2. TALASALITAAN
• Di matatamong-pala – kailanma’y hindi maaabot
• Magtakipsilim – bago ang gabi, malapit na ang
gabi
• Napahinuhod – napapayag o napasang-ayon
• Pandarambong – panggugulo
3. • Wari’y hindi nasisiyahan si Ibarra nang lumulan sa
bangka ni Elias kaya kaagad na humingi ito ng
paumanhin sa pagkagambala niya sa binata. Ayon
kay Ibarra ay nakasalubong niya ang alperes at
gusto siya nitong makausap. Nag-aalala siya na
baka makita si Elias kaya ito’y nagdahilan na
lamang. Naalala rin niya ang pangako na dalawin si
Maria Clara.
4. • Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi na sa
binata ang kanyang pakay. Ayon sa kanya’y siya ang sugo
ng mga sawimpalad. Bagama’t ipinaliwanag ni Elias ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Kapitan Pablo)
na hindi niya binanggit ang pangalan, sinubukan pa rin
niyang sabihin ang mga kahilingan ng mga sawimpalad na
humihingi ng pagbabago sa pamahalaan tulad ng
paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga
tao, at pagbawas ng kapangyarihan sa mga guwardiya
sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa
karapatang pangtao.
5. •Handa man si Ibarra na gamitin ang pera
para humingi ng tulong sa mga kaibigan niya
sa Madrid at pati sa Kapitan Heneral ay iniisip
niya na sa halip makabuti ay baka lalong
makasama ang kanilang balak.
6. •Ayon kay Ibarra, ang pagbawas ng
kapangyarihan ng sibil ay makasasama dahil
baka malagay naman sa panganib ang mga
tao.
7. •Dagdag pa niya, para magamot ang sakit ay
kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi
ang sintomas lang dahil kapag malala na ang
sakit, kung kailangan ang dahas para ito ay
masugpo ay kailangang ilapat ang panlunas
kahit na mahapdi.
8. •Nagdebate sina Elias at Ibarra tungkol sa
buting nagawa ng simbahan at ang sanhi ng
panunulisan ng mga tao.
9. •Bagaman kapwa mahal ng dalawa ang bayan,
sa bandang huli ay hindi napapayag ni Elias
si Ibarra sa kaniyang pakiusap kaya sinabi
nitong sasabihin niya sa mga sawimpalad na
umasa na lang sa Diyos.
10. SAGUTIN!
1. Kaninong Bangka sumakay si Ibarra?
2. Pumayag si Ibarra sa pakiusap ni Elias. Oo o Hindi?
3. Saan o kanino na lang daw aasa ang mga sawimpalad?
4. Ayon kay Elias, ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil
ay makasasama dahil baka malagay naman sa panganib
ang mga tao. Tama o Mali?
5. Ayon sa kanya’y siya ang sugo ng mga sawimpalad.