SlideShare a Scribd company logo
1 of 51
ARALIN 4:
SANAYSAY:Amerika-
nisasyon ng Isang
Pilipino
GRAMATIKA:IBAT-IBANG PARAAN SA
PAGPAPAHAYAG
Naikiklino (clining) ang mga piling salitang
ginamit sa akda
Naipaliliwanag ang tema at mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa akda
Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng
sanaysay na napakinggan
Sabayan ang isang awitin at
habang kinakanta ang ay
unawain at damhin ang
mensahe ng awitin.
Panuto : Iayos ang mga salitang ayon
sa intesidad ng kahulugan ng mga
salita. Bawat pangkat ay
makakatanggap ng mga salita at
isasaayos nila ito ayon sa pagkasunod-
sunod.May 3 minuto lang kayo upang
buuoin ito
Ang de-amerikanisasyon ng isang Pilipino ay
isa sa pinakamalaking tungkuling dapat
nating gampanan sa ating kasalukuyan. Ang
Amerikanisasyon ay isang sakit na
tumalamak na sa katawan ng ating lipunan.
Bunga nito ang maraming kapansanan ng
bayan.
Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa,
na ang isang Pilipino’y mahalagang sangkap ng
buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-
samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng
mga mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo
ng Sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang
‘di ganap ang pagka-Pilipino ng kabuuang ito ay
‘di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay
na Pilipino, ni ng pamahalaan at pangasiwaang
tunay na Pilipino. Ang ugat ng dahilan ay nasa uri
ng edukasyon ng isang Pilipino.
Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa.
Ipalagay nating heto ang isang batang Pilipino. Ang
kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting
pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng
kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa
ng kwento’y nakarinig sa unang pagkakataon at
nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na
pamamaraan, ng mga salita ng kanyang ina’t ama.
“That’s the light,” sasabihin ng ina, sabay turo sa
bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,”
sasabihin ng bata, “where’s the light.” Ituturo ng
bata. “There!” sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s
your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say, Mommy.”
Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin ng
ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan ang
simula.
Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay
ipapasok sa kindergarten. Doon ay maririnig din
niya ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at
Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat na
may malalaking drowing at nandidilat na mga
letra. Ituturo sa kanya ng titser. “Apple”. “Epol,”
wika ng bata. “Snow” sasabihin ng guro. “Isno,”
wika ng bata. “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,”
gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong
idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may
kayang magbayad ng malaki. Ari ng dayuhan at
pinamumunuan ng mga relihiyoso.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa
paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan;
pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa
na niya ang mga liubrong bumabanggit ng
mga daan sa New York at sa Washington,
D.C. Mamamasid niya ang Central Park at
Times Square. Ang batang ito na nagsisimula
pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa
lupalop na malayo sa kanyang tinubuan.
Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at
nagkakaisip. Tuwing kakausapin siya ng kanyang Daddy at
Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may mga ibang tao
sa kanilang tahanan: ang mga taong iyon ay alila o utusan
kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita niyang
ang mga ito’y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina,
tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na
inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang mga taong ito,
kung kausapin ng kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog.
Hindi siya kinakausap sa wikang iyon ng kanyang Daddy at
Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila
mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang
wika: Ingles ang ginagamit ng kanyang mga magulang sa
pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sa pakikipag-usap sa mga
alila o utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan at kahit na
tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na
ang wikang Tagalog ay ginagamit lamang sa mga alila.
Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging
librong Ingles ang kanyang binabasa, palaging
Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang
awtor. Dahil dito’y ayaw na rin niyang bumasa ng
ano mangsinulat ng kanyang mga kababayan sa
wikang kanyang kinagisnan. Ang librong nasusulat
sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya.
Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon – sa mga
programang ginaganap sa wikang kanyang
pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood
sa mga sine. Kahit Class B, o Class C sa kanya’y
