4. Higera- isang punong mayabong, malalapad ang dahon
subalit di namumunga.
Syerpe- ahas o serpiyente
Basiliko- halimaw na mukhang butiki
Balantok- hugis arko
Pupas- itim na itim
Burok- malarosas
8. 1. Sa isang madilim,gubat na mapanglaw,
dawag na matinik aywalang pagitan; halos
naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
Mapanglaw- malungkot
Pebo- araw
9. 2. Malaking kahoy,ang inihahandog,
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t masasayang loob.
nakalulunos- nakaaawa
10. 3. Tanang mga baging na namimilipit,
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.
bulo- manipis na balahibo ng
halaman
11. 4. Ang mga bulaklak ng nagtatayong kahoy,
pinakamaputing nag-uunos sa dahon;
pawang kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
kulay-luksa- kulay itim
12. 5. Karamiha’y sipres at higerang kutad
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
ito’ywalang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.
sipre- isang uri ng punong mataas at
tuwid lahat ang sanga.
Higera-isang punong mayabong,
malalapad ang dahon subalit di
namumunga.
13. 6. Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
karamiha’y syerpe’t basiliskong madla;
hyena’t tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa.
syerpe- ahas o serpiyente
basiliko- halimaw na mukhang butiki
14. 7. Ito’ygubat manding sa pinto’y malapit
sa Albernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa’y dinidilig
ng ilog Kositong kamandag ang tubig.
16. ALBERNO o AVERNO
Ito ay isang maliit at madilim na butas sa
isang lawa sa timog Italya.
Dahil sa itim na kulay at sa usok na amoy
asupreng nagmumula rito noon, pinaniwalaan
ng mga sinaunag Romano na ito ang pintuan
ng Impiyerno.
17. PLUTON
Siya ay kilala rin bilang si HADES sa
Mitolohiyang Griyego.
Siya ang hari ng Kadiliman o Impiyerno.
18. Gubat ng Mapanglaw (Saknong 1-7)
Ang saknong ay nagpapaliwanag sa isang gubat na
pinuntahan ni Florante.
Dito ay inilalarawan ang isang gubat na mapanglaw kung
saan mayroong matinik na daanan na nagpapahirap kay
Pebong (araw) na makapasok.
Sa loob ng gubat ay makikita ang malalaking kahoy na
balot ng tinik ang mga sanga, mga bunga’t dahon nito’y may
bulo na nagbibigay ng sakit sa kung sinomang lumapit.
19. Gubat ng Mapanglaw (Saknong 1-7)
Mayroon din itong masangsang na amoy at tanging kulay-
luksa ang makikita.
Maging mga ibon ay nahihirapan sa paglipad dahil sa mga
sanga.
Matatagpuan din dito ang mga mababangis na hayop na
pagala-gala, tulad ng leon. Tigre. Hayena, serpyente, at iba
pa na maaaring umatake sa mga taong mapapadpad doon.
20. Gubat ng Mapanglaw (Saknong 1-7)
Mayroon din itong masangsang na amoy at tanging kulay-
luksa ang makikita.
Maging mga ibon ay nahihirapan sa paglipad dahil sa mga
sanga.
Matatagpuan din dito ang mga mababangis na hayop na
pagala-gala, tulad ng leon. Tigre. Hayena, serpyente, at iba
pa na maaaring umatake sa mga taong mapapadpad doon.
21. 8. Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong higerang daho’y kulay pupas,
dito nakagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang-palad.
pupas- itim na itim
22. 9. Bagong-taong basalan ang anyo at tindig,
kahit nakatali kamay,paa’t leeg,
kung di si Narcisco’y tunay na Adonis
mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.
24. NARCISO (Narcissus)
Isang tauhan sa mitolohoyang Griyego.
Isa siyang binatang ubod ng kisig kaya’t
hinangaan at inibig ng maring kadalagahan
subalit silang lahat ay kanyang binigo.
Isang araw siya’y napatapat sa isang ilog at
nakita ang kanyang anyo sa malinaw na tubig.
