Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Lessno Plan sa Filipino
1. ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGBASA SA IKALAWANG TAON
I.
LAYUNIN
Mailahad ang kwentongn “Impeng Negro” ,ang mga mag-aaral sa ikalawang taon
ay inaasahang:
1. Naiaantas ang magkasingkahulugan salita mula sa pinakamababaw hanggang
sa pinakamalalim;
2. Nakabubuo ng story grammar ng kuwento matapos itong basahin;
3. Nasasagot ng may buong pag-unawa ang mga tanong hinggil sa kwentong
binasa;
4. Naisasaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng
kwentong binasa:
5. Nakapagmamalas ng sariling saloobin sa mga pangyayari sa kwento.
II.
PAKSANG ARALIN
A. Kasanayan: Pagbubuod sa Kwentong Binasa
B. Kwento/Lunsaran: “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat
C. Sanggunian: Pluma II
D. Mga Kagamitan: larawan, tsart
E. Mga Estratehiya: Story Grammar, Pangkatang Gawain, Paglalarawan
III.
Pamamaran
Gawaing Guro
Gawaing Mag-aaral
A. Bago Bumasa
1. Pagganyak
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga rin po!
(Magpapaskil ng larawan ng isang maitim at
maputing lalaki sa pisara)
Ano ang mapapansin ninyo sa katangian ng
dalawang nasa larawan?
(Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay
at sasagot)
Ito po ay larawan ng isang maitim at maputing
lalake!
Tama! Ano pa?
Ang maitim po ay kulot ang buhok, sarat ang
ilong samantalang ang maitim ay malaki ang
katawan, gwapo at matangos ang ilong.
2. Magaling! Mayroon bang diskriminasyon sa
mga maiitim sa ating lipunan?
Mayroon po!
Oo, sa ating lipunan ay talagang nagkakaroon
ng diskriminasyon sa mga maiitim lalo na ditto
sa atin. Ang larwang ito ay may kinalaman sa
ating tatalakayin na kwento.
2. Pag-alis ng Sagabal
Bago natin basahin ang kwento ay pagtuunan
muan natin ang nasa pisara na mga salita.
Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit at muling gamitin sa
pangungusap.
(Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay
at sasagot)
1. SINIPAT
!. INASINTA
Sinipat siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya
sa nabitiwang baldeng tubig.
2. ISINAWAK
Isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig
sa balde.
3. BATALAN
Naghugas ng kamay sa batlan si Impen
4. NAKABULAGTA
Si Ogor ay bulagta matapos ang away nila ni
Impen
5. NABUWAL
Siya ay nabuwal dahil sa paa ni Ogor na
nakahrang
6. MARURUSI
Ilan sa mga damit ni Impen ay marurusi na.
(Pipili ang mga estudyante ng salita at
gagamitin nila ito sa pangungusap)
2. ILINUBLOB
3. LABABO
4. NAKAHANDUSAY
5. NAHULOG
6. MADUDUMI
(Gagamitin nila ito sa mga pangungusap)
3. Pagbibigay ng Pagganyak na
Tanong
Ngayon wala nang balakid sa inyong
pagbabasa at handa na kayong maglakbay sa
mundo ni Impen. Pagtuunan natin ng pansin
ang mga sumusunod na nasa pisara.
3. 1.
2.
3.
4.
Tagpuan
Mga Tauhan
Mahahalagang Pangyayari
Mensahe ng kwento
Basahin ito ng may pag-unawa at tahimik ang
kwento.
B. Habang Bumabasa
Ngayon ay pagtuunan natin ng pansin ang
kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sikat.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minute
upang basahin at unawain ang kwento.
Upang mlaman ko kung gaano kalalim ang
inyong pag-unawa sa teksto ay papangkatin ko
kayo sa apat na grupo. Bawat grupo ay
bibigyan ko ng tig-iisang tsart
Sikaping punan ang hinihingi ng tsart na
kasagutan.
UNANG PANGKAT
PAMAGAT
.
T
A
U
H
A
N
T
A
G
P
U
A
N
S
U
L
I
R
A
N
I
N
K
A
S
U
K
D
U
L
A
N
W
A
K
A
S
5. IKAAPAT NA PANGKAT
TAGPUAN
TAUHAN
PAMAGAT
SULIRANIN
WAKAS
C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagpapahalaga sa
Pangkatang Gawain
Bago natin talakayin ang ingyong binasa,
maaari lamang na ipaskil na ninyo ang inyong
mga ginawa. Bawat grupo ay magkakaroon ng
isang kinatawan upang ilahad at ipaliwanag
ang inyong mga ginawa ng mabilisan.
