1. Panuto:
- Suriin ang mahalagang bahagi ng anekdota ‘Mullah Nassreddin’
-Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.
Mullah Nassreddin
Panimula:
Tunggalian:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Wakas:
2. Alamin mo!
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon
1. Mula sa anumang tekstong nabasa, kailangang ganap na mauunawaan ang mga
pangyayari.
2. Pinakamadali at pinaka detalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
3. Dapat na ito ay likas na napapanahon may mayamang damdamin pangtao, may
kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
NABASA PANAGINIP O PANGARAP KAWILIHAN NG PAKSA
KAKAYAHANG PANGSARILI SARILING KARANASAN
3. 4. Ang mga panaginip o hangarin ng mga tao ay maaari ding maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.
5. Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at
layunin ng manunulat.
4. Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan
ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki
kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang
paghahanda at pagpupunyagi ng tao na
pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-
aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa
may mataas na pinag-aralan ay maamo ang
kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa
paghahalaman.
5. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga
pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan
sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling
Irene at inihanda kapagkaraka ang mga
pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si
Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa
linang upang samahan sa pagluwas ang anak na
pag-aaralain sa Maynila.
6. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating
sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang
sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang
tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-
kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang
babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan
ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at
makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”
7. “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na
bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-
guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at
nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko
sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa
inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng
punung-guro.
8. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa
aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag
ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano
po?”
“Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring
ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling
kurso ukol sa isang tanging karunungan upang
siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
9. “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro.
“Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang
kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang
gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo
ay magpatubo ng isang mayabong na punong
akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit
ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
10. Dili di natubigan si Mang Simon sa huling
pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy.
Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang
naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-
tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang
buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera.
Higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.”
11. Mga Katanungan!
1.Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2.Ano ang masasabi ninyu sa kwentong ito.
3.Ano ang inyung opinyun tungkol sa
kwentong akasya at kalabasa.
4.Sa iyong palagay, kapag si Iloy ba ay
kumuha ng kursong pang mabilisan lamang,
sa tingin nyu ba magiging matagumpay pa
rin sya sa buhay?
13. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a.Nakikilala/naipaliliwanag ang mga uri ng
diskursong pasalaysay;
b.Nakapag-uulat ng sariling halimbawa ng
diskursong pasalaysay
c.Napahahalagahan ang diskursong
pasalaysay.
14. Diskorsal
•Ang diskorsal ay ang sangkap na
nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita na palawakin ang
kaniyang mensahe upang mabigyan
ng wastong interpretasyon ang
salita, mas maunawaan ang salita, at
maipahayag ang mas malalim na
15. Pagsasalaysay
•Ang pagsasalaysay naman ay isang
diskursong naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay.
Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing itong pinakamasining,
pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
16. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng
Paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na
napapanahon, may mayamang damdaming
pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos
na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan
ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay
naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng
manunulat.
17. 4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng
isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang
labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay
at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao
hindi para lamang sa kaniyang pansariling
18. Mga Pagkukunan ng Paksa
1.Sariling karanasan – pinakamadali at
pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2.Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan
ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu,
mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at
dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
19. 3.Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang
panteatro, at iba pa.
4.Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o
ilusyong makalilikha ng isang salaysay.
5.Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng
tao ay maaari ding
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6.Nabasa – mula sa anomang tekstong nabasa, kailangang
ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
20. Katangiang dapat taglayin ng Pagsasalaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-
panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
4. May kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas.
21. Mga Bahagi ng Pagsasalaysay
1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na
bahagi ng isang kuwento.
22. 4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw
sa mga tanong na nagpanabik sa mga
mambabasa sa bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga
tunggalian sa kuwento. Dito rin
ipinahahayag
ang mahalagang kaisipan o mensahe sa
23. Opinyon
•pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo
pero maaaring pasubalian ng iba. Ito ay batay sa
paniniwala o kaalaman ng isang tao tungkol sa isang
ideya, isyu, paksa o kuwento na kaniyang nasuri. Ang
pagbibigay ng opinyon ay hindi nangangahulugang
pagpapahayag ng isang tamang solusyon o sagot sa
isang bagay. Ito ay maaaring magkakatulad at maaari
ring magkakasalungat depende sa pagkakaunawa,
paniniwala o kaalaman hinggil sa isang isyu, paksa o
24. Pagbuo ng sariling Opinyon
•Bawat pangkat ay pipili ng isyu
at gagawan ng sariling opinyon.
•Bawat grupo ay pipili ng isang
representante na mag-uulat ng
kanilang ginawa.
27. Pagtataya
•Kumuha ng kalahating papel na pahalang at
sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bilang isang mag-aaral paano mo
mapahahalagahan ang diskursong pasalaysay?
2. Bakit kailangang panatilihing ang
diskursong pasalaysay?
28. Takdang Aralin
Sa iyong Journal sumulat ng lima
o hanggang sampung pangungusap
kung paano ninyo
mapapahalagahan ang diskursong
pasalaysay.