2. TALASALITAAN
• Kuwartel – gusali kung saan
nakatira ang mga sundalo
• Kura – pari na namumuno sa
isang simbahan
• Kusing – halagang kalahati
lamang ng isang sentimo
• Nadakip – nahuli
• Nagsumamo – nagmakaawa
• Onsa – yunit ng timbang o
bigat
• Pananambitan –
Pagluluksa, pananaghoy,
pananangis
• Pilas – punit
• Sikdo – kutob
• Sinakmal – kinagat nang
bigla
3. •Kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang
bahay matapos mapakinggan ang mga sinabi
ng kusinero.
4. •Hindi mawaglit sa isipan ni Sisa ang maaring
pagdampot ng mga gwardiya sibil sa
kanyang mga anak dahil sa bintang na
pagnanakaw ng salapi.
5. •Nakita ni Sisa na papalayo na ang mga
gwardiya sibil sa kanilang bahay at hindi nito
kasama ang kanyang mga anak, bagay na
nakapagpagaan sa loob ng ina.
6. •Ngunit ng magpang-abot sila ng gwardiya
sibil sa daan ay pilit siyang pinaamin na
ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng mga
anak.
7. •Nagmakaawa si Sisa ngunit tila bingi ang
mga ito sa pakiusap niya. Sa halip ay
kinalakkad siya ng mga gwardiya sibil
papuntang kwartel.
8. •Habang kinakaladkad ay hiyang-hiya si Sisa
sa harap ng taong-bayan na sakto namang
katatapos lang ng misa at ang mga ito ay
kasalukuyang lumalabas ng simbahan.
9. •Napatigil ang lahat sa eksenang nagaganap
samantalang si Sisa ay walang magawa kundi
umiyak at panghinaan ng loob.
10. •Inihagis siya ng mga ito pagdating sa kwartel
at nagsumiksik na lamang ang naghihinagpis
na ina sa isang sulok.
11. •Walang nais makinig sa pagmamakaawa ni
Sisa. Tanghali na ng pakawalan siya ng
Alperes.
12. •Umuwi na si Sisa sa kanilang bahay at
hinanap ang dalawang anak. Wala kahit sa
bakuran ang anino o kahit tinig ng kanyang
mga anak.
13. •Pumasok muli sa bahay si Sisa ngunit ang
punit at duguang damit lamang ni Basilio
ang kanyang natagpuan.
14. •Nilamon ng pighati ang kanyang katinuan
dahil hindi matanggap ng ina ang kanyang
nasilayan.
15. •Nagpalaboy-laboy sa kalsada si Sisa habang
sinasabi ang pangalan ng kanyang mga anak
na sina Basilio at Crispin.