(Isa-isang ipapaliwanag ang Story Grammar)
PAMAGAT
Impeng Negro
TAUHAN
Impen, Ogor, Boyet, Kano,
Diding, Ina ni Impen at mga
Agwador
SULIRANIN
Ang panunukso kay Impen ng
kapwa Agwador at ni Ogor.
TAGPUAN
Sa bahay nina Impen at sa gripo.
WAKAS
Humanga ang ibang agwador ka
Impen at naramdaman niya ang
kapangyarihan.
6. Magaling kayong lahat. Bigyan natin sila ng
tatlong bagsak. Mapapansin niyo ba na iba-iba
ang inyong mga tsart ngunit pare-pareho
lamang ang mga ito na story grammar.
Ano ang story grammar?
Ito po ay isang paraan ng pagtataya sa pagunawa sa binasa.
Ano ang maitutulong nito?
Sa pamamagitan nito ay nababalangkas natin
ang bahagi ng kuwentong binasa.
Mahusay kayong lahat!Naunawaan niyog talag
ang inyong binasa. Bigyan niyo ulit ng tatlong
bagsak ang inyong sarili.
.
2. Pagtalakay sa Kwento
Ngayon ay sabay sabay nating pasukin ang
mundo ng batang si Impen
Tungkol saan ang kwentong binasa?
(Magtataas ng mga kamay ang mga mag-aaral)
Tungkol po ito sa diskriminasyon ng isang
negro.
Sino-sino naman ang mga pangunahing tauhan
sa kwento?
Maari niyo bang ilarawan ang dalawa?
Tama! Sino ang nangaral kay Impen na huwag
na siyang makipag-away at uuwing basag ang
mukha?
Ang mga pangunahing tauhan po ay si Impen
at Ogor.
Si Impen po isang lalaking labing-anim na
taong gulang at laging kinukutya ng mga tao
dahil sa kanyang kaitiman. Si Ogor ay
matipuno ang kanyang katawan at laging
nangunguna sa pangungutya kay Impen
Ang kanya pong Ina.
Ano ang trabaho ni Impen?
Isa po siyang agwador.
Tama! Isa siyang agwador o taga igib ng tubig!
Bakit nag-aagwador si Impen?
Mahina na ang kita ng kanyang ina sa
paglalaba kaya patuloy siyang nag-aagwador.
7. Tama ka! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni
Impen, gagawin mo rin ba ang ginagawa niya?
Para sa sakin po ay, oo, sapagkat ang
pagtulong sa iyong ina ay isa sa mga maaari
mong isukli sa kanya bilang anak.
Napakabuti mo namang anak! Tama dapat
nating tulungan ang ating mga Ina lalo na kung
tayoy hindi naman biniyayaan ng maraming
salapi.
Bakit nag-away sina Impen at Ogor?
Pinatid po ni Ogor si Impen nang papaalis na
ito sa pila at nabuwal ito. Tumama ang kanan
niyang pisngi at nagalit si Impen at doon ay po
nagsuntukan sila.
Magaling! Nagbasa ka ngang talaga!
Kung ikaw si Impen susuntukin mo ba at
aawayin si Ogor?
Opo! Dahil tao lang po tayo at nasasaktan din.
Ang ginawa ni Ogor ay sobrang abuso na
bilang tao at hindi ko na yaon mapapalamapas
pa!
Magaling! Sino pa ang mayroong kasagutan?
Ako po hindi, kung ako po ang nasa sitwasyon
ni Impen ay tatakbo na lamng ako at ipapasaDiyos ko na lamng si Ogor.
Tama kayong lahat! Ano ang masasabi ninyo
sa katangian ng dalawang pangunahing
tauhan? May pagkakaiba ba?
Mayroon po, si Impen ay nagtataglay ng
positibong pag-uugali at si Ogor ay nagtataglay
ng negatibong ugali ng isang tao.
Sino sa kanila ang gusto ninyong tularan?
Si Impen po, dahil siya’y mabuting anak,
mapagtimpi, at higit sa lahat ay matapang.
Sino ang dapat nating iwasan?
Si Ogor po dahil siya’y mapangalait ng kapwa
niya at masama ang kanyang ugali.
