SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Kaligirang Kasaysayan
ng
Florante at Laura
Myra Lee R. Musngi
Guro sa filipino 8
Layunin:
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante
at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda
(F8PN-IVa-b-33); at
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat
ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at pagkilala sa
talambuhay ni Francisco Balagtas.
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
(F8PB-IVa-b-33).
Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya / Drill
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang
letra ng tamang sagot.
1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat _____________.
A. isinulat ng bayani
B. walang kamatayan ang sumulat
C. sumikat sa panahon ng Espanyol
D. maituturing na walang kamatayan
2. Dapat basahin ang Florante at Laura dahil ____________.
A. maganda sa pandinig
B. makasaysayan sa Pilipinas
C. madamdamin ang nilalaman
D. malaki ang ambag sa ekonomiya
3. Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at Laura dahil ito ay _____________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
4.Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante at Laura dahil ______________.
A. mabuti siyang bayani
B. naisulat niya ito sa papel
C. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
D. inihalimbawang kadakilaan ng Pilipino
5. Pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________.
A. paborito ng kabataan
B. makasaysayan ang kuwento
C. taluktok ng panulaang Pilipino
D. simula ng panitikan sa Pilipinas
6. Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang lagay ng lipunan ay _______________.
A. naaapi ang mahihirap
B. kawawa ang nakaaangat
C. namunini ang mahihirap
D. sunod-sunoran ang mayayaman
7. Naisulat ang Florante at Laura ni Kiko dahil kay_______________.
A. Mariluz Anne Rivera C. Maria Asuncion Rivera
B. Maria Annaliza Ramos D. Magdalena Ana Ramos
8. Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _______________.
A. galit C. paghihiganti
B. pananalig D. pagmamahal
9. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan, nagdulot
ito sa kasalukuyan ng _______________.
A. kahirapan C. pagsalamin
B. kasamaan D. pagbalikwas
10. Ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at Laura sa nakabasa ay
_______________.
A. pagsunod sa pamunuan
B. pagpumiglas sa mahihirap
C. pagsang-ayon sa kamalian
D. pagkagalit sa mga Espanyol
Balik-aral
BALIKAN
Sa nakaraang markahan, tinalakay ang mga panitikan sa makabagong
panahon o mga kontemporaryong babasahin. Iyo munang balikan ang
mahahalagang nilalaman ng ikatlong markahan.
Panuto: Dugtungan ang mga parirala sa ibaba upang mabuo ang katuturan
ng sumusunod na kontemporaryong panitikan. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.
A. Tatangkilikin ko ang mga popular na babasahin dahil ____________.
B. Makikinig ako ng mga dulang panradyo sapagkat ____________.
C. Manonood ako ng mga pelikulang Pilipino upang ____________.
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
PAGLALAHAD / PRESENTASYON
“Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang
‘cuadro historico’ o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa Imperyo ng
Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog” o kilala ng nakararami sa sikat na
pinaikling pamagat, ang Florante at Laura. Ito ay hitik sa magagandang kaisipan, matulaing
paglalarawan, at mga aral sa buhay.
Ang akdang Florante at Laura ni Balagtas ay magpapakita na siya ay may kamalayang
panlipunan. Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap sa kaniyang lipunan.
Bagamat hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga sistemang
tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang akda ay nakaimpluwensiya sa ibang
manunulat.
Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini, ang
Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kaniyang sipi ng
Florante at Laura. Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa sa Noli
Me Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam
noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng
kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat
ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas Y dela Cruz
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas),
Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana dela
Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kaniyang asawa
ay si Juana Tiambeng na taga-Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya Trinidad, isang
mayaman at malayong kamag-anak, upang makapag-aral. Sa kabila nito, mahilig na talaga
siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga
pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ng mga
bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kaniyang ama, at ang
tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay inihambing niya sa musika.
Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa
kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang
nangyayari sa kaniyang bayan ngunit ‘di niya ito lubos na maunawaan.
Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan de Letran, naging guro niya sa
Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa
Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teknolohiya at Pilosopiya.
Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong siya ay magbinata na. Nananaludtod na
ng mga tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya nakilala ang unang nagpatibok sa
kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos. Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at
pagsasaayos ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na makata sa Tondo.
At ‘di kalaunan, nahigitan ito ni Francisco sa larangan ng panulaan.
Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay kay Maria Asuncion Rivera o mas kilala
sa tawag na Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko at Celia ang nagbigay ng gulo sa
kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang walang kasalanan at katarungan ng kaniyang
