2. Estaylistika (Stylistics)
• literal na "mga kaestiluhan" o "mga
pang-estilo") ay isang sangay ng
linggwistika na may kinalaman sa
agham o pag-aaral ng literatura sa
pamamagitan ng pagsusuri sa
mismong teksto ng isang nasulat na
akda.
3. • Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa
teksto gamit ang mga sangay na linggwistika
tulad ng ponolohiya, morpolohiya atbp.
Maaring ipakita kung anong tipong istilo ang
naipapaloob sa pagsulat ng isang manunulat
at kung anong ideolohiya ang ipinapalabas
sa teksto.
4. • Madalas na ginagamit ang estaylistika sa
pagsusuri ng mga pampanitikang akda,
bagaman ginagamit din ito sa mga realista o
mga hindi kathang-isip na akda.
5. • Ang Ruso na si Roman Jakobson ang pormal na
nagpasimula ng pormalista o makatekstong
estaylistika. Ang sangay na ito ng estaylistika ay
nagpapalagay na ang pakahulugan o ibig
ipahiwatig ng isang teksto ay ganap na
maipapahiwatig ng teksto lamang. Sa madaling
sabi, hindi nito binibigyang halaga ang personal
na pagkaintindi ng mambabasa sa teksto. Sa
kabila nito at sa iba pang kritisismo sa ganitong
istilo ng estaylistika, ipinasimula ni Jakobson ang
pormal na pag-aaral ng literatura sa paggamit ng
mga opisyal na sangay ng linggwistika.
6. Ang mga sumunod na uri ng estaylistika ay
nagsilbing hamon sa naunang ideya ni Jakobson
na ang teknikal na aspeto ng teksto lamang ang
nararapat na bigyang-suri sa pag-aaral ng
estaylistika. Kabilang dito ang functionalist na
paggamit sa estaylistika ni Michael Halliday na
ipinapahiyag na ang statistikal na pagsusuri sa
teksto, tulad ng pagbibilang ng bilang ng pang-uri
o pang-abay, ay nagpapahiwatig ng mainam na
pagpapahalaga sa teksto.
7. • Ang apektibong estaylistika naman ay
nagbibigay-halaga sa katayuan ng mambabasa
sa isang teksto. Pinaninindigan nito na ang
kahulugan ng isang teksto ay nakasalalay sa
pagpapakahulugan dito na isang mambabasa.
Isang kahinaan ng ganitong estaylistika ay ang
pagkakaibaiba ng interpretasyon ng mga
mambabasa sa isang teksto na nagbubunga ng
kahirapan sa pag-iisa ng pakahulugan ng isang
teksto.
8. Sa kalaunan ay nagkaroon na rin ng gamit ang
estaylistika sa pagtuturo, sa larangan ng
pragmatika at pati na rin sa gamit ng
feminismo. Napapaloob sa mga nasabing turo
sa estaylistika na ang bawat teksto, lalo na ang
mga literaryong uri, ay napapalooban ng
ideolohiya, mga representasyon ng lipunan,
pagkatao at mga nosyon ng subersibong pag-
iisip.
9. Sa pamamagitan ng pagsusuri at paggamit ng
mga halimbawa mula sa teksto, maipapakita
kung anong klase ng ideolohiya o
pagpapahalaga ang ipanapahiwatig ng isang
teksto.
10. Isang epektibong panuri ng teksto ang
estaylistika. Nagbibigay ito ng iba’t ibang
perspektibo kung paano maipapakita o
mahihinuha ang kahulugan ng isang
pampanitikang akda.