8. 3. Pagtalakay sa Kasanayan sa
Pagbasa
Lahat tayo ay may kakayahang makapagbuod
ng kwento. Ngayo bago natin talakayin ang
mga bagay-bagay na may kinalaman sa
pagbibigay ng buod ay ating bigyan muna ito
ng kahulugan,
Ano nga ba ang buod o pagbubuod?
Tama ka riyan! Ano-anu kaya ang mga paraan
sa pagbubuod ng binasang teksto o akda
Ang pagbubuod po ay ang pagpapaikli ng
isang kwento o istorya ngunit ito ay may
kimpleto at naiintindihang ibig sabihin o
saloobin.
Dapat po ay basahin nang may pag-unawa ang
teksto. Alamin ang diwang hatid nito.
Habang bumabasa, isulat ang mahahalagang
puntos. Pagkatapos, suriin ang mga itinalang
puntos.
Sino pa ang kapagbabahagi ng kaniyang
nalalaman?
Sa pagbubuod po dapat ay sariling
pangungusap ang gamitin. Huwag magsama ng
sariling kuro-kuro.
Ang mga bahaging maaaring magpahaba o
magpalabo sa nilalaman ay nararapat baguhin.
Dapat tingnan kung naaayon sa orihinal ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
Basahing muli at lalo pang paikliin. Dapat
ding itanim sa isip na lalong maikli ay lalong
mabuti, tiyakin lamang na naroon ang diwa.
Tama ang lahat ng inyong mga sinabi mahusay
kayo! Ngayon ay susubukan natina ng ksanayn
ninyo sa pagbubuod ng bpagkasunod-sunod ng
mga pangyayari na hango sa kwetong ating
binasa.
9. 4. Pagsasanay
Ngayon ay upang malaman ko kung gaano
kayo kahusay sa paghihinuha sa bibigyan ko
kayo ng isang pagsubok upang malaman ang
inyong kasanayan sa pagbubuod. Maglabas
kayo ng isang kalahating papel at sagutin ang
pagsubok.
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na
pangyayari upang mabuo ang buod ng
“Impeng
Negro”. Bilang lamang ang isulat.
1. Pagkakataon na niyang sumahod subalit
muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde
sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito
sa inigib na tubig.
2. Marami nang baldeng nakapila sa igiban
nang umagang iyon nang dumating si Impen.
3. Nakaanim naman na siyang igib kayat
ipinasya na lamang niyang umuwi upang
maiwasan si Ogor at maging tampulan ng
tuksuhan sa igiban.
4. Walang nagawa si Impen kundi ang
magpaubaya kay Ogor.
5. Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago
siya bumaba ng bahay na huwag siyang
makikipag-away na muli kay Ogor.
6. Nang siya’y paalis na, pinatid siya ni Ogor
at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng
nabitiwang balde.
7. Sa labis na sakit na naramdaman niya ay
tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
8. Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng
mga taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil
sa nangyari.
9. Sumuko ang nanlulupaypay at duguang
katawan ni Ogor.
10. Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban
kay Ogor kaya’t sinunggaban niya ito at
walang habas na pinagsusuntok ang kalaban.
Sagot:
1. 3
2. 2
3. 5
4. 4
5. 1
6. 6
7. 7
8. 10
9. 8
10. 9
10. 5. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, nararapat bang husgahan si
Impen dahil sa kanyang kulay?
Hindi po dapat husgahan ang isang tao sa
kanyang panlabas na anyo, bagkus ay kilalanin
muna natin ang kanyang panloob na kaanyuan
kaysa sa panlabas,
Dapat din bang husgahan ang kanyang Ina sa
pagkakaroon ng maraming anak?
Hindi po dapat husgahan ang Inang mraming
anak sapagkat hindi tayo mga Diyos upang
humusga ngating kapwa bagkus ay unawain at
respetuhin nating ang bawat isa.
Kung kayo ang si Impen, ano ang inyong
gagawin kapag kayo ang kinutya ng inyong
kapwa? Magagalit ba kayo?
Para sa akin po hindi, ipagwawalang bahala ko
po sila at ipapasaDiyos na lamang. Sabi nga sa
Bibliya, huwag gantihan ang masama sa
masama.
Magagaling kayong lahat!
Maganda ba ang kwento? Nais niyo bang
tularan si Impen?
Opo, maganda po ang kwento at sumasalamin
ito sa tunay na buhay.
1V. Takdang Aralin
Igawan ng Komik Istrip ang kwentong “Impeng Negro” ayon sa wastong pagkasunodsunod nito. Saliksikin rin ang tulang “Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus para sa susunod
nating liksyon.