pinakamagaling pagkat mga artistang Amerikano
ang nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang
Tagalog ay bulok sa kanya, walang pasubali.
Siya’y isang ganap nang mamamayan, marahil
ay mayroon nang pananagutan sa buhay.
Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na
kinikislapan ng pumikit-dumilat na samut-
saring kulay ng ilaw-dagitab sa piling ng mga
nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang
ibang daigdig, ang lalong malaking dagidig.
Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng
nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa
ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng
mga Pilipinong pribilihiyado sa buhay at ang
masa ng ating bayan.
Totoong humaba ang simpleng kwentong
aking isinalaysay. Ngunit gaya ng inyong
napansin, ito’y naglalarawan ng yugtu-yugtong
pagkahubog ng isang batang Pilipino sa
pagiging Amerikano sa isip, sa salita at sa
gawa. Ang trahedyang ito’y nakaturo sa ating
sistema ng edukasyon. Nang pumasok ang
mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala na
nila ang sistema ng paturuang Amerikano.
Ayon sa kasaysayang sinulat ng mga dayuhan at
ng mga Pilipinong gumagamit ng salaming
dayuhan – pumarito ang mga dayuhan upang
hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila
tayo ng edukasyon. Binigyan nga, edukasyong
popular pagkat sa simulain ay bukas sa lahat ng
mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano.
Ang mga asignatura’y hulwad sa Kano. Malayo na
ang panahong iyon ng pagdaong ni Dewey sa ating
pasingan, ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa
tayong kolonya hanggang ngayon. Ang sistema
natin ay tunay na kolonyal.
Marahil ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang
dapat nating sisihin. Tayo man naman ay may
kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo
ng kalayaang pampulitika, tayo nama’y pinanatiling
nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal.
Sa panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating
mga suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating
gumawa nito’y ang ating dating panginoon, ang mga
Amerikano. Sila rin ang nagmumunyi sa atin ng mga
kalutasan. At kung ‘di magbunga nang maigi, tayo ang
nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit ‘di nating gustong
magkaganito. Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito ang
ating palad. Gayunman, ang tanong ko’y ‘di na ba tayo
bubulas,’di na ba tayo magiging ganap na lalaki at
ganap na bansa – sui juris sa lenggwahe ng batas.
Ang wika at edukasyon ay magkaugnay. Ngayon ay marami
pang tulong sa edukasyon na kaloob ng Estados Unidos.
Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa
kawalan ng mapanghahawakang kongkretong ebidensya’y
makapagbibigay lamang tayo ng mga hinuha. Maaaring
sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming
altruistiko ng ating dating panginoon. Ito kaya’y kapani-
paniwala? Hindi ba’t sa maraming pagkakataon ay lumilitaw
ang katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang ang
paglilingkod na ginawa rito ng mga Amerikanong kinatawan
ng Pamahalaang Amerikano at pati ng kanilang mga
ahenting na-“brain wash” pagkatapos magtamasa ng kwalta
ng iskolarsyip at grant? Isang kababawan, kung ‘di man
katunggakan ang mag-akalang tunay na nagbubuhos dito ng
salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sa
kapakanang Pilipino.
Sa katunaya’y naglilingkod sila sa kapakanan
ng Estados Unidos at sa kalwalhatian ng
Union. Ito ang hinahangaan ko sa mga
Amerikano, kahit sila saan magtungo, kalian
mang panahon, ay nananatili silang
Amerikano. Kapos tayo sa bagay na ito. Tayo
pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila,
na para bagang kailangan pa nating
ipagtanggol sila.
Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa
pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula
ng komentaryong ito, ay medaling maging
Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito! Ang
lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na
Republikang Pilipino ay mabibigo habang
dayuhan ang sistema ng ating paturuang
pambansa. Tunay na kailangan ang
pagbabago, ang rebolusyon sa laranang ito.
Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo
upag pag-aralan ang sitwasyon ng edukasyon sa ating
bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang ibubunga
ng Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang
kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa
kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng
Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay na
ito. Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng
Lupon sa kurikulum, pati na ang paninindigan ng
Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang
manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang
alinlangan; na habang nabibidbid ang ating paturuang
pambansa sa sistemang Amerikano, at habang
tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili
tayong second rater lamang sa edukasyon,
mangagagaya at bayang walang bait sa sarili.