25. NARCISO (Narcissus)
Lubos siyang humangaat umibig sa makisig na
binatang nakita niya subalit hindi niya batid na siya
at ang binata ay iisa.
Namatay siya dahil sa matinding obsesyon sa
kanyang sariling repleksiyon.
Sa ngayon ang mga taong masyadong mataas ang
pagpapahalaga sa sarili o sarili lamang ang
minamahal ay tinatawag na narcissistic.
26. 10. Makinis ang balat at anaki’y burok,
pilik-mata‘t kilay mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.
burok- malarosas
balantok- hugis arko
27. 11. Dangan doo’y walang oreadas nimpas,
Gubat na palasyo ng masidhing harpias;
Nangaawa disi’t naakay lumiyag
Sa himalang tipon ng karikta’t hirap.
nimpas- magandang diwata o diyosa ng
kagubatan
28. 12. Ang abang uyamin ng dalita’t sakit
ang dalawang mata’y bukal ang kaparis;
sa luhang nanatak at tinangis-tangis
ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
uyamin- maliitin
29. 13. Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan?
ngayo’y naniniig sa pagkagulaygay
bago’yang bandila ng lalong kasam’an
sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.
pagkagulaygay- pagkagulapay;
pagkahandusay
30. 14. Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha’y siyang nangyayayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
kaliluhay- kasamaan; kabuktutan
31. 15. “Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
32. 16. “Ngunit ay ang lilo’t masasamang loob,
sa trono ng puri ay inilululok;
at sa balang sukab na may asal-hayop
mabangong insenso ang isinusuob.
insenso- kamanyang; panuob
33. 17. “Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
at ang kabaita’y kimi’t nakayuko;
santong katuwira’y lugami at hapo
at luha na lamang ang pinatutulo.
lugami- talunan
34. 18. “At sa balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
Kalis- espada; tabak
35. 19. “O taksil na pita sa yama’t mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag.
36. 20. “Sa korona dahil ng Haring Linceo
at sa kayamanang dukeng ama ko
ang ipinangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyong reyno.
37. 21. “Ang lahat ng ito, maawaing langit
Iyong tinutunghaya’y ano’t natitiis?
mula ka ng buong katuwira’t bait,
pinapayagan mong ilubog ng lupit.
tinutunghaya’y- tinatanaw; tinitingnan
38. 22. “Makapangyarihan kanan ko’yikilos,
papamilansikin ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok
ang iyong higanti sa masamang loob.
papamilansikin-maliitin
ibubulusok- ibuhos; ihulog
39. 23. “Bakit kalangita’y bingi ka sa akin,
ang tapat mong luhog ay hindi mo dinggin?
diyata’t sa isang alipusta’t iring
sampung tainga mo’y ipinangunguling?
luhog- pakiusap; dalangin
ipinangunguling- ipinagkakait
40. 24. “Datampuwat sino ang tatarok kaya
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.
tatarok-makababatid
41. 25. “Ay saan ngayon ako mangangapit?
Saan ipupukol ang tinangis-tangis,
Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit
Ang sigaw ng aking malumbay na boses!
malumbay-malungkot
42. Ang Nakagapos na Binata (Saknong 8-25)
Sa gitna ng gubat ay mayroong PUNO NG HIGERA na
may natagpuang nakagapos, sa kabila ng pagiging
kaawa-awa’y hindi maikakailang ito’y mala-Adonis na
binata.
Siya ay mayroong makinis na balat, mahahabang
pilik-mata, gintong buhok, at magandang
pangangatawan. Siya ay si FLORANTE.
43. Ang Nakagapos na Binata (Saknong 8-25)
Masakit sa kalooban ang mga pinagdaanan sa kaharian ng
Albanya kung saan naghahari si KONDE ADOLFO.
Doon ay hindi pantay ang pagtrato sa mga tao, ang mga
masasama ay itinataas at ang mga may katwiran ay
ibinababa.
Sa patuloy na paghihinaing ni Florante sa kalangitan ay
hindi pa rin siya Nito naririnig.