SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Mandala
Yamantaka
Kay Selya
1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?
2 Yaong Celiang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
3 Makaligtaan ko kayang di basahin
nagdaang panahon ng suyuan namin,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel
kusang inilimbag sa puso’t panimdim,
nag-iisang sanlang naiwan sa akin
at di mananakaw magpahanggang libing.
7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumdalaw
sa langsanga’t nayong iyong niyapakan,
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
8 Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin,
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring Langit,
Paraiso naman ang may tulong silid.
10 Liniligawan ko ang iyong larawan
sa Makating ilog na kinalalagyan,
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas,
na kung maliligo’y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
12 Parang naririnig ang lagi mong wika:
“tatlong araw na di nagtatanaw tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa,
“sa isang katao’y marami ang handa.”
13 Ano pa nga’t walang di masisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas,
sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”
14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahon isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
15 Bakit baga noong kami’t maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay,
kung gunitain ko’y aking kamatayan
sa puso ko’y Celia’y di ka mapaparam.
16 Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, o, nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako’y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.
17 Celia’y talastas ko’t malabis na umid,
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig,
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga’t isip.
18 Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal kong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
19 Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop,
tubo ko’y dakila sa puhunang pagod,
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
20 Masasayang nimfas sa lawa ng Bai,
sirenas ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
21 Ahon sa dalata’t pampang na nagligid
tonohang ng lira yaring abang awit,
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.
22 Ikaw na bulaklak niring dilidili
Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.,
Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.
Picture and kay selya@print.com

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
 
Ang konteksto ng kultura.
Ang konteksto ng kultura.Ang konteksto ng kultura.
Ang konteksto ng kultura.
 
Maikling kwento
Maikling kwento Maikling kwento
Maikling kwento
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa aPaano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
 
MGA SANGKAP AT BAHAGI NG SANAYSAY.pptx
MGA SANGKAP AT BAHAGI NG SANAYSAY.pptxMGA SANGKAP AT BAHAGI NG SANAYSAY.pptx
MGA SANGKAP AT BAHAGI NG SANAYSAY.pptx
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
TALINHAGA
TALINHAGA TALINHAGA
TALINHAGA
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
 
Katangian ng Korido.pptx
Katangian ng Korido.pptxKatangian ng Korido.pptx
Katangian ng Korido.pptx
 
Pagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng TulaPagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng Tula
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 

Viewers also liked

FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64asa net
 
Florante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknongFlorante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknongVBien SarEs
 
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok)
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok) Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok)
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok) Alviña Bolo
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)SCPS
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap南 睿
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10Sophia Marie Verdeflor
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauralorelyn ortiza
 

Viewers also liked (9)

FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
Florante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknongFlorante at-laura-saknong
Florante at-laura-saknong
 
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok)
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok) Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok)
Florante at laura (Pag Ikaw ang Nasok)
 
Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)Florante at Laura (Aralin 1-3)
Florante at Laura (Aralin 1-3)
 
Florante at laura buod
Florante at laura buodFlorante at laura buod
Florante at laura buod
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 

Similar to Picture and kay selya@print.com

Similar to Picture and kay selya@print.com (20)

Kay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptxKay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptx
 
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Kay celia
Kay celiaKay celia
Kay celia
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Alaala ni laura
Alaala ni lauraAlaala ni laura
Alaala ni laura
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
Taize reflection
Taize reflectionTaize reflection
Taize reflection
 
Huling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyakHuling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyak
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luara
 
Uri ng-tula
Uri ng-tulaUri ng-tula
Uri ng-tula
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
Sa May Topak Jan
Sa May Topak JanSa May Topak Jan
Sa May Topak Jan
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santos
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Sa babasa-nito
Sa babasa-nitoSa babasa-nito
Sa babasa-nito
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 

More from Bhoxz JoYrel

More from Bhoxz JoYrel (20)

Laboratoryapparatus
Laboratoryapparatus Laboratoryapparatus
Laboratoryapparatus
 
Song
SongSong
Song
 
Clor
ClorClor
Clor
 
Wddwm
WddwmWddwm
Wddwm
 
The creation
The creationThe creation
The creation
 
Sssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss
SssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssSssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss
Sssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss
 
