3. •Pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo
upang humingi ng payo tungkol sa paaralan
na nais niya pasimulan. Sa kabila ng pagiging
abala ng Pilosopo sa kanyang ginagawa ay
napansin pa rin naman niya ang binatang si
Ibarra kaya inanyayahan niya nito.
4. •Nabanggit ng Pilosopo na walang
makauunanawa sa ngayon ng kanyang
isinusulat dahil ang susunod na henerasyon
ang makakaunawa ng kanyang saloobin.
Dagdag pa niya, wala na raw piring sa mata
at mulat na sa nangyayari sa lipunan ang
mga susunod na salinlahi.
5. •Nabanggit naman ni Ibarra na kahit siya ay
dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya ang
palagay ng mga tao na siya ay dayuhan
lamang. Kaya naman kinakailangan niyang
humingi ng payo sa Pilosopo dahil sa ito’y
higit na kilala ng mga tao.
6. •Sinalungat naman ito ng Pilosopo at
iminungkahing sa mga kinikilalang tao sa
lipunan tulad ng kura dapat isangguni ni
Ibarra ang kanyang mga binabalak.
7. •Naniniwala si Ibarra na ang matuwid na
layunin ay hindi na kailangang balutan ng
baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ng
binata na sasang-ayunan siya ng pamahalaan
at ng mga tao sa bayan sapagkat ang
kanyang ninanais ay para sa kapakanan ng
nakararami.
8. • Hindi makumbinsi ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na
ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa
kakayahan ng pamahalaan. Lalo pa ng sabihin niya
sa binata na kung nais niyang matupad ang
kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna
siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang
walang mangyari sa kanyang mga balakin.
9. •Hindi naman ito matanggap ni Ibarra dahil
ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang
liberal na kanyang nakamulatan sa pag-aaral
sa Europa.
10. •Ayon sa Pilosopo, ang mga ganitong
prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa
simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat
pati ang buhay ng mga tao sa kanilang
nasasakupan.
11. • Ang kalagayan ni Ibarra ay inihalintulad niya sa
mga halaman kagaya sa rosas na yumuyuko rin sa
hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung
hindi ito ay mababali lamang, at sa puno ng
makopa na kailangan pa niyang tukuran upang
kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung
hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng
hangin.
12. •Ganito diumano si Ibarra sa kanyang mga
pananaw. Isa siyang punong itatanim sa
mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng
Europa – kailangan niya ng makakapitan at
masasandalan.
13. •Ang sabi pa ni Pilosopo Tasyo, hindi
kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan.
Ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na
punlo ay mas mainam kaysa salubungin ang
mga bala ng baril at tuluyan ng hindi
makabangon.
14. •Maraming tumatakbo sa isipan ni Ibarra.
Paano na lamang raw kung hindi lubos ang
pagtulong ng simbahan sa kanyang mga
balakin dahil sa ang karunungan ay kaagaw
ng simbahan sa pagpapayaman, at kung may
maiiwan ba siyang legasiya sa kanyang mga
binabalak para sa bayan.
15. •Bago pa man magpaalam si Ibarra ay
binigyan siya ng inspirasyon ng Pilosopo na
kung sakaling hindi man siya magtagumpay
ay may uusbong na pananim na siyang
magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan.
17. SAGUTIN!
1. Saan nag-aral si Ibarra?
2. Kanino humingi ng payo si Ibarra?
3. Sumang-ayon si Ibarra sa payo ng Pilosopo. Tama o
Mali?
4. Ang sabi pa ni Ibarra, hindi kaduwagan ang pagyuko sa
kapangyarihan. Tama o Mali?
5. Sa anong bulaklak inihalintulad ni Ibarra ang kanyang
kalagayan?