karibal na Espanyol na si Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan sa bayan noong
panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng
kaniyang kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang tula na “Florante at Laura”. Ito
ang kaniyang obra maestra, na nagsisiwalat sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga
Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari
sa kaniyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal,
sa paggalang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil
sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay
namatay noong Pebrero 20, 1862.
A. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban,
Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At
ang hustisya ay para lang sa mayaman.
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,
‘Di matatapos itong gulo.
(Bahagi ng awit na “Tatsulok”)
B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis, Nang
dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko,
Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig…
(Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)
Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok?
2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at sila ang nasa
tuktok”?
3. Paano sumasalamin ang awit A sa kasalukuyang panahon?
4. Sa awit B, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig?
Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga)
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, bigyang hinuha ang kahalagahan ng
pagaaral ng Florante at Laura batay sa ipababasa sa kasama sa bahay o
sinomang makatutulong upang mapakinggan ang pahiwatig. Kopyahin at
gawin sa hiwalay na papel.
Ipabasa: Noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang
kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan
panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura.
May dala kaya siyang kopya? Kung mayroon, bakit? Katulad kaya siya ni Rizal na hindi
maiwan ang kopya ng Florante at Laura saan man siya magpunta? Kung wala naman siyang
kopya, ano ibig sabihin nito? (magkaroon lamang ng repleksyon sa mga tanong)
Mahalagang
pag -aralan ang
Florante at
Laura dahil…
Pag -aaralan ko
ang Florante at
Laura upang …
Dapat kong
unawain
ang Florante at
Laura dahil…
Dapat kong
isapuso ang
Florante at
Laura dahil…
FLORANTE
AT LAURA
PAGLALAPAT AT PAGLALAHAT
Panuto: Bumuo ng tatlong (3) hashtag (#) upang maipakita ang kahalagahan
ng pag-aaral ng Florante at Laura.
Halimbawa: #DakilangAkda
#FloranteAtLaura
#TaluktokNgPanulaangTagalog
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa hiwalay na papel
ang letra ng tamang sagot.
1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat ito ay maituturing na walang
kamatayan. Ito ay _________________.
A. walang namamatay na tauhan
B. nilikha ng taong walang kamatayan
C. buhay dahil buhay pa ang may-akda
D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon
2. Binabasa ng mga Pilipino ang Florante at Laura magpasahanggang ngayon sapagkat
______________.
A. narito ang lahat ng katotohanan
B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag
C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas
D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas
3. Ang akdang Florante at Laura ay mahalaga kaugnay sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ay
______________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
4. Mahihinuhang mahalaga ang Florante at Laura kay Apolinario Mabini dahil
______________.
A. saulado niya ito C. ipinagbibili niya ito
B. mabuti siyang bayani D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
5. Ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________.
A. pinakabasahing kuwento
B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino
C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog
D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
6. Ang lagay o antas ng lipunan ng mahihirap sa panahong naisulat ang Florante at
Laura ay _______________ ng mayayaman.
A. mas angat sa lahat ng larangan
B. kapantay na kapantay ang antas
C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon
D aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap
7. Isinulat ni Kiko ang kaniyang walang kamatayang akda dahil sa pagmamahal
kay_______________.
A. Juaning Asuncion C. Maria Asuncion Rivera
B. Juana Tiambeng D. Magdalena Ana Ramos
8. Itinago ni Francisco ang tunay na kahulugan ng kaniyang isinulat na akda kaugnay
sa kalagayan ng Pilipinas upang _______________.
A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol
B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa
C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula
D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon
9. Noong maisulat ang akda ni Francisco, nagdulot ito ng epekto sa mga Pilipinong
nakabasa nito sa pamamagitan ng _____________.
A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol
B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap
C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan
D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman
10. Sa kasalukuyan, sa pagsusuri ng akdang Florante at Laura matapos itong maisulat
daang taon na ang nakaraan, masasabing ito ay _______________.
A. kakaiba sa kasalukuyan
B. nagbago na sa kasalukuyan
C. hindi na makikita sa kasalukuyan
D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
Kasunduan
Panuto: Talakayin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Kiko ayon sa yugto ng kaniyang
buhay upang maipakita ang kaligirang kasaysayan nito. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Yugto ng Buhay Mahalagang Pangyayari sa Buhay ni
Balagtas
1. Pagkabata ni Kiko Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng
Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788.
Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni
Donya Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-
anak, upang makapag-aral.
2. Kaniyang Pag-aaral
3. Natutong Sumulat at
Bumigkas ng Tula
4. Buhay Pag-ibig
5. Kamatayan
Kaligirang-Kasaysayan.pptx