Ang Wikang Filipino’y handa upang gamitin sa
deamerikanisasyon ng isang amerikanisadong
mamamayang Pilipino.
Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol
sa isang paksa? Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat
sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni.
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng
isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na
may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o
nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat.
Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng
balangkas upang magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
 Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng
sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral at
kasanayan ng sinumang susulat nito. Katunayan,
kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga akdang
pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong
papel at panunuri, at ang mga sulating
pampamahayagan gaya ng tanging lathalain.
 - mula sa Panitikang
Filipino: Antolohiya
ni Jose B. Arrogante
et. al, 2003
Naghahatid ng
mahalagang kaalaman sa
pamamaitan ng
makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng
impormasyon.
Mapang-aliw;
pagtatalakay ng
paksang
pangkaraniwan.
G A M I T N G SALITA
PORMAL O MAANYONG
SANAYSAY
PAMILYAR O PERSONAL NA
SANAYSAY
Maingat na pinipili ang
pananalita
Ang pananalita ay parang
usapan lamang ng
magkaibigan.
PA N A N AW N G PAGSULAT
PORMAL OMAANYONG
SANAYSAY
PAMILYAR O PERSONAL NA
SANAYSAY
Mapitagan;
Gumagamit ng ikatlong
panauhan
May-akda =tagapagsalita
Mambabasa =tigapakinig
PORMAL O
MAANYONG
SANAYSAY
OBHETIBO
PAMILYAR O
PERSONALNA
SANAYSAY
SUBHETIBO
Panuto: Sa tulong ng dayagram ay
magtala ng tatlong mahahalagang
pahiwatig na mahihinuha sa sanaysay
na ito at pagkatapos ay magtala ka
rin ng gintong aral na iyong nakuha.
Mga bagay
na nais
Ipahiwatig
ng
sanaysay
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_________________
Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag (pag-iisa-isa,
paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng
sanaysay
Napipili ang isang napapanahong paksa sa
pagsulat ng isang sanaysay
Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag
ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang
bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o
simulain.Pagbibigay ng direksiyon at
pagpapaliwanag ng mga hakbang.Natutugunan ng
paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang
usapin.Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na
bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao.
Ang Pagsasalaysay o paglalahad ay karaniwang paraang
ginagawa ng mga tao para maipaliwanag, mailarawan, at
makapagbigay impormasyon tungkol sa kanyang mga
karanasan, ideya o paninindigan ukol sa isang paksa.
Pag-iisa-isa-Ito ay paraan ng paglalahad
ng isang kalagayan o sitwasyon sa
pamamagitan ng maayos na
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa
talagang pagkasunod-sunod ng mga
ito.Dito ay malinaw na naipapakita ang
mga dahilan at bunga ng mga
pangyayari.
Paghahambing at Pagsasalungatan-
Ginagamit ang paraan na ito sa
paghahambing ng magkatulad at
pagkakaiba ng mga bagay-bagay.Ang
paraang ito ang pinakamalimit gamitin
Pagsusuri- Sa paraang ito ay sinusuri
ang mga salik o bagay-bagay na
nakakaapekto sa isang sitwasyon at
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
Sanhi at Bunga-Tinatalakay rito kung
ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano
ang kinalabasan. Sa paraang ito
madaling maikintal sa isipan ng
mambabasa o nakikinig ang mga
pangyayari
Pagbibigay ng Halimbawa- ito ay
nagpapatibay ng isang paglalahad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa ay madaling makukumbinsi o
mahihikayat ang nagbabasa o
nakikinig.Siguraduhin lamang na tiyak o
makakatotohanan ang ibibigay na
halimbawa.
Tiyakin Natin!
Gumawa ng simpleng paglalahad o
pagpapahayag tungkol sa wikang Filipino
gamit ang mga paraang nakatala
1. Pag isa-isa (Katangian ng Wikang Filipino)
2. Paghahambing (Wikang Filipino sa Iba
pang Wika)
3. Pagsasalungatan (Paggamit ng Wikang
Filipino sa pag-aaral)
4. Sanhi at Bunga (Pagmamahal sa sariling
Wka)
5. Pagbibigay halimbawa ( Mga Pilipinong
may pagpapahalaga sa Wikang Filipino)
Isang Salita
Sa pamamagitan ng isang salita,
ipapaliwanag nila ang “KAISIPANG
BANYAGA’Y ATIN NANG IWAKSI ATING
IPAGMALAKI ANG LAHING KAYUMANGGI
NA SA DAKONG SILANGAN AY NAMUKUOD
TANGI!”
Sanaysay
Ikaw ay isang editor in Chief na sumusulat para
sa inyong school organ. Kailangan mong
sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang isyu
o paksa sa napapanahong kasarinlan na umiiral
pa sa kasalukuyan kailangan maipakita ang
paggamit ng ibat-ibang paraan ng paglalahad sa
bubuong sanaysay.
Mga paksang Pagpipilian
Pagkamakabayan o pagmamahal sa Bayan
(Paglaganap ng kaisipang Kolonyal)
Hindi pantay na karapatan ng mamamayang
mahihirap at mayayaman
Pagpapahalaga sa wikang Filipino
Mababang Pagtingin sa mga manggagawa
Nepotismo o Palakasan System
Mga paksang Pagpipilian

