3. •Nang araw na iyon ay dumating si Ibarra sa
bahay ni Kapitan Tiyago upang dalawin si
Maria Clara. Masaya niyang ibinalita sa
Kapitan na tinanggal na ang kanyang
pagiging ekscomulgado at ipinabasa ang
sulat kay Tiya Isabel. Tuwang-tuwa naman
ang tiya sapagkat magiliw siya kay Ibarra.
4. •Pumunta si Ibarra sa balkon ngunit nabigla sa
nakita. Magkasama noon sina Maria Clara at
si Linares na nasa gawing paanan nito at
nag-aayos ng mga bulaklak.
5. •Nagulat si Linares samantalang si Maria Clara
naman ay namutla. Sinikap mang tumayo ng
dalaga ngunit ito ay hindi pa lubos na
magaling. Sinabi rin ni Ibarra ang dahilan ng
kanyang pagdalaw.
6. •Makikita sa mukha ni Maria Clara ang
pagkalungkot at dahil dito ay nagpaalam
kaagad si Ibarra na sinabing dadalaw muli
kinabukasan. May kaguluhan ang isip at
damdamin ng umalis na si Ibarra.
7. •Habang naglalakad ay napadaan si Ibarra sa
ipinapagawang paaralan. Sinabi niya sa lahat
lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat
ipangamba dahil siya ay tanggap na muli ng
simbahan.
8. •Ang sabi ni Nol Juan ay hindi naman daw
mahalaga para sa kanila ang pagiging
ekscomulgado ni Ibarra dahil lahat naman
daw sila ay mga ekscomulgado rin.
9. •Nakita ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng
bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ni
Elias na may nais itong ipaalam sa kanya.
Dahil dito’y inutusan ni Ibarra si Nol Juan na
ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero.
10. •Si Elias naman ay nagmungkahi na
mamangka sila ni Ibarra sa lawa para mapag-
usapan ang isang napakahalagang bagay.
Sumang-ayon naman dito ang binata.
11. •Maya-maya pa’y dumating na si Nol Juan
dala ang listahan ngunit hindi nakalista doon
ang pangalan ni Elias.
12. SAGUTIN!
1. Nang araw na iyon ay dumating si Ibarra sa bahay ni Maria Clara
upang dalawin si Kapitan Tiyago Tama o Mali?
2. Pumunta si Ibarra sa kusina ngunit nabigla sa nakita. Tama o Mali?
3. Nagulat si Maria Clara samantalang si Linares naman ay namutla.
Tama o Mali?
4. Habang naglalakad, saan napadaan si Ibarra?
5. Sino ang wala sa listahan ng mga obrero?