More Related Content

What's hot

ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
RenanteNuas1
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
DenandSanbuenaventur
 

What's hot (20)

Denotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptxDenotatibo at Konotatibo.pptx
Denotatibo at Konotatibo.pptx
 
Ppt balagtasan
Ppt balagtasanPpt balagtasan
Ppt balagtasan
 
Hudyat ng Kaugnayang Lohikal - Pagsasanay.pptx
Hudyat ng Kaugnayang Lohikal - Pagsasanay.pptxHudyat ng Kaugnayang Lohikal - Pagsasanay.pptx
Hudyat ng Kaugnayang Lohikal - Pagsasanay.pptx
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o PananawFilipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptxDOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
 
Mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan.pptx
Mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan.pptxMga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan.pptx
Mga Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Kampanyang Panlipunan.pptx
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
 
Konsepto ng pananaw komentaryong panradyo
Konsepto ng pananaw komentaryong panradyoKonsepto ng pananaw komentaryong panradyo
Konsepto ng pananaw komentaryong panradyo
 
Opinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptxOpinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptx
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 

Similar to Kaligirang-Kasaysayan.pptx

Similar to Kaligirang-Kasaysayan.pptx (20)

FIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptxFIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptx
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
 
fl2kasaysayan-200506224454.pdf
fl2kasaysayan-200506224454.pdffl2kasaysayan-200506224454.pdf
fl2kasaysayan-200506224454.pdf
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at LauraKaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
 
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptxPanulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptx
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
 

More from Myra Lee Reyes (13)

tanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptxtanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptx
 
elemento ng tula-.pptx
elemento ng tula-.pptxelemento ng tula-.pptx
elemento ng tula-.pptx
 
vdocuments.mx_haiku-at-tanaga.pptx
vdocuments.mx_haiku-at-tanaga.pptxvdocuments.mx_haiku-at-tanaga.pptx
vdocuments.mx_haiku-at-tanaga.pptx
 
kiko.pptx
kiko.pptxkiko.pptx
kiko.pptx
 
pang uri.pptx
pang uri.pptxpang uri.pptx
pang uri.pptx
 
MAIKLING-KWENTO.pptx
MAIKLING-KWENTO.pptxMAIKLING-KWENTO.pptx
MAIKLING-KWENTO.pptx
 
Noon at Ngayon.pptx
Noon at Ngayon.pptxNoon at Ngayon.pptx
Noon at Ngayon.pptx
 
Linggo-1.pptx
Linggo-1.pptxLinggo-1.pptx
Linggo-1.pptx
 
katutubongfilipinokasaysayanngpanitikanngpilipino-.pptx
katutubongfilipinokasaysayanngpanitikanngpilipino-.pptxkatutubongfilipinokasaysayanngpanitikanngpilipino-.pptx
katutubongfilipinokasaysayanngpanitikanngpilipino-.pptx
 
panitikanatkarunungang-bayan.pptx
panitikanatkarunungang-bayan.pptxpanitikanatkarunungang-bayan.pptx
panitikanatkarunungang-bayan.pptx
 
mito10.pptx
mito10.pptxmito10.pptx
mito10.pptx
 
ano-ang-mitolohiya-.pptx
ano-ang-mitolohiya-.pptxano-ang-mitolohiya-.pptx
ano-ang-mitolohiya-.pptx
 
talambuhay ni kiko (1).pptx
talambuhay ni kiko (1).pptxtalambuhay ni kiko (1).pptx
talambuhay ni kiko (1).pptx
 

Recently uploaded

EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
EugeneBarona1
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 