Sssssssssssssssssssssssssawedwafdewsrgergwerdge
SssssssssssssssssssssssssawedwafdewsrgergwerdgeSssssssssssssssssssssssssawedwafdewsrgergwerdge
Sssssssssssssssssssssssssawedwafdewsrgergwerdge
 
Southeastasianmusic 120707180339-phpapp02
Southeastasianmusic 120707180339-phpapp02Southeastasianmusic 120707180339-phpapp02
Southeastasianmusic 120707180339-phpapp02
 
Song with lyrics
Song with lyricsSong with lyrics
Song with lyrics
 
Song
SongSong
Song
 
Ruelaa
RuelaaRuelaa
Ruelaa
 
Project
ProjectProject
Project
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Old earth creationism
Old earth creationismOld earth creationism
Old earth creationism
 
Mga tauhan
Mga tauhanMga tauhan
Mga tauhan
 
Lyrics ko at mo
Lyrics ko at moLyrics ko at mo
Lyrics ko at mo
 
Love story ko
Love story koLove story ko
Love story ko
 
Internet
InternetInternet
Internet
 
Guitar chords2
Guitar chords2Guitar chords2
Guitar chords2
 
Guitar chords
Guitar chordsGuitar chords
Guitar chords
 

Picture and kay selya@print.com

  • 2. Kay Selya 1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig, may mahahagilap kayang natititik liban na kay Celiang namugad sa dibdib? 2 Yaong Celiang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan ang ikinalubog niring kapalaran sa lubhang malalim na karalitaan. 3 Makaligtaan ko kayang di basahin nagdaang panahon ng suyuan namin, kaniyang pagsintang ginugol sa akin at pinuhunan kong pagod at hilahil? 4 Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang natira kundi ang pag-ibig, tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib, hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip. 5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang panaho’y inaalaala, sa iyong larawa’y ninitang ginhawa. 6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel kusang inilimbag sa puso’t panimdim, nag-iisang sanlang naiwan sa akin at di mananakaw magpahanggang libing. 7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumdalaw sa langsanga’t nayong iyong niyapakan, sa ilog Beata’t Hilom na mababaw yaring aking puso’y laging lumiligaw. 8 Di mamakailang mupo ang panimdim sa puno ng manggang naraanan natin, sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang ulilang sinta’y aking inaaliw. 9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik sa buntung-hininga nang ikaw’y may sakit, himutok ko noo’y inaaring Langit, Paraiso naman ang may tulong silid. 10 Liniligawan ko ang iyong larawan sa Makating ilog na kinalalagyan, binabakas ko rin sa masayang do’ngan, yapak ng paa mo sa batong tuntungan. 11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap dito ang panahong masayang lumipas, na kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. 12 Parang naririnig ang lagi mong wika: “tatlong araw na di nagtatanaw tama,” at sinasagot ko ng sabing may tuwa, “sa isang katao’y marami ang handa.” 13 Ano pa nga’t walang di masisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas, sa kagugunita, luha’y lalagaslas, sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!” 14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami’y bakit di lumawig? nahan ang panahon isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit? 15 Bakit baga noong kami’t maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay, kung gunitain ko’y aking kamatayan sa puso ko’y Celia’y di ka mapaparam. 16 Itong di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, o, nalayong tuwa, ang siyang umakay na ako’y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba. 17 Celia’y talastas ko’t malabis na umid, mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig, di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ng tainga’t isip. 18 Ito’y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal kong yapak, tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat. 19 Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, tubo ko’y dakila sa puhunang pagod, kung binabasa mo’y isa mang himutok ay alalahanin yaring naghahandog. 20 Masasayang nimfas sa lawa ng Bai, sirenas ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo’y siyang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi. 21 Ahon sa dalata’t pampang na nagligid tonohang ng lira yaring abang awit, na nagsasalitang buhay ma’y mapatid, tapat na pagsinta’y hangad na lumawig. 22 Ikaw na bulaklak niring dilidili Celiang sagisag mo’y ang M.A.R., Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si F.B.