More Related Content

What's hot

01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
MichaelAngeloPar1
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
KlarisReyes1
 
Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9
Geneveve Templo
 

What's hot (20)

Q3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptxQ3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptx
 
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaPakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxGRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
 
Ppt balagtasan
Ppt balagtasanPpt balagtasan
Ppt balagtasan
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Kontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyonKontemporaryong programang pantelebisyon
Kontemporaryong programang pantelebisyon
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptxFILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
 
EPIKO NI GILGAMESH COT.pptx
EPIKO NI GILGAMESH COT.pptxEPIKO NI GILGAMESH COT.pptx
EPIKO NI GILGAMESH COT.pptx
 
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxPANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
 
Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9
 
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptxDOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
 

Similar to FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx

ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
MarydelTrilles
 
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdfpangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
CrisJuarez9
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
cindydizon6
 
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptxARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
RocineGallego
 
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptxARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
RocineGallego
 
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Lorna Balicao
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
PrincessUmangay2
 
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptxPanitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Franz110857
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Shee Luh
 
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th QuarterFilipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
EDITHA HONRADEZ
 

Similar to FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx (20)

ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptxppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
 
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
 
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdfpangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
pangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan_de quiros.pdf
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
 
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptxARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
 
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptxARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
ARALIN 1 VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA.pptx
 
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasAmalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa Pilipinas
 
Ano ang wika?
Ano ang wika?Ano ang wika?
Ano ang wika?
 
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
 
gamit ng wika sa lipunan.pptx
gamit ng wika sa lipunan.pptxgamit ng wika sa lipunan.pptx
gamit ng wika sa lipunan.pptx
 
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
 
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptxPanitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
Panitikan-sa-Panahon-ng-mga-Katutubo-o-Matandang (1).pptx
 
panahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdfpanahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdf
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
 
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th QuarterFilipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
 

Recently uploaded

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 

Recently uploaded (20)