Recently uploaded (20)

EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 

Kaligirang-Kasaysayan.pptx

  • 1. Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura Myra Lee R. Musngi Guro sa filipino 8
  • 2. Layunin: 1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at 2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito - pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at pagkilala sa talambuhay ni Francisco Balagtas. - pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
  • 3. Pamamaraan A. Panimulang Pagtataya / Drill SUBUKIN Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat _____________. A. isinulat ng bayani B. walang kamatayan ang sumulat C. sumikat sa panahon ng Espanyol D. maituturing na walang kamatayan 2. Dapat basahin ang Florante at Laura dahil ____________. A. maganda sa pandinig B. makasaysayan sa Pilipinas C. madamdamin ang nilalaman D. malaki ang ambag sa ekonomiya
  • 4. 3. Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at Laura dahil ito ay _____________. A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop 4.Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante at Laura dahil ______________. A. mabuti siyang bayani B. naisulat niya ito sa papel C. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko D. inihalimbawang kadakilaan ng Pilipino 5. Pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________. A. paborito ng kabataan B. makasaysayan ang kuwento C. taluktok ng panulaang Pilipino D. simula ng panitikan sa Pilipinas 6. Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang lagay ng lipunan ay _______________. A. naaapi ang mahihirap B. kawawa ang nakaaangat C. namunini ang mahihirap D. sunod-sunoran ang mayayaman
  • 5. 7. Naisulat ang Florante at Laura ni Kiko dahil kay_______________. A. Mariluz Anne Rivera C. Maria Asuncion Rivera B. Maria Annaliza Ramos D. Magdalena Ana Ramos 8. Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _______________. A. galit C. paghihiganti B. pananalig D. pagmamahal 9. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan, nagdulot ito sa kasalukuyan ng _______________. A. kahirapan C. pagsalamin B. kasamaan D. pagbalikwas 10. Ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at Laura sa nakabasa ay _______________. A. pagsunod sa pamunuan B. pagpumiglas sa mahihirap C. pagsang-ayon sa kamalian D. pagkagalit sa mga Espanyol
  • 6. Balik-aral BALIKAN Sa nakaraang markahan, tinalakay ang mga panitikan sa makabagong panahon o mga kontemporaryong babasahin. Iyo munang balikan ang mahahalagang nilalaman ng ikatlong markahan. Panuto: Dugtungan ang mga parirala sa ibaba upang mabuo ang katuturan ng sumusunod na kontemporaryong panitikan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. A. Tatangkilikin ko ang mga popular na babasahin dahil ____________. B. Makikinig ako ng mga dulang panradyo sapagkat ____________. C. Manonood ako ng mga pelikulang Pilipino upang ____________.
  • 7. Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura PAGLALAHAD / PRESENTASYON
  • 8. “Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro historico’ o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog” o kilala ng nakararami sa sikat na pinaikling pamagat, ang Florante at Laura. Ito ay hitik sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan, at mga aral sa buhay. Ang akdang Florante at Laura ni Balagtas ay magpapakita na siya ay may kamalayang panlipunan. Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap sa kaniyang lipunan. Bagamat hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga sistemang tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang akda ay nakaimpluwensiya sa ibang manunulat. Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini, ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura. Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa sa Noli Me Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
  • 9. Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas Y dela Cruz
  • 10. Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kaniyang asawa ay si Juana Tiambeng na taga-Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak. Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-anak, upang makapag-aral. Sa kabila nito, mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ng mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kaniyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay inihambing niya sa musika. Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kaniyang bayan ngunit ‘di niya ito lubos na maunawaan. Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan de Letran, naging guro niya sa Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teknolohiya at Pilosopiya.
  • 11. Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong siya ay magbinata na. Nananaludtod na ng mga tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya nakilala ang unang nagpatibok sa kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos. Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at pagsasaayos ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na makata sa Tondo. At ‘di kalaunan, nahigitan ito ni Francisco sa larangan ng panulaan. Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay kay Maria Asuncion Rivera o mas kilala sa tawag na Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko at Celia ang nagbigay ng gulo sa kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang walang kasalanan at katarungan ng kaniyang karibal na Espanyol na si Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan sa bayan noong panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kaniyang kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang tula na “Florante at Laura”. Ito ang kaniyang obra maestra, na nagsisiwalat sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kaniyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, sa paggalang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.
