2. TALASALITAAN
•Ekskomulgado – ang kalagayan kung saan
itinitiwalag o itinatakwil mula sa relihiyon
•Nababalisa – hindi mapalagay
•Sagabal – hadlang
3. •Nakatanggap ng liham mula kay Donya
Victorina si Linares na nakapagpabalisa dito.
Alam nito na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangan niyang hamunin ang alperes
ngunit sino naman kaya ang papayag na
maging padrino niya, ang kura kaya o si
Kapitan Tiyago?
4. •Siya ngayo’y sising-sisi sa paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis kasi siyang
nagpatianod sa kapritso ni Donya Victorina.
5. •Dumating si Padre Salvi sa bahay nina
Kapitan Tiyago at ito ay nagmano. Masaya
nitong ibinalita ang tungkol sa sulat na
padala ng arsobispo tungkol sa pag-alis ng
ekskomunyon kay Ibarra kasabay ng kanyang
pagpuri sa binata na ito’y kalugod-lugod
ngunit may kaunting kapusukan.
6. •Dagdag pa nito, si Padre Damaso na lamang
ang sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra
ngunit kung si Maria Clara ang kakausap dito
ay hindi makatatanggi ang pari. Narinig ni
Maria Clara ang pag-uusap na ito at
nagtungo siya sa silid kasama si Victoria.
7. •Maya-maya’y dumating si Ibarra kasama si
Tiya Isabel habang nag-uusap sina Padre
Salvi at Kapitan Tiyago. Binati niya ang
Kapitan samantalang yumukod naman kay
Linares.
8. •Buong lugod naman na kumamay si Padre
Salvi kay Ibarra at sinabing katatapos pa
lamang niyang papurihan ito. Nagpasalamat
naman ang binata sa mga narinig.
9. •Ilang sandali pa’y lumapit ito kay Sinang
upang itanong kung galit sa kanya si Maria
Clara. Ayon kay Sinang ay ipinasasabi raw ni
Maria na limutin na lamang siya nito ngunit
nais ni Ibarra na makausap ng sarilinan ang
kasintahan.
•Di nagtagal ay umalis na rin si Ibarra.
10. SAGUTIN!
1. Kailangang hamunin ng suntukan ni Linares a g alperes. Tama o
Mali?
2. Sino ang nagpatianod sa kapritso ni Donya Victorina?
3. Buong lugod naman na kumamay si Padre Sibyla kay Ibarra at
sinabing katatapos pa lamang niyang papurihan ito. Tama o Mali?
4. Sino ang nilapitan ni Ibarra upang itanong kung galit sa kanya si
Maria Clara?
5. Hindi na ekskomulgado si Ibarra. Tama o Mali?