Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Ano ano nga ba ang mga bansang nakapaloob dito?
PowerPoint Presentation by:
Althea Marcelo
Naomi Arwen
School of :San Mateo National HS, San Mateo Rizal
Ano ano nga ba ang mga bansang nakapaloob dito?
PowerPoint Presentation by:
Althea Marcelo
Naomi Arwen
School of :San Mateo National HS, San Mateo Rizal
AP 7 Lesson no. 33-A: Mga Ideolohiya na Lumaganap sa PilipinasJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Ideolohiyang lumaganap sa Pilipinas. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang ideolohiyang lumaganap sa Pilipinas.
Credits To Karisa Tolentino on this report
https://prezi.com/ffcnii_pylbk/cold-war-at-sanhi-ng-pagkakaroon-nito/ and also wikipedia websites about the presidents and other details
Enjoy learning about Ideology and it's categories! (Includes Main Types of Ideologies,Cold War and it's good & bad effects, Neocolonialism,Ways and Types of Neocolonialism and Effects of Neocolonialism)
2. COLD WAR
•Digmaan ng nagtutunggaliang
ideolohiya ng dalawang
pinakamakapangyarihang bansa o
superpower.
- United States ( U. S. ) bilang modelo
ng Kapitalismo at Union Soviet of
Socialist Republic ( U.S.S.R. )na nakabatay
3. COLD WAR
•Napanatili ang balance of power o balanse ng
kapangyarihan sa daigdig
•Tinawag na bipolar world o daigdig na may
dalawang magkaibang panig
•Naging patakaran ng U.S. at U.S.S.R. Na
manghimasok sa pamamalakad ng mga
bansang tinaguriang third world
5. THIRD WORLD COUNTRIES
• Ito ay orihinal na tumutukoy sa mga bansang hindi
yumakap sa kapitalismo ( mga bansang
industriyalisado sa First World ) o Komunismo ( mga
bansang industriyalisado sa second world ) subalit sa
kasalukuyan. Iba’t ibang ideolohiya ang niyakap ng
mga bansang Third World.
• Sa ngayon tumutukoy ito sa mga bansang mahihirap,
baon sa pagkakautang, at karaniwang dating kolonya
gaya ng Somalia, Ethiopia, ( Africa ) Vietnam, Laos,
Pilipinas ( Asya) at iba pa.
6. DOMINO THEORY
• Pinaniniwalaang kapag may isang bansang komunista sa
rehiyon, hindi maglalaon ay maiimpluwensiyahan din ng
ideolohiyang taglay nito ang iba pang kalapit na bansa
–Nahati ang Germany ( West Germany ay yumakap sa
kapitalismo at nakaalyado ng U. S. samantala tinanggap
naman ng East Germany ang komunismo at kakampi ng
USSR
BERLIN WALL – naghati o nagsilbing hangganan ng West
Germany at East Germany
7. DOMINO THEORY
–Nahati ang China ( Taiwan na dating Formosa ay yumakap
sa kapitalismo kung saan nanirahan ang mga Nasyonalista
sa pamumuno ni Chiang Kai Shek samantala sa mainland
China nanalo naman ang mga komunista sa pamumuno ni
Mao Zedong at kakampi ng USSR noong 1949
– niyakap din ng North Korea at Vietnam ang komunismo
samantalang Demokrasya ang South Korea at Vietnam
9. NORTH ATLANTIC TREATY
ORGANIZATION (NATO)
• Binuo ng US at kaalyado nito noong 1949
WARSAW PACT
• Binuo ng USSR at kaalyado nito noong 1955
ALYANSANG PANGMILITAR
10. IRON CURTAIN
• Tawag ni Churchill sa pagkakahating ideolohikal sa
Europe
• Tumutukoy sa pampolitika, pangmilitar na at
ideolohikal na balakid sa pagitan ng kanlurang Europe
at silangang Europe na nagresulta ng paghinto ng
ugnayan nila sa iba’t ibang larangan tulad ng
pakikipagkalakalan, paglalakbay, telekomunikasyon
atbp.