  • 12. A. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban, Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman. Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, ‘Di matatapos itong gulo. (Bahagi ng awit na “Tatsulok”) B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis, Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos Ang puso kong ito Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko, Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo Nang dahil sa pag-ibig… (Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)
  • 13. Pag-unawa sa Binasa 1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok? 2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at sila ang nasa tuktok”? 3. Paano sumasalamin ang awit A sa kasalukuyang panahon? 4. Sa awit B, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig? 5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig?
  • 14. Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga) Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, bigyang hinuha ang kahalagahan ng pagaaral ng Florante at Laura batay sa ipababasa sa kasama sa bahay o sinomang makatutulong upang mapakinggan ang pahiwatig. Kopyahin at gawin sa hiwalay na papel. Ipabasa: Noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura. May dala kaya siyang kopya? Kung mayroon, bakit? Katulad kaya siya ni Rizal na hindi maiwan ang kopya ng Florante at Laura saan man siya magpunta? Kung wala naman siyang kopya, ano ibig sabihin nito? (magkaroon lamang ng repleksyon sa mga tanong)
  • 15. Mahalagang pag -aralan ang Florante at Laura dahil… Pag -aaralan ko ang Florante at Laura upang … Dapat kong unawain ang Florante at Laura dahil… Dapat kong isapuso ang Florante at Laura dahil… FLORANTE AT LAURA
  • 16. PAGLALAPAT AT PAGLALAHAT Panuto: Bumuo ng tatlong (3) hashtag (#) upang maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura. Halimbawa: #DakilangAkda #FloranteAtLaura #TaluktokNgPanulaangTagalog
  • 17. PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat ito ay maituturing na walang kamatayan. Ito ay _________________. A. walang namamatay na tauhan B. nilikha ng taong walang kamatayan C. buhay dahil buhay pa ang may-akda D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon 2. Binabasa ng mga Pilipino ang Florante at Laura magpasahanggang ngayon sapagkat ______________. A. narito ang lahat ng katotohanan B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas
  • 18. 3. Ang akdang Florante at Laura ay mahalaga kaugnay sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ay ______________. A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop 4. Mahihinuhang mahalaga ang Florante at Laura kay Apolinario Mabini dahil ______________. A. saulado niya ito C. ipinagbibili niya ito B. mabuti siyang bayani D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko 5. Ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________. A. pinakabasahing kuwento B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
  • 19. 6. Ang lagay o antas ng lipunan ng mahihirap sa panahong naisulat ang Florante at Laura ay _______________ ng mayayaman. A. mas angat sa lahat ng larangan B. kapantay na kapantay ang antas C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon D aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap 7. Isinulat ni Kiko ang kaniyang walang kamatayang akda dahil sa pagmamahal kay_______________. A. Juaning Asuncion C. Maria Asuncion Rivera B. Juana Tiambeng D. Magdalena Ana Ramos 8. Itinago ni Francisco ang tunay na kahulugan ng kaniyang isinulat na akda kaugnay sa kalagayan ng Pilipinas upang _______________. A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon
  • 20. 9. Noong maisulat ang akda ni Francisco, nagdulot ito ng epekto sa mga Pilipinong nakabasa nito sa pamamagitan ng _____________. A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman 10. Sa kasalukuyan, sa pagsusuri ng akdang Florante at Laura matapos itong maisulat daang taon na ang nakaraan, masasabing ito ay _______________. A. kakaiba sa kasalukuyan B. nagbago na sa kasalukuyan C. hindi na makikita sa kasalukuyan D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
  • 21. Kasunduan Panuto: Talakayin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Kiko ayon sa yugto ng kaniyang buhay upang maipakita ang kaligirang kasaysayan nito. Gawin ito sa hiwalay na papel. Yugto ng Buhay Mahalagang Pangyayari sa Buhay ni Balagtas 1. Pagkabata ni Kiko Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788. Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya Trinidad, isang mayaman at malayong kamag- anak, upang makapag-aral. 2. Kaniyang Pag-aaral 3. Natutong Sumulat at Bumigkas ng Tula 4. Buhay Pag-ibig 5. Kamatayan