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 

FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx

  • 1.
  • 2. ARALIN 4: SANAYSAY:Amerika- nisasyon ng Isang Pilipino GRAMATIKA:IBAT-IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG
  • 3. Naikiklino (clining) ang mga piling salitang ginamit sa akda Naipaliliwanag ang tema at mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan
  • 4. Sabayan ang isang awitin at habang kinakanta ang ay unawain at damhin ang mensahe ng awitin.
  • 5.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10. Panuto : Iayos ang mga salitang ayon sa intesidad ng kahulugan ng mga salita. Bawat pangkat ay makakatanggap ng mga salita at isasaayos nila ito ayon sa pagkasunod- sunod.May 3 minuto lang kayo upang buuoin ito
  • 11. Ang de-amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat nating gampanan sa ating kasalukuyan. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan.
  • 12. Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa, na ang isang Pilipino’y mahalagang sangkap ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama- samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng mga mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo ng Sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang ‘di ganap ang pagka-Pilipino ng kabuuang ito ay ‘di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay na Pilipino, ni ng pamahalaan at pangasiwaang tunay na Pilipino. Ang ugat ng dahilan ay nasa uri ng edukasyon ng isang Pilipino.
  • 13. Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarinig sa unang pagkakataon at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan, ng mga salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,” sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,” sasabihin ng bata, “where’s the light.” Ituturo ng bata. “There!” sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say, Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin ng ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan ang simula.
  • 14. Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa kindergarten. Doon ay maririnig din niya ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat na may malalaking drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa kanya ng titser. “Apple”. “Epol,” wika ng bata. “Snow” sasabihin ng guro. “Isno,” wika ng bata. “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,” gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki. Ari ng dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.
  • 15. Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan; pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga liubrong bumabanggit ng mga daan sa New York at sa Washington, D.C. Mamamasid niya ang Central Park at Times Square. Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa kanyang tinubuan.
  • 16. Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at nagkakaisip. Tuwing kakausapin siya ng kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may mga ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong iyon ay alila o utusan kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita niyang ang mga ito’y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kung kausapin ng kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa wikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang ginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sa pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan at kahit na tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang wikang Tagalog ay ginagamit lamang sa mga alila.
  • 17. Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa, palaging Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito’y ayaw na rin niyang bumasa ng ano mangsinulat ng kanyang mga kababayan sa wikang kanyang kinagisnan. Ang librong nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya. Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon – sa mga programang ginaganap sa wikang kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa mga sine. Kahit Class B, o Class C sa kanya’y pinakamagaling pagkat mga artistang Amerikano ang nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang Tagalog ay bulok sa kanya, walang pasubali.
  • 18. Siya’y isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan sa buhay. Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilat na samut- saring kulay ng ilaw-dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang ibang daigdig, ang lalong malaking dagidig. Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng mga Pilipinong pribilihiyado sa buhay at ang masa ng ating bayan.
  • 19. Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinalaysay. Ngunit gaya ng inyong napansin, ito’y naglalarawan ng yugtu-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipino sa pagiging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa. Ang trahedyang ito’y nakaturo sa ating sistema ng edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala na nila ang sistema ng paturuang Amerikano.
  • 20. Ayon sa kasaysayang sinulat ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong gumagamit ng salaming dayuhan – pumarito ang mga dayuhan upang hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila tayo ng edukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukas sa lahat ng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga asignatura’y hulwad sa Kano. Malayo na ang panahong iyon ng pagdaong ni Dewey sa ating pasingan, ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa tayong kolonya hanggang ngayon. Ang sistema natin ay tunay na kolonyal.
  • 21. Marahil ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man naman ay may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampulitika, tayo nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal. Sa panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa nito’y ang ating dating panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin ang nagmumunyi sa atin ng mga kalutasan. At kung ‘di magbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit ‘di nating gustong magkaganito. Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito ang ating palad. Gayunman, ang tanong ko’y ‘di na ba tayo bubulas,’di na ba tayo magiging ganap na lalaki at ganap na bansa – sui juris sa lenggwahe ng batas.