11. MGA ANYO NG COLD WAR
• Proxy War – kung saan sa halip na ang dalawang superpower ang tuwirang
magkatunggali ay pinangunahan ito ng kanilang mga satellite, client state o yaong
mga kontrolado at kaalyadong bansa.
• Space Race ng US at USSR – paglulunsad ng mga eksplorasyon sa kalawakan
1. Yuri Gagarin – Russian cosmonaut, unang taong nakaikot sa daigdig noong 1961
2. Sputnik I – kauna-unahang space satellite na inilunsad ng USSR noong 1957
3. Explorer I – space satellite na inilunsad ng US noong 1958
4. National Aeronautics and Space Administration (NASA)- itinatag ng US upang higit na
mapag-aralan ang paggalugad sa kalawakan noong 1958
5. Neil Armstrong – American astronaut na unang taong nakapaglakad sa buwan
6. Edwin Aldrin – kasama ni Armstrong lulan ng Apollo 11.
12. • Pagpaparami ng Armas – nagparamihan ng produksyon ng armas ang superpowers
upang makalamang sa katunggali at bumuo ng imahe na makapangyarihan.
1. Paranoia – nangangahulugang hindi makatuwirang takot at pagsususpetsa sa iba.
2. Strategic Arms Limitations Talks I ( SALT I )1969-1972 – layuning mapahupa at
matigil ang lumalalang tunggalian sa pagpaparami ng armas nukleyar ng US at
USSR
3. Jimmy Carter – pangulo ng US na nagtangkang isulong ang SALT II subalit hindi
ito naging matagumpay dahil sa lumalalang ideolohikal at political na tunggalian
ng dalawang bansa
4. Non-Proliferation Treaty ( NPT ) – layunin nitong limitahan ang tuluyang pagkalat
ng armas nukleyar sa pamamagitan ng pagbawal sa mga bansa tulad ng US,
USSR, Great Britian, France, at China na palaganapin ang teknolohiyang ito sa iba
pang mga bansa
MGA ANYO NG COLD WAR
13. MGA ANYO NG COLD WAR
• Propaganda Warfare – ito ang kanilang ginagamit upang
maitaguyod ang ideolohiya at upang kasabay ring masiraan
ang reputasyon ng kalaban ( media ) tulad ng mga nobela,
pelikula, programa sa telebisyon, teatro, patalastas, at iba
pang porma ng panitikan o media
• Espionage – pag- eespiya ng magkabilang panig na lalong
nagpaigting sa Cold War dahil sa pagpapalitan ng akusasyon
ng US at USSR
14. YUGTO MATAPOS ANG COLD WAR
• 1989 – bumagsak ang Berlin Wall at napag-isa ang Germany
sa ilalim ng Demokrasya
• 1991 – tuluyang nabuwag ang USSR at sa kasalukuyan
tinawag na itong Russia
• Niyakap ni Mikhail Gorbachev ang pinuno ng USSR (
1985-1991 ) ang glasnost
• Glasnost – pagiging bukas na nangangahulugang
maaring malayang pag-usapan ang mga suliranin ng
bansa at may malayang pamamahayag.
15. 2008
•Nagdeklara ng kalayaan ang Kosovo mula sa
Serbia.tulad ng disintegrasyon ng Yugoslavia,
ang Czechoslovakia ay nahati at naging
dalawang bansa – ang Czech Republic at
Slovakia
•Pagtatapos ng bipolarity na ang ibig sabihin ay
nanaig ang US laban sa USSR kung saan
hinirang ang US na nag-iisang superpower sa
16. NEW WORLD ORDER
•Isinulong ni Pang. George Bush ng US
noong 1991 na tumutukoy sa isang
daigdig matapos ang Cold War kung
saan namamayani ang pandaigdigang
batas, katarungan, at kapayapaan batay
sa panuntunan ng US.