2. Kay Selya
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Pagsaulan- pagbalikan;alalahanin
Mahahagilap- mahahanap
3. Yaong Selyang laging pinapanganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
Pinapanganiban- kinatatakutan
Karalitaan- kahirapan
4. Makaligtaan ko kayang 'di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Suyuan- pag-iibigan
Hilahil- suliranin;pasanin
5. Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.
Maidlip- mahimlay;nakatulog
6. Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Namamanglaw- nalulungkot
7. Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang
libing.
Inilimbag- iginuhit;minarka
Panimdim- isipan;gunita
Sanla- alaala
8. Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't ngayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.
9. 'di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong
pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.
10. Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntonghininga nang ikaw'y may
sakit, himutok ko noo'y inaaring Langit,
Paraiso naman ang may-tulong silid.
11. Liniligawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang doongan
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
12. Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Tabsing- talsik ng tubig-dagat
13. Parang naririnig ang lagi mong wika:
"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama."
at sinasagot ko ng sabing may tuwa:
"Sa isang katao'y marami ang handa."
14. Ano pa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas,
sa kagugunita, luha'y lagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing
palad!“
Taghoy- daing ng taong lumuluha
15. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluta't langit?
Di lumawig- naputol;di natuloy
16. Bakit baga ngayong kami maghiwalay
ay dipa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam.
Di mapaparam- di malilimutan;di
mawawala
17. Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
Naaba- naapi
18. Selya'y talastas ko't malabis naumid,
mangmang ang musa ko't malumbay na
tinig,
di kinabahagya kung hindi malait
palaring dinggin mo ng tainga't isip.
Naumid- napipi;natahimik
Malumbay-Malungkot
19. Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Kutad- di pa sanay;kulang sa
karanasan
20. Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
Pula- mula sa pagpula;pagpitas
21. Masasayang nimpas sa lawa ng
Bay, sirenas, ang tinig ay kawili-
wili, kayo ngayo'y siyang
pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.
Pinipintakasi- sinasamba
22. Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Dalata- lupang malapit sa pampang
23. Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang M.A.R.
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi ang
tapat mong lingkod na si F.B.
Dilidili- alaala
24. Buod ng Aralin
Nagbabalik-tanaw si Balagtas sa kanyang
masasayang alala kasama si Selya na labis niyang
minahal ngunit naging dahilan ng pinakamalaking
niyang kabiguan sa pag-ibig.
Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas na
mawala na rin sa mundo nang sila’y
maghiwalay.Subalit ang kabiguang ito ay siya ring
nagbigay-daan sa paglikha niya ng walang
kamatayang obra- maestra,ang Florante at
Laura.