3. •Si Padre Damaso ay nagsimulang
magsermon sa wikang Tagalog at Kastila
mula sa isang sipi sa Bibliya.
4. •Ang kabuuan ng kanyang sermon ay
tumatalakay sa kanyang pagpupuri sa mga
banal na santo ng simbahan, ang pagtulad
kay Haring David, ang mapagwaging si
Gideon, at si Roldan na isang tapat na
mananampalataya.
5. • Ngunit higit sa lahat, kasama sa kanyang sermon
ang panlilibak ng pari sa mga Pilipino na binigkas
niya sa wikang Kastila kaya walang kamalay-malay
ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga
sinasabi. Nagpatusada din si Padre Damso sa mga
taong hindi niya gusto para ipahiya ang mga ito sa
karamihan.
6. •Dahil marami sa mga naroon ay walang
naiintindihan sa pinagsasasabi ng pari, hindi
na nila napigilang antukin at maghikab,
kabilang sa mga ito si Kapitan Tiyago.
7. •Palihim namang nagsusulyapan sina Maria at
Ibarra na kapwa ang mga mata’y
nangungusap. Sa wakas ay sinimulan na rin
ni Padre Damaso ang kanyang sermon sa
wikang Tagalog.
8. •Dito’y walang pakundangan nyang tinuligsa
si Ibarra. Bagaman hindi niya pinangalanan
kung sino ang kanyang tinutukoy ay halata
namang si Ibarra ang kanyang pinatatamaan.
9. •Hindi natuwa si Padre Salvi sa mga
nagaganap kaya nagpakuliling na ito, hudyat
para tapusin na ng pari ang kanyang sermon.
10. •Tila walang narinig si Padre Damaso kaya
nagpatuloy lamang ito sa kanyang walang
kwentang sermon na umabot pa ng
kalahating oras.
11. •Samantala, sa loob ng simbahan ay palihim
na nakalapit si Elias kay Ibarra at binalaan ito
na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na
ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong
ikamatay.
13. SAGUTIN!
1. Anong wika ang ginamit ni Padre Damaso sa
pagsesermon?
2. Sino ang nilibak ni Padre Damaso sa kanyang sermon
gamit ang wikang Kastila?
3. Sino ang tinuligsa ni Padre Damaso sa kanyang sermon
gamit ang wikang Tagalog?
4. Sino ang hindi natuwa sa sermon ni Padre Damaso?
5. Ilang oras umabot ang sermon ni Padre Damaso?