atin ng
anekdota ni Mullah Nassreddin
2. Tungkol saan ang binasang akda?
23. Mga Elemento ng Kuwento:
Banghay – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
Panimula – Sa bahaging ito nailalarawan kung saan at
paano nagsimula ang kuwento.
Saglit na Kasiglahan – tumutukoy sa panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento.
Suliranin – ito ang problemang kinakaharap ng tauhan sa
kuwento.
Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa
kalikasan.
Kasukdulan – sa bahaging ito nagaganap o nailalahad
ang problema sa kuwento
Kakalasan – sa bahaging ito unti-unti nang
nasosolusyunan ang problema sa kuwento.
Wakas – tumutukoy ito sa kung paano nagwakas o
natapos ang kuwento.
24.
25.
26.
27. PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS
NILALAMAN
Naipakita nang maayos ang ugnayan ng
lahat ng konsepto sa paggawa ng
komik-istrip.
40 pts.
GAMIT NG WIKA
AT GRAMATIKA
Tama ang gamit ng wika sa
pagpapahayag o usapan sa komik-istrip.
20 pts.
MAY SARILING
ISTILO
Orihinal ang ideya sa pagggawa ng
komik-istrip.
15 pts.
PAGKAMALIKHAIN
Maayos, maganda at gumamit ng
tamang kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman.
15 pts.
KABUUANG
PRESENTASYON
Maaayos at malinis ang kabuuang
presentasyon.
10 pts.
KABUUAN 100 pts.
28. AWTPUT #2: INDIBIDWAL / DALAWAHAN
GUMAWA NG ISANG KOMIK-ISTRIP.
ANG PAKSA AY BATAY SA
NAKATUTUWA, NAKAWIWILI AT
MAKATOTOHANANG NANGYARI SA
IYONG BUHAY.
FINAL DEADLINE:
March 1, 2024
(Friday)
29. SUFISM
Ang Sufism ay hindi lamang relihiyon
o pilosopiya, bahagi ito ng buhay.
Wala itong kaugnayan sa bagay at
lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa
oras, pera o maging karangalan.
Nakapukos ito sa pagpapaunlad ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng
kanilang pandama.
33. Alam mo ba na …
ang pagsasalaysay ay isang diskurso
na naglalatag ng mga karanasang
magkaugnay?
Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri
ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula
ang alamat o epiko, at mga kwentong bayan
ng ninunong mga Pilipino.
34. Ang pagpili ng paksa ang unang
pinakamahalagang hakbang sa
pagsulat ng pagsasalaysay.
Kailangang ito ay maganda at
kawili-wili. Bukod dito, mahalaga
ring napapanahon ito at may
dalang lugod/aral at kabutihan sa
mga mambabasa.
35. Sa pagsasalaysay, ginagamit ang
kahusayang gramatikal, diskorsal
at strategic
Gramatikal – ito ay tamang
paggamit ng balarila sa
pangungusap katulad ng wastong
pagbigkas at pagbaybay ng mga
salita.
36. Sa pagsasalaysay, ginagamit ang
kahusayang gramatikal, diskorsal
at strategic
Diskorsal - Ito ay paggamit ng
wikang binibigkas at sinusulat
upang makalikha ng makabuluhan
at maayos na pagpapahayag.
37. Sa pagsasalaysay, ginagamit ang
kahusayang gramatikal, diskorsal
at strategic
Strategic – Dito ginagamit ng
nagsasalita ang mga uri ng
komunikasyon na berbal at hindi
berbal upang maihatid nang mas
malinaw at mas maayos ang
mensaheng nais ipahayag.
38. Ang mga Mapagkukunan ng Paksa
1. Sariling Karanasan
2. Narinig o napakinggan sa iba
3. Napanood
4. Likhang- isip
5. Panaginip o pangarap
6. Nabasa