  • 22. Ang wika at edukasyon ay magkaugnay. Ngayon ay marami pang tulong sa edukasyon na kaloob ng Estados Unidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa kawalan ng mapanghahawakang kongkretong ebidensya’y makapagbibigay lamang tayo ng mga hinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming altruistiko ng ating dating panginoon. Ito kaya’y kapani- paniwala? Hindi ba’t sa maraming pagkakataon ay lumilitaw ang katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang ang paglilingkod na ginawa rito ng mga Amerikanong kinatawan ng Pamahalaang Amerikano at pati ng kanilang mga ahenting na-“brain wash” pagkatapos magtamasa ng kwalta ng iskolarsyip at grant? Isang kababawan, kung ‘di man katunggakan ang mag-akalang tunay na nagbubuhos dito ng salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sa kapakanang Pilipino.
  • 23. Sa katunaya’y naglilingkod sila sa kapakanan ng Estados Unidos at sa kalwalhatian ng Union. Ito ang hinahangaan ko sa mga Amerikano, kahit sila saan magtungo, kalian mang panahon, ay nananatili silang Amerikano. Kapos tayo sa bagay na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, na para bagang kailangan pa nating ipagtanggol sila.
  • 24. Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula ng komentaryong ito, ay medaling maging Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito! Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang rebolusyon sa laranang ito.
  • 25. Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upag pag-aralan ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang ibubunga ng Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay na ito. Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng Lupon sa kurikulum, pati na ang paninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang alinlangan; na habang nabibidbid ang ating paturuang pambansa sa sistemang Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong second rater lamang sa edukasyon, mangagagaya at bayang walang bait sa sarili.
  • 26. Ang Wikang Filipino’y handa upang gamitin sa deamerikanisasyon ng isang amerikanisadong mamamayang Pilipino.
  • 27.
  • 28. Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa? Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat. Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
  • 29.  Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral at kasanayan ng sinumang susulat nito. Katunayan, kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong papel at panunuri, at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng tanging lathalain.  - mula sa Panitikang Filipino: Antolohiya ni Jose B. Arrogante et. al, 2003
  • 30. Naghahatid ng mahalagang kaalaman sa pamamaitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng impormasyon. Mapang-aliw; pagtatalakay ng paksang pangkaraniwan.
  • 31. G A M I T N G SALITA PORMAL O MAANYONG SANAYSAY PAMILYAR O PERSONAL NA SANAYSAY Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkaibigan. PA N A N AW N G PAGSULAT PORMAL OMAANYONG SANAYSAY PAMILYAR O PERSONAL NA SANAYSAY Mapitagan; Gumagamit ng ikatlong panauhan May-akda =tagapagsalita Mambabasa =tigapakinig
  • 32.
  • 34. Panuto: Sa tulong ng dayagram ay magtala ng tatlong mahahalagang pahiwatig na mahihinuha sa sanaysay na ito at pagkatapos ay magtala ka rin ng gintong aral na iyong nakuha.
  • 36.
  • 37. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay
  • 38.
  • 39. Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang.Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang usapin.Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao.
  • 40. Ang Pagsasalaysay o paglalahad ay karaniwang paraang ginagawa ng mga tao para maipaliwanag, mailarawan, at makapagbigay impormasyon tungkol sa kanyang mga karanasan, ideya o paninindigan ukol sa isang paksa.
  • 41. Pag-iisa-isa-Ito ay paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkasunod-sunod ng mga ito.Dito ay malinaw na naipapakita ang mga dahilan at bunga ng mga pangyayari.
  • 42. Paghahambing at Pagsasalungatan- Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.Ang paraang ito ang pinakamalimit gamitin
  • 43. Pagsusuri- Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
  • 44. Sanhi at Bunga-Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari
  • 45. Pagbibigay ng Halimbawa- ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makukumbinsi o mahihikayat ang nagbabasa o nakikinig.Siguraduhin lamang na tiyak o makakatotohanan ang ibibigay na halimbawa.
  • 46. Tiyakin Natin! Gumawa ng simpleng paglalahad o pagpapahayag tungkol sa wikang Filipino gamit ang mga paraang nakatala
  • 47. 1. Pag isa-isa (Katangian ng Wikang Filipino) 2. Paghahambing (Wikang Filipino sa Iba pang Wika) 3. Pagsasalungatan (Paggamit ng Wikang Filipino sa pag-aaral) 4. Sanhi at Bunga (Pagmamahal sa sariling Wka) 5. Pagbibigay halimbawa ( Mga Pilipinong may pagpapahalaga sa Wikang Filipino)
  • 48. Isang Salita Sa pamamagitan ng isang salita, ipapaliwanag nila ang “KAISIPANG BANYAGA’Y ATIN NANG IWAKSI ATING IPAGMALAKI ANG LAHING KAYUMANGGI NA SA DAKONG SILANGAN AY NAMUKUOD TANGI!”
  • 49. Sanaysay Ikaw ay isang editor in Chief na sumusulat para sa inyong school organ. Kailangan mong sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang isyu o paksa sa napapanahong kasarinlan na umiiral pa sa kasalukuyan kailangan maipakita ang paggamit ng ibat-ibang paraan ng paglalahad sa bubuong sanaysay.
  • 50. Mga paksang Pagpipilian Pagkamakabayan o pagmamahal sa Bayan (Paglaganap ng kaisipang Kolonyal) Hindi pantay na karapatan ng mamamayang mahihirap at mayayaman Pagpapahalaga sa wikang Filipino Mababang Pagtingin sa mga manggagawa Nepotismo o Palakasan System