4. Simoun – Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at
tagapayong Kapitan Heneral.
Padre Salvi – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iganagalang
ng iba pa niyang kasamahang prayle.
Padre Florentino – Isang mabuti at kagalang-galang na paring pilipino.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila.
Donya Victorina – nagpapanggap na Europeana ngunit isa namang
Pilipina.
Ben Zayb – Isang mamahayag, mababa ang tingin niya kay Padre
Camorra.
5. Padre Sibyla– Isang matikas at matalinong paring dominikano. Siya ang
vice-rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng
panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mag
aaral.
Padre Camorra – Paring mukhang artilyero at batang pransiskano na
mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb. Walang galang sa mga
kababaihan lalo na sa magagandang dilag. paring Pransiskano na
pinakikinggan at iganagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle.
Ka[itan ng Bayor – ang nagkwento tungkol sa alamat ng Malapad na
Bato.
6. BUOD:
Ang mga karakter ay pinag-uusapan ang mga alamat sa Pasig, ang
mga ito'y ang Malapad-na-Bato, sa yungib ni Donya Geronima at ang
kababalaghan ni San Nicolas. Natigil sila nang makapasok na sila sa
lawa kung saan napaka gaganda ng mga tanawin. Nagtanong si Ben-
Zayb sa Kapitan kung saan napatay ang taong nagngangalang
Guevara, Navarra o Ibarra? Lahat ay napatingin sa kapitan, at dahil
dito ikinuwento ito ng kapitan sa kanila ngunit si Simoun ay ang nag-
iisang ibinaling ang muka na tila'y may hinahanap sa dalampasigan.
Natapos ang kabanatang ito sa tanong si Ben-Zayb kay Simoun kung
siya ay ayos lang at sa pagsasabi ng kapitan tungkol sa lawa na ito'y
mas malaki sa alinman sa mga lawa sa Switzerland at mas malaki pa
kahit pagpisanin ang lahat ng lawa sa Espanya.
9. Kabesang Tales (Tales) – Ang dating magsasaka na naging Kabesa de
Barangay, siya ang pangunahing karakter sa kabanatang ito.
Tandang Selo – Ang matandang ama ni Tales na nakilala rin natin sa
“Noli Me Tangere” bilang tagapag-alaga kay Basilio.
Juli (Juliana) – Ang natatanging anak na babae ni Tales na naging
nobya ni Basilio.
Tano (Antonio) – Anak ni Tales at kapatid ni Juli, hindi siya gaano
nabanggit sa kabanatang ito.
Basilio – Ang dating alagang bata ni Tandang Selo at ngayo’y
kasintahan ni Juli.
10. Mga Prayle – Sila ang naging dahilan ng mga suliranin ni Tales dahil
sa kanilang pang-aabuso sa kanyang lupa.
Mga Tulisan – Sila ang nagkidnap kay Kabesang Tales at hiningan
siya ng pantubos.
Hermana Penchang – Ang maybahay kung saan nagtrabaho si Juli
upang mabayaran ang pantubos para sa kanyang ama.
11. BUOD:
Matanda na si Tandang Selo, ang tumulong kay Basilio noong siya
ay bata pa. Ang kanyang anak na si Kabesang Tales ay naging Kabesa
de Barangay na may tatlong anak na sina Lucia, Tano, at Juli.
Namatay sina Lucia at ang asawa ni Tales dahil sa malaria, kaya sina
Tano at Juli na lamang ang natira sa kanila. Dahil sa sipag at tiyaga,
yumaman sina Kabesang Tales. Nakipagsosyo siya sa mga
namumuhunan sa bukid at nagsimula ng tubuhan sa isang lupa sa
gubat. Nang malaman niyang walang may-ari ang lupa, ipinagpatuloy
niya ang kanyang negosyo. Balak din niyang pag-aralin si Juli sa
kolehiyo upang makasabay siya kay Basilio, ang kasintahan nito.
Subalit nang umunlad ang bukid, inangkin ito ng mga prayle at
pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales. Tinaasan pa ng mga pari ang
12. buwis hanggang sa hindi na kaya ni Tales. Nakipag-asunto siya sa
mga prayle at ipinaglaban ang kanyang karapatan sa korte, ngunit
natalo siya dahil sa impluwensya ng mga prayle sa gobyerno. Nang
hindi na makabayad ng buwis, ipinagpatuloy ni Kabesang Tales ang
paglaban sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanyang lupa. Dinala
niya ang kanyang baril, itak, at sa huli, palakol, na kinumpiska ng
mga prayle. Sa bandang huli, dinakip siya ng mga tulisan dahil may
pera siya at nagbayad ng abogado para sa kaso niya. Hiningan siya ng
500 na pantubos. Para mabayaran ang pantubos, ibinenta ni Juli ang
kanyang alahas maliban sa regalo ng kanyang nobyo. Nang kulangin
ang pera, nagtrabaho si Juli bilang katulong sa bahay ni Hermana
Penchang. Dahil dito, hindi na siya nakapag-aral.
13.
14. • Ang pang-aapi ng mga prayle sa mga katutubong Pilipino sa pamamagitan
ng pang-aangkin ng lupa na hindi naman talaga sa kanila.
• Ang kahiligan ng mga Pilipino sa alamat.
• Pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan.
• Hindi pagpapahalaga sa karapatan ng mga mahihirap.
• Epekto ng kahirapan at pang-aabuso sa edukasyon.
• Kahalagahan ng sipag at tiyaga
• Pagsasakripisyo para sa Pamilya